Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Florante at laura powerpoint

 1. Florante at Laura Ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas (na kilala din bilang Fransisco Baltazar) ay isang obra-
maestra sa panitikang Pilipino. Daglat lamang ang katawagang Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong
pamagat na:
 2. "Pinagdaanang búhay ni Florante at ni isáng matuwaín sa bersong Tagálog.“ Isa itong mahabang tulang itinuturing na
pinakamahalaga sa lahat ng mga korido (corridos) sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray Toribio Minguella, isang
paring Rekolekto at pilologo.
 3. Tauhan Florante-Anak ni Duke Briseo at Princesa Floresca at siyang pangunahing tauhan sa tula. Iniibig niya si Laura
Laura-Ang anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante. Aladin-Anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang
moro na nagligtas at tumulong kay Florante. Flerida-Ang kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab.
 4. Haring Linseo-Siya ang hari ng Albanya, ama ni Laura. Sultan Ali-Adab-Ang sultan ng Persya, ama ni Aladin. Prinsesa
Floresca-Ina ni Florante, prinsesa ng Krotona. Duke Briseo-Ang mabuting ama ni Florante. Tagapayo ng haring Linceo. Adolfo-
Ang kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante. Konde Sileno-Ang ama ni Adolfo.
Menalipo-Ang pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang ibong arkon. Menandro-
Isang matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula kay Adolfo.
 5. Antenor-Ang guro ni Florante sa Atenas. Emir-Isang moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura Heneral
Osmalik-Isang heneral ng Persya na lumaban sa Crotona. Heneral Miramulen-Heneral ng osmalik. Heneral Abu Bakr-Heneral ng
Persya, nagbantay kay Flerida.
 6. Aralin 1:Kay Celia Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa gunita, si Celia lamang.
Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayo’y di mapigilan ng
makata ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat ng
tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R.(Maria Asuncion Rivera)
 7. Aralin 2-Sa Babasa Nito Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay parang bubot
na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at
pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa
sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na
mapabuti ay baka sumama pa ang akda.
 8. Aralin 3-Sa Mapanglaw na Gubat Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok ng
sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena,
tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis
na balat at kulay gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.
 9. Aralin 4:Taksil na Bayan Taksil na Kasintahan Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa
kahariang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig
nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos.
 10. Aralin 5: Halina, Aking Laura Ibig ng binatang nakagapos na muling ipakita ni Laura ang dating pag- aalaala sa kanya.
Ngunit natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kaya’t nasabi niyang pasasalamatan pa niya si Adolfo
pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang sa siya’y mapayukayok.
 11. Aralin 6: Sawing Kapalaran Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at parusahan ang
masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya’t nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling niya
ay sana, maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin
siyang nagkaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang baka naagaw
na ng kanyang karibal na si Adolfo ang pagmamahal ni Laura.
 12. Aralin 7: Mga Hinaing ng Lalaking Nakagapos Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw
niya sa buong kagubatan ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa namang kailangan niya ito.
Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandanang may letrang L at mahahalagang
bato. Pagkagaling sa labanan, munting galos ng binata ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata
pinipilit siyang aliwin ni Laura.
 13. Aralin 8: Duke Briseo—Mapagkandiling Ama Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na
buntung hininga ng lalaking nakagapos. Moo’y ginugunita ng nakagapos ang amang mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo.
Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na ito’y ilibing. Ngunit hanggang
sa huling sandali, tanging kapakanan ng kaisa- isang anak ang nasa isip ng ama.
 14. Aralin 9: Huling Paalam ni Florante Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay
masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang naghimutok. Nagbanta siya na sino
mang umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin niya, maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang
napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aama’y nag- aaway nang dahil sa pag-ibig.
 16. Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay di nagpakita ng pagmamahal sa anak
minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina
ang gerero kaya’t di siya nakatikim ng pagmamahal ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na
malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.
 17. Aralin 10: Sa Kuko ng mga Leon Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang mga
ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam ang binata sa bayang Albanya na
pinaghandugan ng kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang
pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di angkin ang pag-ibig ni Laura.
 18. Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol- putol ng
gerero ang mga dawag hanggang marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon ang binata na
sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan
nito at kinalong ang binata.
 19. Aralin 11: Ang moro at ang Kristiyano Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang
mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng gerero na di niya natiis na di tulungan
ang binata, sapagkat magkaiba man sila ng pananampalataya, nakaukit din sakanyang puso ang pagtulong sa kapwa, gaya ng
iniuutos ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa laki ng
hirap na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero.
 20. Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa isang isang malapad at malinis
na bato. Dito pinakain ng Moro ang binata na di nagtagal ay nakatulog sa kanyang kandungan. Magdamag na binantayan ng
gerero ang binata, na tuwing magigising ay naghihimutok. Nang magising kinaumagahan, nakapagpanibagong lakas na ang
binata. Itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.
 21. Aralin 12: Ang Laki sa Layaw Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag-iisang anak ni Duke Briseo
ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang ama’y tanungan o
sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si
Duke Briseo. May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pa’y muntik na siyang madagit ng
isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo.
 22. Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang
siya’y siyam na taon na, pinalili[pas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y natuto na siyang mamana ng mga
ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan. Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di
dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa mundong ito’y higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay
maramdamin at di makatatagal sa hirap. Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob na
mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.
 23. Aralin 13: Balatkayo sa Atenas Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang naging
guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama na si Florante na
tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng
pilosopiya, astrolohiya at matematikaA
 24. Aralin 14: Mag-ingat Ka, Florante Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang una
sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina kapwa ni Florante,
pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya
si Adolfo.
 25. Aralin15: Pagsubok sa Dulo ng Espada Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw,
tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina. Nawalan ng malay si Florante sa
tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral.
 26. Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama, napaluha si Florante nang muling manariwa ang
sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Noon dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng Krotona na humihingi
ng tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalik ng Persiya. Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na
hinahangaan ni Florante at ayon sa balita’y kilabot sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang
magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na. Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag- ama. Doon masakit man sa
loob, pumayag din ang ama ni Florante nang ito’y hirangin ng hari na heneral ng hukbo.
 27. Aralin 16: Pag-ibig, Panghawi ng Ulap Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagangkaagaw ni Venus
sa kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping makapagtataksil. Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng
sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging marapat sa dalaga.
 28. Aralin 17: Tagumpay sa binyag ng Dugo Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng
pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ang kaaway ang kuta
ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante
na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng
taong- bayan si Florante lalo nang malamang ito’y apo ng hari ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan
nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos
na ligaya sa mundo. Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante upang makita si
Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si Florante.
 29. Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante ang
kanyang hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon natanaw nilang tila pupugutan ng ulo ang isang babae. Dali-daling lumusob sina
Florante at ginapi ang mga Moro. Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat
tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at ito’y sinampal pa. noon binigkas ni Laura ang “sintang Florante.” Pinawalan ni Florante
ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay Florante hindi
lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil nakamit pa niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na
ipahamak si Florante.
 30. Aralin 18: Nasilo sa Patibong Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni Miramolin.
Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang sa umabot sa 17 ang mga haring
nagsigalang sa kanya. Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang dumating ang sulat ng hari na nagpapauwi
sa kanya. Iniwan niya ang hukbo kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya ng 30,000 sandatahan at noon di’y
ibinilanggo. Noon niya nalamang ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke Briseo. Si Laura nama’y
nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong araw na ipiniit si Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na kinatagpuan sa
kanya ng gererong Moro.
 31. Aralin 19: Lason sa Pag-ibig Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin mula sa Persiya
na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante, mamuhay na silang magkasama sa gubat.
Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw
sa kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito sa bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng sultan. At
nang mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng ulosi Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya
noon din. Bagama’t nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na mamatay kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal ni
Flerida.
 32. Aralin 20: Kamatayan o Pag-ibig Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap. Ayon sa
isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag ang sultan na
patawarin ang nobyo ng babae, kung papayag itong pakasal sa sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon. Ngunit
nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamit-gerero.
Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa mailigtas niya ang kausap. Noon biglang sumulpot sina
Florante at Aladin. Sa di inaasahang pagtatagpong iyon, di masusukat ang kaligayahan ng apat na tauhan.
 33. Aralin 21: Itinali ang mga Buhol Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na gugutumin
ng hari ang taong-bayan kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang matatapat
na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob,
pumayag si Laura ngunit humingi ng limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante.
 34. Sa kasamaang-palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang
dumating si Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante. Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na
pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.
 35. Masayang Wakas Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may kasamang hukbo. Laking tuwa nito
nang makita ang kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si Florante. Ipinagsama nina Florante sa
Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na maging Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at
Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga
mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at Laura. Nagwakas ang awit sa hiling ng makata sa kanyang Musa na
dalhin kay Celia ang kanyang “Ay!...Ay!”

You might also like