Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Sa ikalawang araw o Mur Sangkhane Na0, binibisita ang mga kaibigan at pumupunta

sa mga templo ang mga Lao at nililinis ang mga imahe ng Buddha. Ang seremonya ng
paglinis gamit ang tubig ay simbolo ng paglilinis ng kasalanan na nagawa sa buong taon.
Pagkatapos ng seremonya ng paglilinis ng Buddha, nagbubuhos ng tubig ang mga tao,
anuman ang estado sa buhay o saanman sila nanggaling.
Sa Mur Sangkhane Khun o ikatlong araw, nag-aalay ng pagkain sa mga monghe ang
mga tao at nakikinig sa mga pangaral o sermon ng mga mongheng Buddista. Kumakain din
sila ng larb sa araw na it Ang larb ay isang espesyal na uri ng salad na may karneng isda
(fish sauce) at dayap (lime) upang magdala ng suwerte. Nagbibigay-galang din ang
kabataan sa kanilang mga magulang at sa nakatatanda. Naglalagay din sila ng puting tali sa
paligid ng pulso upang magsabi ng "Manigong Bagong Taon".
Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Magkaiba ba ang mga panrelyong pagdiriwang at gawain?
llarawan ito.
Pagtatasa ng Pagkatuto 3: Paano nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad?

You might also like