E Ap8 q2 Mod4 Mga Kontribusyon NG Kabihasnang Klasiko Sa Pag Unlad

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

lOMoARcPSD|18887616

E AP8 Q2 Mod4 Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko


sa Pag-unlad
Science, Technology and Society (Bulacan State University)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)
lOMoARcPSD|18887616

8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Mga Kontribusyon ng Kabihasnang
Klasiko sa Pag-unlad ng
Pandaigdigang Kamalayan

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Alamin

Ang module na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ang


saklaw ng modyul na ito ay Araling Panlipunan Baitang 8. Ito ay upang matulungan
kang unawain ang mga aralin.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong talakayan:


• Talakayan 1 – Mga Kontribusyon ng Klasikong Kabihasnan sa America
• Talakayan 2 – Mga Kontribusyon ng Klasikong Kabihasnan sa Africa
• Talakayan 3 – Mga Kontribusyon ng Klasikong Kabihasnan sa Mga Pulo
sa Pacific

Kapag natapos ang modyul na ito, ang mag aaral ay inaasahang


a. Nakapagsusuri ng mga kontribusyon ng mga klasikong kabihasnan;
b. Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng mga klasikong kabihasnan; at
c. Nakapagpapahayag ng mga kontribusyon ng mga klasikong kabihasnan
sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.

Subukin

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa hiwalay na papel ang mga sagot.

1. Matatagpuan sa pagitan ng Asya at North America na sinasabing isang dating


tuyong lupaing nagsisilbing tulay sa dalawang kontinente.
A. Valley of Mexico C. Kapatagan
B. Bering Strait D. Olmec

2. Nangangahulugang rubber people dahil sila ang kauna-unahang taong


gumamit ng dagta ng mga punong rubber o goma.
A. Aztec C. Maya
B. Inca D. Olmec

3. Ang ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Aztec.


A. pagtatanim C. pangingisda
B. pangangalakal D. pangangaso
4. Ito ay nangangahulugang tirahan ng diyos.

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

A. Teotihuacan C. Halach Uinic


B. Quetzalcoatl D. Chinampas

5. Mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden sa gitna ng


lawa.
A. Teotihuacan C. Halach Uinic
B. Quetzalcoatl D. Chinampas

6. Nangangahulugang “tunay na lalaki”. Mga pinuno na nagpalawig ng mga


sentrong panrelihiyon upang maging lungsod-estado.
A. Teotihuacan C. Halach Uinic
B. Quetzalcoatl D. Chinampas

7. Kilala rin bilang ang Feathered Serpent God, ang pinakamahalagang diyos ng
mga Teotihuacan.
A. Teotihuacan C. Halach Uinic
B. Quetzalcoatl D. Chinampas

8. Siya ang pinuno ng mga Aztec nang dumating ang mga Espanyol.
A. Hernando Cortez C. Tlacaelel
B. Moctezuma II D. Chinampas

9. Ito ang unang Estadong naitatag sa Kanlurang Africa.


A. Imperyong Ghana C. Imperyong Mali
B. Imperyong Songhai D. Micronesia

10. Ang salitang ito ay nangangahulugang “marami”.


A. Micro C. Poly
B. Mela D. Mino

11. Tawag sa isang malawak na damuhan o grassland na may mga puno.


A. Sahara C. Savanna
B. Rainforest D. Oasis

12. Isang pangritwal na laro ng mga Olmec na kahalintulad ng basketball subalit


hindi maaring hawakan o gumamit ng kamay.
A. Pok-a-tok C. Basketball
B. Kop-po-tak D. Soccer

13. Isang uri ng kagubatan kung saan may lugar na sagana ang ulan at ang mga
puno ay malalaki, matataas, at may mayayabong na dahon.
A. Sahara C. Savanna
B. Rainforest D. Oasis

14. Sinalakay at winakasan niya ang kapangyarihan ng Ghana (1240).


A. Koumbi Saleh C. Melanesia
B. Sundiata Kieta D. Timbuktu

15. Pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa daigdig.


A. Sahara C. Savanna
B. Rainforest D. Oasis

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Aralin Mga Kontribusyon ng Kabihasnang


Klasiko sa Pag-unlad ng
1 Pandaigdigang Kamalayan

Ang mga klasikal na kabihasnang klasikal ng America, Africa at mga Pulo sa


Pacific. Ang mga klasikal na kabihasnang ito ay malaki ang naging impluwensya sa
ating panahon. Sila ay ang mga unang tao o sibilisasyong humubog sa kasaysayan
upang maging maunlad at marangya ang ilang lungsod sa ating panahon.

May mga salik din silang kinaharap sa kanilang pag-unlad. Ang mga salik na
ito ay naging pundasyon at kanilang ginamit upang mapag-unlad ang kanilang mga
sibilisasyon.

Tuklasin

Humanap ng limang salitang ay kinalaman sa mga klasikong kabihasnan sa


America, Africa at mga Pulo sa Pacific. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang mga
salitang iyong makikita.

A Z T E C H A L A C H U I N I C P A
E Q K L R S C A W L R S C E R O O O
W T G D D R Z Z O D D R Z C W L L H
O A X D F C U E W G F C U V F Y Y Q
I P A R G O E Q K H G O E H R N N S
B M A L I O E Q K A W T G D D E E B
V F C H G C H L Q N W V M C H S S A
L R S C E S C N A A K L A S C I I F
D D R Z C R Z I O A G D Y R Z A A R
D F C U V C U W B A X D A C U J H G
R G O E H O E D G P A R E O E G C E
R A W T G D N N R A W T C D D T Z C
M E L A N E S I A T R E V D F R U V
O A T N A P G N A Y I P H R G U E H

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Suriin

Ang mga Kabihasnan sa America at kanilang mga Kontribusyon

Noong ika-13 siglo B. C. E.,


umusbong ang pinakaunang kabihasnan
sa Amerika – ang mga Olmec sa
kasalukuyang Mexico.

Sa pagtatapos ng Ice Age, tinakpan


ng mga glacier ang malalaking bahagi ng
North America at Europe. Dahil dito ang
isang dating tuyot na lupain na
nagsisilbing tulay sa dalawang
kontinente ay nawala at tinatawag itong
Bering Strait. Sa pagkatunaw ng mga
glacier at pagkawala ng mga tulay na lupa https://en.wikipedia.org/wiki/Bering_Strait#/medi
mula Asya, naputol ang ugnayan ng mga a/File:Bering_Strait.jpeg

tao sa Amerika patungo sa iba pang mga


kabihasnan sa ibang panig ng daigdig.

Ang mga Pamayanang Nagsasaka (2000 BCE – 1500 BCE)

Ang mga sinaunang tao sa Mesoamerica ay


nagtatanim ng mais at iba pang mga produkto
sa lupain ng Valley of Mexico.

• Nagkaroon ng mga pulitikal at panlipunang


kaayusan sa pagitan ng 2000 BCE at 900 BCE.
• Ang mga maliliit subalit makapangyarihang
pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno.
• Nagkaroon din ng mga pamayanang
pinangingibabawan ng aspetong ekonomiko,
pulitikal, at relihiyon.
• Isa sa pinaka kilalang lipunan ay ang
Olmec.

https://upload.wikemedia.org/wiki/wikipedia/com
mon/thumb/e/Lake_Texcoco_c_1519.png/220px-
Lake_Texcoco_c_1519.png

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Kabihasnang Olmec (1500 BCE - 500 BCE)

• Ang salitang Olmec ay nangangahulugang rubber people dahil sila ang kauna-
unahang gumamit ng dagta ng mga puno ng rubber o goma.
• Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural.
• Ginamit nila ang Sistema ng irigasyon upang masaka ang kanilang mga
lupain.
• Gumawa rin sila ng kalendaryo
• Gumamit rin ang mga taga-Olmec ng Sistema ng pagsulat na may
pagkakatulad sa hieroglyphics.
• Mayroon din silang pang ritwal na laro na tinatawag na Pok-a-tok na may
pagkakatulad sa larong basketball subalit ang mga manlalaro ay hindi
maaaring gumamit ng kamay ay ang bola ay yari sa goma.
• Kilala rin sila sa paglililok ng mga anyong ulo mula sa mga malalaking baton
na umaabot sa 18 tonelada at may taas na 14 na talampakan.
• Ang kanilang sambahan ay mga istrukturang hugis pyramide sa ibabaw ng
umbok na lupa.
• Ang lugar ng San Lorenzo at ang La Venta ay ang dalawang sentro ng
Kabihasnang Olmec. Ang dalawang ito ay naging sentro ng pangkalakalan ng
mga produkto gaya ng jade, obsidian at serpentine na nagmumula pa sa
malayong lugar gaya ng Costa Rica.
• Ang kabihasnan ng Olmec ay bumagsak at humina. Sinasabing sila ay
nakihalubilo sa mga sumakop sa kanila.

Ang mga Teotihuacan (200 BCE - 750 CE)

• Ang salitang Teotihuacan ay nangangahulugang tirahan ng Diyos.


• Noong 200 BCE, ilan sa mga lugar sa Valley of Mexico ay mas naging
maunlad dahil sa pakikipagkalakalan nito at paglakas ng kanilang
ekonomiya.
• Ang Teotihuacan ay isa sa pinakamalaki at dakilang lungsod sa panahong
iyon.
• Mayroon silang mga piramide, liwasan at lansangan na nagbigay ng
karangyaan, kapangyarihan at kadakilaan sa lungsod.
• Nagawang kontrolin ng mga pinuno ng Teotihuacan ang malaking bahagi
ng Valley of Mexico.
• Nagkaroon at naging sentro ng pagawaan ang lungsod at nagkaroon ng
monopolyo sa mahahalagang produkto.
• Ang mga nobilidad o nobles ay pinamunuan ang malaking bahagi ng
populasyon.
• Ang pinakamahalagang Diyos ng mga Teotihuacan ay si Quetzalcoatl,
kilala rin bilang ang Feathered Serpent God at pinaniniwalang sa kanya
nagmula ang iba’t ibang elemento ng kanilang kabihasnan.
• Noong taong 600 CE, ang mga tribo sa hilaga ay sinalakay at sinunog ang
lungsod ng Teotihuacan.
• 650 CE, mabilis na bumagsak ang lungsod, ang paghina ng lugar ay dulot
ng mga banta sa karatig lugar, tagtuyot at pagkasira ng kalikasan.

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Ang mga Maya (1000 BCE - 900 CE)


• Ang mga Maya ay nagtayo ng kanilang sentrong panrelihiyon sa Yucatan
Peninsula.
• Halach Uinic – nangangahulugang “tunay na lalaki” sila ang mga pinuno
na nagpalawig ng mga sentrong pangrelihiyon ng lungsod-estado.
• Pinasimulan din nila ang sistemang agrikultural na pagkakaingin.
• Ang mga pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado,
chili pepper, pinya, papaya at cacao.
• Dahil sa kahalagahan ng agrikuktura sa Maya, sinamba nila ang mga
Diyos ng may kaugnayan sa pagtatanim.
• Kilala ang mga Maya sa kanilang sopistikadong kalendaryo base sa mga
obserbasyon nila sa mga tala ito ay tinawag nilang Ang Mayan Calendar
• Malaki rin ang naging kontribusyon nila sa larangan ng matematika at
agham, sila ay mas nauna sa paggamit ng numero.
• Isa pa sa kanilang mga naging kontribusyon ay ang paggawa ng goma sa
pamamagitan ng proseso ng vulcanization.
• Taong 600 CE, nakamit ng mga Maya ang tugatog ng kanilang
kabihasnan.
• Sa pagtatapos ng ikalawang siglo ang mga istrukturang panrelihiyon at
estado ay bumagsak.

Ang mga Aztec (1325 BCE - 1521 CE)

• Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan”, isang


mitikong lugar sa hilagang Mexico.
• Mga nomadikong tribo na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at unti-unting
tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C. E.
• Noong 1200 CE dumating ang mga Aztec sa lambak ng Mexico at nagtatag
ng lungsod sa Teotihuacan.
• Ang mga taga Aztec ay nakabatay ang ekonomiya sa pagtatanim. Ang
kalupaan sa paligid ng lawa ay mataba subalit hindi malawak para sa buong
pamayanan.
• Sila ay gumawa ng Chinampas, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay
mga floating garden sa gitna ng lawa.
• Gumawa ng alyansa ang lungsod ng Texcoco, Tenochtitlan at Tlacopan upang
mapalakas ang puwersa ng Aztec.
Mga bunga ng Alyansa:
▪ Pagtatag ng Aztec Empire na may 80000 milya kuwadrado ng
teritoryo at 400-500 na siyudad-estado
▪ 5-15 milyong katao ang naninirahan sa loob ng imperyo,
samantala 200000-400000 na mga mamamayan ang
naninirahan sa Tenochtitlan
▪ Pagkaluklok bilang Hari kay Montezuma
• Ang mga Aztec ay taimtim na sumasamba sa mga diyos ng kalikasan dahil
sa kanilang pagsasaka.

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Ang mga Aztec (1325 BCE - 1521 CE)

Mga Diyos ng Aztec:


▪ Huitzilopochtli – Pinakamahalagang Diyos ng Aztec. Siya rin ang
diyos ng araw.
▪ Tialoc – Siya ay tinatawag na Diyos ng ulan.
▪ Quetzalcoatl – Siya ang Diyos ng hangin para sa mga Aztec.
• Ang mga Aztec ay naniniwala na dapat laging malakas ang kanilang mga
Diyos upang mahadlangan ang mga masasamang Diyos na sirain ang
daigdig.
• Sa pagdating ng ika-15 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang
militar at ekonomiko.
• Tlacaelel – Pinuno ng Aztec na nagtaguyod ng pagsamba kay
Huitzilopochtli.
• Dahil sa sila ay mahuhusay na inhinyero, nagtayo sila ng mga estruktura
tulad ng kanal o aqua duct, mga dam, at sistema ng irigasyon.
• Noong 1519 dumating ang mga Espanyol upang sakupin ang Mexico na
pinamumunuan ni Hernando Cortez.
• Moctezuma II - Ang pinuno ng mga Aztec nang dumating ang mga
Espanyol
• Tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan sa taong 1521.
• Sa pagsapit ng 1680, naubos ang mga pamayanang Aztec dahil sa
epidemya, pang-aalipin at digmaan.

Ang mga Inca (1200 BCE - 1521 CE)

• Itinatag sa Peru at naging Imperyo na lumawak hanggang sa katimugan


ng Timog Amerika
• Ang salitang Inca ay nangangahulugang “imperyo”.
• Nagtatag ng maliit na kaharian ang mga Incan matapos umunlad ito sa
lambak ng Cuzco (Lungsod ng Cuzco)
• Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador,
Bolivia at Argentina.
• Inti – diyos ng araw ng mga Inca.
• Sapa Inca – tinuturing ng mga Inca bilang kanilang Hari.
• 1438, itinatag ni Sapa Inca Pachacuti (Pachacuti Inca Yupanqui) ang
kanyang pansariling lungsod ng “Macchu Picchu”.
Lipunan

• Pagpapanatili ng extended family group na tinatawag na ayllu.


• Ang bawat isa sa mga ayllu ay nagtatayo ng mga kanal pang-irigasyon at
gumagawa ng mga terrace farms.
• Sila ay maaaring maging magsasaka sa sakahan ng estado, goods crafting,
at tumulong sa proyektong pambayan.

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Ang mga Inca (1200 BCE - 1521 CE)

Mga tauhan sa panrelihiyong seremonya:


• Pari - namumuno sa pagsagawa ng mga ritwal
• Mamakuna - “virgins of the sun”, alalay ng pari. Batang babae, walang
asawa at sadyang pinili para maglingkod panghabambuhay.
• Yamacuna - Batang lalaking naglilingkod ng kanilang buong panahon
para sa estado at relihiyon.
Quipu - set ng mga lubid na may buhol na nagtatala ng datos. Isang kalendaryo
sa pang-araw at isa sa pang-gabi
Pagbagsak ng Inca
• Sinakop ng mga Espanyol ang Inca noong 1532 sa pamumuno ni
Francisco Pizarro.
• Noong 1525, namatay sa empidemya si Huayna Capac. Sa kaniyang
pagkamatay nagdulot ito ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina
Atahuallpa at Huascar.
• Noong 1533, pinatay si Atahuallpa, isa sa mga anak ni Huayna Capac at
makalipas ang isang taon sinakop ng mga Espanyol ang Cuzco gamit ang
maliit na hukbo.

Mga Kaharian at Imperyo sa Africa at kanilang mga Kontribusyon

Heograpiya ng Africa

Ang heograpiya ng Africa ay mahalaga dahil


isa ito sa dahilan kung bakit hindi agad napasok at
nahati-hati ang mga kanluraning bansa. Tinatawag
itong Dark Continent dahil sa hindi nila ito kaagad
masisiyasat, kayat hanggang ika-19 na siglo ang
kaalaman nila tungol sa kontinente ay limitado lang.

Ang pinakamaulan at pinakamaliit na parte


ng Africa ay malapit sa Equator. Matatagpuan dito
ang isang uri ng kagubatan kung saan sagana ang
ulan at ang mga puno ay malalaki, matataas, at may
mayayabong na dahon na tinatawag na Rainforest.
Ang hangganan ng rainforest ay tinatawag na
Savanna, isang malawak na damuhan o grassland
na may mga puno. Sa hilaga ng equator matatagpuan ang Sudan na nasa isang
grassland. Matatagpuan naman sa hilaga ng Sudan ang Sahara ang pinakamalaki
at pinakamalawak na disyerto sa daigdig. Hindi natitirhan ang Sahara at ang laki
nito ay higit kaysa sa Europa. Mayroon itong tinatawag na Oasis, lugar sa disyerto
kung saan may matabang lupa at tubig na kayang bumuhay ng halaman at hayop.
Magkakalayo ang mga kabihasnang sumibol at namayani sa malawak na kontinente
dahil sa heograpiya nito.

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Isa sa mga kultura na umunlad sa Africa ay tinatawag na Trans-Sahara na


umusbong malapit sa Sahara. Nakatulong ang pakikipagkalakalan sa kanilang
pamumuhay, dahil dito nakarating sa Europa at iba pang bahagi ng Asya ang mga
produktong African.

Ang kalakalang Trans-Sahara

• 3000 BCE, umusbong ang isang kalakalang tinatawag na Trans-Sahara.


kalakalan ito sa pagitan ng Hilagang Africa at Sudan.
• Tumagal ito ng hanggang ika-16 na siglo.
• Tinawag na Trans-Sahara dahil ang mga nomadikong tribo ay tumawid ng
Sahara sa pamamagitan ng caravan dala ang kanilang mga kalakal.
• Caravan - pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay.
• Ang kadalasang gamit sa caravan ay mga Kamelyo.
• Pumunta ang mga taga-Carthage sa Sahara upang mamili ng mga hayop gaya
ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling hiyas.
• Nagtatag ng pamayanan ang mga muslim sa Morocco
• Unti-unting nakilala ang islam at namayani ito sa mga kultura at kabihasnan
sa Kanlurang Africa.
• Pinalaganap ito ng mga Berber, mga pamayanang mangangalakal sa Hilagang
Africa.
• Sila ay nagtungo sa Kanlurang Africa upang bumili ng ginto kapalit ng mga
aklat, tanso, espada, seda, kaldero, at iba pa.

Imperyong Ghana

• Unang dakilang imperyo sa kanlurang Africa


• Sumibol ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara.
• Nagkaroon ng malaking pamilihan ng iba’t ibang produkto gaya ng ivory, ostrich,
feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso,
figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pa.
• Ang mga tao ay malayang nagtatanim sa matabang lupa sa kapatagan ng rehiyon.
• Koumbi Saleh – Kabisera ng Ghana na naging sentro ng kalakalan
• Soninke – Unang mga tao na nanirahan sa rehiyon mula 300 – 500 CE
• Berbers – mga taong naninirahan sa disyerto. Nakipagkalakalan ng asin at ginto
sa Ghana.
• Ala Hamdani – isang manunulat na Arabe, ayon sa kanya ang Ghana ay may
pinakamayamang minahan ng ginto sa mundo.
• Tinawag ang Ghana na “Lupain ng mga Ginto.”
• Kilala ang Ghana bilang masisipag na mangangalakal.
• Ang kaisipang ito ay naging isang mahalagang ambag sa lipunan natin ngayon
sapagkat isa ang Ghana sa mga lahi na nagtatag ng maayos na kalakaran sa
daigdig.
• Bumagsak ang imperyong Ghana dahil sa pagkatuyo ng mga lupain at sa
pagkawala ng monopoly ng kalakalan.

10

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Imperyong Mali

• Namayagpag noong 1235 hanggang 1670 sa kanlurang Africa.


• Tagapagmana ng imperyong Ghana at pumalit bilang pangunahing kaharian
sa kanlurang Sudan.
• KANGABA – dito nagsimula ang estado at isa sa mahalagang outpost ng
Ghana.
• Ang pangunahing relihiyon ay Islam.
• Mansa – ito ang tawag sa kanilang hari, nangangahulugan itong “Emperor”
o “Sultan”.
• Sundiata Kieta – Sinalakay at winakasan niya ang kapangyarihan ng
Ghana (1240).
• Mansa Muna – Pinakatanyag na Hari.
• Pinalawak niya ang teritoryo ng imperyo ng Mali.
• Nagtatag siya ng epektibong sistema ng pamamahala.
• Nagtalaga siya ng mga Hukom, Tagapagtala at nga Kawani.
• Katulad ng Imperyong Ghana, ang Mali ay umunlad dahil sa
pakikipagkalakalan.
• Binubuo ng 3 estado at 12 lalawigan.
• Ang sentro ng 3 lungsod ay:
Timbuktu – Sentro ng kaalaman at komersyo
Gao – Naging Kabisera ng Songha Djene.
• Si Mansa Muna ay pumanaw noong 1337.
• Unti-unting humina ang imperyong Mali at humiwalay ang maliliit ng estado
upang masarili ang kalakaran ng Ginto at Asin

Imperyong Songhai

• Humalili sa imperyong Mali nilang pinakamakapangyarihang imperyo sa


kanlurang Africa noong ikaw-14 na siglo.
• Ang mga tao ay naninirahan sa baybayin ng ilog Niger.
• Gao – Sentro ng imperyong Songhai.
• Sila ay nakikipag kalakalan sa mga Berber sa Ilog Niger.
• Dinala rin sa kanila ng mga Berber ang relihiyong Islam
• Dia Kossoi – Hari ng Songhai, tinanggap niya ang relihiyong Islam noong 1010.
• Sila ay sinakop ng mga Mali noong 1325
• Sunni Ali Ber - Sa ilalim ng kanyang pamamahala ang Songhai ay naging isang
malaking imperyo, sinakop nya ang Timbuktu at iba pang sentro ng kalakalan.
• Hinati niya ang kanyang imperyo sa mga lalawigan at nag talaga ng mga
Gobernador.
• Isa sa pinakamalaking Islamic Empire sa kasaysayan
• Saklaw nito ang mga bahagi ng bansang Gambia, Senegal, Mali, Burkina Faso,
Niger, Guinea, at Mauritania.

11

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Ang mga Pulo sa Pacific

PULO SA
AMBAG O KONTRIBUSYON
PACIFIC
• Matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa
silangan ng Melanasia at Micronesia.
• Umabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan dito.
• Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing kabuhayan
• Nagtatanim sila ng taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo,
Polynesia at niyog
• Sa pangingisda naman nakakukuha ng tuna, hipon, octopus, at iba
pa.
• Naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o Mana. Ang katagang
mana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas.”
• Mayroon silang batas na tinatawag na Tapu.
• Pulo ng mga Coral o atoll at napapaligiran ng niyog.
• Ang mga pamayanan ay matatagpuan malapit sa mga lawa.
• Tinatag nila ang pamayanan nila sa bahaging hindi gaanong
tinatamaan ng bagyo.
Micronesia • Ang pangunahing kabuhayan ay pagsasaka ng taro, breadfruit,
niyog, at pandan.
• May kaalaman din sila sa paggawa ng palayok.
• Gumamit sila ng batong ginawang pera o Stone Money.
• Ang relihiyon nila ay tinatawag na Animisno.
• Pinamumunuan ng mga mandirigma
• Tagumpay sa digmaan ang karaniwang paraan ng pagpili ng kanilang
pinuno
• Ang kanilang kultura ay hinubog ng mga alintuntunin ng mga
mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at
karangalan.
• Ang pangunahing sinasaka ay Taro at Yam, nagtatanim din sila ng
Melanesia
pandan at sago na pinagkukunan ng sago
• Sila ay nangingisda, nag aalaga ng baboy, at nangangaso ng mga
marsupial at ibon para sa kanilang ikabubuhay.
• Karaniwang kinakalakal ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin,
apog, gayundin ang mga gawa nilang bangka
• Naniniwala sila sa Animism. Laganap din sa ibang isla ang
paniniwala sa mana.

12

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Pagyamanin

Gawain 1: Aming pagkakapareho?


Tignan ang diyagram sa ibaba. Ang tatlong isla sa Pasipiko ay mayroong mga bagay
na pagkakapareho at pagkakaiba. Tukuyin ang mga pagkakaiba at pagkakapareho
ng mga Pulo sa Pasipiko batay sa mga ambag, kultura at paniniwala nito. Isulat sa
hiwalay na papel ang iyong kasagutan.

Polynesia

Melanesia Micronesia

13

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Gawain 2: Analogy
Basahin ang halimbawa, ibigay ang analogong hinihingi sa mga bawat numero.
Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang iyong kasagutan.

Halimbawa:
Lapis : Papel Bus : Lupa
Chalk : Blackboard Bangka : Tubig

1. Huitzilopochtli : Diyos ng Araw


: Diyos ng Ulan

2. : Inca
Africa : Songhai

3. Mansa Muna : Mali


: Songhai

4. Polynesia : Mana
Mircronesia :

5. Aztec : 1325 – 1521 BCE


Inca :

6. Inca : “Imperyo”
: “Tunay na lalaki”

7. Maya : Mayan Calendar


: Rubber o Goma
8. Ghana : Unang dakilang imperyo
Mali :

9. : Sumakop sa Inca
Sundiata Kieta : Sumakop sa Ghana

10. Sapa Inca : Tawag Hari ng mga Aztec


: Tawag sa Hari ng Mali

14

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Gawain 3: Aking na-iambag


Sagutan ang talahanayan sa ibaba. Isulat ang mga hinihingi sa loob ng kahon. Isulat
sa hiwalay na sagutang papel ang iyong kasagutan.
Magbigay ng mga natatanging ambag ng kabihasnang:
1. Aztec
2. Maya
3. Olmec
4. Mali
5. Polynesia

Aztec Maya Olmec Mali Polynesia

Gawain 4: Tama o Mali?


Sagutin ng tama o mali ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang tama kung wasto ang
pangungusap at kung mali ay bilugan ang salitang nagpapamali sa pangungusap.
Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang iyong kasagutan.

1. Ang pangunahing relihiyon sa Imperyong Mali ay Islam.

2. Ang mga sinaunang tao sa Mesoamerica ay nagtatanim ng mga produkto sa


lupain ng Valley of Mexico.

3. Savanna ang tawag sa kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga
puno ay malalaki, matataas, at may mayayabong na dahon.

4. Ang pinakamalawak na disyerto sa daigdig ay ang Sahara.

5. Berber ang tawag sa pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay.

6. Ang Koumbi Saleh ang Kabisera ng Ghana na naging sentro ng kalakalan.

7. Ang mga taga-Polynesia ay naniniwala sa mana.

8. Pinamumunuan ng mga mandirigma ang pulo ng Micronesia.

9. Si Ala Hamdani na pinuno ng Imperyong Mali ay pumanaw noong 1337.

10. Si Inti ang Diyos ng araw ng mga taga-Inca.

15

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Gawain 5: Mapa-suri
Suriing mabuti ang mapa ng Africa. Napag-aralan sa modyul na ito ang Heograpiya
ng Africa. Tukuyin kung saang bahagi ng Africa matatagpuan ang Rainforest,
Savanna, at Disyreto. Kulayan ng itim ang rainforest, asul sa savanna at pula naman
sa Disyerto. Iguhit at kulayan sa inyong sagutang papel ang mapa

Gawain 6: Daloy ng mga Pangyayari


Pumili ng isang Kabihasnang napag-aralan sa modyul na ito. Gumawa ka ng isang
maikling timeline ng mga pangyayari na naganap sa kanilang kabihasnan kasama
ang mga mahahalagang ambag o kontribusyon nito. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel

16

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Isaisip

Batay sa iyong napag-aralan sa modyul na ito iyong ibuod ang mga natatanging
kontribusyon ng mga klasikal na kabihasnan. Punan ng tamang impormasyon ang
talata upang mabuo nang tama ang mga pangungusap sa ibababa.

Isa sa mga kabihasnan sa Mesoamerica, ang Aztec na mahuhusay na


inhinyero, gumawa sila ng tinatawag na upang taniman, ito ay mga
artipistal na pulo. Ang mga naman ay ang mga taong unang gumamit
ng Goma na nang galing sa dagta ng .

Isa ang sa mga kulturang umusbong sa Africa. Sila ay


gumagamit ng upang tawirin ang disyerto. Namayagpag ang
noong 1235 hanggang 1670 BCE sa kanlurang Africa. At sila ay
pinamunuan ng isang mahusay na pinuno na si .

Isagawa

Pagkatapos mong mabasa ang aralin, sagutin ang katanungan sa ibaba. Isulat sa
hiwalay na sagutang papel ang iyong kasagutan.

Alin sa mga kabihasnan ang sa tingin mong


pinakamalaki ang naging impluwensya sa ating
panahon ngayon?

17

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Tayahin
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa iyong
sagutang papel.
1. Ang salitang ito ay nangangahulugang “marami”.
A. Micro C. Poly
B. Mela D. Mino

2. Isang pangritwal na laro ng mga Olmec na kahalintulad ng basketball subalit


hindi maaring hawakan o gumamit ng kamay.
A. Pok-a-tok C. Basketball
B. Kop-po-tak D. Soccer

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga kabihasnan sa Africa?


A. Ghana C. Mali
B. Songhai D. Maya

4. Ang salitang ito ay nangangahulugang tirahan ng diyos.


A. Teotihuacan C. Halach Uinic
B. Quetzalcoatl D. Chinampas

5. Ito ay mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden sa gitna
ng lawa.
A. Teotihuacan C. Halach Uinic
B. Quetzalcoatl D. Chinampas

6. Kilala rin bilang ang Feathered Serpent God at pinaniniwalang sa kanya


nagmula ang iba’t ibang elemento.
A. Teotihuacan C. Halach Uinic
B. Quetzalcoatl D. Chinampas

7. Pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa daigdig.


A. Sahara C. Savanna
B. Rainforest D. Oasis

8. Lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig na kayang bumuhay
ng halaman at hayop.
A. Sahara C. Savanna
B. Rainforest D. Oasis

9. Isang uri ng kagubatan kung saan may lugar na sagana ang ulan at ang mga
puno ay malalaki, matataas, at may mayayabong na dahon.
A. Sahara C. Savanna
B. Rainforest D. Oasis

10. Tawag sa isang malawak na damuhan o grassland na may mga puno.


A. Sahara C. Savanna
B. Rainforest D. Oasis
11. Sila ay gumamit ng tinatawag na Stone Money.
A. Polynesia C. Melanesia
B. Micronesia D. Songhai
18

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

12. Sila ay mayroong batas na tinatawag na batas na Tapu.


A. Polynesia C. Melanesia
B. Micronesia D. Songhai
13. Sila ay pinamumunuan ng mga mandirigma.
A. Polynesia C. Melanesia
B. Micronesia D. Songhai

14. Ito ang Kabisera ng Ghana na naging sentro ng kalakalan.


A. Koumbi Saleh C. Melanesia
B. Sundiata Kieta D. Timbuktu

15. Sinalakay at winakasan niya ang kapangyarihan ng Ghana (1240).


A. Koumbi Saleh C. Melanesia
B. Sundiata Kieta D. Timbuktu

Karagdagang Gawain

Sagutin ang katanungan upang mas mapalalim


ang natutunan mo sa modyulna ito.

• Kung ikaw ay babalik sa nakaraan, alin sa


mga kabihasnan ang gusto mong balikan at
tirhan? Bakit?

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)


lOMoARcPSD|18887616

Susi sa Pagwawasto

Downloaded by Marife Canong (canongmarife@gmail.com)

You might also like