Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Most Essential Learning Competencies:

 Name common animals (PNEKA-Ie-1)


 Observe, describe, and examine common animals using their senses (PNEKA-IIIh-2)
 Identify ways to care for animals (PNEKA-III g-6)

Integration:
1. Pagkilala ng Sarili at Pagpapahayag ng Sariling Emosyon (PSE)
- Natutukoy ang kahalagahan ng pagpapakita ng positibong pag-uugali sa harap ng hindi inaasahang pangyayari tulad ng
pagkatalo sa laro, atbp. (SEKPSE-00-8)

2. Alphabet Knowledge
- Identify the letters of the alphabet (mother tongue, orthography)
(LLKAK-Ih-3 )

3. Number and Number Sense (NNS)


- Read and write numerals 0 to 10 (MKC-00-3)
- Combine elements of two sets using concrete objects to represent the concept of addition (MKAT-00-3)

4. Malikhaing Pagpapahayag(Creative Expression)


-Nakapagpapatung-patong, nakapagdudugtungdugtong at nakapagdidikit-dikit (assemblage) ng mga patapong bagay
(SKMP-00-8)

5. Understanding The Physical And Natural Environment


- Identify ways to care for animals (PNEKA-III g-6)

Teaching Philosophy:
I am a strong believer in children learning by doing. Children must be exposed to activities where they have active
involvement (Vosniadou, 2001). It is important that are able to interact with the learning materials. Children should also be
exposed to substantial interaction with other children (Gelman, 2009). Teachers should allow children to discuss things in
small and bigger groups where they are free to interact with their peers. It is important that they are taught to listen and
respect other people’s opinions, thoughts, and time. Children should learn by being exposed to real-life situations. Teachers
should engage children in meaningful play where they do not only collaborate with other children but also allow them to
strategize, solve problems that they might encounter in real-life growing up. Play is an effective practice to deepen children’s
understanding of the world and their engagement with the things around them (Arrow, 2019).

5Cs:
5Cs Activity
1. Critical Thinking Children identifying reasons why animals move the way
they do and why others can’t
2. Creativity Designing their own Zoo
3. Collaboration Group activitiy: Make your own zoo; “Anong Hayop ito”
Game
4. Communication Sharing their experiences going to the zoo or seeing and
interacting with animals
5. Character Buidling Identifying ways on how to take care of animals and why it
is important to take care of them

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG KINDERGARTEN

3rd Quarter Week 24 – Friday


March 1, 2023
Most Essential Learning Competencies:
• Nabibigyang-pansin ang mga linya, kulay, hugis at tekstura ng magagandang bagay na:
a. Makikita sa kapaligiran tulad ng sanga ng puno, dibuho sa ugat, dahon, kahoy, bulaklak,
halaman, bundok, ulap, bato, kabibe, at iba pa.
b. Gawa ng tao tulad ng mga sariling gamit, laruan, bote, sasakyan, gusali (SKPK-00-2)

II. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mag -aaral ay inaasahang . . .
1. Nauunawaan ang mga salitang balakid sa kwento sa pamamagitan ng mga larawan at aktwal na bagay
2. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kwento
3. Natutukoy ang mga pangalan ng mga kulay
4. Naipapangkat ang mga bagay ayon sa kulay nito
5. Nakaguguhit ng iba’t ibang uri ng linya
6. Naipapakita ang mga gawain ng isang bata upang maging malinis ang paligid

III. Mensahe/Paksa: Mayroong iba’t ibang kulay, tekstura, linya ang mga magagandang bagay sa
ating paligid
Kabutihang Asal: Pagpapahalaga sa kalinisan ng paligid na nagdudulot ng kasiyahan at bagong sigla sa
mga taong naninirahan dito
Mga Kagamitan: Nang Magkakulay ang Nayon
Kwento at Guhit ni: Susan de la Rosa Aragon
mga larawan, bidyo, computer, internet, tablets
Sanggunian: KTG, MELCs, Tablet, dice, recycled materials

IV. PAMAMARAAN
PANIMULA Nang Magkakulay ang Nayon
Kwento at Guhit ni: Susan de la Rosa Aragon
Pre-Reading
Activities Guro: Mga bata, awitin natin ang “Oras na ng Kwentuhan”
(Aawitin ang Oras ng Kwentuhan ni Teacher Cleo)
A. Paghawan ng
mga Balakid Guro: Ang mga pamantayan sa pakikinig ng kwento:
1. Maupo ng maayos
2. Makinig sa Kwento
3. Maghanadang sumagot sa mga tanong tungkol sa kwento
Guro: Bago natin basahin ang kwento, alamin natin ang mga bagong salita na
ating makikilala at bibigyang kahulugan:

nayon- ipapakita ang larawan ng isang nayon at isang siyudad upang makita ang
kaibahan nito

alikabok- magpapakita ng mga bagay na may alikabok at walang alikabok

bahaghari- magpakita ng iba’t ibang kulay ng linyang pakurba at bumuo ng


isang bahaghari

B. Pagganyak

Guro: Narito ang larawan ng dalawang nayon. Kung ikaw ay papipiliin, saang
nayon ka titira? Bakit?

(Hayaang sumagot ang mga bata)

Guro: Sa tingin ninyo, anong itsura ng nayon ang makikita natin sa kwento?

PAGMOMODELO Guro: May babasahin akong kwento. Makinig at alamin


kung anong uri ng nayon ang inilalarawan sa kwento. Ang
During Reading
kwento natin ngayon ay “Nang Magkakulay ang Nayon”
Activities ito ay Kwento at Guhit ni Susan de la Rosa Aragon.
a. Pagbabasa ng
Kwento (Ipakita ang pabalat ng aklat)
(Inter-active Read-
aloud)
(Huminto sa ilang bahagi ng kwento upang magtanong ng
b. Pagsagot ng mga
mga predictive questions):
tanong habang
nagkukwento Halimbawa:
1. Ano kaya ang mangyayari?
2. Ano kaya ang gagawin ng mga tao?
(Habang nagkukwento at nagkakaroon ng kulay ang mga larawan, hayaan ang
mga batang sabihin ang mga kulay)

Guro: Pagkatapos natin basahin ang kwento, subukan nating sagutin ang mga
tanong tungkol sa kwento:
1. Paano mo ilalarawan ang nayon ni Juanito sa simula ng kwento?
2. Anu-ano ang mga ginawa ni Pintor sa kanyang pagdating sa nayon?
3. Paano mo ilalarawan ang nayon matapos dumating ni Pintor at magtulungan
ang mga tao?

GINABAYANG Guro: Ang bawat isa ay mayroong larawan ng iba’t ibang


bagay na makikita sa Nayon ni Juanito. Sa pisara, mayroong
PAGSASANAY
larawan ng Bahaghari. Ilalagay natin ang larawan sa tamang
kulay ng bahaghari ayon sa kanilang kulay.

MALAYANG Pangkatang Gawain


PAGSASANAY
Teacher Supervised:
Pangkat 1 (Literacy)
Kagamitan: small blocks, mat na mayroong pangalan ng mga kulay
Integration:
Alphabet Panuto:
Knowledge 1. Baybayin ang mga pangalan ng kulay na nakalagay sa mat.
- Identify the letters 2. Piliin ang tamang kulay ng small blocks na ilalagay sa mat ayon sa
of the alphabet pangalan ng kulay.
(mother tongue,
orthography)
(LLKAK-Ih-3 ) Independent:
Pangkat 2: (Numeracy)
Kagamitan: pompom balls, sorting mat, mga cut-out ng iba’t ibang kulay ng
bahay ayon sa kwento, counting mat

Number and Panuto:


Number Sense 1. Mayroong isang sorting mat na may iba’t ibang kulay ng sorting balls.
- Combine elements of 2. Isa-isang ilalabas ng bata ang mga pompom balls. Ilalagay ito sa tamang
two sets using concrete kulay ng bahay.
objects to represent the 3. Isusulat ang bilang ng pompom balls sa bawat kulay pagkatapos mailabas
concept of addition ang lahat ng balls mula sa sorting mat.
(MKAT-00-3)

Pangkat 3: (Creating and Critical Thinking)

Kagamitan: bond paper, lapis, pangkulay


Malikhaing
Pagpapahayag
Panuto:
(Creative
1. Ang bawat isa ay bibigyan ng lapis, papel at pangkulay.
Expression)
2. Iguguhit nila ang kapaligiran na kanilang nais tirahan.
3. Ikukuwento sa klase ang kanilang iginuhit.
Pangkat 4: (ICT)
Kagamitan: tablet, tablet pencil, dice na mayroong iba’t ibang linya, dice na
mayroong iba’t ibang bilang

Panuto:
1. Mayroong larawan ni Pintor sa tablet, ang bawat bata ay magkakaroon ng
pagkakataon na pagulungin ang dalawang dice.
2. Mula sa lalabas sa dice, iguguhit nila linya at dami nito bilang buhok ni
pintor. Ang lahat ng bata sa pangkat ay magkakaroon ng pagkakataon
gumuhit gamit ang tablet pen.

PAGLALAPAT Guro: Mula sa ating napakinggang kwento, paano mo mapapanatiling malinis ang
iyong kapaligiran? Bilang bata, ano ang iyong maitutulong sa iyong komunidad
upang mapanatiling malinis ay maayos ito?
SEL
Guro: Narito ang iba’t ibang mga gamit panlinis. Maaari mo bang ipakita kung
paano mo gagamitin ang mga ito sa paglilinis ng iyong paligid?

Guro: Sa ating napakinggang kwento, lumabas ang mga kulay ng mga bagay sa
Nayon ng Alikabok nang maging malinis ito, kaya naman tinawag na itong
Nayon ng Bahaghari. Para sa ating worksheet, kulayan ang Bahaghari ayon sa
tamang pagkakasunod-sunod nito.

Pagsagot sa worksheet:
PAGTATAYA Guro: Tignan natin kung nasunod ng ating klase ang mga pamantayan sa
pakikinig sa kwento. Ang bawat bata ay mayroong tatlong kulay ng sticker- pula,
dilaw at bughaw o asul. Ididikit natin ito sa chart kung nasunod natin ang mga
pamantayan.

Pula- hindi nasunod

Dilaw- nasunod nang bahagya

Bughaw/Asul- Nasunod nang Mabuti

Pamantayan Pagsunod sa
pamantayan
Maupo nang maayos.
Makinig nang Mabuti sa kwento
Sumagot sa mga tanong mula sa kwento

Inihanda ni:

MARIE JOSIELLE R. DE GUZMAN


Guro sa Kindergarten

Sinuri ni:

JAGILEN D. RAMOS
Dalubguro

Binigyang-pansin nila:

GUIA S. MORRIS DR. TEOFILO R. NOROMBABA


Punungguro Pandistritong Superbisor sa mga Pampublikong Paaralan

You might also like