1 Summative Filipino Sa Piling Larang (Akademik)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1ST SUMMATIVE FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

I.PANUTO: ILAGAY SA TAMANG HANAY ANG MGA SALITANG NASA LOOB NG KAHON
Posisyong papel Talumpati ni Senador Chiz Escudero
Voltes V Whattpad stories
Batang Quiapo Pagsusuri ng isang pelikula
Ulat sa pulong Spoken poetry
Abstrak Kwento ni Aling Susan

AKADEMIKO DI-AKADEMIKO
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

II. PANUTO: TAMA O MALI. Isulat ang salitang HEART, kung ang pahayag ay Tama at ICE naman kung
ang pahayag ay Mali.

11. Ang abstrak ay isang maikling buod na inilalagay sa unahan ng panimula ng isang tisis.
12. Ang abstrak ay tinatawag ding halaw.
13. Ang abstrak ay may 20 na salita.
14. Ang buod, layunin, resulta, konklusyon at pangwakas ang mga gabay na terminolohiya sa pagsulat ng abstrak.
15. Sa abstrak, rekomendayson ang tawag sa kinalabasan ng pag-aaral.
16. Ang buod ay tinatawag ding sintesis.
17. Ang buod ay maaaring buoin ng hindi hihigit sa 200 salita.
18. Sa pagkuha ng mahalagang detalye, mahalagang matukoy ang sagot sa mga sumusunod: Sino?, Ano?, Kailan?,
Bakit?, Magkano?.
19. Maglista ng mga mahahalagang impormasyon sa babasahin akda ang unang hakbang sa pagsulat ng buod.
20. Ang pananaliksik ay halimbawa ng akademikong sulatin.

2ND SUMMATIVE FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

II. PANUTO: TAMA O MALI. Isulat ang salitang SUKA, kung ang pahayag ay Tama at PATIS naman kung
ang pahayag ay Mali.
1. Ang PANG-IBA at PANSARILI ay mga uri ng Talambuhay
2. Sa pagpili ng paksa sa talumpati, kailangan nakabatay ito sa interes, karanasan at kaalaman ng
mananalumpati.
3. Ang panimula, paglalahad, paninindigan at pamimitawan ay mga dapat taglayin ng isang talumpati.
4. Hindi na kailangan sa isang talumpati ang magtipon ng materyales.
5. Kailangang laging malakas ang boses ng mananalumpati, hindi kailangan pababago ang lakas nito.
6. Manatiling tuwid sa pagtayo habang nagtatalumpati.
7. Bago magtalumpati humingi muna ng gabay sa Poong Maykapal.
8. Kailangang angkop na pagkumpas lamang ng kamay ang gagamitin sa pagtatalumpati.
9. Ang paghawak sa damit, panyo, ID, buhok at iba pa ay dapat iwasan habang nagtatalumpati.
10. Dapat astig ka habang nagtatalumpati.

11-14 PANUTO: Hakbang sa pagsulat ng talumpati

a. Pagtitipon ng mga materyales


b. Paglinang sa mga kaisipan
c. Pumili ng paksa
d. Pagbabalangkas ng kaisipan

_____ 11. Alin ang pang-apat na hakbang?


_____ 12. Alin ang unang hakbang?
_____ 13. Alin ang ikalawang hakbang?
_____ 14. Alin ang ikatlong hakbang?

15. Maaliw ang manonood sa talumpati mo kung ikaw ay may tamang kumpas ng kamay at panay ang lakad at ibaba sa
entablado.
16. Biograpiya ang tawag sa pagsulat ng sariling talambuhay.
17. Sa paninindigan maaaring hindi makatotohanan ang sabihin ng mananalumpati.
18. Ang pamimitawan ang nagsisilbing pambungad ng talumpati.
19. Sa paglalahad makikita ang pinaka katawan ng talumpati.
20. Ang Biograpiya ay isang matapat na pagsanib sa kaluluwa ng tao batay sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay.
21. Ang talumpati ay maaaring pinaghandaan, sinulat man o sinaulo, biglaang talumpati.
22. Ang bionote ay isang di-akademikong sulatin.
23. Ang pagututuro ng guro ay halimbawa ng talumpating isinaulo.
24. Sa pagsulat ng bionote kailangang gumamit ng malalalim na salita upang mapukaw ang interest ng mambabasa.
25. Ang bionote ay maikling tala ng personal na impormasyon sa isang awtor na maaaring makita sa likuran ng pabalat
ng libro na kadalasan ay may kasamang litrato ng buong pamilya niya.

You might also like