Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Aralin 6.

Teoryang Akomodasyon

• Nakapokus ang teoryang ito sa taong kasangkot sa sitwasyong pangwika sa


proseso ng pag-aaral at pagkatuto ng pangalawang wika (Giles, 1992).

Howard Giles

- Isang propesor ng Linggwistika at Sikolohiya sa Unibersidad ng California, Santa


Barbara (UCSB).
- Sinubukan niyang maghanap ng mga rason sa mga pagbabagong kanyang
napansin sa iba’t ibang pananalita ng mga tao kaugnay ng kanilang mga pag-
uugali.
- Siya ay naging interesado sa mga proseso ng pananalita at emosyon na
kasangkot ang paggamit ng convergence at divergence sa pakikipag-usap.

Communication Accommodation Theory

- Nabuo mula sa Speech Accommodation Theory ni Howard Giles (1973).


- Ang teoryang SAT ay naimpluwensiyahan ng interpretasyon ni Giles sa gawa ni
Labov (1966) na pinamagatang The Social Stratification of English in New York
City.
- Sa pag-aaral ni Labov (1966) sa indibidwal na paggamit ng Ingles sa New York,
nagkaroon ng linggwistik na pagkakaiba na resulta ng pormal o di -pormal na
sitwasyon, pati na rin ang “pansin sa pagsasalita”.

Howard Giles – naniniwala na may pagkakaiba na resulta ng proseso sa pansariling


akomodasyon”. Sa pananaliksik sa Montreal, Canada noong 1976 ng convergence at
divergence na pananalita ng mga bilinggwal na mga kalahok, sa wakas ay humantong
na sa ang konstruksiyon ng teorya ng Speech Accommodation. Iba’t ibang mga pagrebisa
ng SAT na nakaambag sa pagpapalit ng pangalan nito na kalaunay naging
“Communication Accommodation”.
Communication Accommodation Theory

- Ito ay nakasentro sa aspeto ng verbal at di-verbal na komunikasyon at nakapokus


ito sa convergence at divergence.

Uri ng Teoryang Akomodasyon

1. Konverjens (Linguistic Convergence)


o Ang pakikihalubilo na nagpapakita na kapag ang isang indibidwal ay
nakikipag-usap sa kapwa, ang kaniyang pakikipag-usap ay halos
nakakatulad ng sa kinaka-usap (Santos et al. 2012).
o Ipinapakita sa interaksyon ng mga tao, na nagkakaroon ng tendensya na
gumaya o bumagay sa pananalita ng kausap.
Halimbawa: Isang sitwasyon na kung saan may kumakausap sa iyong dayuhan
na nagsasalita sa wikang Ingles, ikaw naman ay sumagot sa katanungan ng
dayuhan sa wikang Ingles (inaakomodeyt mo ang iyong kausap sa pamamagitan
ng pakikibagay sa pananalita nito na nagreresulta ng inyong pagkakaintindihan).

- Maraming kaparaanan para maakomodeyt ang pagsasalita ng iba, ito ay:


▪ Paggaya sa bilis ng pagsasalita
▪ Pahaba at paiksi ng pagbigkas
▪ Sa dalas ng paghinto
▪ Sa paggamit ng mga register ng kausap
▪ Sa intonasyon, atbp.

Downward Convergence – ito ay ang pagiging impormal ng isang tao sa


kaniyang kausap upang makibagay dito.
Halimbawa: Kapag impormal makikipag-usap sa iyo ang iyong kausap ay
impormal na paraan ka rin makikipag-usap sa kaniya upang ikaw ay
makibagay dito. [Halimbawang sitwasyon – Nagtutuksuhan lamang ng
iyong kaibigan o kaya’y nag-uusap lang tungkol sa inyong pang araw-araw
na gawain.]
Upward Convergence – ito ay ang pagiging pormal ng isang tao sa kaniyang
kausap upang makibagay dito.
Halimbawa: Kung pormal naman makikipag-usap ang isang tao sayo ay
pormal ka rin na makikipag-usap sa kaniya upang makibagay dito.
[Halimbawang sitwasyon – pagdalo sa mga pormal na salo-salo kasama
ang mga propesyunal at pakikipag-usap sa Guro.]
Mutual Convergence – ito ay kapag dalawa o higit pang tao na nagsasalita ay
parehong nakikiayon at nakikisama sa uri ng pakikipag-usap nila sa isa’t isa.
Pagpapaliwanag: Kapag sinabing mutual, hindi lang ikaw ang nag-aadjust
sa paraan ng pananalita sa kanila, hindi lang ikaw ang makikibagay kundi
kayong dalawa o higit pang tao ang parehong nakikiayon at nakikisama sa
isa’t isa.

2. Dayverjens (Linguistic Divergence)


o Sadyang pag-iba o paglayo sa paraan ng pagsasalita ng kausap upang
ipakita o ipadama na naiiba ang nagsasalita sa kinakausap. Ginagamit niya
ang kaniyang sariling wika o register ng grupong kinabibilangan sa
pakikipag-usap (Santos et al (2012) p. 12).
o Ipinapahayag ang pagiging iba sa paggamit ng wika ng isang tao tungo sa
pagbuo o pagkilala sa kaniyang kaakuhan o aydentiti.

Tinatalakay rin dito ang interference phenomenon at interlanguage. Ang


interference phenomenon ay ang tumatalakay sa impluwensiya ng unang wika
sa pangalawang wika. Dito nabubuo ang (hal.) TagLish, SingLish, o kaya
MalayEnglish at marami pang iba dahil sa di-maiwasang pagpasok sa mga
katutubong wika ng mga bansang nagiging kolonya ng mga bansa na ang
katutubong wika ay Ingles. Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental
grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto niya
ng pangalawang wika. Halimbawa niyo ang mga salitang madalas nating o
ginagamit na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit
(nominalisasyon). Dito ay binabago ng tagapagsalita ang grammar sa
pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng mga alituntunin.

Pananaliksik sa Teoryang Akomodasyon

“Tunisians Arabic Speaker Linguistic Accommodation to Middle Easterners” Sonia


Shiri, inilalarawan niya kung paano nakikiiisa ang Tunisians Arabic sa Sharqi ng Middle
Eastern Arabic sa mga kasamahan sa trabaho.

Barayti ng Wikang Arabic

o Sharqi
o Maghrebi

Hinahati ang Arab world sa pagitan ng West Maghreb at Easter Sharqi.

Dahil mas nangingibabaw ang midya at sining ng Egypt, ang Sharqi Arabic na
sinasalita sa rehiyon pinaniniwalaan ng mga Tunisians, bilang magaan at may artistikong
kagandahan kaysa sa ibang barayti ng [Tunisians].

Mas pamilyar sa “Sharqi” na barayti kaysa sa “Maghrebi” na barayti.

Sa kaniyang pag-aaral na isinagawa sa London, pinagmasdan ni S’hiri ang


panlipunang mga dahilan ng mga Tunisians Arab na linggwistikal na nagkonberj sa mga
nagsasalita ng “Sharqi Arabic”. Ang datos na kanyang natagpuan ay nagbigay ng sapat
na katibayan upang ipakita na ang code switching tungo sa purong fusha para sa
komunikasyon ay isang maling kuro-kuro. Nagtala si S’hiri ng limang nagsasalita ng
Tunisian Arabic na nagtrabaho sa dalawang iba’t ibang mga kompaniya at sila ay
napatunayan na may linggwistik konverjens na nangyayari sa kanilang mga katrabaho
na Sharqi.
Mga Respondente na lumipat sa Wikang Sharqi

M1 – dahil dito nagkakaroon ng mga kaibigan, mababawasan ang mga


pagkakaiba at maiiwasan ang hindi pagtanggap.
W2 – ang paggamit ng TA (Tunisian Arabic) ay isang balakid sa pagiging malapit
sa kausap. Kasi mula pa, ang mga taong nagsasalita ng wikang Sharqi ay tila
umiiwas sa kanya dahil naniniwala sila na mahirap daw siyang maka-intindi.

Ang antas ng kahandaan ng Sharqi upang maunawaan ang nais niyang ipahayag
ay maaari siyang gumamit ng Tunisian Arabic sa kanila o hindi. Nais lang niya maiwasan
na maging katawa-tawa.

Gawain:

Panuto: Sa isang short bond paper (maaaring encoded o handwritten), bumuo ng isang
maikling kwentong base sa inyong sariling karanasan na kakikitaan ng paggamit ng
teoryang akomodasyon.

Pamantayan

Pagsunod sa hinihinging kakitaan ng paggamit ng


teoryang akomodasyon - 20
Organisasyon - 15
Balarila - 15
Kabuaan: - 50 puntos

P.S: Ipasa ito sa susunod na tagpo at tungkol sa inyong pagtatanghal ay sa susunod na


tagpo na rin magaganap bago tayo dadako sa pagtatalakay sa panibaong paksa.
Maraming Salamat!

Takdang Aralin

Holy Week – rest!

You might also like