SLM Byb1 Fil3 Q4 Aralin6 - Edited

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

3 Filipino

Ikaapat na Markahan – Modyul 6:


Naiuugnay ang Binasa sa Sariling
Karanasan
BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL
Manunulat

MARICHU L. CASTILLO
Guro III

Mga Patnugot

CHARLIE G. MALICDEM ALICE A. DE VERA


Dalubguro II Dalubguro II

MARY JANE F. GONZALES RAQUEL R. SALAYOG


Dalubguro II Dalubguro II

HELEN M. AÑASCO, JENNY M. MATABANG,


Dalubguro I Dalubguro I

Tagaguhit

JULHANNA AJ M. CALANGIAN
Mag-aaral sa Beleng Elementary School

Layout Artist

JASMIN C. JUNIO
Guro III

Mga Tagapamahala

MELCHORA N. VIDUYA, EdD


Edukasyong Tagamasid – I sa Filipino

ANGELITA V. MUÑOZ, EdD


Tagamasid Pampurok ng Bayambang I

RAQUEL C. MARLANG,
Ulong Guro III sa Filipino

SHIRLEY C. GONZALES, LPT


Guro II
Pandistritong Tagapag-ugnay sa Filipino, Bayambang I

ii
Paunang Salita:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Subukin
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

iii
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
Tuklasin
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
Pagyamanin paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang “Sanggunian” Ito ang talaan
ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.

2. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.

3. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

4. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

5. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

6. Obserbahan ang katapatan sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

pagwawasto ng mga kasagutan.

7. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

8. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

V
Alamin

Mahusay! Naipakita mo ang iyong galing sa pagsagot sa mga naunang


gawain!
Sa modyul na ito, matututunan mong iugnay ang iyong sariling karanasan sa
iyong mga binasang kuwento o sitwasyon.
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mas marami ka pang
matutunan tungkol dito.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
 Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan.
( F3PB – IIa-1 , F3PB-Ivc-1 )

Subukin

PANUTO: Basahin ang maikling karanasan at piliin ang letra ng tamang


sagot para sa mga sumusunod na tanong

Isang araw nagbabasa si Aling Lita ng isang artikulo sa dyaryo tungkol sa


epekto ng pandemyang Covid-19 virus na nagsimula noong buwan ng Marso taong
2020 sa ating bansa, na kung saan nakakalungkot ang mga nangyari hindi lang sa
Pilipinas kundi sa buong mundo. Dahil sa Covid-19 virus, maraming namatay at
nawalan ng mga trabaho. Maraming mamamayan ang labis na naapektuhan lalong-
lalo na ang mga umaasa sa arawang kita para sa kanilang pamilya. Naluluha at
nalulungkot din si Aling Lita para sa pamilyang naulila ng mga hindi nakaligtas sa
Covid-19 virus na ito. Naaawa rin siya para sa mga frontliner dahil kahit delikado
ang kanilang buhay, ay ginagawa pa rin nila ang kanilang mga tungkulin para sa
ikabubuti ng karamihan kabilang na diyan ang kanyang anak na isang nars sa
hospital. Ang dasal at hiling ni Aling Lita sa Diyos ay matapos at masugpo na ang
virus na ito upang unti-unting makabalik sa normal na pamumuhay ang lahat.

1
Mga tanong:

1. Sino ang nagbabasa nang artikulo sa dyaryo?


A. Aling Lita
B. Aling Tekla
C. Aling Minda
2. Tungkol saan ang kanyang binasa?
A. Tungkol sa mga nagdaang bagyo.
B. Tungkol sa Covid-19 virus.
C. Tungkol sa usong damit sa taong ito
3. Kailan nangyari ang pandemya na nararanasan ng buong mundo ngayon?
A. Marso, 2019
B. Marso, 2021
C. Marso, 2020
4. Ano ang naramdaman ni Aling Lita habang siya ay nagbabasa ng
artikulo?
A. natutuwa
B. naliligayahan
C. naaawa at nalulungkot
5. Bakit kaya ganoon ang naramdaman ni Aling Lita habang siya ay
nagbabasa?
A. Dahil maging si Aling Lita ay nararanasan rin ang pandemya lalo na
ang anak niyang isang nars sa ospital.
B. Dahil nararamdaman din niya ang lungkot at takot na nararamdaman
din ng ibang tao.
C. Lahat ng nabanggit.

Aralin Naiuugnay ang Binasa sa


1 Sariling Karanasan

Balikan

PANUTO: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng bawat


pangungusap tungkol sa pagsulat ng talata at MALI naman kung hindi.

_____1. May tamang espayo o palugit ang unang pangungusap ng talata.

_____2. Nagsisimula sa malaking titik ang bawat simula ng mga pangungusap ng

talata.
2
_____3. Magkakaugnay ang bawat kaisipan ng bawat pangungusap.

_____4. Lagyan nang wastong bantas ang hulihan ng bawat pangungusap.

_____5. Ang talata ay may isang paksang diwa lamang.

Tuklasin

Nakaranas ka na ba ng mga hamon o pagsubok sa iyong buhay o sa


inyong pag-aaral?

Ano-ano ang inyong ginawa para ito ay malampasan?

Panuto: Basahin mo ang buod ng kuwento na nasa ibaba at sagutin ang


mga sumusunod na tanong tungkol kay kuneho at pagong.

Ang Kuneho At Ang Pagong: Huwag Sumuko!

Ang kuneho ay nagyayabang tungkol sa kanyang bilis sa harap ng iba pang


mga hayop at hinamon ang sinuman sa kanila sa isang paligsahan. Tinanggap ng
isang pagong ang kanyang hamon. Sa una ay inisip ng kuneho na ito ay isang biro,
ngunit seryoso ang pagong. Sinimulan ang paligsahan at sa simula ay buong bilis na
tumakbo ang kuneho. Napansin niyang sobrang layo na ng pagong at pinagtawanan
niya ito. Nagpasya siyang umidlip muna sapagkat sa wari niya ay walang pag-asang
makahabol ang pagong. Ang pagong naman, kahit mabagal ay patuloy na naglakad.
Nang magising ang kuneho ay malapit na sa dulo ng karera ang pagong at hindi na
niya ito kaya pang habulin kahit anong bilis niya. Sa dulo ng paligsahan, ang pagong
ang nanalo sa paligsahan ng karera.
3
Tanong:
1. Sino ang nagpaligsahan sa pagtakbo sa kuwento?

________________________________________________________
2. Anong pag-uugali ng kuneho ang ipinakita sa kuwento?

________________________________________________________
3. Anong katangian naman ang inilarawan sa kuwento tungkol kay pagong?

________________________________________________________
4. Sa dalawang tauhan, sino sa kanila ang nais mong tularan ang pag-uugali?
Bakit?

________________________________________________________
5. Anong aral ang natutunan mo at dapat tandaan tungkol sa kuwento ni
kuneho at pagong?

________________________________________________________
6. Kung iuugnay natin ang iyong mga karanasan sa mabuting aral na
mapupulot sa binasa mong kuwento, ano-anong karanasan ito?

________________________________________________________

Suriin

Naiuugnay mo ba ang binasa mong kuwento sa sarili mong karanasan?

Halimbawa:

 Nais mong maglaro kasama ang kaibigan mo ngunit bawal


lumabas ng bahay at may mga modyul ka na kailangang tapusin.
 Nag-aaral ka pa rin kahit may pandemyang nararanasan ang
ating bansa.
 Hindi mo ipinagyayabang ang iyong kakayahan.
 Masaya ako kapag naglalaro kami ng kaibigan ko.

Paano mo maiuugnay sa binasa mong kuwento ang iyong karanasan?

➢ Madali mong mauunawaan ang binabasa mo kung ito ay naranasan


mo na.

4
➢ Nararamdaman mo ang damdamin ng tauhan sa kuwentong binabasa
mo kung ang mga pangyayari sa tauhan ay naranasan mo na.

Pagyamanin
PANUTO: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang tanong.

Ang Masipag na Mag-aaral

Si Mona ay isang masipag na mag-aaral. Gumigising siya nang maaga upang


hindi mahuli sa klase. Nililigpit niya ang kanyang higaan bago siya maligo at mag-
ayos ng kanyang sarili bago pumasok sa paaralan. Hindi niya kinakalimutan ang
pagkain ng almusal bago umalis ng kanilang bahay dahil ito ang palaging paalala ng
kanyang magulang. Ang almusal ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw.
Pagkatapos kumain,inililigpit din niya ang kanyang pinagkainan at nagsisipilyo ng
ngipin. Palagi din siyang nagpapaalam sa kanyang magulang bago pumasok sa
paaralan.

Bilang isang mag-aaral tulad ni Mona, ano-ano ang mga


ginagawa mo bago pumasok sa paaralan?

1. _______________________________________________________

2. _______________________________________________________

3. _______________________________________________________

5
Isaisip

Sagutin at tandaan ang gawain.

Paano mo maiuugnay sa
binasa mong kuwento ang iyong
karanasan?

Isagawa

PANUTO: Basahin ang bawat sitwasyon at sagutin ang bawat tanong.

1. Tumutulong muna sa gawaing-bahay ang mga anak ni Aling Selya at


Mang Baste bago nila gawin ang kanilang mga gawaing pampaaralan.
Sa inyong bahay,ano-anong mga gawaing bahay ang kaya mo na ring
gawin?

____________________________________________________

2. Naglalakad pauwi na ng bahay si Mang Carlo nang makapulot siya ng isang


pitaka na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Agad niya itong
ipinagbigay alam sa pulis upang matulungan siyang maibalik sa may-ari ang
napulot na pitaka. Kung ikaw si Mang Carlo gagawin mo rin ba ang kanyang
ginawa? Bakit?

_____________________________________________________

6
3. Habang pauwi ng kanilang bahay ang kambal na sina Rico at Rica, nakita
nila ang isang batang lalaki na nakasaklay at tatawid ng kalsada.

Agad nila itong inalalayan upang makatawid nang maayos. Kung ikaw sina
Rico at Rica, gagawin mo rin ba ang kanilang ginawa? Bakit?

____________________________________________________

Tayahin
Gawain 1
A. Panuto : Basahin ang maikling kuwento at gawin ang sinasabi sa
gawain.

Tuwing bakasyon pagkatapos ng


klase sa buong taon ay pumupunta sa dagat
ang pamilya ni Dinna sa dagat para maligo at
mamasyal. Naglalaro sila ng mga kapatid sa
mababaw na bahagi ng dagat habang
nakasubaybay sa kanila ang kanilang mga
magulang.Gumagawa din sila ng kastilyong
buhangin at namumulot ng mga shell sa dalampasigan. Sinusunod din nila ang mga
paalala at babala upang maging ligtas sa pagligo sa dagat.
A. Magbigay ng 3 karanasan ng pamilya ni Dina sa pamamasyal nila sa
sa dagat.
1.____________________________________________________

2.____________________________________________________

3.____________________________________________________
B. Magbigay ng 2 sariling karanasan mo sa pamamasyal kasama
ang iyong pamilya.
1.______________________________________________________

2.______________________________________________________

7
Gawain 2
A. Panuto: Tingnan ang bawat larawan na nasa ibaba. Sumulat ng
pangungusap tungkol sa iyong karanasan na maiuugnay sa bawat larawan.

1. ________________________________________

2. _______________________________________

3. ______________________________________

Karagdagang Gawain

PANUTO: Sumulat ng maikling talata tungkol sa isang karanasan na


maiuugnay mo sa kuwento ng “Ang Kuneho at ang Pagong:
Huwag Sumuko”
_________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

8
Susi sa Pagwawasto

Subukin Tayahin
Isagawa (Gawain 1)A.
1. a. Depende sa sagot ng mga bata. 1. Naliligo sa dagat.
2. b. 2. Naglalaro at gumagawa ng kastilyong
3. c. buhangin.
4. c. 3. Namumulot ng shell.
5. c. B. Depende sa sagot ng mga
bata.
Balikan Gawain 2 . Depende sa sagot ng mga bata
1. Tama Isaisip
2. Tama Madali mong mauunawaan ang binabasa mo kung
3. Tama ito ay naranasan mo na.
4. Tama Nararamdaman mo ang damdamin ng tauhan sa
5. Mali kuwentong binabasa mo kung ang mga pangyayari
sa tauhan ay naranasan mo na.

Tuklasin
1. Si kuneho at pagong
2. Mayabang
3. Mapagpakumbaba,hindi sumusuko,
Matiyaga
4. Depende sa sagot ng mga bata. Karagdagang Gawain
5. Depende sa sagot ng mga bata.
6. Depende sa sagot ng mga bata. Depende sa sagot ng mga bata.

Pagyamanin
Depende sa sagot ng mga bata.

9
Sanggunian:

 https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fwww.philippinestogo.c
om%2Fcategory%2Fpangasinan%2Flingayen%2F&psig=AOvVaw3wp5wxfdJ
y4nPk5pl4UsBb&ust=1617107829529000&source=images&cd=vfe&ved=0CA
IQjRxqFwoTCLCoyYWa1-8CFQAAAAAdAAAAABAD
 https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ffamilyscopes.blogsp
ot.com%2F2019%2F10%2Ffamily-cleaning-together-clipart-
black.html&psig=AOvVaw0A3bl9RQpxRd93xOnnFdiA&ust=16171090223250
00&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJCAuame1-
8CFQAAAAAdAAAAABAD
 https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Farticles.bluehaven.co
m%2Fcustom-poolside-kitchen-layouts-planning-
ideas&psig=AOvVaw0CA2kfKjmGIibkZMvt0Awt&ust=1617109516896000&so
urce=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPCJi5Kg1-
8CFQAAAAAdAAAAABAD
 https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.shutterstock.co
m%2Fsearch%2Famusement%2Bpark%2Bclipart&psig=AOvVaw2HCqNTjV4
A3m20u8YJNVJn&ust=1617109717915000&source=images&cd=vfe&ved=0
CAIQjRxqFwoTCLipsu6g1-8CFQAAAAAdAAAAABAD
 https://buklat.blogspot.com/2018/07/mga-aral-sa-buhay-mula-
sa-mga-kuwentong.html
 https://3.bp.blogspot.com/-
qf9mndZk3E8/WzqXJYsGCaI/AAAAAAAALu4/tbm5wqh-
bnkx2TwypZ6z8onJx4wirSusACLcBGAs/s1600/Ang%2BPago
ng%2BAt%2BAng%2BKuneho%2BKuwentong%2BPabula.jpe
g

10

You might also like