Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Aking Minamahal na Matematika,

Oh, ang hirap at pagod na hatid mo sa akin,


Sa mundo ng numero, kung saan ako'y nabibitin.
Ang iyong kahirapan at stress, 'di maitatangging totoo,
Ngunit sa iyo, Matematika, ako'y nagtagumpay din naman na matuto.

Kapareho mo'y isang tao, mayroon kang mga taas at baba,


Minsan nakakapagod, parang tinik na nagdudulot ng sakit sa ulo.
Ngunit tulad ng isang araw na nagbibigay liwanag at kulay.
Ikaw, Matematika, nagpapakita ng iyong kagandahan sa bawat bahagi ng
iyong katha.

Ikaw ang aking minamahal na halos kasama sa araw araw


Kahit ako'y naiinis , sa dulo'y nagiging maganda at maayos din ang lahat.
Sa pamamagitan ng pagtitiyaga at pagtulong mo sakin
Nagiging matagumpay ako sa bawat hamon at pagsubok na dumarating.

Ano ang dapat kong gawin upang lubusang mahalin ka?


Ano ang mga pagsisikap na dapat kong ibuhos upang patunayan ang aking
pag-ibig sa iyo?
Ako'y mag-aaral nang mabuti, magpapraktis nang buong pagsisikap,
Tatanggapin ang mga hamon, at hindi aatras sa anumang laban.

Sa kabila ng mga pagsubok, tinuturuan mo ako ng katatagan,


Na harapin ang mga problema nang may lohikal na kakayahan.
Binibigyang-pahalaga mo ang aking kaisipan, nagpapalawak ng aking
kaalaman,
Sa iyo, Matematika, ako'y lumalago at nagiging matagumpay.

Kaya't ating tutukan ang mga positibo, aking mahal,


Dahil sa Matematika, maraming bagay na dapat ipagdiwang at ipagmalaki.
Ang kagandahan ng mga kumbinasyon, ang kahusayan ng mga ekwasyon,
Sa iyong yakap, natatagpuan ko ang walang hanggang mga pagkaalam.

Sa buong pagmamahal at paghanga,


[Unknown

You might also like