Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALING ANLIPUNAN 9

Iba’t-ibang Sistemang Pang-ekonomiya

Venn Diagram :Isulat ang mga sistemang pang-ekonomiya sa loob ng bawat bilog at ibigay ang katangian at
pagkakaiba ng mga ito.

PAGSASANAY
Panuto: Alamin kung ano ang tinutukoy sa bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa sistemang pang-ekonomiyang ito, ang mga mamimili at nagtitinda ang gumagabay sa magiging takbo ng
ekonomiya.
a. Tradisyunal na Ekonomiya b. Pinag-uutos na Ekonomiya
c. Pampamilihang Ekonomiya d. Pinaghalong Ekonomiya
2. Si Armad ay anak ng isang panday sa Africa. Sa kanyang paglaki, nagtuturo siya ng limang oras kada araw sa
kanyang mga anak na lumikha rin ng mga sandata, para kapag siya ay tumanda na, may magpapatuloy pa rin ng
gawaing ito? Ito ay halimbawa ng anong sistema?
a. Tradisyunal na Ekonomiya b. Pinag-uutos na Ekonomiya
c. Pampamilihang Ekonomiya d. Pinaghalong Ekonomiya
3. Si Mr. Garcia ay magkakaloob ng bonus sa kanyang mga manggagawa upang mahikayat ang mga ito na mag-
prodyus ng mas maraming air conditioner para sa panahon ng tag-init. Ang gawaing ito ay halimbawa ng anong
sistemang pang-ekonomiya?
a. Tradisyunal na Ekonomiya b. Pinag-uutos na Ekonomiya
c. Pampamilihang Ekonomiya d. Pinaghalong Ekonomiya
4. Ang pamahalaan ng Soviet Union ay nagtakda sa mga pabrika sa isang probinsiya na lumikha ng mas
maraming heater para paghandaan ang nalalapit na taglamig. Ang ganitong gawain ay halimbawa ng anong
sistema?
a. Tradisyunal na Ekonomiya b. Pinag-uutos na Ekonomiya
c. Pampamilihang Ekonomiya d. Pinaghalong Ekonomiya
5. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng sistema ng Command Economy?
a. Sa kagustuhan at pangangailangan ng mamimili nakabatay kung anong produkto ang lilikhain
b. Kompetisyon ang nagtatakda ng presyo sa pamilihan
c. Ang pamahalaan ang nagpapasya kung ilan ang produkto at serbisyo ang lilikhain
d. Ang pamahalaan ay nakadepende sa pamilihang pinansiyal ng ibang bansa sa pagtatakda ng presyo ng
produkto

You might also like