Professional Documents
Culture Documents
F. Aralin 6 7
F. Aralin 6 7
F. Aralin 6 7
Matapos maisapuso ng guro ang kurikulum, dapat bigyang-kaisipan naman niya ang
mga kagamitang kaniyang gagamitin. Ang bawat paksa sa klase, performance task na
isasagawa, at layuning nais ng guro ay magagawa nang mahusay kung may sapat na gamit.
Sa kasalukuyang panahon, hindi nakapagtataka na ang mga paaralan ay nag-invest na sa
mga computer-based lesson na umaangkop sa mga mag-aaral na millennial, at mahilig sa
Internet bused-learning packages.
5. Pagtataya
Ang iba't ibang guro ay may iba't ibang paraan ng pagpaplano. Maraming salik ang
nakaimpluwensiya sa isang guro bago makagawa ng Sistema na bagay sa kaniya. Ano pa
at ang bawat estilo ay masasabi nating dumaan sa proseso. Dapat pag-aralan ng isang mag-
aaral sa pagiging guro ang iba-ibang modelo na ginagamit bilang planong pang-
instruksiyon upang sa gayon ay makagawa siya ng sariling estilo na bagay sa kaniya kapag
siya ay nagtuturo na. Ngunit hindi roon dapat nagtatapos ang lahat. Kapag siya ay ganap na
isang guro na, makabubuting ipagpatuloy ang pagtingin sa mga available na planong pang-
instruksiyon sapagka ito ay batayan ng kaniyang patuloy na pag- unlad bilang guro. Wika
nga, ang propesyon ng isang guro ay "walang katapusang pag-aaral."
Hindi rin natatapos sa pagpaplano ang gawain ng isang guro. Higit na mahalaga sa
lahat ng ito ang aktuwalisasyon ng lahat ng kaniyang plano. Dito makikita ng isang guro
ang tunay na epekto, kung mayroon man, ng lahat ng kaniyang mabubuting iniisip para sa
kaniyang mga mag-aaral. Ang anumang pinakamagandang banghay-aralin ay
mababalewala kapag ito ay kulang sa ehekusyon. Ang bahay-aralin ang pinakakaluluwa ng
propesyon sa pagtuturo. Ang pagsasakatuparan nito sa loob ng silid-aralan ang
pinakakatawan nito.
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)
Nilalaman
Paksa
A. Sanggunian
Mga Pahina sa Gabay ng Guro
Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
Mga Pahina sa teksbuk.
Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
III. Pamamaraan
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimulang Aralin
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
C. Page-ugnayan ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1
E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2
F. Paglilinang sa Kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment 3)
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay
H. Paglalahat ng Aralin
I. Pagtataya ng Aralin
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 75% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyonan sa tulong ng aking
punongguro at tagamasid?
G. Anong kagamitang panturo ang aking dinisenyo na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?