Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

AMA AMIN

Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo; mapasaamin ang
kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa hupa para ng sa langit. Bigyan mo kami
ngayon ng aming kakanin sa araw-araw; at patawarin mo kami sa aming mga sala
para ng paapapatawad namin sa nagkakasala sa amin; at huwag mo kaming
ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.
ABA GINOONG MARIA
Aba Ginoong Maria! Napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay
sumasaiyo; bukod kang pinagpala sa babaing lahat, at pinagpala naman ang iyong
Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan,
ngayon at kung kami' y mamamatay. Amen.

ANG SUMASAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat. Na may
gawa ng langit at lupa. Sumasampalalaya naman ako kay Hesukristo, i-isang Anak
ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa
krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may
ikatlong araw, nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom
sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos
Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa
kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa
buhay na walang hanggan. Amen.

LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong una-una,
ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.

MAIKLING PAGSISISI
Panginoon kong Hesukristo, ako'y nagkasala laban sa iyong kabutihang
walang hanggan. Ako'y nagsisisi nang buong puso. Ako'y nagtitika na hindi na
muling nagkakasala, sa tulong ng iyong mahal na grasya. Amen.

You might also like