Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Charls Darwin S.

Padilla Baitang at Seksiyon: 11 - Mercury


Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Guro: Sir Joel G. Andaya Iskor: ________________
Aralin : Ikaapat na Kuwarter, Unang Linggo, LAS bilang 1
Pamagat ng Gawain : Katuturan ng Konseptong Pananaliksik
Layunin : Nabibigyan ng sariling pagpapakahulugan ang konsepto ng pananaliksik
at naipaliliwanag ito ayon sa sariling pagkakaunawa. (F11PB-IVab-100)
Sanggunian : De Leon, Elmer B., Pagbasa, Panunuri, Pananaliksik. Lorimar
Publishing, Inc.
Manunulat : Shiela D. Mirafuentes

Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na


humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang
nalalaman o napag-alaman na (Wikipedia).

Ayon kay Creswell, ito ay isang proseso ng mga hakbang na ginagamit sa pagkalap at
pag-analisa ng mga impormasyon upang madagdagan ang pagkaunawa sa isang paksa o isyu.
Ito ay binubuo ng tatlong hakbang: (1) pagbuo ng tanong; (2) pagkalap ng datos; at (3) pagbibigay
ng kasagutan sa mga katanungan.

Para kay Kerlinger (1973), ito ay isang sistematiko, kontrolado, empirikal at kritikal na
pag-imbestiga sa haypotetikal na proposisyon hinggil sa pala-palagay na may kaugnayan sa mga
likas na kaganapan.

Binigyang-diin ang pananaliksik na isang sistematikong pagkalap, pag-aanalisa,


pagtitipon at pag-interpreta ng mga datos o impormasyon upang masagot ang bawat tanong o
malutas ang inilatag na suliranin.

Panuto: Gamit ang conceptual web sa ibaba ibigay ang sariling pagpapakahulugan sa konsepto
ng pananaliksik at ipaliwanag ito ayon sa iyong pagkaunawa.

Sistematikong Paghahanap ng
pangangalap ng datos. solusyon.

Pag-alam sa iba’t- PANANALIKSIK Obserbasyon.


ibang kahulugan.

Interpretasyon. Pag-aaral sa iba’t-


ibang isyu.
Paliwanag:

Ang pananaliksik ay ang sistematikong pangangalap ng datos, ito ay ang pag-aaral sa iba’t-ibang
isyu, at pag-alam sa iba’t-ibang kahulugan sa ating kapaligiran; na may layong hanapin ang
solusyon para dito, maaaring nakabase sa isang interpretasyon ng isang bagay o obserbasyon sa
totoong buhay.

You might also like