Tiyak Na Layunin: Hindi Ipinagbibili

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

Pangalan : ______________________________________________
Baitang o Antas : ______________________________________________
Seksiyon : ______________________________________________
Petsa : ______________________________________________
Kuwarter/Linggo : Ikatlong Kuwarter / Ikalawang Linggo

Araling Panlipunan 7
Pag-usbong ng Nasyonalismo at Paglaya ng mga Bansa sa Timog at
Kanlurang Asya

Tiyak na Layunin

Nabatid natin ating nakaraang aralin ang naging karanasan ng mga bansa sa Timog at
Kanluranin.

Sa pagkakataon namang ito, ay pag-aaralan mo ang naging reaksiyon ng mga bansa ng


Timog at Kanlurang Asya. Partikular na ating susuriin ang mga salik, pangyayari at
kahalagahan ng Nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

MELC:

 Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng


mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. AP7TKA-IIId-1.8

 Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa kasaysayan


ng mga bansang Asyano. AP7TKA-IIIe-1.13

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay:


1. Nabibigyang kahulugan ang konseptong Kolonyalismo at Imperyalismo. Sa
kasaysayan ng Timog at Kanlurang Asya.

2. Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng


mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

3. Nasusuri ang matinding epekto ng mga digmaang pandaigdig sa pag aangat ng mga
malawakang kilusang nasyonalista(hal. Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa
pagtatag ng sistemang mandato sa Kanlurang Asya.

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 1


HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

Pangkalahatang Panuto

Ang Learning Activity Sheet na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o
sulat ang anomang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
gawain sa pagkatuto.

2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.

3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga


kasagutan.

4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang
sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong sa iyong magulang o taga pag-alaga, o sinomang mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa. Kaya mo ito!

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 2


HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

Gawain:

Pagbasa ng Teksto

Ang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ay nagpakita ng masidhing


damdaming nasyonalismo. Marahil naitatanong mo sa iyong sarili, “Ano ang
nasyonalismo”? Paano tumugon ang ating mga kapwa Asyano sa pananakop ng
Kanluranin? Ang nasyonalismo sa Asya ay may iba’t ibang anyo tulad ng defensive
nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita ng bansang
Pilipinas at ang aggressive nationalism o mapusok na nasyonalismo na minsang
ginawa ng basang Hapon. Ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay
maipapakita sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagtutulungan, pagkakabuklod sa
iisang kultura, saloobin at hangarin. Maituturing ding manipestasyon ng
nasyonalismo ang pagmamahal, pagtangkilik sa sariling mga produkto, ideya, at
kultura ng sariling bayan. Naipapakita rin ang nasyonalismo sa pagiging
makatwiran at makatarungan. Ang kahandaang magtanggol at mamatay para sa
bayan ay maituturing na pinakamahalagang manipestasyon ng nasyonalismo.
(Halaw mula sa aklat ni Blando, et.al. 2014. Asya: Pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba) Si
Mohandas Gandhi ang nangunang lider ng nasyonalista sa India na nagpakita ng
mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan. Isa siyang Hindu na nakapag-aral. Kilala
siya sa kanyang kilusang matahimik at mapayapang paraan o non-violent means ng
pakikipaglaban para sa kalayaan ng India. Naniniwala siya sa Ahimsa at Satyagrahe.
Sinumulan din niya ang civil disobedience o hindi pagsunod sa pamahalaan. Mahalaga
ang naging papel ng dalawang digmaang pandaigdig sa kasaysayan ng mga
Asyano. Natamo ang kalayaan sa kamay ng mga imperyalistang mananakop dahil
sa pagpapakita ng nasyonalismo ng mga lider nasyonalista nang maganap ang Una
at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay mahalagang kaganapan sa Asya dahil
sa naging malaking epekto nito sa pamumuhay ng mga Asyano.

Pamamaraan

Gawain 1: Kumpletuhin Mo Ako!


Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag at tukuyin sa pamamagitan ng paglalapat ng
titik sa mga kahon upang mabuo ang kasagutan. Isulat ang sagot sa inyong sagutang
papel.

1. Ito ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nation-state sa


aspektong pangpolitikal, pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay.

P Y A S O

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 3


HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

2. Ang pag-aalsa ng mga Sepoy o sundalong Indian laban sa mga Ingles bilang pagtuto sa
pagtatangi ng lahi o racial discrimination.

R B L Y G

E P Y

3. Siya ang nagpasimula ng mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan sa India.

O A A D H I

4. Isang anyo ng nasyonalismo kung saan ang kahandaan ng isang tao na magtanggol at
mamatay para sa kanyang bayan.

E E S E

T N S M

5. Ito ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o
Israelite.

H S T

Gawain 2: Positibo o Negatibo


Panuto: Lagyan ng krus (+) ang pahayag na iyong sinasang-ayunan at ekis (x) ang hindi
mo naman sinasang-ayunan.

_______1. Nasyonalismo ang naging pangunahing tugon ng mga Asyano sa pananakop ng


mga Kanluranin.
_______2. Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagbalik ang mga Jews sa Kanlurang
Asya.
_______3. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ipinatupad ng mga Kanluranin ang
sistemang mandato sa Kanlurang Asya.
_______4. Ang patakarang divide and rule ng mga Ingles ang nagbigay-daan sa pagkakaisa
ng mga Indian.
_______5. Relihiyon ang naging pangunahing batayan sa pagpapakita ng nasyonalismo ng
mga Indians.

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 4


HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

Gawain 3: Tuklasin Mo!


Panuto: Suriin ang collage at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng collage?


2. Paano nakaapekto ang nasabing mga digmaan sa pagtatamo ng kalayaan ng mga bansa
sa Timog at Kanlurang Asya?

? Mga Katanungan
1. Paano sa iyong palagay naging gabay sa pamumuhay at pamahalaan ng India sa
kasalukuyan ang mga pilosopiya at aral ni Mahatma Gandhi? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay ang pagnanais ba ng mga pinuno sa Timog-Kanlurang Asya na


pagsamahin ang pananampalatayang Islam at kanilang paraan ng pamamahala ay isang
mabuting taktika upang tuluyan nilang mabuo ang kanilang adhikain sa paglaya at di
pakikialam ng mga dating mananakop na mga Europeong bansa? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 5


HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

Rubriks sa Pagpupuntos

Bigyang pansin ang katangiang dapat taglayin ng isang poster sa pagmamarka: Isa
(1) bilang pinakamababa at lima (5) bilang pinakamataas

Katangiang dapat taglayin ng Poster 1 2 3 4 5

Ebidensya ng kakayahang maglapat ng bagong


sitwasyon

Malinis at maayos ang pagkaguhit at pagkulay

Malikhain at kaaya-ayang tingnan

Kabuuang presentasyon

Pagtatapos

A. Post ko Poster Mo!

Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng damdaming nasyonalismo at lagyan


ng kapsyon ng pangako ng pagsasakatuparan nito sa iyong tahanan, barangay at
paaralan.Maaring gumamit ng long bondpaper at crayons.

B. Reflection Log

Panuto : Ang susunod na gawain ay kailangan mo sagutin ang isang Reflection Log
tungkol sa iyong natutunan, realisasyon, at opinyon na may kaugnayan sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Naniniwala ako na magagawa mo ito ayon sa
iyong kalooban.

Reflection Log

Ipinagmamalaki ko ang aking pagiging Asyano dahil sa natatanging mga nagawa ng mga
kilalang nasyonalista na nagpapatunay na ang Asyanong katulad ko ay
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 6


HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

Susi sa Pagwawasto

5. Holocaust
Nationalism
4. Defensive
Gandhi
3. Mohandas
x 5.
Sepoy x 4.
2. Rebulosyong x 3.
+ 2.
1.Nasyonalismo
+ 1.
Ako!
Negatibo
Kumpletuhin mo
Gawain 2: Positibo o
Gawain 1:

Sanggunian

Blando, R.C. et. al. (2014). ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling
Panlipunan – Modyul Para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, Pasig City: Eduresources
Publishing, Inc. Pahina 196 -199; 208; 296 - 297.

Ease Modyul Araling Panlipunan III

Mateo, G.E.C.et. al. (2008). Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan II, Quezon: Vibal Publishing House. pahina 269 – 276.

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 7


HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

Pabatid - Liham

Ang Gawaing Pampagkatutong Papel (GPP) na ito ay nilinang ng Kagawaran


ng Edukasyon, Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng GPP na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng Dibisyon ng Koronadal simula
sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng GPP na ito. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.

Mga Tagapaglinang ng Gawaing Pampagkatutong Papel

Manunulat : Mark Anthony M. Ocampo


Tagawasto : Kathy A. Garcia at Jewel P. Depacto
Tagalapat : Rolex H. Lotilla
Tagasuri : Evelyn C. Frusa, PhD. and
Antonio V. Amparado Jr., PhD.
Tagapamahala : Crispin A. Soliven Jr., CESE - SDS
Levi B. Butihen – ASDS
Prima A. Roullo – CID Chief
Antonio V. Amparado Jr., PhD. – EPS-Araling Panlipunan
Evelyn C. Frusa PhD – EPS-LRMDS

Para sa mga katanungan o puna sumulat o tumawag sa:


Kagawaran ng Edukasyon– Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Learning Resource Management System (LRMS)
Corner Rizal Street- Jaycee Avenue, Brgy. Zone IV, Lungsod ng Koronadal
Telepono Blg.: (083) 877-5362

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 8

You might also like