Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Catch-up Subject: Filipino Reading Grade Level: 6


Date: February 2, 2024
Theme: Spoken Word Poetry ( Pangarap) 60 mins (time allotment
Duration:
as per DO 21, s. 2019)
Filipino
12:00 – 1:00 PM
Title: Bertang Uling Subject and Time: (schedule as per
existing Class
Program)

Pagkatapos ng Gawain,

Session Objectives: - Nababasa ang kwento nang may pangunawa.


- Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kwento.
- Naipapakita ang pagmamahal kalikasan.

K to 12 Basic Education Curriculum


References:
Phil-IRI Package

Mga larawan
Sipi ng Storya
Materials:
Chart / PowerPoint Presentation
Journal Notebook

Components Duration Activities


Preparation and
5 mins Umawit ng kantang may galaw.
Settling In
Mga Gawain:
1. Pagdikta ng mga salita na may kaugnayan sa kwentong babasahin.
2. Pamukaw na Tannong:
1. Ano ang iyong pinakamalaking pangarap sa buhay?
2. Paano mo masusukat ang tagumpay sa iyong mga pangarap?
3. Ipakita ang babasahin spoken poetry
Dedicated Reading -Babasahin ng guro ang spoken poetry
25 mins -Ipabasa ng pangkatan.
Time
-Ipabasa sa mga bata ng tahimik.

Pangkatang gawain
Panuto: Masining na basahin ang spoken poetry

Pangarap
1. Saan mo gustong makarating sa iyong karera o propesyon?
2. Ano ang mga hakbang na iyong isinusulong upang maabot ang
iyong pangarap?
Progress Monitoring 3. Paano mo natutuklasan ang mga bagong pangarap para sa iyong
through Reflection 15 mins sarili?
and Sharing 4. Ano ang mga bagay na nagbibigay inspirasyon sa iyo upang
magtagumpay sa iyong mga pangarap?
5. Paano mo haharapin ang mga hamon na maaaring dumating
habang tinutupad mo ang iyong pangarap?
Sumulat nang maikling talata sa iyong journal notebook tungkol sa mga
sumusunod:
Wrap Up 15 mins
1. Paano mo nakikita ang iyong sarili 5 taon mula ngayon?

Prepared by: Checked by:

Page 1 of 3
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

TRIXIE F. SAMSON GIRLIE B. VILLARBA

Master Teacher I Master Teacher I

ARCADIA G. PEDREGOSA
Principal

MARICRIS N. SURIGAO
Public Schools District Supervisor

“Pangarap”

Andito ako ngayon nakaupo,


Nakaupo at nagmumuni-muni sa ilalim ng puno,
Habang nakatingala at nakatingin sa mga kumikinang na mga bituin,
Nangangarap na balang araw maaabot ko ito katulad ng aking mga mithiin.

Ang daming pangarap na gustong matupad,


Katulad ng isang ibon na malayang lumilipad,
Ang daming pangarap na gustong abutin,
Kahit na minsa’y nahihirapan para sa pangarap ay pipilitin.

Pilit lumilipad patungo sa destinasyon ng kanyang pangarap,


Pilit nilalabanan ang mga problemang kinahaharap,
Kahit pagod na hindi parin sumusuko,
Lalaban at lalaban parin hanggang dulo.

Page 2 of 3
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Nangangarap ako hindi lang para sa sarili ko,


Para din ito sa pamilya na siyang naging inspirasyon ko,
Inspirasyon na lumaban at hindi sumuko,
Pamilyang siyang dahilan ng lahat ng ito.

May mga panahong pinanghihinaan ako,


Mga panahong naisipang ng sumuko,
Pero pilit lumalaban para sa pangarap ko,
Pangarap magkaroon ng magandang buhay ang pamilya ko.

May nagsasabi na hindi ko kaya,


Na hindi ko magagawa ,
May mga taong pilit akong ibinababa,
Pero tumatayo parin ako at sila ay binabalewala.

Basta alam ko sa sarili ko na kaya ko ito,


Alam ko sa sarili ko na malalampasan ko ang mga balakid sa buhay ko,
At basta andiyan ang pamilya na patuloy sumuporta sa tabi ko,
Alam kong makakaya kong abutin ang mga pangarap na minimithi ko.

Page 3 of 3

You might also like