Quiz # 1.AKADEMIK

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III- Central Office
Schools Division of Bulacan
STA LUCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calumpit, Bulacan

UNANG MAIKLING PAGSUSULIT


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
I. SURIIN KUNG TAMA O MALI ANG BAWAT PAHAYAG. SUNDIN ANG PARAAN
NG PAGSAGOT. AYON SA MGA PAGPIPILIAN SA IBABA. ISULAT ANG TITIK NG
SAGOT SA BAWAT PATLANG.

A. TAMA ang parehong pahayag.


B. TAMA ang unang pahayag, MALI ang ikalawa
C. MALI ang unang pahayag, TAMA ang ikalawa
D. MALI ang parehong pahayag.

_____1. Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa publiko.
Maaaring magparami ng kopya at ipamigay ito sa komunidad.
_____2. Ang patalastas ay kadalasang hindi nakikita sa katitikan ng pulong.
Ang halimbawa nito ay ang sushesyong agenda para sa susunod na
pulong.
_____3. Sa bahaging PAGTATAPOS inilalagay ang kung anong oras nagtapos
ang pulong.
Makikita rin dito ang lagda at pangalan ng sumulat ng pulong.
_____4. Nararapat lamang na kamag-anak ng tagapanguna ang kukuha ng
katitikan ng pulong.
Ang upuan niya ay dapat sa kabilang dulo ng mesa, katapat ng lugar ng
tagapanguna.
_____5. May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang paksa ng
posisyong papel.
Una, puwedeng reaksiyon ito sa isang usaping kasalukuyang
pinagtatalunan. Pangalawa, puwedeng tugon
lamang Ito sa isang suliraning panlipunan.
_____6. Sa photo essay, ang mga larawan ay ang pangunahing nagkukuwento,
samantalang ang mga nakasulat na teksto ay suporta lamang sa mga
larawan.
_____7. Ilista na lamang ang katwiran ng panig na sa tingin mo kapareho rin ng
sa iyo
Mas makabubuti na isulat sa magkaibang hanay ang katwiran ng
magkabilang panig
_____8. Isiping mabuti ang pamagat ng agenda.
Kahit sino maaaring dumalo sa pulong.
_____9. Bago magpulong ihanda na agad ang tape recorder.
Makakabuti kung naka-live streaming ang pulong.
_____10. Ikaw ang pipili ng magiging buhay mo. Maari mong piliing maging
masaya o malungkot.
Ang kalungkutan ng buhay mo ay hindi maaring isisi sa ibang tao.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III- Central Office
Schools Division of Bulacan
STA LUCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calumpit, Bulacan

UNANG MAIKLING PAGSUSULIT


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
II. BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG SUMUSUNOD NA MGA PAHAYAG.
ISULAT ANG TITIK NG NAPILING SAGOT SA BAWAT PATLANG.

_____ 11. Ito ang opisyal na tala ng isang pulong.


a. Katitikan ng pulong b. buwanang pulong
c. minuto ng pulong d. ehukatibong pulong

_____12. Bahagi ito ng katitikan ng pulong kung saan naglalaman ito ng pangalan ng
kompanya, organisasyon, samahan at iba pa. Makikita din dito ang oras na
nagsimula ang pulong.
a. Lagda b. pagtatapos c. heading d. mga dumalo

_____13. Sa bahaging ito ng katitikan ng pulong makikita ang mga tala ng dumalo at liban
sa pulong.
a. Lagda b. pagtatapos c. heading d. mga dumalo
_____14. Sa bahaging ito ng katitikan ng pulong makikita ang mahahalagang tala tungkol
sa paksang tinalakay.
a. usaping napagkasunduan b. Lagda
c. heading d. mga dumalo

_____15. Bahagi ito ng katitikan ng pulong subalit hindi ito madalas makita. Nagsisilbi
itong patalastas sa pulong.
a. Lagda b. pagtatapos c. heading d. pabalita

_____16. Bahagi ito ng katitikan ng pulong kung saan makikita ang oras na nagwakas ang
pulong.
a. Lagda b. pagtatapos c. heading d. pabalita

_____17. Sa bahaging ito ng katitikan ng pulong makikita ang pangalan ng taong kumuha
ng katitikan ng pulong.
a. Lagda b. pagtatapos c. heading d. pabalita

_____ 18. Ang sumusunod ay mga dapat alalahin sa pagsulat ng lakbay sanaysay maliban
sa isa;
a.Mag-isip na parang manunulat b. maging kakaiba
c. maging kampante d. mananaliksik

_____19. Ang sumusunod ay mga dapat gawin ng taong naatasang kumuha ng katitikan
ngpulong maliban sa isa.
a. Gumamit ng recorder kung kinakailangan c. umupo malapit sa
tagapanguna ng pulong
b. Itala ang mga tsismis na naririnig d. may kopya ng pangalan ng
dumalo sa pulong

_____20. Ang sumusunod ay bahagi ng katitikan ng pulong maliban sa isa.


a. usaping napagkasunduan b. Lagda c. sanggunian d. mga dumalo

You might also like