Mga Kaugnay Na Literatura

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA KAUGNAY NA LITERATURA (ARTICLES)

Tungkol sa kakayahang lumaganap at manatiling buhay ng isang kkk, malaki ang papel ng
pagkakasulat nito at sa paggamit nito ng mga literate cultures/civilization sa panahon ng
pananakop o imperialismo. Halimbawa, hanggang sa ngayon, malaganap pa rin ang pag-iral ng
tinatawag na Western thought, mga kaalamang nakalabas na mula sa kani-kanilang pook-
likhaan sa Kanluran. At dahil nakasulat at ginagamit sa pagpapalaganap ng pananampalataya,
ang Biblia at Koran bilang mga kkk na may tiyak na pooklikhaan, ay laganap sa maraming bahagi
ng mundo. Gayunman, sa kasalukuyang gamit ng terminong kkk sa mga babasahin, karaniwang
iniuugnay ito sa mga pangkat ng tao na tinatawag na indigenous peoples (IPs) o indigenous
cultural communities (ICCs). At karaniwan ding nililimita ang kkk sa kaalaman tungkol sa
kalikasan at sa pangangalaga nito (e.g., traditional ecological knowledge, ethno-ecology,
indigenous resource management). Kaugnay ng mga ito, may pagbanggit din sa indigenous
worldview, indigenous religion, indigenous law, indigenous cosmology, at indigenous
philosophy.
Ang “indigenous” sa 1987 Philippine Constitution at IPRA. Tumingkad at lumaganap ang gamit
ng katagang “indigenous” at “katutubo” at “lumad” mula sa mga probisyon ng 1987 Philippine
Constitution at IPRA na, sa kauna-unahang pagkakataon, ay naglalaman ng katagang
“indigenous.” Humigit kumulang ay may anim na probisyon tungkol rito:
- Sa Declaration of Principles and State Policies (Art. 11, sec 22), “(t)he State recognizes and
promotes the rights of indigenous cultural communities within the framework of national unity
and development.” - Sa Legislative Department [Art. V1, sec. 5(2)], kasama ang mga indigenous
cultural communities na dapat ihalal na party-list representatives.
- Sa National Economy and Patrimony (Art. X11, sec. 5), “the State…shall protect the rights of
indigenous cultural communities to their ancestral lands to ensure their economic, social, and
cultural well-being.
The Congress may provide for the applicability of customary laws governing property rights or
relations in determining the ownership and extent of ancestral domain.
- Sa Education, Science and Technology, Arts, Culture and Sports [Art. X1V, sec. 2(4)], the State
shall…encourage indigenous learning systems, among others.
- Sa sec. 10 ng parehong artikulo, the State “shall support indigenous, appropriate, and self-
reliant scientific and technological capabilities, and their application to the country’s productive
systems and national life.”
- At sa sec. 17, “(t)he State shall recognize, respect, and protect the rights of indigenous cultural
communities to preserve and develop their culture, traditions and institutions. It shall consider
these rights in the formation of national plans and policies.
Dapat pansinin na ang gamit ng indigenous, maliban sa sec. 2(4) at sec. 10, ay patungkol sa mga
indigenous cultural communities (ICCs). Ang indigenous learning systems (ILS) ay matutunton
natin sa inisyatiba ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) na
nagtaguyod ng pag-aaral nito para sa repormang pang-edukasyon (Soriano 1981, Bennagen
1985). Hindi nililimita ang ILS sa mga tinatawag ngayon na IPs/ICCs. Sa pananaw ng SEAMEO ay
may pambansang saklaw ang ILS lalo na sa tinutukan ang mga IPs/ICCs sa pagpapatupad ng
patakaran tungkol sa pagtataguyod ng ILS. Kaya noong 2011, pagkaraan ng mga konsultasyong
rehiyonal at pambansa sa mga kinauukulan, lalong-lalo na ang mga grupong katutubo, ang
Kagawaran ng Edukasyon ay naglabas ng National Indigenous Peoples Education Policy
Framework (DepED Order No. 62, series 2011) na siyang gumagabay sa mga gawaing pang-
edukasyon patungkol sa IPs.
Bennagen, Ponciano L. (1985b). Indigenous Learning System among the Kankanaey: A Pilot Case
Study. Innotech Journal 9(1):1-36.Google Scolar.com.Kinuha mula
sa.https://www.pssc.org.ph/wp-content/pssc-archives/Aghamtao/2015/2-1%20BENNAGEN.pdf
Naging batas naman noong 1997 ang Indigenous People’s Rights Act o IPRA (RA 9371).
Itinatakda ng batas na ito ang mga ancestral domain at pamamahagi ng certificates of ancestral
domain title (CADTs) sa mga IPs. Noong Hunyo 2015, 182 CADTs na ang naibigay ng National
Commission on Indigenous Peoples (NCIP) (TEBTEBBA 2016), ngunit kailangan pang pabilisin ang
pagpaparehistro ng mga lupa at ang paggawa ng Ancestral Domain Sustainable Development
and Protection Plan (ADSDPP) upang hindi mapasok ang mga lupa ng mga katutubo ng mga
negosyo at proyektong salungat sa interes ng mga katutubong pamayanan.
TEBTEBBA—Indigenous Peoples’ International Center for Policy Research and Education
(TEBTEBBA). 2016. Situation of Indigenous Peoples in the Philippines: Submission to the 59th
Session of the Committee on Economic, Social and Cultural Rights (CESCR). Speech delivered at
the Meeting with Partners at the 59th Session of the CESCR, Geneva. http://
www.tebtebba.org/index.php/content/383-situation-of-indigenous-peoples-in-the-philippines-
submission-to-the-59thsession-of-cescr, accessed 8 December 2017.Kinuha mula sa
https://www.jjcicsi.org.ph/wp-content/uploads/2018/04/IQF-Vol-V-No-1-Constitution-Social-
Justice-and-Human-Rights-Filipino.pdf

https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2016/04/DO_s2016_22.pdf
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL(THESIS)
Ang terminong "tribu"/"tribo" bilang isang kolonyal na konstruksyon ay nagbunga ng lubos na
pampulitika na pag-unawa sa mga pagkakaiba ng iba't ibang grupong etnolinggwistiko sa
Pilipinas. Ginamit ito kapwa ng mga kolonyalistang Espanyol at Amerikano upang lumikha ng
imahe ng kolonisado bilang isang magkakaibang grupo ng mga tao na hindi karapat-dapat na
maging isang bansa. Ginamit din ito sa kontemporaryong diskurso sa mga Pilipino bilang isang
apelasyon sa mga grupong etniko na na-marginalize at minoritize dahil sa kanilang pagtutol sa
homogenizing "political, social and cultural inroads of colonization" (Republic Act 8371). Habang
sinusuri ng pag-aaral ang mga nuances ng "tribo" habang sumasailalim ito sa proseso ng
textualization at reproduction mula sa kolonyal tungo sa post-kolonyal na konteksto, ito ay
naglalayong mag-ambag sa mga umuusbong na diskurso sa panitikang pambata habang ito ay
sumasalubong sa pulitika ng representasyon at etnisidad. Sa puntong ito, maaaring itanong:
Paano naiintindihan ng isang tao ang "tribo" sa kontemporaryong panitikan ng mga bata, kapwa
bilang isang kategoryang etniko na nabuo ng ating kolonyal na karanasan at bilang isang
diskurso na nakabuo ng ilang larawan ng "katutubo"? Nagawa na ba ang "kolonyal na imaging
at imahinasyon" upang ipagpatuloy ang umiiral na mga ideya ng "pisikal na paghihiwalay,"
"pagkaatrasado," "kababaan" at "kalupitan"? O na-redefine ba ang "tribo" upang magbigay ng
kontra-imahe at hamunin ang status quo? Sinusuri ng pag-aaral ang labinlimang (15) kwento
para sa mga bata na nagtatampok ng mga representasyon ng mga katutubong bata sa unang
dekada ng kasalukuyang siglo. Dalawang bagay ang isinasaalang-alang: textual at visual na
representasyon. Ang una ay nangangailangan ng mas malapitan na pagtingin sa kung paano ang
mga salaysay ay nagpapatibay o sumasalungat sa nangingibabaw na imaging ng tinatawag na
mga anak ng tribo. Sa kabilang banda, ang mga ilustrasyon bilang paratext ay itinuturing bilang
isang site ng mga transaksyon o kahit na mga tensyon sa pagitan ng mambabasa at ng may-
akda. Ang lahat ng ito ay itinuturing na mahalaga upang magbigay ng isang mas nuanced na
pagtingin sa mga kategorya ng etniko bilang isang embattled terrain, isang dynamic na
negosasyon sa pagitan ng "Self" at ang "Other".
(Rodriguez-Tatel, Mary Jane B.)Humanities Diliman, 2018, Vol 15, Isyu 1, p57. -
search.ebscohost.com.Kinuha mula sa https://openurl.ebsco.com/EPDB%3Agcd
%3A4%3A9423908/detailv2?sid=ebsco%3Aplink%3Ascholar&id=ebsco%3Agcd
%3A130585658&crl=c

You might also like