Ang Aming Barangay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Aming Barangay

Ni Ivy Rose T. Henson

Dito sa aming Barangay ay napakasaya. Marami kang makikitang iba’t ibang pasyalan at gusali. Sikat din
sa aming barangay ang Parke. Dito ay napakalinis at marami kang makikitang mga tao na nag pipiknik at
nagpapalipas ng oras. Ang mga tao na tumatangkilik at pumapasyal sa aming barangay ay madisiplina.
Mapapansin kasi sa aming barangay sa bawat gusali ay may mga alituntunin na dapat sundan.
Halimbawa. Kung pupunta ka ng parke ay makakakita ka ng mga marka sa bawat poste ng “Bawal
Magkalat” at “Panatilihin malinis ang paligid”. Sa daan naman nito ay makikita mo talagang sumusunod
ang mga tao sa batas trapiko. Nirerespeto nila ang mga Tatak sa kalsada tulad ng “Bawal Tumawid dito”
Bawal Magbaba at magsakay ng pasahero dito” Ang mga tao ay tumatawid sa tamang tawiran at
sumasakay sa tamang sakayan.

Sa Kabilang dako. Sa loob ng mga Gusali at bahay panalanginan ay nirerespeto din ng mga tao ang mga
tagubilin tulad ng. “Bawal Magdala ng pagkain sa loob” “Bawal ang maingay” at “Huwag iiwan ang mga
personal na gamit.” Kaya naman napaka unlad ng aming barangay dahil sa ugali ng mga tao. Nirerespeto
nila ang batas. Ipinapakita nila ito sa simpleng pagsunod sa mga mark ana makikita sa daan at mga
gusali. Hindi na kailangan bantayan sapagkat may disiplina ang mga tao dito. Tara na! at pumasyal ka sa
aming barangay para makita at maranasan mo ito.

You might also like