Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

KONSEPTO NG PRODUKTO,

PRAKTIKA, PANANAW,
PAMAYANAN, TAO at WIKA
MULA SA PANANALIKSIK NI
ZAFRA Inihanda nina
Martin,Kyla Janea M.
Tomas, Roland Justin
LAYUNIN
A) Pagtuklas ng mga koneksiyon ng mga datos na may
kinalaman sa iba’t ibang dimensiyon ng penomenong
pangkultura;
B) Pag-uugnay ng penomenong pangkultura sa iba pang
penomenong pangkultura;
C) Pagsusuri ng penomenong pangkultura kaanlinsabay
ng pagsusuri sa ibang mga pangyayari, karanasan,
institusyon, at pananaw sa lipunan.
GALILEO S. ZAFRA
Dakilang historyador ng panitikan , kritiko ,
mananalaysay , at tagasalin.
Siya ang utak sa pagsusulong ng UP Sentro ng
Wikang Filipino at nakabase ngayon sa
Unibersidad ng Pilipinas , Diliman.
Isinilang siya noong 15 Oktubre 1968 sa Lungsod
ng Maynila.
ISANG KONSEPTO NG
KULTURA
Kadalasan naituturing ang KULTURA bilang
imbentaryo ng mga paksa lamang, ngunit ang
KULTURA ay dinamiko rin, buhay na penomenong
isinasabuhay araw- araw ng mga tao, magkasama
man o nag iisa, habang dinaranas nila ang
pinagsasaluhan nilang paraang pamumuhay at
habang lumilikha ng kasaysayan.
ISANG KONSEPTO NG
KULTURA
Ang patuloy na nagbabagong paraan ng pamumuhay ay
nagtatampok sa dinamikong katangian ng kultura.
Ipinahihiwatig nito na may kasaysayan ang mga
produkto, praktika , pananaw, at pamayanan ng
kulturang ito. Ang mga taong humuhubog ng kultura ay
nasa tuloy - tuloy na prosesong aktibong paglikha at
pagbabago ng mga produkto, praktika, pananaw, at
pamayanan.
PATRICK R. MORAN
•"Ang kultura ay isang patuloy na nagbabagong
paraan ng pamumuhay ng isang grupo ng tao o
pamayanan, binubuo ng pinagsasaluhang mga
praktika o gawaing nakaugnay sa pinagsasaluhang
mga produkto, batay sa pinagsasaluhang mga
pananaw sa mundo, at nakalugar sa tiyak na mga
panlipunang konteksto"

6
PRODUKTO
lahat ng bagay na nilikha ng mga miyembro ng
kultura (mula sa kapaligiran at iyong inangkin mula
sa banyagang kultura).
nakapaloob din dito ang mga kagamitan,
pananamit, gusali hanggang sa mas komplikado
ngunit dinaranas pa ring mga likha tulad ng iba't
ibang sining hanggang sa institusyon tulad ng
pamilya, edukasyon, ekonomiya, politika, at
relihiyon ay produkto rin ng kultura.
7
PRAKTIKA
Ginagawa ng mga miyembro ng kultura nang mag-
isa man o magkakasama.
Halimbawa :
Bayanihan,
Pagtawag ng Ate at Kuya sa mga nakatatandang
kapatid ,
Pagmamano at;
Pagsasabi ng 'po' at 'opo'

8
PANANAW
mga persepsiyon o pagtingin (kung ano ang
nabubuong ideya batay sa obserbasyon).
PANINIWALA- kung ang ipinapalagay ay tama o mali.
PAGPAPAHALAGA- kung ang ipinapalagay ay mabuti
o masama.
SALOOBIN- batayan ng paglikha ng produkto at
gumagabay sa mga tao at pamayanan sa paglikha o
pagdanas nila ng kultura.

9
PANANAW
•Bawat isa ay may natatanging naratibo,
pananaw, praktika, at paraan ng pagsangkot sa
penomenong pangkultura.
• Ang paglahok nila sa kultura ay hinuhugis ng
iba’t ibang salik gaya ng kasarian, edad, uri, lahi,
etnisidad, edukasyon, at relihiyon.

10
PAMAYANAN
tumutukoy sa mga tiyak na panlipunang
konteksto at grupo ng mga taong
nagsasagawa ng mga panlipunang gawain.
saklaw din nito ang pabago-bagong hugis ng
pamayanan tulad ng bansa, kasarian,
lahi,relihiyon, uri, henerasyon hanggang sa
lokal na partidong politikal, samahan , at
pamilya.
11
PAMAYANAN
Ang mga pamayanang ito ay sabayang
umiiral sa loob ng isang pambansang
kultura at may iba't ibang ugnayan sa isa't
isa: separasyon, kooperasyon,
kolaborasyon at tunggalian.

12
TAO
Tumutukoy sa mga indibidwal na
miyembro ng pamayanan.
nananahan ang kultura sa mga
indibidwal na tao at sa iba't ibang
panlipunang grupo o pamayanan para
isagawa ang kanilang pang araw-araw
na buhay.
13
WIKA
Ayon sa mga edukador na sina Pamela C. Constantino
at Galileo S. Zafra,
“ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang
pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng
mga tao”
Nasa lahat ng aspekto ng kultura ang wika.
Kinakatawan ng wika ang mga produkto, praktika,
tao, pamayanan, pananaw na bumubuo ng kultura.
Produkto rin ng kultura ang wika ngunit may
natatangi itong tungkulin sa kulturang ito.
14
LIMANG DIMENSYON NG
PENOMENONG PANGKULTURA
PRODUKTO - nararanasang anyo o
estruktura
TAO - miyembro ng kultura
PRAKTIKA - iba't ibang gawain
PAMAYANAN - grupo
PANANAW - paniniwala, pagpapahalaga,
at saloobin

15
Ang mga produkto, tao,
praktika, pamayanan ay
karaniwang hayag; karaniwan
namang tago ang mga
pananaw na siyang maaaring
palitawin sa pagsusuri.
16
PANGKATANG GAWAIN
MGA KAGANAPAN SA
LOOB NG PALENGKE O
PAMILIHAN
UNANG GRUPO - ROLE PLAYING
PANGALAWANG GRUPO - TABLEU

17
EHERSISYO
SAGUTIN ANG MGA
SUMUSUNOD NA
KATANUNGAN AT
OBSERBAHAN ANG MGA
LARAWAN
Sagutin sa loob ng 15 minuto
18
PAMILIHAN

19
EHERSISYO
Sagutin ang mga sumusunod:
Anu-ano ang makikita natin sa pamilihan?
Sino ang kadalasang makikita natin sa mga palengke o
pamilihan?
Ano ang pangunahing gawain sa pamilihan ?
Ano-ano ang mga gawaing sangkot sa pamimili? (magbigay ng
dalawang halimbawa nito)
Ano-ano ang mahahalagang produkto na inyong
naobserbahan sa larawan?
Saang pisikal na lugar nananahan ang mga produktong ito?
Ano-ano ang ginagawa at sinasabi ng mga tao?
Paano sila kumikilos at nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao?
20
PRODUKTO
Ito ang mga bagay o pagkaing ating
MABIBILI at ating KINOKONSUMO o
GINAGAMIT.

21
PAMAYANAN
MAMIMILI
•mamimili para sa pampamilyang
konsumo;
• ang namamakyaw para muling itinda ang
pinamili;
•at ang may-ari ng restawran na namimili
para sa ititindang lutong pagkain
22
PAMAYANAN
GRUPO NG MGA NAGTITINDA
• may-ari ng tindahan
• ang grupong kinuha lang para magtinda
sa puwesto ng mga negosyante.

23
TAO
Paminsan-minsan, may grupo rin ng mga
turista, dayuhan at mga Pilipino, na ang
pakay ay hindi lamang mamili kundi mag-
obserba, mamasyal, matuto, o maglibang

24
PRAKTIKA
Pangunahing gawain sa pamilihan ay ang
PAMIMILI.
Kadalasang ginagawa ng mga tao sa
pamilihan ang kinikilatis ang mga
produktong kanilang bibilhin.
Halimbawa:
-pagsusuri sa mga gulay o prutas kung ito ba
ang bagong ani o hindi bulok at gayundin sa mga
Isda kung ito ba ay magandang uri pa.
25
PANANAW
HALIMBAWA
•Kumikilala ng kasarian ang mga praktika sa
palengke.
Babae ang pangunahing nakikipag-transaksiyon dito
—siya ang kumikilatis ng
produkto,nagkikipagtawaran, at nagbabayad
•Dominante naman ang mga lalaki sa seksiyon ng
baka at baboy.

26
MAY MGA PANANAW RIN NA NAGTUTUNGGALIAN
May mga taong bahagi na ng kanilang pamimili ay
humihingi sila ng kabawasan sa bayad o ito ay kadalasang
tinatawag na paghingi ng 'tawad' sa presyo ng bibilhin.
Ang pag-iral ng mga kultura ng “tawad” at “suki” ay
maaaring nagpapahiwatig ng ekonomikong transaksiyon
na ginagabayan pa rin ng pakikipagkapwa.
Ang imahen ng “timbangang bayan” ay maaaring
nagpapahiwatig ng namamayaning kawalan ng tiwala ng
mga mamimili o kustomer sa mga nagtitinda at iba pang
negosyante.
27
WIKA
•Kadalasan may iba't ibang termino ng mga salita ang
ating naririnig na ginagamit sa loob ng isang pamilihan o
palengke.
HALIMBAWA:
-'Ale' - ang ibig sabihin ay 'Ate'
-'Suki' -ang ibig sabihin ay palaging bumibili o regular na
kostumer.
-'Tawad' - ibig sabihin ay maaari bang bawasan ang
presyo.

28
MAIKLING PAGSUSULIT
FACT O BLUFF
Isulat ang FACT kung tama ang
pahayag , at BLUFF naman kung
mali.
Sagutin sa loob ng 10 minuto
29
MAIKLING PAGSUSULIT
Isulat ang FACT kung tama ang pahayag , at BLUFF naman kung mali.

______1. Ang Praktika ay ginagawa ng mga miyembro ng


kultura nang mag-isa man o magkasama.
______2. Ang nararanasang anyo o estruktura ay kabilang
sa mga Produkto.
______3.Ang tao ay hindi miyembro ng kultura.
______4. Ang Kultura ay hindi nagbabago.
______5. Ang paglahok ng pananaw sa kultura ay
hinuhugis ng iba't ibang salik , gaya ng kasarian , edad ,
uri , lahi , etnisidad , edukasyon at relihiyon.
30
TAKDANG ARALIN

Magsaliksik at unawain
ang kahulugan ng
Kulturang Popular.

31
WAKAS Inihanda nina
Martin,Kyla Janea M.
Tomas, Roland Justin

You might also like