Nagising si Nena na wala ang ina sa kaniyang tabi. Nakadama siya
ng takot kaya niyakap niya ang unan. Narinig niyang tumatahol ang aso. Bumangon siya para hanapin ang ina. Pumunta siya sa kusina pero wala ang kaniyang nanay. Biglang namatay ang ilaw. Kumulog nang malakas. Isang matalim na kidlat ang kasunod nito. Bumuhos ang malakas na ulan. May kalakasan din ang hangin. Pilit nilabanan ni Nena ang takot na nadarama. Pumikit siya at nagdasal nang taimtim. Hindi nagtagal, dumating ang kaniyang Ate Nelia. May dalang nakasinding kandila. Sinabi nitong pumunta ang ina sa palengke upang bumili ng bigas. Bakit natakot si Nena? Bakit kaya biglang nagdilim ang paligid? Paano ipinakita ni Nelia ang kaniyang pagmamalasakit sa kapatid? Ano-ano ang ginagawa mo para sa kasapi ng pamilya niyo? Ano-anong pangngalang tumutukoy sa tao, bagay, hayop, at pook ang iyong napakinggan sa kuwento?