Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LUMALALANG TENSYON SA SCARBOROUGH

SHOAL SA PAGITAN NG TSINA AT PILIPINAS


gawa ni Niña Caracuel
Sakay ng barko ng BFAR (bureau of aquatic resources), naglayag ang grupo ni Jun Veneracion,
isang journalist, para sa isang dokyumentaryo, papunta sa Scarborough Shoal o mas kilala sa
tawag na Bajo De Masinloc, isang teritoryo sa West Philippine Sea na nasa loob ng ating
exclusive economic zone. Ngunit bago pa man makarating, sumiklab ang tensyonadong
ingkwentro. Muling nakita ang pagiging agresibo ng China coast guard sa mga sasakyang
pandagat ng Pilipinas.
Mayo, 2018 nang unang puntahan ng reporter’s notebook ang Scarborough Shoal. Isang
speedboat ng China coast guard ang lumapit sa grupo ni Jun Veneracion. Walang pahintulot na
sumampa ang dalawang myembro ng China coast guard sa bangkang sinasakyan nila. Ang pakay
nila’y humingi ng mga bagong huling isda. Matagal na itong iniinda ng mga mangingisda ngunit
wala silang magawa dahil baka lalong lumala ang tensyon kapag sila’y pumalag pa.
Anim na buwan ang nakalipas matapos ang paglalayag ng grupo ni Jun Veneracion, muling
bumalik ang reporter’s notebook sa Scarborough Shoal. Hindi pa man din sila nagtatagal ay unti-
unti silang nilapitan ng dalawang speedboat ng China coast guard. Ang pakay nila’y paalisin ang
mga pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal. Hindi man sila sang-ayon sa sinabi ng China
coast guard ay pinili na lang nilang umalis upang hindi lumala ang tensyon.
Limang taon ang lumipas, sumama ulit ang grupo ni Jun Veneracion papunta sa Scarborough
Shoal sakay ng barko ng BFAR para sa humanitarian and support mission. .Ang humanitarian
and support mission ay para sa mga mangingisda sa Bajo De Masinloc o Scarborough Shoal
upang magbigay ng fuel subsidy at Noche Buena packs. Hindi pa man din nakakarating ay
muling natanaw ang barko ng China coast guard sa Scarborough Shoal. Hindi pa rin tumitigil
ang China sa pagsunod sa mga barko ng Pilipinas. Maya-maya pa, namataan ang isa pang barko
ng China coast guard at mga chinese militia vessels. Pagpatak ng alas nuebe ng umaga, nag
deploy ng water canon ang isang barko ng China upang harangin ang barko ng BFAR. Makalipas
ang ilang oras, direktang pinatamaan ng China coast guard ang sinasakyang barko ng grupo nila
Jun Veneracion. Dahil sa lakas ng pressure ay nayupi ang bahagi ng radar system ng barko ng
BFAR.

“Hindi tayo magpapatinag, nandito naman tayo para sa ating mga mangingisda at alam naman
nating lahat na teritoryo ito ng pilipinas.” Ayon kay Michael Santos/BFAR mission commander.
Sa kabila ng mga pangyayaring ito, ay naisakatuparan ng BFAR ang kanilang misyon at naibigay
nila ang tulong sa mga mangingisda. Ngunit hindi pa rito natapos ang kaguluhan at apat na
militia vessels ang dumagdag hanggang sa ito’y umabot sa gitgitan ng barko.
Pagkatapos ng mga pangyayaring ito ay naglabas ng pahayag ang pangulo ng pilipinas na si
Ferdinand “bong-bong” Marcos. “Bajo De Masinloc is sovereign Philippines territory and an
integral part of our archipelago. No one but Philippines has a legitimate right or legal basis to
operate everywhere in West Philippine Sea.”
At ngayong tila’y lalong nagiging agresibo ang China sa West Philippine Sea, nangangailangan
tayo ng tamang tugon upang maprotektahan ang karagatan na tayo naman talaga ang may
karapatan. Huwag lamang tayo umupo at hayaan na sakupin nito ang ating teritoryo. Tayo ay
maging mulat at ipaglaban ang ating karagatan, upang ang mga susunod na henerasyon ay may
mapakinabangan.

You might also like