Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Opening Scene

[Tumatakbo ang tatlong magkakaibigan para hulihin ang scammer but at the same time, hinahabol din
sila ng inutangan nila. Action lang ang makikita with background music. Ang clip na ito is yung galing sa
last part ng video)

First scene

[Tatlong magkakaibigan na madalas na tawaging Charlie’s Angel ng mga nakakakilala sakanila]

SETTING: Hallway or like they are walking while naga chika

Brenda: Girls, kailan ba matutuloy yung outing natin na hanggang ngayon drawing pa rin?

Jill: Kayo naman kasi eh, puro busy, eh paano matutuloy yon? Ni hindi nga magtugma ang sched natin eh.

Sam: Sabihin mo madaming palusot!

Jill: Ay wow, nagsalita ang nagungunaaa!

Sam: Aba ay totoo naman, matutuloy yon kung gugustohin natin mismo, tingnan mo natuloy nga itong
biglaang plano lang natin sa GC, Kasi ano? Dahil gutom tayong lahat at may bagong chismiss!

Brenda: Okay, guilty!

Jill: So, ano na nga kasi yung sasabihin mo? Pabitin ka kasi eh.

Brenda: True, kagabi pa ako atat malaman yon pero tinulogan lang tayo nitong babaitang ito.

Sam: Ayan, diyan nga kayo mabilis

Brenda: So, ano na ngaaa! Dali!

Sam: Kami na!

Jill: Sino doon?

Sam: Anong sino doon?

Jill: Girl, baka nakakalimutan mong marami kang kinukwento na mga crush saamin ha. Malay ba naming
kung sino doon sakanila

Sam: Ay okay, Yung Cardo

Brenda: Cardo Dalisay?!

Sam: Napakawalang kwenta niyo talagang kausap


Brenda: Naku sa dami mong crush di mo na matandaan ang mga pangalan nila, remember dalawang
cardo ang nabanggit mo dati sa magkaibang buwan.

Sam: Pero yung last month lang na cardo itong sinasabi ko.

Jill: hays, kung ano-ano kasing panagalan mga sinasabi mo ayan pati kami naguguluhan na din.

Brenda: Pero yan lang ba sasabihin mo sana kagabi?

Sam: Oo, Bestie ko.

Jill: Wow, di kaba nakonsensya na halos hindi na kami makatulog ng dahil sa sinabi mong “May mainit ibit
akong chika”

Sam: Aba, ito nan ga oh, nasabi ko na, problema niyo ba?

Brenda: Eh, kaya naman yan ikwento thru videocall lang or Chat eh. Nasayang lang ang oras natin dito

Jill: At pera

Sam: Ayan, yang yung sinasabi ko kanina, kaya di natutuloy ay dahil may mga dahilan kayo.

Jill: Eh paano ba kasing matutuloy yon, wala nga tayong pera at kulang ang sweldo natin para sa mga gala
natin at kaartehan

Brenda: Wala na nga tayong pera, gastador pa. ang lala ng mga sakit natin

Sam: Ano ba pwede nating gawin para magkapera?

Jill: What if sumayaw tayo ng sumayaw sa tiktok, diba may sweldo naman pag ganun, kung maraming
nanunuod?

Brenda: Sa tigas ng katawan mo di tayo makakakuha ng sweldo kundi panlalait lang.

Jill: Tsee!

Sam: Kumain na tayo, kanina pa ako nagugutom mga beks!

Jill and Brenda: Taraaa!

2nd Scene:

[Habang nag bro-browse si Jill sa internet, May biglang nag notif sa messenger niya]

Investment Agent: hey there! Good day, I wanted to share something really exciting with you. I've come
across an amazing idea that's been changing lives and I think you'd love to know more about it. To get a
better understanding and see how it's impacted others, you can read and see the testimonials for this.
Trust me, it's worth checking out! Let me know if you want more details.
Jill: Aba, totoo kaya ito? Try ko nga tingnan mga detalye niya

[jill read and see the testimonials about the investment scheme and excitedly response to the
investment agent]

Jill: How to join?

Investment Agent: If you want to join, we can meet up ma’am to answer all your questions and for you to
better understand my invitation for you.

Jill: Sure, miss.

Investment Agent: Are you free tomorrow ma’am?

Jill: Yes, so where we can meet?

Investment agent: you can come to our office tomorrow, Ma’am. The address is on the brochure that I
sent to you.

Jill: okay, Thanks!

Investment Agent: Thank you, see you tomorrow, Ma’am.

3rd Scene

[Jill calling her friends to share the good news]

Brenda: Jill, ano na naman ba itong trip mo?

Jill: Girls may good news akooo!


Sam: Anooo?!

Jill: Eh kasi kanina habang nagscroll ako sa facebook, may nagchat sakin---

Brenda: Nililigawan kana?

Jill: Tange hindiiii!

Sam: eh, ano kung ganoon?

Jill: Nag iinvite siya sakin for investment chuchu, and bukas pupunta akong office nila

Sam: Naku girl ha, baka naman kung ano-ano yan.

Jill: Kaya nga ako pupunta doon para siguraduhin at makapagtanong na rin kung ano ang mga advantage
nun

Brenda: Lalaki ba yon beks? Pogi?

Jill: Babae girl

Brenda: ay atras ako jan HAHHAHA

Sam: Alamin mo ng maayos yon girl ha, para naman kung okay naman ay baka sumali nalang din ako.

Brenda: oo nga, baka ito pa pag asa natin

Jill: Korek, sige na baboosh na at maaga pa ako bukas

4th scene

[In the office of the investment agent, with the papers and brochure in their table]

Jill: [Entering the office]

Investment Agent: Good morning, Si—

Jill: Shhh, I am a Ma’am, yes. Btw, I am Angelo Santos, but you can call me Jill!

Investment Agent: ohh, yess. Good morning, Ma’am Jill! You can sit here po para makapag umpisa na po
tayo.

Jill: Korek!

Investment Agent: So, Ma’am heres the brochure po para sa mga testimonials po. First ma’am, this is the
ASENSO INVESTMENT SCHEME po, at Kailangan lang natin mag-recruit ng mga tao na mag-
iinvest at makakakuha tayo ng komisyon para sa bawat taong maipasok natin and also
because of this mapapadali nalang ang daloy ng pera natin at tiyak na uunlad tayo
pare-pareho.
Jill: Itong nasa mga brochure ba na ito ay totoong galing din dito?
Investment Agent: Naku, opo ma’am. Sa katunayan sobrang dami na nilang ari- arian
ngayon at marami ng napuntahan.

Jill: ay bet ko yan, Matutuwa ang dalawa bakla na yon kapag nalaman nila ito.

Investment Agent: Yes ma’am. Siguradong malaking tulong po ito sainyo

Jill: So paano ba ako makakasali dito?

Investment Agent: Ganito lang po, Ma’am. May mga fi-fill upan na ganito and then mag
iinvest lang po kayo ng pera and a month after is matatanggap niyo na po ang returns
niyo pero doble na.

Jill: Kahit magkano ba?

Investment Agent: Yes ma’am. Pero mas Maganda po kung mas malaking pera po para
mas Malaki rin po ang babalik sainyo.

Jill: Nakuu, sige babalik po ako dito sa lunes pag nakumbinse ko yung dalawa.

Investment Agent: Thank you, Ma’am. Aasahan po namin yan.

Jill: [Lumabas ng Office with a smile and Tinawagan agad ang dalawang kaibigan]

[on the other side magkasama ang dalawa sa isang kainan then suddenly may
tumatawag sa GC nila and mabilis naman sinagot ni brenda]
Jill: oh bat ikaw lang sumagot? Asan si Sam?
Brenda: nandito sa tabi ko.
Jill: Aba, lumalabas na kayo ngayon ng hindi ako kasama? Ganyanan pala ahh
Brenda: aba din, baka nakakalimutan mong sinabi mo saamin na may pupuntahan ka
ngayon para sa investment chuchu. So Kamusta? Tapos na ba?

Jill: Palusot pa. yes, kakatapos lang, asan kayo now? May chika akooo!
Brenda: Sa dati.
Jill: Okay, coming.

Next Scene:
[nagku-kwentohan sila Sam and Brenda then dumating si Jill]

Jill: friendship over na, di niyo na ako sinasali.


Sam: Ang OA mo bakla.
Brenda: Umupo kana at umpisahan mo ng yang chika mo.
Jill: wow naman, di niyo man lang baa ko tatanongin kung kumain na baa ko, kung ano
gusto ko?
Sam: Ang arte mo ha, umorder na kami para sayo kaya wag ka ng OA jan.
Jill: OMG! Thanks, beshycakes.
Brenda: Anong thank you? Ikaw magbabayad nun wag kang feeling. Pareho pareho
tayong mahirap dito.

Jill: langhiyaaa. Ay speaking of mahirap, yung investment scheme na sinasabi ko,


Magandang tulong yon para satin mga beks. Ito na siguro ang pagkakataon na matuloy
ang mga gala natin.

Sam: pero totoo naman ba yan?

Brenda: Baka naman mas magaling pa yan mag paasa kesa sa crush ko ha.
Jill: naku girl, hindi. Totoo ito madami na ang natulongan nito and may mga brochure
silang pinapakita.
Sam: Beks, sobrang dali lang gumawa ng mga ganon at sobrang dali lang din gawing
bulag ang mga tao na maniwala. Parang sa love lang ganon HAHAHA

Jill: Nooo, totoo ngaa ito kaya sige na try natin itooo, wala naming mawawala satin kung
itry natin ito.

Brenda: Anong wala? Bakla, yung pera natin yung mawawala.

Sam: Opss, correction, wala tayong pera.

Brenda: Ayon lang.

Jill: Pwede tayong mang utang muna then babalik nalang natin kung natanggap natin
yung returns.

Sam: Tapos paano kung hindi bumalik?

Jill: Babalik yon, kaya go naaa! Diba madami pa tayong gustong puntahan? Diba ikaw
Sam, kailangan mo ng pera para sa tuition ng kapatid mo? Ikaw din Brenda diba may
gusto kang bilhin?

Brenda: Kung di lang kita kilala jill, iisipin kong doon ka nagtratrabaho at grabe ka maka
kumbinse ha.

Sam: Pero sure ba talaga yon? At kung itry naman natin, saan tayo kukuha ng pera?

Jill: Ayon nga, uutang muna tayo dun kay kuya Estor.

Brenda: Estor? Yung walking credit card?


Jill: Trululuuu

Sam: Okay goraaa na ako jan, basta ba siguradong babalik ha.

Brenda: Samee. Para naman matapos na itong paghihirap natin.

5th scene:

[pumunta sila sa bahay nila Estor para mang hiram ng pera]

Brenda: Kuya estor, Magandang araw po


Estor: Hindi Maganda, ang init eh
Jill: Ay, korekkkk
Estor: So bat naman nandito ang Charlie’s Angel?
Sam: Ang harsh naman kuya Estor. Di ka ba mangaalok na pumasok kami sa inyong
bahay loob?

Estor: Ay ganon ba, sige pasook.


Sam: Ayon, salamat naman po.
Estor: so bat nga ba kayo narito?
Jill: kasi po, ano, gusto sana naming humiram ng pera sainyo. Kung pwede.
Estor: ayon ba? Aba, pwede naman basta ay babayaran din agad. Para saan ba?
Jill: Opo babayaran din naming agad pag nakuha na naming ang returns
Estor: huh? Return? Mukhang may balak kayong sumali sa investment scheme ah,
Brenda: Ganon na nga po.
Estor: ano ba ang advantage niyan? Baka naman niloloko lang kayo
Jill: Hindi po, parang instant rich po ito siya once nag invest ka.
Estor: Instant money? Parang instant noodles lang ang dating ah” (Laughing)
Jill: Naku hindi po, totoo ito.

Estor: naku mag iingat kayo at siguraduhin niyong tama ang desisyon niyo. Ang sakin
lang ay baka mapahamak kayo dito at syempre ang perang hihiramin niyo sakin

Sam: Hindi po yan kuya estor, at hindi ka rin po namin tatakbohan

Estor: Aba, dapat lang dahil kung sakaling takbuhan niyo ako, hahabolin ko din kayo

Jill: Si kuya estor naman masyadong advance mag isip HAHHAH

Estor: naninigurado lang. oh siya, magkano ba ang kailangan niyo?

Sam: (Amount of money)


Estor: sandali kukunin ko lang. (walked out)
Jill: And daming pera talaga ni kuya estor
Sam: mabilis kaya siya tumakbo?
Brenda: Bat parang may plano kang takbohan siya sam?
Sam: Advance lang din ako mag isip HAHAHA
Jill: ano ba kayo, sigurado ito

(inabot ni Estor ang pera pagkabalik niya)

Jill: kuya estor, salamat po talaga dito.


Estor: Wag kayong magpasalamat, parang kinakabahan ako eh
Brenda: HAHAHAHA, ang OA, kuya!

6TH Scene
[MAGKAKASAMA SILANG NAGLALAKAD PAPUNTA SA OFFICE NG INVESTMENT
COMPANY]

Investment Agent: hi ma’am Jill, good morning po sainyong tatlo.


Jill: Good morning, Miss. Mga kaibigan ko nga pala, sila yung nabanggit ko sayo na
isasama ko dito.

Investment Agent: ay yes po, Mabuti naman po at napag isipan niyo pong sumubok
dito. Tara po doon sa office ng aming manager para maka close deal napo kayo with
him po.

Brenda: Him? Lalaki ang manager niyo?

Investment Agent: Yes po, opo.

Brenda: excitinggg, tara na! (nanguna na saknila)

Sam: Maghintay ka nga beks!

[pagkarating nila sa tapat ng pinto ay nauna kumatok ang agent then pumasok pero ang
Nakita ng magkakaibigan ay ang isang matangkad, moreno, at pogi na nakaupo sa
silya kaharap ang mesa na may maraming papeles)

Brenda: Omg! Ito nan ga, ito na nga yon!


Sam: Ang alin?
Brenda: Yung big returns! Tama nga itong desisyon natin mga beks
Sam: Wala pa tayong natatanggap na returns beks!
Jill: Meron na, siya. Ang pogiii!

(kinikilig ang dalawang beks while si sam is pinapanuod lang ang dalawa but then they
got interrupted)
Investment Agent: John? Bat andito ka sa office ni sir at asan si sir batumbakal?

Brenda: WHAT?

SAM: Pfftttt (Pinipigilang tumawa)

Investment Agent: Ay mga ma’am, pasensya na po hindi po siya ang manager namin.
John where’s sir batumbakal?

John: May Kinuha lang si sir sa labas, at may pinapaayos lang siya sakin.

Jill: Ay akala ko naman siya ang manager na makakaharap namin for close deal

Mr. batumbakal: Oh, Hello everyone, Good Day! (suddenly, Mr. batumbakal appeared
sa likod nila)

(Gulat ang mga mukha ng tatlo)

[Ang scene is like, likod ni Mr. batumbakal ang makikita and highlight ang reaction ng
tatlo]

Sam: Kayo po?

Brenda: Siya ba?

Investment agent: yes po mga ma’am. Maiiwan na po naming kayo. John tara na.

Mr. batrumbakal: Magandang araw sa inyong lahat! I’m Cardo Batumbakal, and yes, I’m
the manager.
Brenda: Sam, ito ba yung cardo last month na sinasabi mo? Pfft
Sam: Tse, Pogi yon ‘no
Jill: Good morning po Mr. Batumbakal. My name is Angelo Santos, but you can call me
Jill, ito naman ang mga kaibigan ko sina Samantha and Brandon

Brenda: Brenda for short hihi

Mr. batrumbakal : nice to meet you all, tingin ko isa lang ang dahilan kong bat kayo naririto, tama po
ba?

Sam: Manghuhula rin po kayo bukod sa pagiging manager?

Mr. batrumbakal: Naku hindi, isa lang din kasi ang mga rason ng mga napapadpad dito
at yon ay para mag invests sa inoofer namin sa kompanya na ito.

Jill: Opo, tama po, sa katunayan po gusto talaga naming subukan ito.

Sam: Pero Mr. Batumbakal, ano po ba talaga itong investment scheme na ito? Totoo
naman po ba ito? Baka naman umasa lang kami ha. Naku maghahablon tayo kung
tatakbuhan niyo kami kung sakali AHHAHA

Mr. Cruz: Ito ay ang Asenso investment scheme Huwag kayong mag-alala Ito ay 100%
sure! Kailangan mag invest lang kayo ng inyong pera makakakuha kayo ng komisyon
sa bawat taong maipasok niyo. Ang laki ng potential ng kumpanyang ito at siguradong
hindi mawawala ang pera ninyo kundi dadami pa ito.

Brenda: Aba dapat naman po. Umutang lang kami para dito.

Mr. batrumbakal: Huwag kayong mag alala, paniguradong dadami ang pera niyo dito
Sam: Maraming salamat po

Mr. batrumbakal; Kung nakapag desisyon na kayo, ito ang mga dapat niyong fill- upan
niyo. (inabot ang Forms)

[naging busy naman ang tatlo sap ag fill up and after is inabot nila pabalik kay Mr.
Batumbakal kasabay ng pera na iinvest nila

Jill: ito na po at ito na rin po yung pera.

Mr. batrumbakal: Congratulations, Ladies! You've made a wise decision. Expect your returns soon!
(bright smile of Mr. Batumbakal is what you can see in the scene)

[They leave the office feeling hopeful and proud of their investment.]

Jill: Feel ko yayaman na tayo soon!


Sam: Same, nararamdaman ko na nabibili ko na ang mga gusto kong bilhin
Brenda: Ako, si John ang gusto kong maging return!

Sam: OA beks, never ata yon magre-return ng feelings sayo

Brenda: Epal mo din kahit kelan, ikaw nga di mo pa aminin na si Mr. Batumbakal yung dati
mong Crush

Sam: Nooo way!

Jill: Tumigil nga kayo, gutom na ako kaya tara na!

Next scene
[Days passed and they eagerly waits for updates on their investment.]
Jill: Wala pa rin ba?

Sam: Wala talagang sumasagot beks!

Brenda: Hindi na ito okay, masama na ang kutob ko.

Sam: No, dapat maging positive pa din tayo.

Jill: Tama, tamaaa!

(One day, Nagkita kita ang tatlo, then suddenly may nakitang video si jill na related sa investment scam)

Jill: Girls, Panuorin niyo ito, tungkol sa investment scams sa pilipinas.

(Sam and Brenda is nagtatakang pinanuod nga ang video)

[Video clip about How to spot investment scam]

[After watching the video, nagkatinginan at Kinabahan silang tatlo sa desisyon nila na sumali sa
investment scheme na iyon Pero hindi siya nawalan ng pag asa at naghintay ng updates kay Mr.
batungbakal Kaya naman nung tumawag ito ay sobrang excited sila sa sasabihin nito]

Next scene:

Mr. Batungbakal: (on the phone) Hello po, sorry to inform you pero hindi po natuloy ang investment
ninyo sa kumpanya namin. May mga technical difficulties kasi at hindi na namin kayang ibalik ang pera
ninyo.

[Jill, Sam, and Brenda’s faces drop in shock and disbelief.]

Sam: (frustrated) Anong technical difficulties? Hindi ba dapat secure ang investment namin?

Jill: And sabihin mo, scam ito, niloko niyo lang kami!
Mr, Batumbakal: We are very sorry po.

Brenda: Hindi, ibalik niyo ang pera namin, hindi kami papayag na mawala nalang yon samin ng ganon
lang!

Mr. Batumbakal: Pero hindi na din po namin hawak ang pera niyo

Jill: kung ganon, saan napunta? Lumipad ba bigla at --------

(Di pa tapos magsalita si Jill ay natapos na agad ang tawag)

Jill: Pinatayan ako ng tawag!

Sam: Kelangan na natin ireport ito!

Brenda: (sarcastically) Ayos 'yang investment scheme na 'yon ah, parang naging investment natin sa
pagkakabaon sa utang.

Sam: Paano na yan? Paano yung inutang natin para sa pag invest na yon?

Brenda: Mukhang kelangan na natin gumalaw ngayon at maghanap ng pera para sa utang natin

Jill: Guys! Sorry, sorry dinamay ko kayo dito

Sam: No, walang may kasalanan dito, pare-pareho tayong ginutso lang na magkapera

Brenda: Bukas na bukas pupunta tayong presento para magreport at kay kuya Estor na rin

Next scene
[Nagpunta ang tatlo sa kay estor para makiusap]

Estor: Aba, buti naman at magbabayad na kayo

Jill: Ah kasi po kuya estor…

Estor: Ano? Bat iba ang pakiramdam ko?

Brenda: kuya Estor, baka po kasi pwedeng sa susunod na buwan pa naming mababayara------

Estor: Anong sasusunod na buwan?! Aba grabe na kayo wala na sa usapan natin yon!

Brendal: Opo, tama po yung dinig niyo, paulit- ulit po?

Sam: shh, quiet bakla

Estor: Hindi, Sa lunes mismo dapat mabayaran niyo agad ako!

Jill: kuya estor. Sige na po walang wala po talaga kami ngayon

Estor: Aba, asan na yung sinasabi niyong instant rich? Instant noodles ba? At magno-noodles kayo ilang
buwan?

Brenda: kuya estor, parang awa niyo na po

Estor: Hindi, sa lunes mismo!

[Malungkot na lumabas ang magkakaibigan sa bahay ni Estor]


Jill: Paano na yang ngayon? Saan tayo kukuha ng pera?

Brenda: Kailangan na natin mahuli ang mga scammer na iyon

[At nung nag lunes na nga y pumunta ang magkakaibigan sa kompanya ng investment scheme at doon
nila naabutan sila Mr. Batumbakal na papaalis na]

Brenda: Hep hep! At saan naman po ang punta natin?

Sam: Baka gusto niyo po kaming isama sa pupuntahan niiyo?

Jill: Oh, baka naman, gusto niyong ibalik ang pera naming!

Mr. Batumbakal: Pasensya na pero wala na akong magagawa para maibalik sainyo ang pera niyo

Jill: anong wala? Edi sumama kayo samin at bumisita muna kayo sa presito.

Mr. Batumbakal: no, kailangan na naming umalis. Sige

Sam: Aba, anong sige? Hindi sasama ka saamin ngayon din

(Nagpapalag na si Mr. Batumbakal sakanila at ng tuloyan na nga siya nakawala ay tumakbo ito na
hahabolin na din sana ng tatlo ngunit natigil dahil sa dumating sa harap nila)

Estor: Oh, saan naman kayo pupunta? Isama niyo naman ako at may babayaran pa kayo saakin, baka
nakakalimutan niyo?

Brenda: Kuya estor sa sunod na buwan na po kami magbabayad, sige na hahabolin pa namin yung
scammer. Babossssh!

(tumakbo naman ang tatlo na sinundan naman ni estor)


Jill: Kuya estor bat ba kayo sumusunod?!

Estor: diba sinabi ko sainyo dati na kung sakaling takbuhan niyo ako ay hahabulin ko din kayo? Aba
magbayad kayo! (while naga takbo sila)

Sam: kuya estor, sa sunod na pooo!

Brenda: malapit nan ayin maabutan si Mr. Batumbakal!

Jill: bilisss!

Sam: guys, biglang Nawala! Nagtagooo ata (nagstop sila sapagtakbo)

Brenda: (hinihingal) paano nay an at mukhang natakasan na tayo?

Estor: pero ako hindi niyo matatakasan! (sigaw ni estor na papalapit sa pwesto nila)

Sam: OMG! Runnnn guys!

Brenda: Bakit parang baliktad na ngayon? Tayo naman ang hiinahabol?

Jill: ang sakit na ng tiyan ko kakatakbooo!

Sam: ako din! Arayyy! (natumba siya, and tinulongan naman ng dalawa kaya naabutan sila ni estor)

Brenda: Ang malas naman natin! Epic!

Estor: Akala niyo ha!


[Then doon na nag end ang vid]

You might also like