Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

(a)

Ang pagamit ng bayong ay hindi makabago sapagka’t matagal na pala itong ginagamait ng mga
Pilipino; talagang na palitan lang dulot ng mabilis na pagpasok ng suplay ng plastic sa palengke at
negosyo.Bago pa dumating ang mga kastila ay ginagamit na ang mga bayong sa pangaraw-araw na
pamumuhay ng mga Pilipino. Hindi lamang sa pangagrikultura kundi sa iba’t ibang bagay tulad ng
pangingisda at pagsasaka. Maliban sa katibayan nito ay mas marami rin itong nadadala kompara sa
plastic kapag namimili.

(b)
Ayon sa pahayag ng isang mamimili na si Rosella Serbin, Malaki ang binago ng paraan ng
pamimili noon at ngayon. Hindi lamang sa aspeto ng presyo kundi lalo na sa mga kagamitan nga
ginagamit. Halimbawa, ang mga langis at likido noon ay nilalagay sa mga bote imbis na sa plastic
binabalot.Minsan rin ay kanya kanya ang pagdadala ng mga lalagyan upang iwas kalat at basura.Tunay na
napakalaki nang binago sa kagamitan noon at ngayon bagama’t hindi rin naman masama ang paggamit ng
plastic. Ayon kay Dr. Gelandro Belandres, na isang Sanitary Expert, dahil sa katagalan ng
biodegradability ng plastic ay hindi naiiwasang may remnants parin sa paligid lalo na sa dami at bilis ng
demand nito ngayon.

(c)
Bago pa dumating ang mga kastila ay ginagamit na ang mga bayong sa pangaraw-araw na
pamumuhay ng mga Pilipino. Ang pagamit ng bayong ay hindi makabago sapagka’t matagal na pala itong
ginagamait ng mga Pilipino; talagang na palitan lang dulot ng mabilis na pagpasok ng suplay ng plastic sa
palengke at negosyo. Ayon sa pahayag ng isang mamimili na si Rosella Serbin, Malaki ang binago ng
paraan ng pamimili noon at ngayon.
Hindi lamang sa aspeto ng presyo kundi lalo na sa mga kagamitan nga ginagamit. Halimbawa,
ang mga langis at likido noon ay nilalagay sa mga bote imbis na sa plastic binabalot.Minsan rin ay kanya
kanya ang pagdadala ng mga lalagyan upang iwas kalat at basura.Tunay na napakalaki nang binago sa
kagamitan noon at ngayon bagama’t hindi rin naman masama ang paggamit ng plastic.
Ayon kay Dr. Gelandro Belandres, na isang Sanitary Expert, dahil sa katagalan ng
biodegradability ng plastic ay hindi naiiwasang may remnants parin sa paligid lalo na sa dami at bilis ng
demand nito ngayon.
Kung kaya’y hindi man ipinigbabawal ang paggamit ng paslitk ngayon ay patuloy paring
hinihikayat ang masa na magkaroon ng control sa karapatang ito. Siguraduin na kung hindi talaga
kaya’ng i-recylce o gamitin muli ay itatapon ito sa tamang lagayan upang maiwasan ang pagdami ng solid
wastes sa paligid at maibsan ang posibilidad na madapuan ng mga sakit.
Kalinisan Bilang Plataporma sa Pagiging Makabansa
Ni Nicole L. Maningo

Isa sa mga suliraning hindi masyadong binibigyang pansin ay ang pangkalikasan o ang
kasalukuyang environmental issues. Sa gitna ng maingay na trapik ng
poltika,ekonomiks,agrikulutura,negosyo, at iba pa ay nakakalimutang tugunan ang patuloy na lumulobo
na problema sa solid wastes,maruming tubig, improper waste disposal; ilan lamang ‘yan. Kung hindi
panghuli tuluyang kinakalimutan ang mga isyung ito kung kaya ay mas bigyan ito ng pansin ngayon.
Tama lamang na gawan na ito ng aksyon bago pa ito makasira ng ating mga likas na yaman at
pwersahang paliitin ang ani ng mga magsasaka.

Sinasabi ng karamihan na “Matagal na ‘yang binago!”, “Wala rin niyang patutunguhan!” , “ Ilang
dekada nan ga lang!”, “Buhay pa naman kami kahit nang diyan yan”…oo buhay pa tayo? , Ngunit ang
tanong, matatagalan ba? Habang patuloy tayong nakapikit sa katotohanang ito ay patuloy ring bumababa
ang sustainability ng bansa. Patuloy na naiibsan ang posibleng pagkukunan sana ng paparating na mga
henerasyon. Oo may malinis na tubig tayo ngayon, papano ang mga anak natin? Oo may palay pa tayo
ngayon, papano ang mga bata nagyon? Oo may mapapasyalan na pa tayo ngayon, ngunit hindi lang
naman hanggang sa atin ang bukas. Hindi nagtatapos sa’yo ang kinabukasa ng bansa. Tunay na masakit sa
puso na tayo mismo ang nagbubulag-bulagan at tayo rin naman ang labis na naapektuhan. Ang ating mga
lider? May ginagawa ba sila? Siguro mayroon, pero hindi tumatagal. WALA PARING
SUSTAINABILITY!

Kung ako ang tatanungin, dapat ang aksyon nito ay tuluyang putulin ang pagpasok ng plastic sa
bansa o sirahin ang primary supplier, na may respeto sa batas at konstitusyon. Sa paraang ito ay mas
panigurado tayo na walang mabebenta ang mga secondary sellers, at walang mabibili ang masa na
maaring maging basura sa katagalan or matapos gamitin. Kung hindi nadadala sa pagtuturo ng tamang
pagtapon at pagrecycle, pumunta sa source ng gulo. Gawan ng batas na kung saan import man o export at
talagang pinuputol ang pagbebenta or pagreresell ng plastic upang matugonan ang suliraning ito. Kung
kinaya ng mga sinaunang Pilipino ang paggamit nga mga ratan na basket o bayong sa pangaraw-araw na
pamumuhay noon, sigurado ako na kakayanin rin natin ngayon sapagaka’t mas marami nang paraan ang
maaring gamitin ngayon na hindi nakaksira sa kalikasan.

Hindi natin dapat kalimutan na ang pagiging makabansa ay hindi lamang napapatunayan sa
pagalay ng buhay at dugo ngunit naipapakita rin sa pag-alaga at pag-respeto sa ating mga likas na yaman
at kapaligiran.

You might also like