Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Nueva Ecija
CUYAPO NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Bulala , Cuyapo, Nueva Ecija
-oOo-

Petsa: Enero 9 at 11, 2023 Linggo: 7 Bahagi: II


Asignatura: Filipino sa Piling Larang Baiting: Grade 12 Semestro: Una
Paksa: Pagsulat ng Posisyong Papel: Panimula

I. Layunin:
1. makapagpili ng gagawing paksa ng sulatin
2. makapagsaliksik ng ilang impormasyon ukol sa paksa
3. makapagsulat ng matibay na thesis statement

II. Kagamitan:
A. Sanggunian
- Filipino sa Piling Larang (Akademik/TechVoc) – DepEd

B. Kagamitan
- Lesson Guide para sa Pagsulat ng Posisyong Papel

III. Pamamaraan:
A. Preliminaryong Aktibidad
B. Pag-unlad ng Aralin
a. Pagganyak: Isang Energizer
b. Pagpapakilala sa Paksa
Layunin: Impormatib at Persweysib
Anyo ng Pagsulat batay sa Layunin: Paglalahad at Pangangatwiran
Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil
sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng
isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika,
sa batas at iba pang dominyo.
Ang posisyong papel, kagaya ng isang debate, ay naglalayong maipakita ang
katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyunh kadalasan ay napapanahon at
nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga
tao.
Ang layunin ng posisyong papel ay mahikayat ang madla na ang pinaniniwalaan
ay katanggap-tanggap at may katotohanan. Mahalagang maipakita at mapagtibay ang
argumentong pinaglalaban gamit ang mga ebidensyang (taong may awtoridad,
karanasan, estadistika, dyornal, pahayagan at iba pang katibayan) magpapatotoo sa
posisyong pinaniniwalaan o pinaninindigan.

Gamit ng Sulatin:
a. pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu
b. mabigyang-katarungan ang mga opinion at mapahayag ang mga opinyong ito
sa iba (Jackson et.al., 2015)

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Posisyong Papel


a. Alamin at unawain nang mabuti ang paksang ipagmamatuwid
b. Ayon kay Grace Feming, ang argumento ay dapat maging matibay, malinaw at
lohikal.
c. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


a. Pumili ng paksang malapit sa puso
b. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa
c. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis (topic + position + reason)
d. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon
e. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya
c. Gawain:
- Gamit ang istruktura sa kahon, sulatin ang panimulang bahagi ng posisyong papel.

I. Panimula
a. Ilahad ang paksa.
b. Magbigay ng MAIKLING paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit
mahalaga itong pagusapan.
c. Ipakilala ang TESIS ng posisyong papel o iyong STAND o POSISYON tungkol
sa isyu.

d. Pagpapairal:
Alinsunod sa yugto ng pagsulat, sinusulat ang posisyong papel ng may kaakibat
na pagtatama ng guro sa kasalukyang sulatin. Sisikapin ng guro na sa bawat
pagpapatama ng mag-aaral ay siya namang agad ibabalik ng guro upang magpatuloy sa
pagsulat ng borador.
C. Pagsusuri:
Pagsusuri ng borador ng panimulang pahayag ng posisyong papel.
D. Takdang-Aralin:
1. Magsaliksik ng mga impormasyon hinggil sa paksang nais talakayin at bigyan ng mga
argumento.

You might also like