Reviewer AP8 2nd Q

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PEDRO CITY
CUYAB INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
CITY OF SAN PEDRO, LAGUNA

POINTERS SA ARALING PANLIPUNAN 8


2ND QUARTER

 Sa paningin ng dayuhang mananalakay, ang mga Greeks ay tila madaling talunin at sakupin dahil sila
ay nahahati-hati sa iba’t-ibang lungsod estado na hindi nagkakaisa

 Nagtagumpay sana ang mga Spartans laban sa mga Persians kung


Bawat isa ay tapat na sumunod sa plano sa pakikidigma

 Bagamat kakaunti, nagawa ng mga Greeks na talunin ang mga Persians dahil
Napagod na ang Persians sa pakikipaglaban sa mga Spartans

 Pagkatapos matalo ang mga dayuhan, mga kapwa Griyego naman ang naglaban-laban at nagpatayan
dahil sa
Pagkagahaman sa kapangyarihan

 Sa huli, nabura ang sibilisasyong Sparta at Athens dahil


Nagpatuloy sila sa pagpapatayan sa halip na magkaisa at maghanda sa pagpasok ng mas malaking kaaway

 Nagtatag ang Rome ng pamahalaang Republika dahil


Gusto nilang mag-imbento ng bagong klase ng pamahalaan

 Hindi maganda ang istruktura ng Republika ng Rome dahil


Hindi ganap ang kapangyarihan ng konsul

 Natakot ang mga Patricians sa pagrerebelde ng mga Plebeians dahil


Mas malaki ang populasyon ng ikalawa kaysa sa una
Mawawalan ng silbi ang Republika at ang mga Plebeians ay maaaring makapagtatag ng sariling
sibilisasyon na sasalungat sa kanila
Mawawalan sila ng mga alipin at sa gayo’y mawawalan ng silbi ang kanilang kapangyarihan at kayamanan

 Upang maibalik ang tiwala ng mga Plebeians sa Republika, sila ay


Pinayagang umupo bilang mga senador at konsul

 Pinatay si Julius Caesar ng mga senador dahil


Natatakot ang mga senador na mawalan sila ng puwesto sa pamahalaan

 Ang pagpatay kay Caesar ay nagpapahiwatig na


Mas binibigyang halaga ng isang politiko ang kanyang posisyon kaysa ang ikabubuti ng kanyang bayan

 Sa huli, bumagsak ang Republika ng Rome dahil


Hindi na napapamunuang mabuti ng pamahalaan ang mga mamayan dahil ang mga pinuno mismo ay nag-
aaway-away at nagpapatayan

 Ang kasaysayan ng pagbagsak ng Republika ng Rome ay nagpapahiwatig na


Kailangan ng mga mamamayan ng mga nagkakaisang pinuno
Ang pamahalaan ay para sa mga mamamayan hindi para sa mga piling tao lamang
Kapag ang mga pinunong inihalal ng mamamayan ay kumilos alang-alang lamang sa pansariling kabutihan,
mawawalan ng kaayusan sa lipunan

 Nang maitatag ang Imperyong Romano, naranasan ng mga Romans ang mahabang panahon ng
kapayapaan, ngunit muling nagsimula ang kawalan ng kaayusan sa lipunan nang
Mamatay ang magaling na pinuno at ang mga sumunod ay pawang mga walang alam
Magsimulang maging maluho ang mga pinuno at winalang halaga ang papel ng mga mamamayan at mga
kasundaluhan

 Habang sumisikat at yumayaman ang Roman Empire dahil sa lawak ng kanilang imperyo,
dumarami naman ang mga mahihirap na Roman dahil sa
Laganap na korapsyon
Kawalan ng hanap-buhay dahil lahat ng trabaho ay ibinibigay sa mga alipin

 Dahil sa kakulangan sa mga sundalo, ang imperyo ng Rome ay umupa ng mga mersenaryo para
prumutekta sa kanila laban sa mga kaaway, subalit, sa halip na maging kaibigan, ang mga
mersenayo ay kanilang naging kaaway dahil
Inabuso sila ng Romans at hindi trinato nang maayos

 Sa huli, bumagsak ang Rome dahil sa


Kawalan ng kaayusan sa pamahalaan
Kawalan ng matatag na militar
Pagsakop ng mga barbaro

 Ang Middle Age ay tinawag na Middle Age dahil


Ito ang panahong nakapagitna sa pagbagsak ng Roman Empire at pagsilang ng Renaissance.

 Binansagan ni Petrarch ang Middle Age bilang Dark Age dahil ayon sa kanya, sa panahong ito ay
Laganap ang gutom, kahirapan, sakit- karamdaman at kamatayan

* Ang First Triumvirate ay sina Julius Caesar, Marcus Crassus at Pompey

* Ang Halach uinic ay nangangahulugang Tunay na lalaki

* Ang God of the Feathered Serpent ay si Kukulcan

* Ang mga Chinampas ay mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay floating garden

* Si Francisco Pizarro ang Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532.

* Ang Africa ay tinawag ng mga kanluranin na Dark Continent dahil hindi nila ito nagalugad kaagad.

* Ang Oasis ay natatanging lugar sa disyerto na may tubig na kayang bumuhay ng halaman at hayop.

* Ang Caravan ay pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay.

* Nakilala sa Kanlurang Africa ang imperyong Ghana, Mali at Songhai

* Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana

* Ang katagang “mana” ay nangangahulugang Bisa o lakas

* Ang Obispo ang namamahala sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lungsod.

* Ang salitang Pope ay nangangahulugang ama.


* Ang Kapapahan ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan, at kapangyarihang
panrelihiyon ng pinuno ng Simbahang Katoliko.

* Tinatawag na mga Arsobispo ang mga Obispo na nakatira sa malalaking lungsod na nagiging unang
sentro ng Kristiyanismo.

* Ang pinakamahalagang diyos ng mga Aztec ay si Kukulcan. Mali

* Ang mga Aztec ay mahusay na inhenyero. Tama

* Sa panahon ng Imperyong Ghana, Mali at Songhai, ang ginto ay pinambibili ng asin. Tama

* Ang Malayo-Polynesian ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig. Tama

* Ang Micronesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang bay-bay dagat ng Australia. Mali

* Ang tagapagmana ni Octavian ay si Caesar. Mali

* Sinulat ni Pliny the Elder ang Histories at Annals. Mali

* Ang emperador na si Nero ay pinapatay ang lahat nang hindi niya kinatutuwaan. Tama

* Pinamunuan ni Octavian ang Egypt. Rome

* Nawala kay Lepidus ang pamamahala sa Purtugal . Spain

* Noong 53 BCE, napatay sa isang labanan si Pompey. Crassus

* Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at silangan na bahagi ng Pacific Ocean. Timog

* Isa sa mga Salik sa pagbagsak ng Imperyong Roman ay ang pagsalakay ng mga Ingles. Barbaro

* Ang salitang Maya ay nangangahulugang Imperyo. Inca

* Noong 27 BCE, iginawad ng senate kay Octavian ang titulong Hari. Augustus

You might also like