Illustrative Watercolor Reading Activity English Educational Presentation

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

"SI PIPOY AT ANG

MAHIWAGANG MUNDO
NG PAGBABASA"
May isang batang nagngangalang Pipoy na hindi mahilig
magbasa ng libro, ang nais niya lamang ay
magtagumpay sa kanyang mga paboritong laro at
huwag na lang mag-aksaya ng oras sa pagbabasa.
Ngunit ang problema, palaging mababa ang
kanyang mga marka sa paaralan at nahuhuli siya sa
mga pagsusulit sa klase.
Habang tumatagal, mas nagiging malala ang kanyang
problema sa pag-aaral. Napansin ito ng kanyang ina at
nagbigay ng payo sa kanya na mahalaga ang pagbabasa para
sa kanyang kaalaman at kasanayan, hindi siya nakikinig, at
mas lalo pa siyang naging abala sa kanyang paglalaro.
Sa isang mahirap na pagsusulit, bumagsak si Pipoy
at napagdesisyunan niyang subukan ang payo ng
ina, siya ay nagtungo sa aklatan at nagsimulang
magbasa ng mga libro.
Sa paglipas ng mga araw, napagtanto ni Pipoy
na mas maraming mundo at kahulugan ang
nadidiskubre sa pamamagitan ng pagbabasa.
Nang dumating ang susunod na pagsusulit,
namayani si Pipoy at nakakuha ng mataas na
marka, natutunan niyang ang pagbabasa ay
hindi lamang pampalipas-oras kundi isang
instrumento para sa kanyang pag-unlad.
Ang kwento ni Pipoy ay nagbibigay ng
aral na ang pagbibigay halaga sa
pagbabasa ay nagbubukas ng mga pinto
tungo sa mas maraming kaalaman at
oportunidad.
WAKAS...

You might also like