Cha-Cha Itigil Ang Pag-Usad (Opinion)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Cha-Cha: Itigil ang Pag-Usad

Sa gitna ng mga hamon na ating kinakaharap, muli na naming bumalik ang usapin patungkol sa Charter
Change o Cha-Cha, ito ay itinutulak ng mga kongresista na nagnanais na baguhin ang economic
provisions ng 1987 Constitution para mas maging liberado ang pagnenegosyo sa ating bansa. Ngunit sa
gitna ng ating kasalukuyang krisis, dapat ba talaga nating pagtuunan ng pansin ang charter change at
ang isinusulong ng cha-cha, totoo kayang ito ay para sa kapakanan ng taumbayan? Kamakailan lamang,
mismong si Speaker Martin Romualdez ang pangunahing nagsusulong sa panukala pero marami ang
nagdududa na gagamitin lamang ito upang mapahaba ang termino ng mga nakaupong halal na
opisyales ng gobyerno. Hindi maiaalis ang pangamba ng marami na puwedeng gamitin ito sa parehong
rason sapagkat sa kasaysayan ng ating bansa, hindi na bago ang pang-aabuso sa kapangyarihan kaya't
hindi maiaalis ang pag-aalinlangan at pagdududa ng iilan.

Para kay Senator Risa Hontiveros, ay hindi ito ang solusyon sa mga tunay na suliranin ng bansa. Ang
mga problema tulad ng mataas na presyo ng mga bilihin, kakulangan sa trabaho, at hindi maayos na
sistema ng transportasyon ay hindi malulutas sa pamamagitan ng pagbabago lamang sa Saligang Batas.
Sa halip, ang kailangan ay isang pamahalaan na may malasakit at may kakayahang tugunan ang mga
pangangailangan ng mamamayan.

Ang plano din ng Kamara ukol sa charter change ay may basbas mula kay Pangulong Ferdinand Marcos,
nan ais makatulong sa pagdami ng mga mamumuhunan sa bansa. Gayunpaman, may mga agam-agam
na nagsasabing ang layunin ng cha-cha ay para ng aba sa kapakanan ng masa o para sa pansariling
interes ng iilan? Kaya tanong ng karamihan, chacha para kaya sa kapakanan ng mga Pilipino?

Ang mga mambabatas sa Senado ay may iba't ibang pananaw ukol sa cha-cha. Kung si Senator Koko
Pimentel ang tatanungin, pabor siya sa cha-cha kung ang isusulong ay ang pederalismo, ngunit hindi
dapat galawin ang land ownership at economic provision ng 1987 Constitution. Kung susuriin mong
mabuti, ang layunin ng chacha ay maganda dahil gusto nito na maiangat ang ekonomiya ng bansa
subalit dahil sa naging proseso nito ngayon na nagkaraoon ng bayaran para sa pirma, natuldukuan na
may pansariling interes ang iilan.

Ang usaping ito ay nangangailangan ng malalim na pag-iisip at pagsusuri. Ang cha-cha ay isang malaking
desisyon na maaaring magdulot ng malawakang pagbabago sa ating sistema ng pamahalaan. Kaya't,
para sa magandang kinabukasan ang ating hangarin, hindi cha-cha, kinakailangan nating siguraduhin na
ang mga pagbabagong isinusulong ay tutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino.
Ang ating mga karapatan at kinabukasan bilang mamamayan ang nakataya rito.

Sa kabuuan, ang usapin ng charter change ay nangangailangan ng maingat na pag-aaral at pagsusuri.


Ang cha-cha ay isang malaking desisyon na maaaring magdulot ng malawakang pagbabago sa ating
sistema ng pamahalaan. Ang kinabukasan at karapatan ng mamamayan ang dapat na maging
prayoridad sa pagharap sa usaping ito.

You might also like