TALUMPATI

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ARALIN 5: Buod at Sintesis

Pagsulat ng Talumpati
Naransan mo na bang magtalumpati? O kaya ay sumulat kana ba nito? Para
saan ang iyong naging talumpati? Paano mo iyon binuo at ano ang naging gabay mo sa
pagsaulat niyo?

Tiyak na magkakaroon ka ng isang karanasang magsalita ka sa harap ng publiko at


magdiskurso sa isang paksa.

Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig o


audience. Ito ay isang uri ng pagdidiskurso sa harap ng publiko na may layuning
magbigay ng impormasyon o manghikayat kaugnay ng isang partikular na paksa o isyu.
Kinapapalooban ang talumpati ng kakayahan sa pagpapahayag ng ideya nang
organisasyon, talas ng pagsusuri at epektibong paggamit ng wika.

Madalas na nabibighani tayo sa husay ng paggamit ng retorika ng isang


tagapagsalita ngunit kailangang isaalang-alang ang lalim ng nilalaman at katotohanan
ng isang talumpati, kaysa sa pamamaraan kung paano iyon binigkas.

Ma malalim pang maunanawaan ang talumpati sa pamamagitan ng pagkilala sa


iba’t-ibang uri nito batay sa nilalaman at pamamaraan.

A. URI NG TALUMPATI BATAY SA NILALAMAN AT PAMAMARAAN

Nahahati sa iba’t-ibang uri ang talumpati batay sa nialalaman at pamamaraan.


Batay sa nilalaman, maaring impormatibo o kaya ay persweysib o mapanghikayat
ang isang talumpati. Impromptu o extemporaneous o pinaghandaan naman ang
iba’t-ibang pamamaraan ng talumpati. Narito ang mga katangian at kalikasan ng bawat
isa:

1. Ipormatibong Talumpati. Ang uri ng talumpating ito ay naglalayong


magbigay ng impormasyon tungkol sa ano mang bagay, pangyayari, konsepto,
lugar, tao, proyekto at iba pa. Ang kabuuang diskurso nito ay maglalahad at
magpapaliwanag upang maunawaan ng mga tagapakinig ang paksang
tinatalakay.

Filipino sa Piling Larang / Tintala

Philippine Copyright 2023


ARALIN 5: Buod at Sintesis

Maaaring maging isang paksa ng talumpati ang pagpapaliwanag tungkol


sa proseso na naglalaman ng mga sistematikong serye ng aksyon na tutungo sa
resulta o pagbuo ng produkto. Maaari ring ipakita ang kronolohiya ng isang
pamamaraang pang-orhanisasyon. Mahalaga ang tulong biswal sa ganitong uri
ng talumpati. Maaari ring simpleng pagpapaliwanag ng iba’t-ibang konsepto gaya
ng teorya, prinsipyo, paniniwala o ideya ang isang talumpating nagbibigay ng
impormasyon. Nakatutulong ang pagbibigay ng maaayos na organisasyon o
padron sa talumpati at epektibong paggamit ng mga panandang diskurso para sa
malinaw na daloy ng ideya. Sapagkat mas kompleks ang ganitong mga
talumpati, esensyal ang pagbibigay ng iba’t-ibang halimbawa, analohiya at
paghahambing.

Ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng


impormatibong talumpati ang paglimita ng paksang tinatalakay upang
magkaroon ng pokus ang laman ng talumpati. Huwag ding ipagpalagay na lahat
ay tinatalakay ay alam na ng tagapakinig at sikaping magbigay ng mga
halimbawang malapit sa karanasan ng tagapakinig. Iwasang ding maging
masyadong teknikal at abstrakto ang talumpati, bagkus ay gawing personal ang
mga ideya nang sa gayon ay mas madaling magkaugnay ang mga tagapakinig.
Ang ilan sa mga halimbawa ng ganitong talumpati ay ang taunang State og the
Nation Address (SONA) ng Pangulo ng Pilipinas na naglalaman ng mga
imporamasyon tungkol sa mga naging tagumpay, palano at hamon na
kinakaharap ng bansa sa ilalim ng isang tiyak na administrasyon.

2. Mapanghikayat na Talumpati. Ang isang mapanghikayat o persweysib na talumpati


ay kadalasang nakatuon sa mga paksa o isyung kinapalolooban ng iba’t-ibang
perspektiba o posisyon. Sa talumpating ito, nagbibigay ng partikular na tindig o
posisyon sa isang isyu ang isang nagtatalumpati batay sa malaliman niyang pagsusuri
sa isyu. Maaaring maging sentro ng isang mapanghikayat na talumpati ang
pagkuwestiyon sa isang katotohanan. Sa isang pagoapahalaga o kaya ay sa polisiya.
Mahalagang mahikayat ang mga tagapakinig na pag-isipan ang mga pagpapahalaga sa
pamamagitan ng kritikal na pagtatanong ng isang mananalumpati. Ang mensahe ng
talumpati ay kailangang iangkop sa kaalaman, interes, pagpapahalaga, aktitud at mga
paniniwala ng target na tagapakinig. May tatlong pagdulog sa mapanghikayat na
talumpati.

a. Pagkuwestiyon sa isang katotohanan. Ang pagdulog na ito ay halos kagaya


ng isang impormatibong talumpati kung saan nagsisilbing tagapamandila ng
isang posisyon ang tagapagsalita na nagpapakita ng iba’t-ibang katotohanan at

Filipino sa Piling Larang / Tintala

Philippine Copyright 2023


ARALIN 5: Buod at Sintesis

datos upang suportahan ang kanyang posisyon. Maaari siyang magpakita ng


taliwas na pananaw ngunit upang tunggaliin lamang

b. Pagkuwestiyon sa pagpapahalag. Ang pagdulog na ito ay nakasentro sa


personal na paghahatol kung ano ang tama o mali, mabuti o masama, o kaya ay
etikal o hindi etikal.Kailangang pangatwiranan ng isang atagapagsalita ang
kanyang posisyon batay sa isang tanngap na istandard o paniniwala. Halimbawa
nito ang mga nangangatwiran laban sa mga probisyong may kinalaman sa
aborsiyon na nakapaloob sa Reproductive Health Law, ayon sa utos ng Bibliya.

c. Pagkuwestiyon sa Polisiya. Ang layunin ng pagdulog sa talumpati na ito ay


hkayatin ang mga tagapakinig na magpasyang umaksyon o kumilos. Pagkatpos
keustiyunin ang isang tiyak na polisiya, kailangang hikayatin ang mga
tagapakinig sa pagkilos sa pamamagitan ng isang paglalatag ng isang plano na
magpapakita ng parktikalidad ng isang panibagong proposal. Mahalagang
maging ispesipiko ang paglalatag ng plano upang mahikayat ang tagapakinig na
suportahan ito.

Sa kabuuan, mahalagang bigyang-diin na napaniniwala ng isang mahusay na


tagapagsalita ang tagapakinig kung: naniniwala sila na may kredibilidad ang nagsasalit
(kakayahan at karakter), napaniwala sila ng mga ebidensiya at mahusay na
dokumentasyong inilatag ng tagapagsalita, nakumbinse sila ng pangangatuwiran ng
tagapagsalita, o kaya’y nakanti ang kanilang emosyon sa pamamagitan ng talas ng
ideya at husay sa paggamit ng wika ng isang tagapagsalita. Sa kabila ng mga
pamantayang ito, kailangang iwasan ng isang tagapagsalita ang manipulasyon at
panloloko ng datos upang mapanghikayat.

Samantala, liban sa dalawang tinalakay na uri ng talumpati, tinukoy nina


Bernales, at al. (2006) ang iba pang uri tulad ng talumpating Pampalibang, Talumpating
Pampasigla, Talumpating Nagbibigay-Galang at Talumpating Papuri. Ang huli ay
maaaring binibigkas sa okasyon ng Serbisyong Nekrolohikal, Pagtatalaga sa
Katungkulan, Pamamaalam-Paghahandog o Retirement at Pagmumungkahi o
Pagsuporta sa Kandidatura.

Ganito naman ang inilalarawan ang dalawang paraan ng pagtatalumpati.

1.Impromptu o Biglaang Talumpati. Ang impromptu o biglaang talumpati ay


isang uri ng talumpati batay sa pamamaraan. Isinasagawa ang talumpating ito
nang walang anumang paunang paghahanda. Mahalaga ang biglaang talumpati
upang masukat ang lalim at lawak ng kaalaman ng isang mag-aaral o

Filipino sa Piling Larang / Tintala

Philippine Copyright 2023


ARALIN 5: Buod at Sintesis

tagapagsalita sa isang tiyak na paksa kahit walang naunang pagbabasa hinngil


dito. Bukod sa kaalaman, nahahasa rin ng biglaang talumpati ang husay sa
organisasyon ng ideya, talas ng pagsusuri at pagbibigay-diin sa mahahalagang
aspekto ng isang isyu. May apat na batayang hakbang sa pagbuo ng isang
biglaang talumpati.

a. Sabihin ang tanong na sasagutin o paksang magiging sentro ng talumpati at


ang layunin nito.

b. Ipaliwanag ang pangunahin ata pinkamahalagang punto na nais mong


bigyang-diin.

c. Suportahan ang pangunahing punto at ipakita kung paano nito nasagot ang
tanong o layunin ng talumpati.

2. Ekstemporanyo o Pinaghandaang Talumpati. Kabaliktaran ng impromptu,


ang talumpating ito ay maingat na inihahanda, pinagpaplanuhan at ineensayo
bago isagawa. Sa mismong pagbigkas ng talumpati, gumagamit ng mga
maiiksing tala ang tagapagsalita upang maalala ang mga mahahalagang punto
ng inihandang talumpati. Madalas ding sinasaulo o memoryado ang ganitong uri
ng mga talumpati. Kumbersasyonal ang katangian ng talumpati at kahit pa
praktisado, kailangang ispontanyo ang maging dating nito sa mga tagapakinig.

B. MGA GABAY SA PAGSULAT NG TALUMPATI

Tinipon ng forbes.com sa pamamagitan ni Jeff Schmitt (2013) ang iba’t ibang


gabay sa pagsulat ng talumpati mula sa mga eksperto sa politikal na talumpati. Narito
ang ilang patnubay mula sa kanila:

1. Piliin lamang ang isang pinakamahalagang ideya. Ipinapakita ng mga


pananaliksik na kakaunti lamang ang naaalala ng isang tagapakinig mula sa
isang talumpati kung kaya’t kailangang magbigay ng isa o dalawang
pinakamahalagang ideya lamang na pag-iisipin nila. Laging isipin na maikling
panahon lang ang nakalaan sa iyo para magtalumpati.

2. Magsulat kung paano ka nagsasalita. Laging isaisip na nagsusulat ka ng


isang talumpati at hindi sanaysay. Hindi ka babasahin, bagkus ay pakikinggan ng
mga tagapakinig. Mas mabuti kung kumbersasyonal ang tono ng talumpati.
Maaaring makatulong ang sumusunod ng gabay:
Filipino sa Piling Larang / Tintala

Philippine Copyright 2023


ARALIN 5: Buod at Sintesis

a. Gumamit ng maiikling pangungusap. Mas makabubuting gumamit ng


dalawang maikling pangungusap kaysa isang kompleks na pangungusap
upang ipaliwanag ang iyong punto.

b. Huwag gumamit ng mga abstrakto at mabibigat na mga salitang hindi


makakaugnay sa tagapakinig.

c. Laging basahin nang malakas ang talumpati habang isinusulat ito. Sa


pamamagitan ng pagbasa, matutukoy mo agad kung tila isang libro ang
nagsasalita o kaya’y isang tao nang nakikipag-usap!

3. Gumamit ng mga kongkretong salita at halimbawa. Interesado ang mga


tagapakinig sa kongkretong detalye. Mas mabuting gumamit ng mga salitang
mas karaniwan sa pandinig at karanasan ng mga tao.

4. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginagamit sa talumpati.


Mahalaga ang pananaliksik para sa talumpati. Kailangang ilatag ng isang
tagapagsalita ang kanyang kredibilidad sa pamamagitan ng kakayahan at
kaalaman sa paksa, at magagawa lamang ito sa pamamagitan ng malalim na
pag-unawa at pagbabasa tungkol sa paksa. Mahalagang lahat ng sinasabi ng
isang tagapagsalita ay batay sa mga siyentipikong datos at pag-aaral at hindi
ayon sa personal na haka-haka lamang. Mas madaling hikayatin ang mga
tagapakinig sa pamamagitan ng tiyak na numero at estadistika.

5. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati. Kapag naisulat na


ang unang burador ng talumpati, balikan ito at maghanap ng mga salita o
pahayag na maaari pang bawasan, paikliin o gawing simple. Ang pagbabawas
ng mga salita sa isang talumpati ay maaaring mas magbigay linaw rito.

Filipino sa Piling Larang / Tintala

Philippine Copyright 2023

You might also like