Professional Documents
Culture Documents
Reviewer AP8 4th Q
Reviewer AP8 4th Q
Labanan sa Austria at Serbia ang pinakamaliit na labanan sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Treaty of Versailles – ito ay kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang
Pandaigdig.
Ikinagalit ni Adolf Hitler ang mga probisyon ng Treaty of Versailles dahil naniniwala si Hitler na labis na naaapi
ang Germany sa mga probisyong nakasaad dito at pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa reperasyon.
Ang Hiroshima ay isang lugar sa Japan na pinasabog ng U.S.A. sa pamamagitan ng atomic bomb.
Nazism - Ito ang ideolohiyang pinairal ni Hitler noong Ikadalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang Cold War ay alitan sa pagitan ng dalawang bansa na hindi ginagamitan ng Armas.
Si Franklin Roosevelt ang pangulo ng Estados Unidos nang magsimula ang Cold War.
Ang demokrasya ay ydeolohiya na kung saan ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.
Ang Komunismo ay ideolohiya kung saan ang pagkakapantay-pantay ang pangunahing layunin at pagkawala ng
antas o pag-uuri-uri (class society), kung saan ang mga salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan.
Estados Unidos, Pilipinas at Timog Korea ay mga bansang niyakap ang ideolohiya o pamahalaang Demokrasya
Naninwala si Nicolai Lenin na upang maitatag ang diktadurya ng manggagawa ay kailangan ng dahas at pananakop.
Ang tagapagpaganap ng batas ay iba sa kinikilalang pinunong panseremonya sa bansang may pamahalaang
parlyamento.
Presidensyal ang sistemang pamamahala na sinusunod ng mga bansang tulad ng Pilipinas, Indonesia at Estados
Unidos.
Sa sistemang presidensyal, ang pangulo ay may karapatang pumili ng mga kalihim ng bawat kagawaran o tanggapan
ng pamahalaan.
Ito ang tunay na interes ng mga hapon sa kanyang pag-atake sa Pearl Harbor, mapalawak ang imperyo ng Hapon sa
Asya at ang kaisipang “Asya para sa mga Asyano”
Si Winston Churchill ay nakilala at maaalala sa buong mundo bilang, pinunong Ministro ng Great Britain noong ika-
2 digmaang pandaigdig.
Ang mga Jews ay pangkat ng tao sa Europa na nakatanggap ng pinakamatinding pinsala sa buhay noong Ika-2
digmaang pandaigdig.
Ang EU o European Union ay isang pang-ekonomiko at pampolitikal na Union ng 27 malalayang bansa noong
1992.
Ang Trade Bloc ay isang kasunduan ng mga bansang kadalasan ng magkakanib sa isang samahang rehiyunal na
naglalayong bawasan. paliitin, o tanggalin ang mga taripa at mga hadlang sa mga miyembrong bansa.
Si Jim Yong Kim ay naging pinuno o president ng World Bank na bumalangkas ng estratehiya upang maibsan o
masolusyunan ang sobrang kahirapan sa buong mundo.
Ang kahirapan ay isa sa mga pandaigdigang isyu na binibigyan pansin ng World Bank dahil nakakaapekto sa
moralidad ng tao.