Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Magandang Araw sa inyong lahat.

Isang Maligayang Pagbati sa inyo lalo na sa mga deboto ng


Mahal na birheng maria.
Ako po si Bro. Ronn Allen Bautista ng Order of Friars Minor
Philippine Province of San Pedro Bautista, isang Student Friar at
nakaratira sa KASAMA Inserted Community.

Alam nyo po mga kapatid, Hindi ko matukoy kung kailan


nagsimula ang aking debosyon sa mahal na birhen, sa aking pag
ala alala, Ang aking lola ay deboto ng mahal na birhen at araw
araw ay laging nagdadasal siya ng rosaryo, simula’t sapul, sa
kasiguraduahan, baka dito akoy nag simula, sinimulan ko ang
aking pag aaral kung paano ito dasalin nung ako’y tinuturuan.
Hindi k nga alam kung sino siya at kung bakit lagi siyang
nakangiti sa mga rebulto nya lalo na ang Fatima.
At dahil doon, Naniniwala ako na ito ay may malawak na
impluwensiya sa aking buhay. Ang Ina nating Lahat.
Nuong pumasok ako sa Seminaryo, duon ko nalaman lahat ng
mga titulo ng mahal na birhenng maria, ang mas kilala ko ngang
taguri ng Inang Maria ay Inang Mapang aliw sa mga
nagdadalamahati at ang La Correa pero bilang Fransiskano, mas
binuo ko at pinaigting ko ang aking debosyon sa mahal na
birhen ng mga anghel. Kasama pa rito ang pagdadasal ng mga
tuwa ng mahal na birhen ng mga anghel at paglalagay ng
rosaryo sa aking bulsa.
Nuong panahon ng Covid 19 Pandemic, sa hindi inaasahang
pagkakataon, ang aking mga magulang ay nadapuan nito. Pinili
nilang hndi ito sabihin sa akin marahil ayaw nila ang mapag
alala at mabalisa sa kanilang nararamdaman. Isang araw ang
aking kapatid ay nadulas at nasabi na nasa quarantine sila, at
duon ko na nalaman lahat lahat, at ang mahal na birhen ang una
kong tinakbuhan dahil alam ko ang kanyang mga anghel sa
kanyang paanan ay kanyang ipapadala upang tulungang
gumaling ang aking mga magulang. Hindi niya ako binigo at
lubusan silang gumaling. At dahil nga duon, sila’y nakarating
din sa aking pagtatalaga ng aking sarili sa buhay fransiskano o
profession.
Marami akong dapat ipagpasalamat sa Diyos sa pamamagitang
ng mahal na birhenng maria, sa kanyang paggabay sa buhay ko
sa loob ng seminary hanggang sa ngayon, lalo na hndi pa
natatapos ang buhay paghuhubog sa buhay Fransiskano. Alam
ko lagi niyang pinapadala amg kanyang mga angel upang ako
gabayan at maihatid sa Ama.
Gayon na lamang ako nagpapasalamat sa kanyang pag gabay at
patuloy na pagdalangin sa pagpapalakas ng ningas ng aking
piniling bokasyon, ang buhay reliyosong fransiskano.
Muli, Isang maligayang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-
linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria.
Pax et bonum

You might also like