Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

KKK (Kristo, sa Krus ng Kalbaryo)

Ano ba’ng dahilan ng pagpaparito ko dito sa mundo? Dito sa mundong may iba’t-ibang balakid na
kinakaharap ang tao. Sa mundong sobra na sa tamlay at nawala na nga siguro ang kulay…

Hanggang sa isang araw… Mayroon sa aking nakapag-kwento. May kabuluhan pala ang aking
pamamarito. “Engkwentro” daw ang tawag nila dito. Noong una kong marinig ang "engkwentro", ako'y
natakot. Natakot ako dahil akala ko mapapahamak ako. Sino nga ba naman ang hindi kakabahan dito?
Dahil ang engkwentro ay grupo ng mga bandido laban sa sundalo na kailangang may mamatay para
magligtas ng buhay. Biglang ring nawari sa ‘king isip, anong engkwentro pa ba? Hindi pa ba sapat ang
pang araw-araw na kabigatan kong kinakaharap? Ligaya nga ba ay ‘di ko na malalasap? Paanong laban
pa ba ang kailangan kong isulong? Hindi ko na alam pa kung paano lumaban, baka ako’y muling
maiwanan, muling masaktan at masugatan, ayoko ng nauuwi sa wala ang aking inilalaan.

Sa araw ng engkwentro, kaparusahan ang inaasahan ng baluktot kong isipan. Ngunit ako'y mali
nanaman. Dahil ang natanggap ko ay kapatawaran at ngayon nangungusap Ka sakin ang sabi Mo;

“Anak, mahal kita hindi kagaya ng sinasabi ng mundo na lumilipas, nawawala, at nagbabago. Anak,
mahal kita at hindi ko matitiis ang langit kung wala ka. Hayaan mo Akong lumaban kasama mo. Anak,
mahal kita kaya't papasukin mo Ako sa iyong puso upang mahalin ka pang lalo. Anak, MAHAL KITA, yan
ang dalawang salita na naging dahilan ng pagbaba Ko sa lupa upang tubusin ka. Anak...mahal kita. At
handa akong patawarin ka sa lahat ng iyong nagawa kahit pa maraming beses mo na Akong sinampal
ang pag-ibig ko sayo'y di mapapagal. Hayaan mong paghilumin ko ang mga sugat na iyong natamo,
hayaan mo na linisin Ko ang karumihan ng iyong puso. Matuto kang magdasal at pangako makikinig Ako
sa'yong mga kwento... Dahil nga anak kita... At mahal kita mula pa man nung umpisa, bago mo pa
malaman ang mali at tama minahal na kita.”

Sino nga ba ako? Sino nga ba ako para hindi kita tanggapin?

Magsimula tayong muli sa umpisa, sa kadahilanang ibinigay Niya, kadahilanang ipakilala pa Siya, dito sa
mundo na walang wala na ang pag-asa. Sa umpisa kung saan ang ugnayan natin sa mga balakid ay handa
Niyang mapatid. Sa umpisa na inilaan Niya ang pagtagas ng Kanyang dugo para lamang maibalik ang
kulay dito sa mundo. Sa umpisa na pinasan ang kabigatan ng Krus at ng mga kabigatan sa ‘king buhay. Sa
umpisa na inilikha Niya ang ligaya. Sa umpisa na wala nang bahid pa ng lungkot ang labi. Noong
umpisang maranasan ang engkwentro, nalinawan ako. Ito pala ay hindi tungkol sa mga bandido o
sundalo. Nalinawan ako na Ikaw ang Ama ko at ako'y Iyong anak. Ang puso ko'y puno ng galak at sa tabi
Mo ayaw ko nang lumisan. Hindi ko sasayangin ang Iyong pinaglaban na ang buhay kong wasak ay
naging makabuluhan. Ang puso kong wasak ay binuo mo sa wakas. Hindi ko kakalimutan na ang Iyong
kamatayan ang naging daan ko mula sa impyerno patungo sa paraiso. Alam kong hindi ako karapat-
dapat at ang salitang "salamat" ay hindi sapat para tumbasan ang ginawa Mo. Nakilala Kita sa araw ng
engkwentro. Ang pinagdaanan Mo ay isang magandang kwento. Pagmamahal na walang hanggan ang
kahulugan ng Iyong pagpasan, Kristo, sa krus ng kalbaryo.

You might also like