Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN

RASYUNALE

Sa kasalukuyang panahon, hindi maikakaila na ang pagkakaroon ng smartphone

ay nagiging mahalaga sa edukasyon. Ito ay isa sa mga makabagong teknolohiya na

nagbibigay daan sa social interaction ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo. Gamit

ang internet, maaari nang maka-access ang isang smartphone sa mga search engine

tulad nalang ng Google, kung saan mabilis nang makakuha ng impormasyon.

Gayundin, ang mga online meeting platforms tulad ng Messenger at Google Meet ay

ginagamit para sa edukasyon, lalo na sa panahon ng pandemya. Ngayon, ang mga

smartphones ay naging bahagi ng ating modernong pamumuhay (Akuratiya and

Meddage, 2024). Kaya, nagdulot ito ng pag-aalala tungkol sa kung paano ang

pagpapasok at pagsasama ng mga smartphones sa edukasyon ay maaaring magdulot

ng distraksyon sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Sa gitna ng mga pagbabago, ang Department of Education (DepEd) ay

nagpatupad ng iba’t ibang hakbang upang mapanatili ang edukasyon sa kabila ng mga

pagsubok. Ang “blended learning” ay isang pamamaraan na nagko-combine ng face-to-

face learning at online classes (Tuitional, 2023). Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng

balanse ang tradisyunal na klase at ang teknolohiya.

Ang akademikong pagganap ay binubuo ng iba’t ibang aspeto ng pagkatuto na

nagsusukat sa grade point average (GPA) ng mga mag-aaral (McCabe, 2024): tulad

nalang ng written works, maikli at markahang pagsusulit, at gawaing pampagkatuto. Sa

1
pamamagitan nito nasusukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa akademikong

larangan. Maaring makakuha sila ng academic excellence awards gaya nalang ng “with

honors”, “with high honors”, at “with highest honor” depende sa kanilang GPA Dahil dito,

maari itong makaapekto sa mga mag-aaral. Maari itong magbigay sa kanila ng

motibasyon na gawain ang kanilang husay sa paaralan o maari rin itong maging

presyon dahil sa mataas na kompetisyon na nagdudulot naman ng depresyon at stress

sa mag-aaral. Importante ang akademikong pagganap sa mga mag-aaral dahil ang

mataas na GPA ay maaring magbukas sa kanila nang maraming opportunidad gaya

nalang sa pagkuha ng mga scholarship at pagpasok sa mga prestihiyosong

unibersidad.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng blended learning sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa PHINMA – Cagayan de Oro College

SHS. Bilang bahagi ng new normal, ang blended learning ay naging pangunahing

paraan ng pagtuturo sa mga paaralan. Bagamat ito ay bago pa lamang, maaring

magkakaroon ng negatibo o positibong epekto ang blended learning sa mga ika-labing

isang baitang na mag-aaral sa PHINMA-COC. Maaring magkakaroon sila ng mahirap

na pag-aadaptar sa ganitong uri ng pag-aaral at ito pa ay makaapekto sa kanilang

akademikong pagganap. Maari din nila itong makapakinabangan sa kanilang benepisyo

dahil sa madaling access nito sa mga impormasyon at datos.

2
SULIRANIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masuri at malaman kung ang pag-implementa

ba ng blended learning ay nakakaimpluwensya sa akademikong pagganap ng mga ika-

labing isang baitang na mag-aaral sa PHINMA-COC sa kanilang mga asignatura.

Dito rin malalaman kung ang blended learning ay nakapagpapataas ba ng

interes at dedikasyon ng mga mag-aaral sa pag-aaral kumpara sa iba pang mga

pamamaraan ng pagtuturo.

At ang huling layunin ng mga mananaliksik ay masuri at matalakay kung ang

paggamit ba ng blended learning ay nakadudulot ng pagbabago sa paraan ng pagtuturo

at kung ito ba ay nagpapabuti sa kalidad ng edukasyon na ibinibigay sa mga mag-aaral

sa PHINMA-COC.

Nilalayon ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod:

1. Paano nakaapekto ang blended learning sa akademikong pagganap ng mga mag-

aaral?

2. Ano ang pagkakaiba ng blended learning sa interes at dedikasyon ng mga mag-aaral

sa kanilang pag-aaral?

3. Ano ang pagkakaiba sa kalidad ng edukasyon ng blended learning kaysa sa ibang

paraan ng pagtuturo?

3
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Makikinabang sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod:

Mag-aaral. Nakakatulong para sa mga mag-aaral na suriin kung paano maaaring

makaapekto ang blended learning sa kanilang akademikong pagganap.

Institusyon ng Paaralan. Nakakatulong ito sa institusyon at sa kanilang mga pinuno o

head na suriin kung paano nakakaapekto ang kanilang implementasyon ng blended

learning sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral, sa kanilang interes at

dedikasyon, at sa kalidad ng kanilang edukasyon. Ito ay nagbibigay-daan sa kanila na

masuri kung ang kanilang implementasyon ay nakakatulong ba o hindi.

Magulang. Nakakatulong ito sa mga magulang na maging mapanuri sa akademikong

aktibidad ng kanilang anak gamit ang teknolohiya sa blended learning. Ito ay

nagbibigay-daan sa kanila na malaman at magkaroon ng kamalayan kung ano at paano

gumagana ang blended learning at masuri kung ang kanilang anak ay nakakasabay ba

sa bagong implementasyon o hindi.

BATAYANG TEORITIKAL

Isang teorya na sumusuporta sa pananaliksik na ito ay ang Complex Adaptive

System na inilathala ni Holland (2014). Ayon kay Holland (2014), ang CAS ay binubuo

ng mga elemento, tinatawag na agents, na natututo o nag-aadapt sa mga interaksyon

sa iba’t ibang mga agents. Ang pangunahing kakayahan ng CAS ay ang pagpapanatili

4
ng balanse sa pagitan ng stability at turbulence, na sa kabilang banda, ay

nagpapanatiling dynamically stable ng mga systema, healthy, at innovative.

Isang batayang teoritikal na nakabatay sa CAS ay ang Complex Adaptive

Blended Learning System (CABLS) na inilathala nila Wang et al. (2015). Ito ay binubuo

ng anim na subsistema at ang kanilang mga relasyon: ang mag-aaral, ang guro, ang

teknolohiya, ang nilalaman, ang suporta sa pag-aaral, at ang institusyon. Ang anim na

subsistema ay nag-aaksyon sa kanilang sarili at sa isa’t isa sa isang dinamiko at non-

linear na paraan. Bawat subsistema ay may sariling mga subsistema, at ang lahat ay

nag-iinteraksyon sa isa’t isa upang maka-buo ng isang sistema ng blended learning.

Ang pagkakaroon ng CABLS bilang batayang teoritikal ay nagbibigay-daan sa

mga mananaliksik na suriin ang bawat subsistema na tumutulong sa pagbuo ng

blended learning bilang bagong paraan ng pagtuturo. Sa pamamagitan nito, ang mga

mag-aaral ay magkakaroon ng ideya at maunawaan kung paano nakatutulong ang

bawat subsistema ng CABLS sa kanilang pag-unlad at pagkakaroon ng kontrol at

independensiya sa kanilang eedukasyon.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa potensyal na epekto ng blended learning sa

mga ika-labing isang baitang na mag-aaral sa PHINMA-COC. Dahil dito, ito ay limitado

lamang sa mga nasabing mag-aaral sa PHINMA-COC kaya ang mga natuklasang

impormasyon at datos nito ay maaaring hindi direktang naaangkop sa ibang institusyon

ng paaralan kung saan ipinatupad din ang blended learning.

5
Bukod dito, ang layunin lamang ng pag-aaral ay suriin kung paano maaaring

makaapekto ang blended learning sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral at

hindi ito naglalayong tukuyin ang iba pang aspeto tulad nalang ng kalagayan nila sa

tahanan at personal na kalagayan nila.

PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA

Akademikong Pagganap. Ang akademikong pagganap ay tumutukoy sa

pangkalahatang kahusayan at kasanayan ng isang mag-aaral sa larangan ng

edukasyon. Ito ay maaaring sukatin gamit ang mga marka, pagsusulit, gawaing

pampagkatuto, at iba pang evaluasyon sa pag-aaral.

Blended Learning. Ang blended learning ay isang pagsasanib ng tradisyonal na

pagsasanay sa silid-aralan (face-to-face) at online na edukasyon. Sa operasyonal na

antas, ito ay maaaring mapakita sa pamamagitan ng pag-combine ng face-to-face na

pagtuturo at mga online na module.

Implementasyon. Ang implementasyon ay ang pagpapatupad o pagsasakatuparan ng

isang plano o programa. Ito ay ang proseso ng pagpapatupad ng mga hakbang o

aksyon upang maabot ang layunin ng isang konsepto o plano.

Institusyon ng Paaralan. Ang institusyon ng paaralan ay isang estruktura o

organisasyon na nagbibigay ng edukasyon sa mga mag-aaral. Sa operasyonal na

antas, ito ay maaaring ituring na paaralan, kolehiyo, o unibersidad na nagtataglay ng

mga sistema at proseso para sa edukasyon.

6
Online Meeting Platforms. Ang online meeting platforms ay mga digital na tool na

nagbibigay ng paraan para sa mga tao na magtagpo at makipag-ugnayan online. Sa

operasyonal na antas, ito ay maaaring tumukoy sa mga platform tulad ng Zoom,

Microsoft Teams, o Google Meet.

Sample Random Sampling. isang pamamaraan na nagbibigay ng pantay-pantay na

tsansa sa mga tao na maging bahagi ng sample. Isinasagawa sa pamamagitan ng

pagpili ng sample at pagkuha ng datos.

Search Engine. Ang search engine ay isang tool na gumagamit ng algorithm upang

hanapin at ipakita ang mga resulta ng pagsusuri batay sa input ng user. Ito ay maaaring

ituring na Google, Bing, o Yahoo na nagbibigay ng search services.

Social Interaction. Ang social interaction ay ang pag-uugma at pagsasangkot ng mga

tao sa komunikasyon at ugnayan sa kanilang lipunan. Sa operasyonal na antas, ito ay

maaaring makita sa mga personal na pakikipag-usap, interaksyon sa social media, o

anumang uri ng komunikasyon sa lipunan.

7
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay Mendoza (2022), ang mga pampubliko at pribadong paaralan ay hindi

nakaligtas sa pagkagambala dahil sa Covid-19. Nagtulungan ang mga school officials,

lider, mga guro, at iba pang stakeholders upang maidevelop ang plano at maaddress

ang mga kinakailangan ng mga estudyante sa pagkatuto at pati na rin ng mga

kinakailangan ng mga tagapagturo.

Habang ang mga guro ay nagbibigay ng blended learning sa mga mag-aaral sa

pamamagitan ng iba't ibang modalities at bumuo ng panibagong plano ay

kinakailangang masuri ang patakaran at mabago upang maging angkop sa

kinakailangan ng kasalukuyan at ng hinaharap sa pagtaas demand ng blended learning

(Mendoza, 2022). Ang Department of Education, Commisssion on Higher Education,

school officials, at tagapangasiwa ay dapat bigyan ng oras ang mga guro patungkol sa

kanilang pag-unawa at saluobin patungkol sa blended learning. Ang kanilang mga

saloobin tungkol sa blended learning modalities na kanilang naadap noong panahon ng

pandemya ay dapat isaalang-alang upang matiyak na maadress ang mga kinakailangan

at hamon upang maipagpatuloy ang paggamit ng blended learning.

Dahil sa patuloy na pagbabago ng sitwasyon sa mundo at ang hindi inaasahang

pangyayari sa ating kalikasan, dapat maging proaktibo ang mga guro sa pakikitungo ng

mga di-inaasahang sitwasyon na nangangailangan ng paglipat sa ibang paraan ng

pagtuturo at pag-aaral (Mendoza, 2022). Ang pagkakaroon ng iba't ibang mga virtual na

8
pamamaraan sa pagtuturo at pagpapalawak ng kaalaman sa blended learning ay

makakapaghanda nang mas maigi sa mga guro upang harapin ang mga pagbabago at

hinihingi ng pagtanggap ng bagong kasanayan at kaalaman.

Ang blended learning, isang kombinasyon ng online at face-to-face na pagtuturo,

ay isang innovative at mabilis na paraan ng edukasyon. Ipinakita nito ang potensyal na

mapabuti ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Gayunpaman, ang

pagpapatupad ng blended learning sa sistemang edukasyonal ng Pilipinas ay

nagdudulot ng mga matinding hamon. Isa sa mga pangunahing alalahanin ay ang

potensyal na hindi pagkakapantay-pantay o digital divide sa mga mahihirap na mag-

aaral na maaaring may limitadong access sa mga resources (Rivamonte, 2023). Ang

pagtitiyak ng pantay-pantay at oportunidad sa edukasyon ay naging isang mahalagang

aspeto ng mga diskusyon kaugnay ng blended learning.

Sa pag-aaral ni Rivamonte (2023), naiulat na patuloy na nagbibigay ang mga

guro sa lahat ng antas ng grado ng lahat ng kinakailangang sanggunian para sa

blended learning instruction, tiyak na nagbibigay ng access sa mga materyales na

kinakailangan ng mga mag-aaral. Bukod dito, aktibong ginagamit nila ang iba't ibang

paraan tulad ng chat at text para sa interaksyon, pagsasagawa ng komunikasyon at

pakikilahok sa pagitan ng mga guro at mag-aaral. Nakita rin nila na epektibong

pinamamahalaan ng mga guro ang distribusyon ang mga materyales sa pag-aaral, tiyak

na nagbibigay ng kinakailangang materyales sa mga mag-aaral sa tamang panahon.

Nagpapakita sila ng malakas na kakayahan sa pagtukoy ng mga layunin ng aralin sa

pamamagitan ng paggamit ng mga video, na nagbibigay sa mga mag-aaral na

9
magkaroon ng malinaw na pang-unawa sa mga layunin at mga gawain sa grupo na

nagpo-promote ng panlipunang pag-aaral at interaksyon.

Para sa mga mag-aaral, ang blended learning environment ay mas supportive at

flexible dahil ang bahagi ng pag-aaral ay hindi nakatali sa oras at lugar. Gayundin, ito

ay maaaring mapabuti ang confidence ng mga mag-aaral at magbigay sa kanila ng

pagkakataon na aktibong makilahok sa kanilang proseso ng pag-aaral (e.g.

Aidinopoulou & Sampson, 2017; Flores, 2018; Sergis et al., 2017). Ipinakita na ang

blended learning ay maaaring magbigay ng malaking pagpapabuti sa akademikong

tagumpay ng mga mag-aaral (Macaruso et al., 2020), motivasyon (Bhagat et al., 2016),

pananaw (Lin et al., 2017), at kakayahan (Wilkes et al., 2020). Ayon nina (Botths et al.,

2018) ay napatunayan na ang blended learning ay may positibong epekto sa mga mag-

aaral tulad nalang sa kanilang akademikong pagganap, pananaw, at learning

achievement. Gayunpaman, dapat tandaan na may ilang pag-aaral ang nag-ulat ng

negatibong epekto sa pakikilahok ng mga mag-aaral kapag gumagamit ng blended

learning approach.

Ang pagpapabuti sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral na obserbahan

sa blended learning ay maaaring maiugat sa ilang mga salik (Huang et al., 2022). Isa sa

mga mahalagang salik ay ang pagtanggap ng mga mag-aaral ng instruksyon sa

parehong pisikal at online na kapaligiran. Sa loob ng silid-aralan, ang mga mag-aaral ay

may kakayahan na magtanong at makipag-ugnayan sa kanilang mga kapwa mag-aaral

at guro para sa mga akademikong isyu. Bukod dito, sila ay nakakatanggap ng mas

indibidwal na atensyon mula sa kanilang mga tagapagturo na nagtutulak sa kanila na

maging mas aktibo sa proseso ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng pagtatanong at

10
pagsasanay sa kursong materyal, ang mga mag-aaral ay maaring makakapagpabuti ng

kanilang akademikong pagganap.

Gayunpaman, may ilang mga kahinaan o disadvantages ang blended learning

tulad ng hindi sapat na teknikal na pag-access na maaaring magresulta sa pag-aaksaya

ng mga resources (Oweis, 2018). Ang mga problemang teknikal tulad ng mahinang

konektibidad sa internet at mataas na maintain ay isa pang alalahanin. Maaari rin itong

maging hamon para sa mga tagapagturo dahil ito ay nangangailangan ng oras para sa

parehong paghahanda at pagsusuri. Sa wakas, ang plagiarism at kredibilidad ay maaari

ring maging malaking problema lalo na para sa mga kabataan.

REBYU NG KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang blended learning ay isang paraan ng pagpapagsama ng online na pag-aaral

at tradisyunal na pag-aaral. Ang pag-introduce ng blended learning ay nagbago sa

paraan kung paano ibinibigay ang mga resources sa mas mataas na edukasyon.

Bagaman sa simula, ang blended learning ay ginamit bilang hindi pormal na pag-aaral,

sa panahon ng pandemya, ang isyu ng pagpapakilala ng blended learning bilang bahagi

ng pormal na edukasyon sa kampus ay lalong naging makabuluhan. Sinusuri ng pag-

aaral nina Kobicheva et al. (2022) kung paano ang kasarian ng mga mag-aaral at ang

antas ng kanilang edukasyon ay nakakaapekto sa kanilang pag-aaral sa isang blended

environment . Isinagawa ang pag-aaral gamit ang online questionnaire noong fall

semester ng 2021 sa Polytechnic University of Peter the Great sa Saint-Petersburg,

Russia na may kabuuang 544 na mag-aaral o respondente. Ang mga resulta ay

11
nagpakita na mas mahirap para sa mga kababaehan na mag-aaral na mag-aral sa

isang blended environment, gayunpaman, nagagawa nila ito ng hindi mas masama

kaysa sa grupo ng mga lalaking mag-aaral ngunit marahil para sa mga babaeng mag-

aaral ang proseso ng pag-aaral ay nagiging mas maraming trabaho o labor intensive.

Ayon sa mga natanggap na resulta, ang mga babaeng mag-aaral, sa

pangkalahatan, ay nagpapakita ng mas mataas na iskor kaysa sa mga lalaking mag-

aaral sa lahat ng mga tinitingnan na indikador ng mga resulta ng pag-aaral sa epekto ng

akademikong pagganap sa mga setting ng blended learning. Mas madaling nagka-

problema ang mga lalaki sa blended learning, samantalang mas mataas ang average

na iskor sa saklaw ng tagumpay sa akademikong pagganap para sa mga babae.

Maaaring ipagpalagay na mas madaling mag-adjust sa blended environment ang mga

lalaki. Gayunpaman, hindi ito nagbigay-daan sa kanila upang makakuha ng mas

mataas na mga resulta sa kanilang akademikong pagganap. Ang mga babaeng mag-

aaral, bagaman may mas maraming kahirapan sa blended learning, ay nakakapag-aral

ng materyal nang mas mahusay (Kobicheva et al., 2022). Ang mga pagkakaiba sa pag-

aaral na ito at sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa kasalukuyan ay ang

kanilang pagtuon lamang sa mga pagkakaiba sa bawat kasarian at sa kanilang

kakayahan na mag-perform sa blended learning. Ang pag-aaral na isinagawa sa ng

mga mananaliksik ngayon ay nakatuon lamang sa mga akademikong performances ng

mga mag-aaral at hindi gaanong nagtuon sa kanilang kasarian at sa iba pang mga

aspeto na maaaring makaapekto sa kanilang akademikong pagganap.

12
Ang paglabas ng sakit na Corona Virus 19 (COVID-19) ay nagdulot ng biglang

pagbabago sa maraming institusyon ng edukasyon sa iba't ibang alternatibong

metodolohiya sa pagtuturo. Binago ng pandemyang ito ang mga tradisyonal at

karaniwang paraan ng pagtuturo at pag-aaral. Ang Marinduque State College (MSC),

isang Higher Education Institution (HEI) sa lalawigan ng Marinduque, ay nagpatupad ng

Flexible Blended Learning (FBL) para school year 2020-2021. Itinakda ng pagsusuring

deskriptibo ni Adling (2022), ang mga karanasan sa FBL ng mga mag-aaral ng MSC sa

isang konteksto ng pag-aaral ng Ingles. Nagpakita ang mga resulta ng pag-aaral na ang

mga mag-aaral ng MSC ay may pangkalahatang positibong karanasan sa FBL na

ipinatupad sa kanilang klase sa pag-aaral ng Ingles. Gayunpaman, dapat bigyan ng

patuloy na suporta upang matugunan ang mga pangangailangan ng pinakamahihirap

na mag-aaral, na hindi magagawang makasunod sa bagong sistema ng pag-aaral. Ito

ay maaaring makatulong upang bawasan ang lumalaking hindi pagkakapantay-pantay

sa pagitan ng mga mag-aaral sa kanilang karapatan sa pantay na mga pagkakataon sa

pag-aaral. Dahil ang pag-aaral ay isinagawa sa gitna ng pandemya, ang pagkolekta ng

data ay ginawa sa pamamagitan ng isang online sarbey. Ang online na sarbey ay

isinagawa sa pamamagitan ng Google Forms sa 297 na mga mag-aaral na kumuha ng

Purposive Communication para sa ikalawang semester.

Batay sa mga natuklasan na pag-aaral, mayroong pangkalahatang positibong

karanasan ang mga mag-aaral sa MSC sa FBL na ipinatupad sa kanilang mga klase sa

Purposive Communication (Adling, 2022). Nagpapahiwatig ang positibong mga

karanasan sa pag-aaral ng mga mag-aaral na ito ng kanilang pagtanggap at nagbibigay

daan sa kanilang positibong pananaw sa alternatibong kaayusan ng pag-aaral.

13
Gayunpaman, ang mga negatibong epekto ng kasalukuyang pandemya sa edukasyon

ay nagdulot ng iba't ibang mga restriction, tulad ng (1) hindi stable na signal ng network

at koneksyon sa internet, (2) kawalan ng mga kagamitang pang-aaral at

mapagkukunan, (3) hindi pagiging accessible sa mga aplikasyon sa pag-aaral at mga

Learning Management Systems, at (4) kahirapan sa pinansiyal.

14
KABANATA III

METODOLOHIYA

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay gumamit ng kwantitatibong metodolohiya at palarawan o

deskriptibong disenyo sa kanilang pag-aaral dahil nakakatulong ito sa paglalarawan ng

blended learning. Ito ay nagbibigay detalye kung ano ang blended learning at kung ano

ang mga uri at aspeto nito. Pangalawa, gamit ang deskriptibong desinyo, maaring

masuri ng mananaliksik kung ano ang epekto ng pag-implementa ng blended learning

sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Panghuli, maaring makakatulong ang

ganitong disenyo sa pagtukoy ng mga problema, hamon, kakulangan, at positibong

aspeto ng blended learning.

PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Ang pamamaraan sa pagkalap ng datos na napili ng mga mananaliksik ay ang

sample random sampling dahil nag-aalis ito ng potensyal na pagka-bias sa paglikom ng

datos. Ang pagpili ng respondente ay walang kinikilingan at hindi pre-determinado kaya

maasahan ito na ang resulta sa mga nalikom o nakuhang mga datos at impormasyonay

maayos at eksakto.

15
LUGAR NG PAG-AARAL

Isinasagawa ang pag-aaral sa paaralang PHINMA – Cagayan de Oro College

SHS na matatagpuan sa 40 Max Y. Suniel St, Cagayan de Oro, Misamis Oriental.

IMPORMANTE/RESPONDENTE

Ang mga respondente sa pag-aral na ito ay ang mga ika-labing isang baitang na

mag-aaral sa PHINMA-COC SHS. Ang kabuuang respondente ay tatlumpu't isa na mga

mag-aaral at ang gagawing pakikinayam ay random na labing-isang baitang na mag-

aaral lamang. Ang napiling bilang ay nakakatulong sa mananaliksik na makalikom ng

tiyak na datos kung paano nakaapekto ang pag-implementa ng blended learning sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa paaralang PHINMA-COC.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey talatanungan bilang pangunahing

instrumento sa pamamagitan ng Google Form na pakikipagpanayam. Dahil sa online na

sarbey talatanungan, mas napapadali ang pagkuha ng datos mula sa mga respondente.

Nakakaalis din ito ng potensyal na pagka-bias sa pag-aaral at nagtatago ng identidad

sa mga respondente para irespeto ang kanilang personal na privacy. Layon ng mga

mananaliksik na makakalap at mapuna ang mga kinakailangang datos at impormasyon

ng madalian para sa sinasagawang pananaliksik.

16
PANGONGOLEKTA NG DATOS

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng kaugnay na pag-aaral at literatura

kaugnay sa paksang napili. Pagkatapos ay nagsagawa ang mga mananaliksik ng

talatanungan upang magsilbing instrumento sa kanilang isasagawang personal na

pakikipagpanayam at makalikom ng datos mula sa respondente. Napagpasyahan ng

mga mananaliksik na magsagawa ng random na pakikipagpanayam sa mga labing-

isang baitang na mag-aaral na makakasalamuha sa loob ng paaralang PHINMA-COC

Senior High School Department. Namahagi ng mga talatanungan ang mga

mananaliksik sa pamamagitan ng isinasagawang maraming pagpipilian (multiple

choices) mula sa Google Form. Ang mga nalikom na sagot mula sa Google Form na

pakikipagpanayam ay tinipon, sinuri, at inayos upang maging pinal.

17
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Talahanayan 1: Persepsiyon ng mga mag-aaral sa blended learning at kung ano ang

epekto nito sa kanilang akademikong pagganap.

Mga Tanong Mean SD Deskriptiyon

Ang blended learning ay


nakakatulong sa pagbubuti sa 2.93 0.76 Sumasang-ayon (SA)
akademikong pagganap ng
mga mag-aaral.

Ang blended learning ay mas


epektibo kaysa sa ibang 2.66 0.77 Sumasang-ayon (SA)
pamamaraan ng pag-aaral.

Ang blended learning ay


nagbibigay pagkakataon para
sa mga mag-aaral na mapabuti 3.12 0.73 Sumasang-ayon (SA)
ang kanilang kasanayan sa
teknolohiya.

Ang blended learning ay


nagbibigay kakayahan sa mga
mag-aaral na maging 2.86 0.89 Sumasang-ayon (SA)
responsible at may disiplina sa
kanilang pag-aaral.

Ang blended learning ay


nagbibigay kakayahan ng mga
mag-aaral na maging mapanuri 3.19 0.75 Lubos na Sumasang-
sa mga impormasyon na ayon (LSA)
nakikita at natatanggap.

Mayroong pagkakaiba sa
kalidad ng edukasyon sa 3.19 0.65 Lubos na Sumasang-
pagitan ng tradisyunal na pag- ayon (LSA)
aaral at blended learning.

18
Ang blended learning ay hindi
nakakatulong dahil kulang ito
sa supervisyon mula sa guro 2.70 0.94 Sumasang-ayon (SA)
gaya nalang sa tradisyunal na
pamamaraan ng pag-aaral.

Dahil sa blended learning,


naging mahirap para sa mga 2.86 0.85 Sumasang-ayon (SA)
mag-aaral na makipag-ugnayan
sa kanilang mga guro.

Dahil sa blended learning,


nagkakaroon ng pagbaba sa
interes ng mga mag-aaral na 2.96 0.89 Sumasang-ayon (SA)
gawain ang kanilang mga
asignatura.

Dahil sa blended learning,


nahihirapan ang mga mag-
aaral na mag-focus at maging 2.99 0.78 Sumasang-ayon (SA)
ng produktibo sa kanilang pag-
aaral.

Batayan sa Pagkuha ng Resulta

Pagpipilian Iskor Mean Range

Lubos na Sumasang-ayon 4 3.25 - 4.00


(LSA)

Sumasang-ayon (SA) 3 2.51 - 3.25

Hindi Sumasang-ayon 2 1.76 - 2.50


(HS)

Lubos na Hindi Sumasang- 1 1.00 - 1.75


ayon (LHS)

19
INTERPRETASYON

Nakita ng mga mananaliksik na marami sa mga respondente ay tila nasisiyahan

at sumasang-ayon na ang blended learning ay may positibong epekto sa kanilang

akademikong pagganap. Ito ay kaugnay sa pananaliksik na ginawa ni Yu at Wang

(2018), kung saan kanilang sinabi na ang approach (blended learning) ay nakakatulong

dahil sa mga face-to-face na diskusyon at online classes na nagbibigay sa kanila ng

madaling access sa mga learning material. Ito ay nagpapalalim ng kanilang pag-unawa

sa paksa o topic na ibinigay. Gayunpaman, batay sa mga datos na nakuha, tila hindi

nasisiyahan ang mga respondente dahil ang blended learning ay maaaring magdulot

din ng pagka-distract at mahihirapan mag-focus sa pag-aaral ang mga mag-aaral.

Sumasang-ayon sila na bagaman ang blended learning ay maaaring makatulong sa

kanilang akademikong pagganap, ito rin ay maaaring maging dahilan ng kanilang

kawalang-gana na gawin ang kanilang mga assigned tasks, hindi produktibo, at walang

supervisyon na maaaring maibigay ng isang full face-to-face classes. Ang resulta ay

kaugnay ng pag-aaral na isinagawa ni (Kintu et al, 2017), kung saan nagpakita ang mga

mag-aaral ng kasiyahan sa online system at ang mga resources nito ay nagpapakita ng

potensyal para sa epektibidad ng blended learning ngunit may mga hamon itong

hinaharap, ukol sa pagsusumite ng kanilang assignments, at pagpapanatili sa kanilang

gawain sa panahon ng online study.

20
KABANATA V

BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

BUOD

Ang pag-aaral ay interesado na malaman kung paano at kung epektibo nga ba

ang pag-implementa ng blended learning sa akademikong pagganap ng mga ika-labing

isang baitang na mag-aaral sa PHINMA-COC. Ang paglathalang nakuha mula sa

“Persepsiyon ng mga mag-aaral sa blended learning at kung ano ang epekto nito sa

kanilang akademikong pagganap" ay nakitang mayroong 3.19 sa mga mag-aaral ang

nagsabing nagbigay ito ng kakayahan na maging mapanuri sa mga impormasyon at

mayroong pagkakaiba sa kalidad ang blended learning sa tradisyunal na pag-aaral.

3.12 naman ay nagsasabing ang blended learning ay nagbigay pagkakataon para

masanay sa teknolohiya. At ang panghuli, 2.99 sa mga mag-aaral ang nagsabi na

nahihirapan sila mag-focus at maging produktibo dahil sa blended learning.

1. 3.19% ng mga respondente and tumugon sa pananaw na ang blended learning ay

nagbibigay kakayahan ng mga mag-aaral na maging mapanuri sa mga impormasyon na

nakikita at natatanggap at mayroong pagkakaiba sa kalidad ng edukasyon sa pagitan

ng tradisyunal na pag-aaral at blended learning.

2. 3.12% ng mga respondente ang tumugon sa pananaw na ang blended learning ay

nagbibigay pagkakataon para sa mga mag-aaral na mapabuti ang kanilang kasanayan

sa teknolohiya.

3. 2.99% ng mga respondente ang tumugon sa pananaw na dahil sa blended learning,

nahihirapan ang mga mag-aaral na mag-focus at maging ng produktibo sa kanilang

21
pag-aaral.

KONKLUSYON

Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng positibong epekto ng blended learning sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral na may mean na 2.93 at deskripsiyon na

Sumasang-ayon (SA). Ngunit naging bahagi din ito sa pagkawala ng interes,

produktibo, at focus sa mga mag-aaral na may kani-kanilang mean na 2.96 at 2.99 na

may parehong deskripsiyon na Sumasang-ayon (SA). Panghuli, Lubos na Sumasang-

ayon (LSA) naman ang mga respondente sa pagkakaiba nang kalidad ng edukasyon sa

pagitan ng tradisyunal at blended learning na mayroong 3.19 na mean. Gayunpaman,

ang persepsiyon ng mga mag-aaral sa blended learning at kung ano ang epekto nito sa

kanilang akademikong pagganap ay hindi gaanong naiiba sa mga ika-labing isang mag-

aaral sa PHINMA-COC.

REKOMENDASYON

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ang sumusunod:

Para sa mga mag-aaral. Ito ay maaaring maging batayan sa mga mag-aaral kung ano

ang mga positibo at negatibong epekto ng blended learning sa kanilang akademikong

pagganap na maari nilang maiwasan.

22
Para sa institusyon ng paaralan. Ito ay magiging gabay sa institusyon sa kanilang

pag-implementa ng blended learning na mayroong positibo at negatibong epekto sa

mga mag-aaral, lalong lalo na sa kanilang akademikong pagganap. Ang pananaliksik na

ito ay nagsisilbing gabay para sa kanila na matiyak kung ipagpatuloy ba nila ang pag-

implementa ng blended learning o hindi.

Para sa mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging batayan sa mga

magulang para masubaybayan kung ang kanilang mga anak ay nakakasabay ba sa

blended learning o hindi. Dito rin nila malalaman ang mga positibo at negatibong dulot

ng blended learning at magkaroon sila ng kaalaman para mapatnubayan nila ang

kanilang mga anak.

Para sa mga mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay maaaring nagsisilbing gabay,

basis, at foundation para sa karagdagang pag-aaral sa mga tiyak na aspeto ng blended

learning at ang dulot nito sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

SANGGUNIAN

23
Adling, N. M. J. (2022). FLEXIBLE BLENDED LEARNING EXPERIENCES OF

FILIPINO STUDENTS IN AN ENGLISH AS a SECOND LANGUAGE (ESL)

LEARNING CONTEX. Language Literacy : Journal of Linguistics, Literature, and

Language Teaching, 6(1), 28–38. (https://doi.org/10.30743/ll.v6i1.5104).

Aidinopoulou, V., & Sampson, D. G. (2017). An action research study from

implementing the flipped classroom model in primary school history teaching and

learning. Journal of Educational Technology & Society, 20(1), 237–247.

(https://eric.ed.gov/?id=EJ1125835).

Akuratiya, A. D., & Meddage, N. R. (2024). Smartphone use and academic performance

of students in tertiary education. ResearchGate.

(https://www.researchgate.net/publication/378035595_Smartphone_Use_and_Ac

ademic_Performance_of_Students_in_Tertiary_Education).

Bhagat, K. K., Chang, C. N., & Chang, C. Y. (2016). The impact of the flipped classroom

on mathematics concept learning in high school. Educational Technology and

Society, 19(3), 134–142. (https://www.jstor.org/stable/jeductechsoci.19.3.134).

Botts, R. T., Carter, L., & Crockett, C. (2018). Using the blended learning approach in a

quantitative literacy course. PRIMUS, 28(3), 236–265.

(https://doi.org/10.1080/10511970.2017.1371264).

Flores, L. (2018). Taking stock of 2017: What we learned about personalized learning.

(https://www.christenseninstitute.org/blog/taking-stock-2017-learned-

personalized-learning/).

24
Holland, J. H. (2014). Complex adaptive systems (CAS). In Oxford University Press

eBooks (pp. 24–36). (https://doi.org/10.1093/actrade/9780199662548.003.0003).

Huang, H., Hwang, G., & Jong, M. S. (2022). Technological solutions for promoting

employees’ knowledge levels and practical skills: An SVVR-based blended

learning approach for professional training. Computers & Education, 189,

104593. (https://doi.org/10.1016/j.compedu.2022.104593).

Kintu, M.J., Zhu, C. & Kagambe, E. Blended learning effectiveness: the relationship

between student characteristics, design features and outcomes. Int J Educ

Technol High Educ 14, 7 (2017).( https://doi.org/10.1186/s41239-017-0043-4).

Kobicheva, A., Tokareva, E., & Baranova, T. (2022). Students’ affective learning

Outcomes and Academic Performance in the Blended Environment at University:

Comparative study. Sustainability (Basel), 14(18), 11341.

(https://doi.org/10.3390/su141811341).

Lin, Y. W., Tseng, C. L., & Chiang, P. J. (2017). The effect of blended learning in

mathematics course. Eurasia Journal of Mathematics, Science and Technology

Education, 13(3), 741–770. (https://doi.org/10.12973/eurasia.2017.00641a).

Macaruso, P., Wilkes, S., & Prescott, J. E. (2020). An investigation of blended learning

to support reading instruction in elementary schools. Educational Technology

Research and Development, 68(6), 2839–2852. (https://doi.org/10.1007/s11423-

020-09785-2).

25
McCabe, G. (2024, April 2). What is GPA? Student.

(https://www.timeshighereducation.com/student/advice/what-gpa).

Mendoza, M. C. (2022). Blended Learning Attitudes and Perceptions toward Blended

learning: The case of Cagayan State University. (https://ejournals.ph/article.php?

id=18150).

Oweis, T. I. (2018). Effects of using a blended learning method on students’

achievement and motivation to learn English in Jordan: a pilot case study.

Education Research International (Online), 2018, 1–7.

(https://doi.org/10.1155/2018/7425924).

Rivamonte, M. J. S. (2023). Observed teaching practices and academic performance of

primary learners in blended learning in the District of Torrijos Division of

Marinduque. Zenodo (CERN European Organization for Nuclear Research).

(https://doi.org/10.5281/zenodo.8086514).

Sergis, S., Sampson, D. G., & Pelliccione, L. (2017). Investigating the impact of flipped

classrooms on students' learning experiences: A self-determination theory

approach. Computers in Human Behavior, 78(8), 368–378.

(https://doi.org/10.1016/j.chb.2017.08.011).

Tuitional. (2023, February 20). The Future of Education through Blended Learning.

(https://www.linkedin.com/pulse/future-education-through-blended-learning-

tuitionaledu).

26
Wang, Yuping & Han, X. & Yang, Juan. (2015). Revisiting the Blended Learning

Literature: Using a Complex Adaptive Systems Framework. Educational

Technology and Society. 18. 380-393. (https://www.researchgate.net/figure/The-

Framework-of-Complex-Adaptive-Blended-Learning-Systems-

CABLS_fig1_282686856).

Wilkes, S., Kazakoff, E. R., Prescott, J. E., Bundschuh, K., Hook, P. E., Wolf, R., …

Macaruso, P. (2020). Measuring the impact of a blended learning model on early

literacy growth. Journal of Computer Assisted Learning, 36(2), 595–609.

(https://doi.org/10.1111/jcal.12429).

Yu, Z., & Wang, G. (2016). Academic achievements and satisfaction of the clicker-aided

flipped business english writing class. ResearchGate.

(https://www.researchgate.net/publication/302418472_Academic_achievements_

and_satisfaction_of_the_clicker-aided_flipped_business_english_writing_class).

APENDIKS A

27
LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT

Abril, 2024
Gng. Joyce Jean E. Hernando
Tagapayo, Senior High School
PHINMA - COC

Minamahal na _____________,

Kami po ay mga mag-aaral sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Iba't Ibang


Teksto ng Pananaliksik o COR 004 at kasalukuyang nag-aaral tungkol sa “Epekto ng
Blended Learning sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa PHINMA -
Cagayan de Oro College SHS”. Ang aming pangunahing layunin sa pag-aaral na ito ay
ang malaman kung paano nakaapekto ang pagpapatupad ng blended learning sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Napagpasyahan po namin na ang mga respondente ay ang mga ika-labing isang


baitang na mag-aaral sa PHINMA - COC, anuman ang kanilang track at strand, na
lumahok sa aming sarbey talatanungan gamit ang Google Form upang mangolekta ng
datos sa aming pag-aaral. Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa pagkakataong
ibibigay ninyo upang kami ay makapag-aral at malaman ang resulta tungkol sa epekto
ng pagpapatupad ng blended learning sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.
Umaasa po kami na bibigyan ninyo kami ng pahintulot na gawin ito. Maraming salamat
at magandang araw sa inyo!

Lubos na Nagpapasalamat,
Mga Mananaliksik na sina:
Acas, Francis Andrie A., Agbon, Nelian, Alaska, Aloha
Andus, Justine Joy P., Antigra, Daisy V.,
Antigua, Jason L., Arellano, Angelo V.,
Balusada, Ann Margarette D., Barrete, Nesha P.,
Cabillada, Alaiza Gwen G., at Calunsag, Renjie A.

APENDIKS B

28
SARBEY KWESTYUNER SA “EPEKTO NG BLENDED LEARNING SA

AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA PHINMA - CAGAYAN DE

ORO COLLEGE SHS”

Mga Minamahal na Respondente,

Magandang araw! Ang mga mananaliksik ay kasalukuyang nag-aaral tungkol sa


“Epekto ng Blended Learning sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa
PHINMA - Cagayan de Oro College SHS” sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri
Tungo sa Iba't Ibang Teksto ng Pananaliksik o COR 004.

Nais sana naming hilingin ang iyong buong kooperasyon bilang aming mga
respondente upang mas lalong ikakaganda at tiyak ang aming pag-aaral na
isinasagawa. Nawa'y maisagot ninyo ang mga nakalakip na katanungan ng may buong
tapat. Makatitiyak na ang datos na maari naming makalap ay mananatiling
kumpidensyal upang igalang ang iyong personal na privacy.

Lubos na Nagpapasalamat,
Mga mananaliksik na sina:
Acas, Francis Andrie A., Agbon, Nelian, Alaska, Aloha
Andus, Justine Joy P., Antigra, Daisy V.,
Antigua, Jason L., Arellano, Angelo V.,
Balusada, Ann Margarette D., Barrete, Nesha P.
Cabillada, Alaiza Gwen G., at Calunsag, Renjie A.

Gng. Joyce Jean E. Hernando


Gurong Tagapayo

INSTRUMENTO SA PAG-AARAL

29
30
31
APENDIKS C

TALAHANAYAN

32
DOKUMENTASYON

33
KURIKULUM BITEY

PANGALAN: Acas, Francis Andrie Amancio

ADDRESS: Lower Sumpong, Indahag, Cagayan de


Oro, Misamis Oriental

NUMBER: 09262252749

GMAIL: fram.acas.coc@phinmaed.com

FACEBOOK: Francis Acas

KAARAWAN: November 7, 2006

EDAD: 17

KASARIAN: Lalaki

NATIONALITY: Filipino

RELIGION: Roman Catholic

PANGALAN NG TATAY: Acas, Seansan

PANGALAN NG NANAY: Acas, Ardelyn

PINAGTAPUSANG PAARALAN

ELEMENTARYA: Macasandig Elementary School

JUNIOR HIGH SCHOOL: Macasandig National High School

SENIOR HIGH SCHOOL: PHINMA - Cagayan de Oro College Senior High School

34
PANGALAN: Agbon, Nelian

ADDRESS: Zone 3, Carmen, Cagayan de Oro,


Misamis Oriental

NUMBER: 09363223543

GMAIL: neli.agbon.coc@phinmaed.com

FACEBOOK: Agbon Nelian

KAARAWAN: August 30, 2006

EDAD: 17

KASARIAN: Babae

NATIONALITY: Filipino

RELIGION: Seventh Day Adventist (SDA)

PANGALAN NG TATAY:

PANGALAN NG NANAY: Agbon, Anna Marie D.

PINAGTAPUSANG PAARALAN

ELEMENTARYA: Kibanban Elementary School

JUNIOR HIGH SCHOOL: Baliwagan National High School

SENIOR HIGH SCHOOL: PHINMA - Cagayan de Oro College Senior High School

35
PANGALAN: Alaska, Aloha

ADDRESS: Zone 4, Pagatpat Habitat, Cagayan de


Oro, Misamis Oriental

NUMBER: 09707129350

GMAIL: aloh.alaska.coc@phinmaed.com

FACEBOOK: Aloha Alaska

KAARAWAN: November 14, 2005

EDAD: 18

KASARIAN: Babae

NATIONALITY: Filipino

RELIGION: Born Again

PANGALAN NG TATAY: Branzuela, Charlie

PANGALAN NG NANAY: Alaska, Fedelyn

PINAGTAPUSANG PAARALAN

ELEMENTARYA: Pagatpat Elementary School

JUNIOR HIGH SCHOOL: Pagatpat National High School

SENIOR HIGH SCHOOL: PHINMA - Cagayan de Oro College Senior High School

36
PANGALAN: Andus, Justine Joy Paglinawan

ADDRESS: Xavier Ecoville, Lumbia, Cagayan de


Oro, Misamis Oriental

NUMBER: 09567540365

GMAIL: jupa.andus.coc@phinmaed.com

FACEBOOK: Justine Joy Andus

KAARAWAN: April 21, 2006

EDAD: 17

KASARIAN: Babae

NATIONALITY: Filipino

RELIGION: Roman Catholic

PANGALAN NG TATAY: Andus, Jimmy S.

PANGALAN NG NANAY: Andus, Rosephell P.

PINAGTAPUSANG PAARALAN

ELEMENTARYA: Baliangao Central Elementary School

JUNIOR HIGH SCHOOL: Mount Carmel High School

SENIOR HIGH SCHOOL: PHINMA - Cagayan de Oro College Senior High School

37
PANGALAN: Antigra, Daisy Vallar

ADDRESS: Zone 9, Patag, Cagayan de Oro,


Misamis Oriental

NUMBER: 09754748187

GMAIL: dava.antigra.coc@phinmaed.com

FACEBOOK: Daisy Taglucop Vallar

KAARAWAN: October 30, 2006

EDAD: 17

KASARIAN: Babae

NATIONALITY: Filipino

RELIGION: Roman Catholic

PANGALAN NG TATAY: Antigra, Dominador P.

PANGALAN NG NANAY: Antigra, Rosie V.

PINAGTAPUSANG PAARALAN

ELEMENTARYA: Carmen Central Elementary School

JUNIOR HIGH SCHOOL: Carmen National High School

SENIOR HIGH SCHOOL: PHINMA - Cagayan de Oro Senior High School

38
PANGALAN: Antigua, Jason Llagas

ADDRESS: Baconga Street, Lapasan, Cagayan de


Oro, Misamis Oriental

NUMBER: 09679468665

GMAIL: jall.antigua.coc.@phinmaed.com

FACEBOOK: Jason Antigua

KAARAWAN: March 10, 2006

EDAD: 18

KASARIAN: Lalaki

NATIONALITY: Filipino

RELIGION: Iglesia ni Cristo (INC)

PANGALAN NG TATAY: Antigua, Allan

PANGALAN NG NANAY: Antigua, Alicai

PINAGTAPUSANG PAARALAN

ELEMENTARYA: Cugman Elementary School

JUNIOR HIGH SCHOOL: Lapasan National High School

SENIOR HIGH SCHOOL: PHINMA - Cagayan de Oro Senior High School

39
PANGALAN: Arellano, Angelo Virgo

ADDRESS: Block 28, Lot 21, Johndorf Barra,


Opol, Misamis Oriental

NUMBER: 09652583457

GMAIL: anvi.arellano.coc@phinmaed.com

FACEBOOK: Vall Arellano

KAARAWAN: February 18, 2007

EDAD: 17

KASARIAN: Lalaki

NATIONALITY: Chinese-Filipino

RELIGION: Born Again Christian

PANGALAN NG TATAY: Arellano, Aaron

PANGALAN NG NANAY: Arellano, Alma

PINAGTAPUSANG PAARALAN

ELEMENTARYA: Legacy Learning Center

JUNIOR HIGH SCHOOL: Montessori de Oro Bulua National High School

SENIOR HIGH SCHOOL: PHINMA - Cagayan de Oro Senior High School

40
PANGALAN: Balusada, Ann Margarette Delos
Santos

ADDRESS: Zone 1, Kauswagan, Cagayan de Oro,


Misamis Oriental

NUMBER: 09356025263

GMAIL: ansa.balusada.coc@phinmaed.com

FACEBOOK: Ann Margarette Balusada

KAARAWAN: February 9, 2007

EDAD: 17

KASARIAN: Babae

NATIONALITY: Filipino

RELIGION: Christian

PANGALAN NG TATAY: Balusada, Rosendo

PANGALAN NG NANAY: Balusada, Clair

PINAGTAPUSANG PAARALAN

ELEMENTARYA: Lingutop Elementary School

JUNIOR HIGH SCHOOL: Kauswagan National High School

SENIOR HIGH SCHOOL: PHINMA - Cagayan de Oro Senior High School

41
PANGALAN: Barrete, Nesha Pareño

ADDRESS: Zone 3, Pagalongan Wao, Lanao del


Sur

NUMBER: 09056189943

GMAIL: nepa.barrete.coc@phinmaed.com

FACEBOOK: Nesha Barrete

KAARAWAN: September 6, 2006

EDAD: 17

KASARIAN: Babae

NATIONALITY: Filipino

RELIGION: Iglesia ni Cristo (INC)

PANGALAN NG TATAY: Barrete, Rolando

PANGALAN NG NANAY: Barrete, Edelyn

PINAGTAPUSANG PAARALAN

ELEMENTARYA: Pagalongan Community Central Elementary School

JUNIOR HIGH SCHOOL: Pagalongan National High School

SENIOR HIGH SCHOOL: PHINMA - Cagayan de Oro Senior High School

42
PANGALAN: Cabillada, Alaiza Gwen Gorgonia

ADDRESS: Zone 6, Gumamela Extention, Carmen,


Cagayan de Oro, Misamis Oriental

NUMBER: 09361234434

GMAIL: algo.cabillada.coc@phinmaed.com

FACEBOOK: Alaiza Gwen

KAARAWAN: January 12, 2007

EDAD: 17

KASARIAN: Babae

NATIONALITY: Filipino

RELIGION: Catholic

PANGALAN NG TATAY: Cabillada, Niño Coranes

PANGALAN NG NANAY: Cabillada, Perla Cases

PINAGTAPUSANG PAARALAN

ELEMENTARYA: West City Central School

JUNIOR HIGH SCHOOL: Pedro Oloy N. Roa Sr High School

SENIOR HIGH SCHOOL: PHINMA - Cagayan de Oro Senior High School

43
PANGALAN: Calunsag, Renjie Ambrosio

ADDRESS: District 5, Santa Cruz, Consolacion


Manuel, Viga Street, Cagayan de Oro, Misamis
Oriental

NUMBER: 09695984947

GMAIL: ream.calunsag.coc@phinmaed.com

FACEBOOK: Renjie Calunsag

KAARAWAN: May 11, 2007

EDAD: 16

KASARIAN: Lalaki

NATIONALITY: Filipino

RELIGION: Roman Catholic

PANGALAN NG TATAY: Calunsag, Renato Pepito

PANGALAN NG NANAY: Calunsag, Eva A.

PINAGTAPUSANG PAARALAN

ELEMENTARYA: Consolacion Elementary School

JUNIOR HIGH SCHOOL: Angeles Sisters National High School

SENIOR HIGH SCHOOL: PHINMA - Cagayan de Oro Senior High School

44

You might also like