Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG TUPA AT ANG LOBO

Malapit nang dumilim kung kaya’t ang mga tupa ay naglalakad nang
pabalik sa kanilang kulungan,ngunit isang tupa ang humiwalay sa kanyang
mga kasama at nagpatuloy na nanginain.

Nang bigla na lamang,isang lobo ang dumating at agad na anatake ang


tupa.Nasa aktong sasakmalin ng lobo ang tupa nang magsalita ito.”Lobo,huwag
mo muna akong kainin!”sigaw ng tupa.”At bakit?”tanong naman ni lobo.”Kasi
hindi pa natutunaw ang kinain kong sariwang damo.Kung hihintayin mong
matunaw ang mga kinain ko,magiging malinamnam ako lalo,”ang paliwanag
ng tupa.

Lalong naglaway ang lobo sa narinig,”Sige!Pero paano matutunaw


agad ang mga kinain mo?”ang tanong ng lobo.

“Magsasayaw lang ako ng husto,at siguradong matutunaw agad ang


mga damong kinain ko!”wika ni Tupa.

At hinayaan nga ng lobo na magsayaw ang tupa.Buong likot naming


nagsayaw ang tupa,at ang pagtunong ng kuliling na nakasabit sa kanyang leeg.

Walang kamalay-malay ang lobo na naririnig ng pastol ang kuliling


buhat sa malayo.Nakatingin lamang ang lobo at patuloy sa paglalaway sa
gutom.

Sa pagod,huminto na ang tupa sa pagsasayaw,at akmang-kakainin na


ito ng lobo,nang dumating na ang pastol na sinundan ang pinagmumulan ng
tunog ng kuliling.

Agad nagtatakbo ang lobo at nanghihinayang sa pinalipas na


pagkakataon.Naisip ng lobo na kung anuman ang gagawin ay hindi na dapat
pang ipagpaliban.

Aral :
MABUTI TALAGA ANG MAGING HANDA BAGO KA
PUMASOK SA ANUMANG
SITWASYON.

You might also like