Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 46

El filibusterismo

INTRODUCTION:
Narrator: Ang ningas ng apoy ng paghihimagsik sa Noli me Tangere ay ngayo’y
unti-unting magliliyab at maglalagablab. Buong pusong inihahandog ng baitang
sampu-limestone..ang gumising sa mahimbing na pagtulog sa duyan ng
panlilinlang, panggagapos at pang-aalipin ng liping umaglahi sa bayan ni Juan dela
Cruz…ang Ebanghelyo ng lahing kayumanggi… EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 1: Sa Itaas ng Kubyerta
INSERT KABANATA 1 SOUND EFFECTS
SETTING: Taas ng Barko;PROPS:Timon, baso ng serbesa, pamaypay(D.
Victorina)
*bukas ng kurtina*
Narrator: Isang umaga ng Disyembre, banayad at buong ingat na sinasalunga ng
Bapor Tabo ang mauli-uling ilog Pasig. Sa itaas ng kubyerta ay naroon ang mga
iginagalang na kilalang tao, mga prayle, Europeo at mga kawani at opisyal na
nagdiriwang.
Si Dona Victorina ay inis na inis na palakad lakad sa may barko malapit sa
Kapitan at ang mga timonel nito
Dona Victorina: Ano ba yan! Lalakad sana tayo nang mabilis kung walang Indio
sa Pilipinas! Kapitan, kaunting tulin naman! Bakit hindi tulinan ng husto?!
Kapitan: Pagkat maglalagos po tayo sa palayang iyon kung hindi ginang.
*sara ng kurtina*
*bukas ng kurtina*
SETTING: Taas ng Barko; PROPS: Lamesa, mga baso ng serbesa, serbesa, 4 na
upuan
Padre Salvi: Ang Puente del Capricho ay ginawa ng isa ring prayle ngunit di
natapos subalit nakatayo parin at nakikipaglaban sa mga lindol at baha.
Padre Camorra: Iyan nga ang sasabihin ko, Padre Salvi. Ang Puente del Capricho
at ang mga taong pantas sa agham. Putris!
Ben Zayb:*iiling habang nakangiti*
Padre Salvi: Gayon pa man, hindi ito nangangahulugang wala kang ganoong
katuwiran gaya ni Padre Camorra, sapagkat ang sama ay nasa lawa.
*Biglang sumali si Doña Victorina
Doña Victorina: Talaga naman walang lawang maayos sa lupaing ito.
*Bigla nalang sila napahinto at napatingin kay Doña Victorina.
Simoun: Madaling lunasan iyan at walang gugugulin kahit kusing!
*Lahat ay lumingon kay Simoun.

1|EL FILI
El filibusterismo

Simoun: Maghukay ng isang tuwid na kanal na papunta sa Maynila. Magbukas din


ng bagong ilog at isara ang Ilog Pasig. Marami itong maibebenepisyo sa atin.
Ben Zayb: Panukalang Yankee!!!
Don Custodio: Ipagpaumanhin mo, G. Simoun, ngunit malaki ang masisirang ari-
arian ng mamamayan sa iyong panukala
Simoun: Eh di sumira!
Don Custodio: Ang salaping ipangbabayad sa mangagawa?
Simoun: Huwag magbayad! Pagawin ang mga bilanggo at bihag...
Don Custodio: Hindi sasapat, G. Simoun!!
Simoun: Kung gayon ay ang buong bayan ang pagawin!
*Nagulat si Don Custodio at tumingin sa paligid para tingnan kung may Indio.
Simoun: Huwag na tayo mag lokohan, Don Custodio! Sa ganyang paraan lang
maisasakatuparan ang napakalaking gawain na kaunti ang gugulugin.
Don Custodio: Magbubunga ng pag-aalsa ang mga paraang iyon, G. Simoun.
Simoun: HA! HA! HA! Nag-alsa ba ang mga tao noon? Tao kayo, akala ko ba'y
nauunawaan ninyo ang kasaysayan?
Don Custodio: Ngunit hindi na mga dating tao ang kaharap mo!
Padre Sibyla: At ang lupaing ito'y hindi niminsan naghimagsik.
Simoun: Matagal na ang pangyayaring iyan, abusuhin mo ma’y hindi na muling
maghihimagsik ang bayang ito.
Padre Sibyla: At sila nga'y nag sipag alsa noong araw.
Simoun: Hindi! Ang nasabi ay nasabi na. Ano ang kabuluhan ninyong mga prayle
kung ang bayan ay mag himagsik. *aalis*
Don Custodio: Mulatong Amerikano!
*sara ng kurtina*

2|EL FILI
El filibusterismo

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta


INSERT KABANATA 2 SOUND EFFECTS
SETTING: Ibaba ng barko; PROPS: Mga bagahe
*Sa ilalim ng kubyerta ay nakaupo at naghalihaw ang napakaraming tao mula sa
iba’t ibang lahi at estado sa buhay
*bukas ng kurtina*
Narrator: Sa ilalim ng kubyerta ay nagsisiksikan ang higit na nakararaming
pasahero. Sa bahaging ito ng bapor, magkahalo ang amoy ng tao at makinang
sumusunog ng langis. Makikitang malapit sa daong ay ang dalawang estudyante na
iginagalang ng lahat: Sina Basilio at Isagani.
Kapitan Basilio: Basilio!*lalapit kina Basilio at Isagani* Kumusta na si Kapitan
Tiyago?
Basilio: Ayaw pa din pong magpagamot. Nais niya lamang mapag-isa upang
makahithit ng apyan.
Isagani: Salot talaga sa lipunan iyang apyan. Kaya nga Basilio, pagtuunan mo na
lamang ng pansin ang Akademiya ng Wikang Espanol.
Kapitan Basilio: Naku, malabong matupad ang inyong panukala.
Isagani: Matutupad po, ang pahintulot na lang po ng Kapitan Heneral ang
hinihintay. Si Padre Irene po ang nangako sa amin.
Kapitan Basilio: At paano naman ang gugugulin kung pumayag man sila?
Isagani: Pagtutulung-tulungan po namin iyon.
Kapitan Basilio: Oh siya, imposible ma’y palarin sana kayo
*aalis na si Kapitan Basilio sa tanghalan*
Isagani: Mga matatanda, sagabal kaagad ang nakikita kaysa sa mabuting idudulot.
*Lalapit si Simoun sa kanila*
Simoun: Basilio, kumusta ang Tiani? Ako’y hindi napunta roon sapagkat walang
nabili ng alahas.
Isagani: Kami’y hindi nabili ng alahas sapagkat hindi namin ito kailangan.
Simoun: Huwag kang magdamdam binata, wala akong masamang layunin.
Halina’t samahan ninyo akong uminom ng serbesa. Ayon kay Padre Camorra, ang
pag-inom ng tubig ang dahilan ng kawalang lakas ng mga Pilipino.
Basilio: Sabihin ninyo kay Padre Camorra, kung tubig ang iinumin sa halip na
serbesa ay magtatagumpay kami at walang maririnig na tsismis. *palihim na
sisikuhin si Isagani*
Isagani: At idagdag ninyo na ang tubig, kapag pinainit ay nagiging singaw at
kapag pinagalit ay nagiging dagat na minsang nagwasak sa sandaigdigan.

3|EL FILI
El filibusterismo

Simoun: Magaling na tugon. Ngunit iyon ay kung makatagpo ng makina. Mabuti


pa’t inumin ko muna ang aking serbesa.
*aalis sa tanghalan si Simoun*
*lalapit ang isang utusan kay Isagani*
Utusan: Ginoo, kayo po ay ipinatatawag ni Padre Florentino
*pupunta si Isagani sa isang sulok kung nasaan ni Padre Florentino*
Padre Florentino: Isagani, Ipinatatawag ako ng Kapitan Heneral, kung kaya’t
h’wag kang magpapakita, baka akalaing tayo’y nananamantala.
Isagani: Opo padre.
*sara ng kurtina*
Kabanata 3: Ang mga Alamat
INSERT KABANATA 3 SOUND EFFECT
SETTING: Itaas ng barko; PROPS:timon, mga baso ng serbesa
*bukas ng kurtina*
*dumaan si Padre Florentino na nagtatawanan ang mga nasa itaas na kubyerta
*dumating si Simoun*
Don Custodio: Oh, saan kayo nagtago? Hindi tuloy ninyo Nakita ang
magagandang tanawin.
Simoun: Wala nang mahalaga saakin kundi yaong mga alamat.
Kapitan: May alamat ukol kay Donya Geronima
Padre Florentino: Kapitan, ako na lang ang magkukuwento. May magkasintahan
noon sa Espana. Ngunit naging Arsobispo ang lalaki kung kaya’t nagbalat kayo
ang babae upang magkita sila. Itinira siya ng lalaki diyan, *turo* sa yungib na
iyan.
Simoun: Sa inyong palagay Padre Salvi, hindi ba higit na mainam na ilagay ang
babae sa isang beateryo tulad ng Sta. Clara?
Padre Salvi: *magugulat at mauutal* Hindi ako makahahatol sa mga ginagawa ng
isang Arsobispo.
Ben Zayb: Narito na pala tayo sa makasaysayang lawa!
*titignan ng lahat ang mga tanawin* *lilingon-lingon*
Ben Zayb: Kapitan, saan ho ba rito napatay ang… sino nga ulit yun? Guevarra o
Ibarra?
Kapitan: Ibarra. Sa gawing iyon *turo*. Ngayon ang ikalabingtatlong taon buhat
ng iyan ay mangyari

4|EL FILI
El filibusterismo

Ben Zayb: Sa makatuwid, ang bangkay niya’y…


Padre Sibyla: Kasama na ng kanyang ama na isa ring pilibustero
Ben Zayb: Iyan ang matatawag na pinakamurang libingan, hindi ba Padre
Camorra?
*magtatawanan sila*
*balisa at hindi mapakali si Simoun na tila ba nahihilo*
Ben Zayb: Ginoong Simoun, ayos ka lang ba?
*hindi kikibo si Simoun at aalis*
*sara ng kurtina*

Kabanata 4: Si Kabesang Tales


SETTING: Bukid/ Bahay ni Tales; PROPS: Bakod, palakol, rebolber, sako,
bayong
*bukas ng kurtina*
Narrator: Matatandaan sa Noli me Tangere ang isang matandang kumupkop noon
kay Basilio, si Tandang Selo. Buhay pa rin naman ang matanda at maganda-ganda
na ang kanyang buhay. Subalit, sila ng kanyang anak na si Tales o Telesforo Juan
de Dios ay ginigipit ng mga prayle.
Prayle: Ito ay pagmamay-ari ng aming Korporasyon. Kung gusto mong manatili
pang muli rito ay bubuwisan kita ng cincuenta piso kada taon.
Tales: Ngunit treinta na ang buwis na ibinabayad ko sa inyo.
Tandang Selo: Magtiis ka na anak. Ipagpalagay mo na lamang na ang cincuenta
piso mo ay nakain ng buwaya.
Tales: *sa prayle* sige ho, papayag muli ako.
*sara ng kurtina*
Narrator: Nang mas umunlad si Tales ay ginawa siyang Kabesa de Barangay.
Kung kaya’t muling bumalik ang prayle upang taasan ang kanyang buwis.
*bukas ng kurtina*
Prayle: Dahil sa pag-unlad ay inaatasan ka ng korporasyon na magbuwis ng
doscientos piso
Tales: Ipagpaumanhin ninyo, ngunit hindi na ako makapapayag ng ganito.
Umaabuso na kayo! Wala kayong katunayan na sa inyo ang lupaing ‘to.
Prayle: Kung gayo’y wala na akong ibang magagawa pa kundi bawiin ito.
Tales: Ibibigay ko lang ang lupaing ito sa taong magdidilig ng dugo kagaya ng
aking asawa’t anak
5|EL FILI
El filibusterismo

*sara ng kurtina*
Narrator: Parang langgam si Kabesang Tales, lumalaban at nangangagat kahit
alam niyang titirisin siya pagkatapos. Isa siyang palayok na nakikipagpingkian sa
kaldero kahit na alam niyang madudurog siya. Ginawa niya ang lahat upang
protektahan ang kanyang lupa. Ngunit, ipinagbawal ng Kapitan Heneral ang baril
kaya’t ibinigay ni Tales ang kanyang rebolber. Wala siyang magawa kundi
gumamit na lamang ng palakol.
*bukas ng kurtina*
Tales: *naglalakad-lakad hawak ang palakol at nagmamasid*
*lulusubin sya ng dalawang tulisan, bubugbugin at lalagyan ng sako sa ulo at
hihilahin paalis ng tanghalan*
*susubukang pigilan ni Tandang Selo*
Tulisan: Subukan mo! *tututukan ng palakol* Pag hindi kayo nakapagbayad sa
loob ng dalawang araw ng limandaang piso ay papatayin namin ang anak mo
*tuluyan ng aalis*
*sara ng kurtina*
*bukas ng kurtina* ibang senaryo
Papasok sa tanghalan si Huli at Tandang Selo
Narrator: Walang malapitan sina Tandang Selo at Huli. Ibinenta na lahat ng
dalaga ang kanyang alahas at isinanla ang bahay subalit hindi parin iyon sapat.
Kung kaya, nagpaalila na lamang siya kay Hermana Penchang
Makikita si Huli na nag-aayos ng gamit paalis. Maiiyak si Tandang Selo.
Tandang Selo: Apo ko…
*sara ng kurtina*
Kabanata 6: Si Basilio
SETTING: Kagubatan PROPS: Lampara, krus(para sa libingan ni Sisa), mga
bushes
*bukas ng kurtina*
Narrator: Naantala ng husto ang pagdating ni Basilio sa San Diego dahil sa mga
hindi inaasahang pangyayari. Makalipas ang ilang saglit ay nakarating na din siya
sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Basilio: Ano ang mga balita rito?
Utusan: Marami ho. Ngunit, higit na tanyag ang pagkakabilanggo ni Kabesang
Tales.
Mapapatulala si Basilio at aalis

6|EL FILI
El filibusterismo

*sara ng kurtina*
Narrator: Maingat na pumunta sa loob ng kagubatan ng mga Ibarra si Basilio at
sinisiguradong walang nakasunod sa kanya
Basilio: *titingin sa harap at likod* *may hawak na lampara* *maglalakad muli*
Narrator: Pupuntahan niya ang puntod ng kanyang ina na si Sisa.
Nang marating ng puntod ay uupo sya sa tabi nito
Narrator: Muling nagunita ni Basilio ang lahat ng nangyari sa kanyang nakaraan
magmula nang mamatay ang kanyang ina.
*sara ng kurtina*
*flashback*
Makikita ang batang Basilio na madumi at walang ayos at nanlilimos. Lalapit siya
sa utusan ni Kapitan Tiyago.
Utusan: Sino ka at ano ang pakay mo?
Basilio: Ako po si Basilio, nais ko lang po sana magtanong kung nangangailangan
po kayo ng utusan.
Utusan: Pasok, halika at ipapakita kita kay Kapitan Tiyago
*papasok sila*
Utusan: Ginoo, may bata pong nais maging utusan.
Makikita ni Tiyago si Basilio.
Kapitan Tiyago: Basilio! Ano ang nangyari sa ‘yo? O siya siya. Dito ka
manuluyan at tutulungan kita.
Basilio: Maraming Salamat po!!
*sara ng kurtina*
*bukas ng kurtina*
*maayos na ang pananamit ni Basilio*
Magkasama si Basilio at Kapitan Tiyago at masayang nag-uusap.
Narrator: Tinustusan ni Kapitan Tiyago ang pag-aaral ni Basilio. Binihisan,
pinakain at tinuring na tila bai sang tunay na anak. Makalipas ang ilang taon ay
nakakamit ng larangan ng sobresaliente kung kaya’t pinag-aral na siya ng matanda
ng medisina sa Ateneo.
*flashback ends*
Basilio: Utang ko ang buhay ko ngayon kay Kapitan Tiyago ina. Huling taon ko na
po sa pag-aaral. Pagkatapos ay magpapakasal kami ni Huli. Sayang lamang po at
wala kayo ni Crispin upang masaksihan ang mga iyon. *bubuntong hininga*. Sige
po ina, aalis na ako. Hanggang sa muli.
7|EL FILI
El filibusterismo

*maglalakad si Basilio paalis*


*sara ng kurtina*
Kabanata 7: Si Simoun
SETTING: Kagubatan PROPS: 2 lampara, mga bushes, pala, rebolber
*bukas ng kurtina*
Makikita ni Basilio ang anino ni Simoun na naghuhukay kung kaya’t magtatago
siya sa likod ng mga talahib (bushes). Pagmamasdan niya muna ito ng ilang
sandali at saka lalantad.
Nagulat ang mag-aalahas at agad na kinuha ang baril at itinutok kay Basilio
Basilio: May labintatlong taon na po ginoo, nang huli tayong nagtagpo. Kayo ang
naghukay ng libingan ng aking ina, ngayo’y hayaan po ninyong makatulong ako sa
inyo.
Simoun: At sino ako sa akala mo?
Basilio: Kayo po si Don Crisostomo Ibarra! Ang dakilang taong inaakala ng lahat
na matagal ng patay.
Matitigilan si Simoun, nakatutok pa din ang baril kay Basilio.
Simoun: Basilio, nakababatid ka ng lihim na maaaring sumira sa lahat. Maaari
kitang patayin, ngunit bubuhayin kita, *ibababa ang baril* dahil tulad ko, may
mga pautang din ang lipunan na dapat mong singilin.
Basilio: Hindi ko na po hinahangad na maghiganti Ginoo. Wala din naman po
akong magagawa.
Simoun: Bakit ba kung kailan ko isinasakatuparan ang aking plano ay saka kayo
nagsisiawit ng papuri sa mga Espanyol? Hinihingi ninyo ang pagkawasak ng
inyong lahi! Ano ang makukuha ninyo sa pagkatuto ng wikang Espanyol?
Basilio: Makatutulong po ito sa pagbubuklod ng mga pulo sa Pilipinas.
Simoun: Kailan man, hindi magiging wika ng Pilipinas ang Espanyol! Sumapi ka
sa akin at maghihiganti tayo sa kanila.
Basilio: Hindi ko po kayang gawin iyan Ginoo, Hindi iyan marangal.
Simoun: At sa alaala ng iyong ina’t kapatid, tingin mo’y sapat na ang ginagawa
mo?
Basilio: *pagalit* At ano ang ibig ninyong gawin ko?! Wala akong salapi at
pangalan. Mabubuhay ba sila pag ako’y naghiganti?!
Simoun: Kung tayo ay lalaban ay maiiwasang maulit ang iyong mga sinapit.
Basilio: Nais ko lamang pong mabuhay ng payapa ginoo.
Pupulutin na ni Simoun ang kanyang mga dala at akmang aalis na

8|EL FILI
El filibusterismo

Simoun: Basilio, batid kong hindi mo naman ipagkakalat ang aking lihim. Kung
sakali ma’y alam mong walang maniniwala sa iyo. Kung magbago man ang iyong
isip ay bukas ang aking tanggapan para sa’yo.
Basilio: *tutungo* Salamat po. *aalis na*
Simoun: Ang pagkamatay nga ay kailangan na: mamatay ang walang kaya at ang
lalong malakas ay matira. Magtiis kayo at malapit na rin ang bukang liwayway.
*sara ng kurtina*
Kabanata 8: Maligayang Pasko
*bukas ng kurtina*
Makikita si Huli na nagdarasal. Pagkatapos ay kinuha niya ang locket ni Maria
Clara.
Basilio: *voice over* Aking minamahal na Huli, kapag tayo’y ikakasal na, ang
iyong Ama ay hindi na kailangang magbanat ng buto upang buhayin kayong mag-
anak.
Hinalikan niya ang locket ni Maria Clara at pupunasan ang bibig. Lalapit siya kay
Tandang Selo na nakaupo
Huli: Ingkong pasabi na lamang po kay Ama na ako’y magkokolehiyo.
*magmamano*
Nakatitig lamang kay Huli si Tandang Selo na labis ang kalungkutan
Aalis na si Huli
Mamasdan ni Tandang Selo ang mga taong masayang nagdiriwang ng pasko.
Narrator: Nang di maglaon ay nasidating na ang mga kamag-anak ni Tandang
Selo upang mamasko, ngunit ng tangkaing magsalita, walang lumabas sa kanyang
bibig. Labis na nagulantang ang mga babae.
Magsisigawan ang mga babae
Mga Babae: Si Tandang Selo! Napipi na!
*sara ng kurtina*

Kabanata 9: Si Pilato
*bukas ng kurtina*
Narrator: Nang malaman ng buong bayan ang kasawian ni Tandang Selo, ang
iba’y nahabag, at ang iba’y nagkibit-balikat lamang. Sa pangyayaring iyon, walang
masisisi at walang kasalanan ang sino man.
Sa isang kumpol ng mga tao

9|EL FILI
El filibusterismo

Padre Clemente: Wala na po akong kinalaman doon, tumutupad lamang ako sa


aking tungkulin. Hatol iyan ng langit sa mga tumututol sa nais ng korporasyon.
Hermana Pancha: Hesusmaryosep! Madalas tayo parusahan ng Diyos dahil tayo
ay makasalanan o may mga kamag-anak tayong makasalanan. Dapat sila turuan ng
mabuting asal.
Narrator: Ngunit ang totoo, si Padre Clemente ang nagsuplong kay Kabesang
Tales dahil takot siyang mapatay nito
*sara ng kurtina*
Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
SETTING: Bahay ni Kabesang Tales; PROPS: sisdlan ng mga alahas, maraming
alahas, locket, rebolber, sulat
Narrator: Nang sumunod na araw, magulat ang lahat nang ang mag-aalahas na si
Simoun ay nakituloy sa bahay ni Kabesang Tales.
*bukas ng kurtina*
Inaayos ni Simoun ang dalawang sisidlan ng alahas habang kausap si Kabesang
Tales.
Simoun: Ginoong Tales, alam niyo po ba ang pasikot sikot dito? Naisip kong
maglakbay pa para makabenta.
Kabesang Tales: Oo naman alam ko ang mga daan dito.
Simoun:*ilalabas ag rebolber* Sa palagay niyo eh sapat na itong rebolber upang
protektahan ako?
Kabesang Tales: Malayo ba ang maipuputok niyan?
Simoun: Oo naman *sabay putok sa labas*
*putok ng baril*
*Unti-unting magpupunta ang mga tao at babatiin nila sina Simoun ng
'Maligayang Pasko'*
Simoun: Halina at tignan niyo ang mga sisidlan baka kayo ay may magustuhan.
*Mga tao ay maguusap-usap at titingin. Si Sinang ay mapapatalak sa ganda at
hanga sa tuwing bubuksan ang sisidlan habang ang ina nito ay kukurutin siya
upang tumahimik. Ilalabas nito ang isa pang sisidlan*
Narrator: Walang nangahas na humipo ng alahas. Ang gayong karaming alahas at
kayamanan ay nagdulot ng pagkasindak.
Simoun: Ito ay naglalaman ng buhay at kamatayan, ng lunas at lason, at sa isang
dakot nito'y ang mga mamayanan ng Pilipinas ay kaya nitong paluhain.
*Mga tao ay mag"Ohhh" tapos kanya kanya silang pipili*
Sinang: Kabesang Tales, diba may isang locket si Huli? Ang locket na iyon ay
pwede niyong isangla.
Simoun: Locket?
10 | E L F I L
I
El filibusterismo

Kabesang Tales: *tutungo* Ang locket na iyon ay maraming pinagdaan kagaya


namin. Iyon ay galing pa kay Maria Clara.
Simoun: *matitigilan* K-kay Maria Clara?!
Kabesang Tales: Oho. Binigay niya ito sa isang ketongin na ipinagaling ni
Basilio. Sa pasasalamat ibinigay nito kay Basilio ang locket at ito ay irenegalo
niya
kay Huli, tanda ng kanyang pag-ibig dito.
Simoun: Babayaran kita ng limang daang piso upang bilin yaon.
Kabesang Tales: Si-
Hermana Penchang: Hindi!*lahat ng tao ayvtitingin sa kanya* Ah eh- Wag mo
dapat yan isangla Tales. Importante yan sa anak mo.
Kabesang Tales: Pupuntahan ko muna ang aking anak upang ipag bigay alam ito.
Simoun: O siya. Dito lang naman ako sa inyong bahay manunuluyan kaya
mahihintay ko ang iyong sagot.
*Aalis si Kabesang Tales *
*sara ng kurtina*
*bukas ng kurtina*
Kinabukasan, tatayo si Simoun sa pagkatulog. Makikita niya ang isang liham at
ang locket
Tales: *voice over* ipagpatawad po ninyo kung pinagnakawan ko kayo sa sarili
kong tahanan. Sasama na ako sa mga tulisan kaya kailangan ko ng sandata.
Kapalit ng rebolber ang locket na nais ninyo. Ipinapayo kong lumihis kayo
ng landas sapagkat kung mahuhulog kayo sa aming kamay sa labas ng aking
tahanan ay hihingan namin kayo ng malaking tubos. Lubos na gumagalang,
Telesforo Juan de Dios.
Simoun: Sa wakas ay nakatagpo ko ang aking kailangan: Mapangahas ngunit
natupad ng mga pangako… kinakilangan ko nang umalis rito. *mabilis na aalis
dala ang mga gamit at ang locket ni Maria Clara*
*May papasok na guardiya sibil*
GS 1: Nasan si Kabesang Tales?!
GS 2: Haluglugin ang bahay!
*Maghihiwalay-hiwalay ang mga guardiya sibil at babalik nang walang Kabesang
Tales. Makikita nila si Tandang Selo*
GS 1: Ikaw ba ang ama ni Kabesang Tales?
Tandang Selo: *Tutungo*
GS1: Kung gayon, sumama ka sa amin. Ikaw ang papailit sa anak mo hanggat di
namin siya nakikita.
Tandang Selo: *walang magawa kung di sumunod*

11 | E L F
I L I
El filibusterismo

Narrator: *habang hinihila ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo* Nang


kagabihan, tatlo ang napatay. Ang prayleng tagapangasiwa ng hacienda, ang
lalaking bagong kasama sa dating bukirin ni Kabesang Tales at ang asawa nito.
Basag ang bungo ng lalaki samantalang ang babae’y gilit ang lalamunan. Kapwa
puno ng lupa ang mga bibig nito. Sa tabi ng mg bangkay ay may kapiasong papel
ay kinasusulatan ng mga katagang… “TALES”
*sara ng kurtina*
Kabanata 11: Los Banos
INSERT KABANATA 11 SOUND EFFECTS
SETTING: Kagubatan; PROPS: Rifle, baraha, lamesa at upuan
Narrator: Nasa Bosoboso ang kapitan Heneral kasama ang mga prayle, kawani at
kawal upang mangaso. Dahil sa ingay ng banda ng musiko, wala siyang mahuli
kahit isang daga o ibon.
*umaaktong nagangaso ang Kapitan Heneral habang may malakas na musika*
*babaril ng tatlong beses*
Kapitan Heneral: *bumubulong sa sarili* Putris! Nakakahiya naman, wala akong
mahuli!
*inalis na ng Kapitan Heneral ang mga gamit pangaso*
Kapitan Heneral: Tigilan na natin ‘to. Naaawa ako sa mga hayop, bumalik na
tayo sa loob
*sara ng kurtina*
*bukas ng kurtina*
*papasok na sila*
Narrator: Makikita na naglalaro ng bahara ang Kapitan Heneral, kasama sina
Padre Irene, Padre Camorra, at Padre Sibyla.
*tinititigan ni Camorra ang dalawa pang prayle at biglang tatayo sa galit*
Padre Camorra: Kayong dalawa! *sabay turo sa dalawang prayle* Akala ba
ninyo’y estupido ako at hindi ko nahahalata na ibinebenta ninyo ang laro?! Mga
tonto!
Aalis si Camorra
Kapitan Heneral: Simoun! Halina rito at humalili sa prayleng umalis.
Lalapit si Simoun
Simoun: Papayag ako ngunit bilang kapalit ng aking mga hiyas ay itatapon ninyo
ang inyong kabanalan at umakto kayong masama.
Padre Irene: Ngunit ginoo, ano ang mapapala ninyo?
Simoun: Mag-uumpukan ang lahat ng kasamaan kaya naman madali kong
maitatapon. Wala sa tulisan sa bundok ang sama ngunit nasa mga tulisan sa bayan

12 | E L F I
L I
El filibusterismo

Narrator: Pagkatapos ng gayong pag-uusap, nabaling na lamang ang kanilang


diskusyon sa Akademiya ng Wikang Espanol.
Padre Sibyla: Isa itong paghihimagsik, at tahimik na pag-aalsa!
Simoun: Tama si Padre Sibyla Kapitan Heneral, isa nga itong kahina-hinalang
kahilingan.
Kapitan Heneral: Sige, pag-iisipan ko iyan.
Mataas na Kawani: Kapitan Heneral, nagpunta nga po pala rito ang dalagang nag
ngangalang Huli Juan de Dios upang mapalaya ang ingkong niya.
Magiging interesado ang istura ni Camorra
Kapitan Heneral: Palayain ang matanda upang hindi nila masabing hindi ako
marunong maawa. *hihikab*
*sara ng kurtina*
Kabanata 12: Placido Penitente
*bukas ng kurtina*
*Naglalakad si Placido patungo sa Unibersidad ng Sto. Tomas.*
Narrator: Si Placido Penitente ay mula Tanuan, Batangas. Nasa ikaapat na taon na
siya ng Bachiller en Artes. Masipag at matalino siyang estudyante kaya naman
palaisipan sa karamihan kung bakit nais na niyang huminto sa pag-aaral.

*Nang papasok na si Placido sa klase niya sa Pisika ay may lumapit sa kanya*

Estudyante: Pirmahan mo agad, ito ay protesta sa kahilingan nina Makaraig sa


pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Español

Placido: Ipagpaumanhin mo, subalit hindi ako makakalalagda sa hindi ko


nauunawaan. Mamaya na, ibig ko munang mabasa.
*nagmamadaling aalis si Placido*
*sara ng kurtina*

Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika


Narrator: Sa klase ni Placido ng Pisika, ang kanilang propesor ay si Padre Millon,
isang Dominicanong kilala sa husay sa paggamit ng salitang kanto o salitang
tindahan. Siya din ang propesor na kapag nagtawag ng estudyante ay ipinabibigkas
ang leksyon nang walang labis at walang kulang.
*bukas ng kurtina*
Millon:Bueno, kung gayon masasabi natin na ang pang-ibabaw ay salamin. Sang-
ayon ka ba o di sang ayon?”
Estyudante: Sang-ayon po ako, padre
*dahan-dahang papasok si Placido sa kuwarto upang hindi mapansin ng guro.*

13 | E L F I
L I
El filibusterismo

Millon: Samakatuwid, maaaring kayurin ko ng tingang puti ang isang salaming


bubog, palitan ng kapirasong bibingka, at may salamin pa tayo?
Juanito:*pabulong*May bibingka. May bibingka.
Millon: Pelaez! Mukhang alam mo ang sagot, ano ngayon ang bibingka?
Juanito: Uhh *titingin kay Placido na tila nahingi ng tulong*
*hindi papansinin ni Placido*
*aapakan ni Juanito si Placido*
Placido: Aray!!
Millon: Hoy ikaw, magaling na tagabulong! Iligtas mo ngayon ang sarili mo at
lutasin ang aking mga tanong.
*uupo na si Juanito*
*titignan ng masama ni Placido si Juanito at tatayo*
Placido: Ibig sabihin ay…
Millon: Ay hindi mo alam, bakit ka nagtuturo? Ano ang iyong pangalan?
Placido: Placido Penitente po padre.
Millon: Aha! Placido Penitente. Mas mainam na itawag sa iyo ay Placidong
bulong. Labinglimang ulit na liban, isa pa at magbabakasyon ka na.
Placido: Kung isasama po ninyo ang ngayon ay magiging lima na. Lima lamang
po padre.
Millon: Aba, bihira ako magbasa ng talaan. Kaya, sa tuwing makahuhuli ng isa,
lima ang katumbas. Ilan ang limang makalima?”
Placido: Dalawampu’t lima po.
Millon: Tatlong ulit lang kita nahuli, eh paano kung nahuli kita sa lahat ng
pagkukulang mo? Ilan ang tatlong lima?
Placido: Labinlima po
Millon: Kapag nagkulang ng isa ay lalabag ka na. Mamarkahan kita ng isa pang
maliit na guhit dahil hindi mo alam ang leksyon ngayon.
Placido: Kung gayon po padre, dapat alisin ninyo ang marka ko sa ‘di papasok
ngayon
Millon: Aba at bakit?
Placido: Hindi po ako makaisip Padre, kung paanong ang wala rito ay makapag-
uulat ng leksyon.
Millon: Ang hindi ba pagpasok ay nangangahulugang alam mo na? Ano ang
isasagot mo, Pilosopastro?
*Binato ni Placido ang libro niya kay Padre Millon*

14 | E L F
I L I
El filibusterismo

Placido: Tama na Padre, Tama na! ilagay ninyo ang lahat ng guhit na gusto ninyo,
ngunit wala kayong karapatang humamak ng tao!
*mapangahas na aalis*
Millon: *pagalit* Ignorar na Indio! Mga tonto! Iyan ba ang natututunan ninyo?
Narrator: Pagkaalis ni Placido, iginugol na lang ng propesor ang kanyang klase
ukol sa kawalang pitagan ng mga mag-aaral. Dalawandaan at tatlumpu’t apat ang
pumasok na walang alam at lalabas nang wala ring natutunan.
*sara ng kurtina*

Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Estudyante


SETTING: Bahay ni Makaraig
*bukas ng kurtina*
*darating si Isagani at Sandoval sa bahay ng ga estudyante*
Pecson: Sa tingin ba ninyo ay talagang magtatagumpay ang panukalang ito? Baka
ipakulong tayong lahat ng mga opisyal!
Juanito: Aba! Ako’y ‘wag ninyong idamay riyan!
Sandoval: Huwag kayong mag-alala, walang dahilan uang tutulan ng pamahalaan
ang Akademiya. Kung walang Pilipinong may lakas loob na lumaban, ay ako, si
Sandoval, sa ngalan ng Espanya ay nakikipagsagupaan.
*yayakapin ni Isagani si Sandoval*
*darating si Makaraig*
Makaraig: Nasa kamay n ani Don Custodio ang usapin. Kailangang mapakiling
natin sya
Pecson: Paano?
Makaraig: Dalawang paraan ang itinuro saakin ni Padre Irene: una ay ang
mananayaw na si Pepay na matalik na kaibigan ni Don Custodio at ang isa naman
ay si G. Pasta, ang abogadong kanyang sinasangguni.
Juanito: Ako na! Kakausapin ko si Pepay!
Isagani: Hindi, ako na lamang. Si G. Pasta ang aking kakausapin yaman din
lamang na kaibigan ito ng aking amaing si Padre Florentino
*sara ng kurtina*

15 | E L F I L
I
El filibusterismo

Kabanata 15: Si Ginoong Pasta


SETTING: Tanggapan ni G.Pasta PROPS: paperworks, lamesa at upuan
Narrator: Nagtungo si Isagani sa tanggapan ni Ginoong Pasta. Matagal-tagal
naghintay ang binata dahil marami ang kliyente ng abogado.
*bukas ng kurtina*
*pumasok na si Isagani sa silid kung nasan si G. Pasta
G.Pasta: Nangunguna ako sa pag-ibig sa lupang sinilangan at naghahangad ng
pag-unlad ngunit hindi ganoon kadali sumuong.
Isagani: Hindi po namin hanggad na ilagay kayo sa kagipitan.
G.Pasta: ang gumagawa ng mga panukala kahit na mabuti ay nakakasira sa
kanyang katatagang batayan
*natatawa ng palihim si G. Pasta sa pagaakalang nalito ang binata
Isagani: Ang dapat humanap ng ibang batayan ay ang pamahalaan. Ang
pinagbabatayag malakas ng pamahalaan ang siyang pinakamahina. Ang batayang
katarungan ang inaakala kong lalong matibay.
*nagtaas ng ulo ang abogado at tinitigan si Isagani
G.Pasta: Binata, isantabi mo na lamang ang hakbanging iyan dahil iyan ay lubos
na mapanganib. Hayaan nyo na lang kumilos ang pamahalaan, alam nito ang
kailangan ng mamamayan.
Isagani: Upang matupad ng pamahalaan ang kanyang layunin, dapat sumunod ito
sa hiling ng mga mamamayan.
G.Pasta: Mamamayan din ang bumubuo sa pamahalaan – may matataas na pinag-
aralan at bihasa.
Isagani: Ngunit, dahil sila ay tao, maari silang magkamali.
G.Pasta: Dapat sila ay pagkatiwalaan.
*nayamot si Isagani kaya’t pinutol niya ito at tinugon
Isagani: Hindi makatwiran ang hinihingi ng bayan sa pamahalaan.
G.Pasta: *nakangiwi habang umiiling* Masamang aral iyan! Bata ka pa nga at
walang nalalaman a kabuhayan.
*isinuot ni G. Pasta ang kanyang salamin at nagkunwaring may binabasang
kasulatan
Isagani: Ginagawa lang namin ito para sa ikabubuti ng iba!
G.Pasta: Hayaan niyo nalang sa pamahalaan ang bagay na iyan, huwag na kayong
makialam sa kalagayan ng kapwa.
Isagani: Kung sa pagtanda ko’y lumingon ako sa aking kabataan at wala akong
mabuting nagawa, ito’y magsisilbing tinik na susurot sa aking pagkatao.
*tumungo si Isagani kay G. Pasta bilang pamamaalam at umalis na*

16 | E L F I L
I
El filibusterismo

*sara ng kurtina*
Kabanata 16: Mga Kapighatian ng Isang Tsino
INSERT KABANATA 16 SOUND EFFECTS
SETTING: Bahay ni Quiroga PROPS: Chinese decorations (red themed)
Narrator: Si Quiroga, ang mangangalakal na Tsinong naghahangad na maging
Konsulado ng Tsina sa Pilipinas ay naghanda ng piging sa kanyang bahay.
*bukas ng kurtina*
*nagsidatingan ang mga bisita ni Quiroga, binabantayan ni Quiroga ang tirahan
upang tiyakin na walang nawawalang gamit
*nag-uusap ang mga tao
Don Timoteo: Napakalaking pera ang ginugol ko para sa mga pawid na gagamitin
sa pagpapagawa ng mga bahay ngunit ngayon ipinagbabawal na ito ng Kapitan
Heneral!
Simoun: Lakarin ninyong mapasawalang-bisa ang kautusang nagbabawal sa
pawid. Bilhin niyo ng mura ang mga bahay at ibenta niyo sa malaking halaga,
ganyan ang negosyo! Hindi ba Quiroga?
*lumapit si Quiroga kay Simoun
Quiroga: S-si Ginoo. *namomroblema*
Simoun: May problem ba?
Tatango si Quiroga. Lalayo silang dalawa sa kumpulan ng mga tao.
Quiroga: Napakalaki ng pagkakautang ko sa inyo ginoo. Hindi ko na malaman
kung paano mababayaran iyon.
Simoun: *mapapangiti* Bilang tulong saiyo, ako na ang maniningil ng mga may
utang saiyo. Gagawin ko na ring pitong libong piso ang utang mo… *pabulong*
sa kondisyong tutulungan mo akong ipasok ang mga kahon ng baril sa Aduana.
Quiroga: *nag-aalinlangan* S-sige ho, pumapayag ako sa inyong kondisyon.
*ngingisi si Simoun* *kakamayan ni Simoun si Quiroga*
Sa kabilang parte ng tanghalan…
*sa salas ay nag-uusap sina Ben Zayb at Padre Camorra
Ben Zayb: Nabalitaan ko ang palabas ni Mr. Leeds, nakakatawag-pansin ang ulo
na nagsasalita ngunit naniniwala na ako na may daya iyon.
Padre Camorra: Ang palabas sa Quiapo?
Ben Zayb: *tumango* Ninanais niyo bang samahan ako sa Quiapo malaman ang
daya niya?
Narrator: Napagkasunduan nila na pumunta sa Quiapo para sa palabas.
*tumungo sa Quiapo sina Don Custodio, Padre Salvi, Padre Salvi, Padre
Camorra, Padre Irene, Ben Zayb, at Juanito Pelaez
17 | E L F I L
I
El filibusterismo

*sara ng kurtina*
Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo
INSERT KABANATA 17 SOUND EFFECTS
SETTING: Quiapo PROPS:Mga painting at estatwa
*bukas ng kurtina*
Narrator: Nakarating na sa perya sina Padre Camorra at Ben Zayb. Walang
paglagyan ang kaligayahan ni Padre Camorra sa pagmamasid ng mga kadalagahan.
*may mga dumadaan na mga kababaihan at kinukurot ni Camorra si Ben Zayb
pag may nakikita siyang babae
Padre Camorra: *pabulong* *tuwang-tuwa* Putris! Kailan kaya ako magiging
kura ng Quiapo?
*napasigaw si Ben Zayb nang kurutin siya ng madiin ni Camorra dahil nakita nito
si Paulita Gomez
Ben Zayb: Argh! Aray.
*Dumaan si Paulita Gomez kasama sina Isagani at Doña Victorina. Madaming
lalaki na nagtitinginan kay Paulita Gomez kaya nayayamot na si Isagani.
Dumating naman si Juanito Pelaez at nagbigay pugay kay Doña Victorina
*matutuwa si Dona Victorina*
*Nakita nila ang mga larawan*
Padre Camorra: *naglilibot sa tindahan* At sino naman ang kamukha ng
larawang ito?
Ben Zayb: La Prensa Filipina.... Ang Bayan ng Abaka.... *tinitigan ang mga
larawan*
Don Custodio: Ang mga Indio ay may talino rin sa ganitong bagay ngunit dapat
ay paggawa nalang ng mga santo ang kanilang binibigyang halaga.
*sara ng kurtina*

18 | E L F I L
I
El filibusterismo

Kabanata 18: Mga Kadayaan


SETTING: Bulwagang tanghalan PROPS: Itim na tela, mga lampara, mga bungo,
kahon, lamesa
*bukas ng kurtina*
Narrator: Nakapasok na sa bulwagan ng tanghalan ang mga manunuod at ang
magtatanghal na si Mr. Leeds ay naroon na.
Magsisimula na ang palabas ngunit nagsalita si Padre Camorra.
Padre Camorra: Saan naroroon ang mga salamin?
*sinubukan ni Ben Zayb maghanap ng salamin
Tatayo si Ben Zayb at mag-iikot ikot.
Mr. Leeds: May nawawala ba sainyo?
Ben Zayb: Ang mga salamin, Mister. Nasan ang mga salamin?
Mr. Leeds: Hindi ko alam kung nasan ang sainyo, ang akin ay nasa otel. Gusto
niyo ba magsalamin? Medyo masama ang inyong ayos at namumutla pa kayo.
*nagtawanan ang ibang mga tao sa tanghalan
Mr. Leeds: Maari na ba tayong magsimula?
*nanahimik ang mga manunuod
Mr. Leeds: Esfinge! Deremof!
*bumukas ang kahon at may lumabas na ulo
Imuthis: Ako si Imuthis, ipinangak ako sa panahon ni Amasis. Nang ako ay
naglalakbay, nakatuklas ako ng isang lihim. Sa takot na magsumbong ako ay
inalipin nila ang mga kalahi ko at pinahamak nila ako.
Mr. Leeds: Paano ka ipinahanamak?
Imuthis: Umibig ako noon sa isang dalaga ng saserdote at ako’y iniibig niya rin
ngunit mayroong isang saserdote na may lihim na pagtingin sakanya. Ako’y
inakusahan ng pagtataksil at nakulong, tumakas ako sa lawa ngunit ako’y nabaril at
sa kabilang buhay, nasaksihan ko ang panghahalay sa aking mahal, muli akong
nabuhay upang maghinganti! *manlilisik ang mata na titingin kay Padre
Salvi*Tatawagin kitang mamatay, lapastangan ng Diyos!
Padre Salvi: *pinapawisan at nanginginig* Hindi... mahabag!
Imuthis: Mamatay! Lapastangan sa Diyos!
Padre Salvi: Mahabag! Buhay pa! *nahimatay na*
*tinakpan na ni Mr. Leeds ng mantel ang kahon
Don Custodio: *tinitignan ang kalagayan ni Padre Salvi* Wala siyang nakain na
masama, nagayuma siya nang tignan niya ang ulo! Kailangan pagbawalan na ang
pagtatanghal na ito.
Pagtutulungtulungan nilang akayin si Padre Salvi palabas.
19 | E L F I
L I
El filibusterismo

Narrator: Kinabukasan ay sumulat ng lathala si Ben Zayb ukol sa mga mahika,


karunungang itim at iba pa. Nagpalabas din ang pamahalaan ng kautusang
pagpapatigil ng palabas, ngunit wala na si Mr. Leeds. Nagpunta ito sa Hong Kong
dala ang lihim.
*sarado ng kurtina*
Kabanata 19: Ang Mitsa
*bukas ng kurtina*
Narrator: Lumabas sa klase si Placido. Hindi na siya ang dating mapagtimpi.
Galit na galit siya . Nais niyang gumawa ng isang libo`t isang paghihiganti.
(Naglalakad pauwi habang may binubulong sa sarili)
Placido: Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ako? Makakaganti rin ako sa inyo
at pagsisihan niyo lahat ng ginawa niyo sa akin.
Nang makarating sa bahay ay agad siyang nakita ng kanyang ina
Kabesang Andang: Oh? Bakit nandito kana anak? Hindi ba’t may klase ka pa?
Placido: Hindi na ako papasok pa. Masyado na sila. Masyado nila akong
minamaliit. Pinahiya ako ng padre sa buong klase!
Kabesang Andang: Katakot-takot ang hirap at pag titiis ko mapag aral ka lamang.
Ano na lamang ang mukhang ihaharap ko sa iyong ama kung mabigo ko siya?
Mapapailing na lang sa inis si Placido, at aalis ng bahay
*sara ng kurtina*
*bukas ng kurtina*
SETTING: kalye
Placido: Mas nanaisin ko pang tumalon sa tulay o kaya’y mag rebelde kaysa
bumalik sa pamanatasan. Ibig kong mabuhay ng malaya!
Wala sa sariling babanggain ang lahat ng makakasalubong: Prayle, Guwardiya
sibil at ordinaryong mamamayan
Makikita si Simoun
Placido: Ginoong Simoun! Nariyan pala kayo… nais ko pong humingi ng tulong.
Gusto kong pumunta sa Hong Kong
Simoun: Para ano? Sige, halika sa kalye Iris
Makakarating si Simoun at Placido sa isang bahay at tatawag si Simoun.
Simoun: Narito na ako.
Lalabas ang kastilyero
Naglilibot-libot ng tingin si Placido at naghihinala.
Kastilyero: Ah, Senor!
Simoun: Ang mga pulbura?

20 | E L F I
L I
El filibusterismo

Kastilyero: Nasa mga sako. Hinihinitay ko na lamang ang mga kartutso.


Simoun: At ang mga bomba?
Kastilyero: Nakahanda na ang lahat.
Simoun: Mabuti Maestro. Ngayon din ay magpapatuloy kayo sa inyong lakad.
Makikita ninyo ang isang taong namamngka, sabihin niyo ang “kabesa” at sasagot
siya ng “tales”. Hindi dapat tayo mag aksaya ng panahon.
Kastilyero: Por que? May bago po bang mangyayari?
Simoun: Si, mangyayari sa darating na Linggo. Pagkaputok ng kanyon,
magsisimula ang himagsikan.
Kastilyero: Pero no estamos listos. Akala ko’y hihintayin hanggang kwarensya?
Simoun: Hindi na kailangan. Kapag ipinagpaliban pa, marahil patay na si Maria
Clara.
Kastilyero: Bueno, kayo ang masusunod Señor Simoun.
Umalis na sina Simoun at Placido. Gulat na gulat si Placido kaya napangiti si
Simoun
Simoun: Nagtataka ka ba kung bakit matatas mag Español ang lalaking iyon? Dati
siyang guro ngunit pinaalis ng pamahalaan. Matalik na kaibigan ni Ibarrang
sawimpalad.
Hindi kikibo si Placido na wari’y malalim ang iniisip. Maglalakad lakad sila.
Placido: Ginoong Simoun, ako’y magpapaalam muna.
Aalis na si Placido.
Simoun: Sandali na lamang at magkikita na tayo. Himagsikan ang naglayo sayo at
sa akin, himagsikan din ang mag lalapit sa atin.
*sara ng kurtina*
Placido: Ina! Papasok na po ako.

21 | E L F I
L I
El filibusterismo

Kabanata 20:Ang Nagpapalagay


PROPS:Pulang kuwaderno “Mga Balak”
Narrator: Habang pabalik si Don Custodio, kasama ang isang guwardya, sa
kanyang opisina ay narinig niyang naguusap ang mga tagasilbihan niya tungkol sa
kaniya
Tauhan 1: Ano na nga ba ang nangyari sa pagpapasya sa Akademya ng Wikang
Kastila?
Tauhan 2: Sa pag kakaalam ko, si Don Custodio ang magpapasya tungkol sa
usaping ito.
Tauhan 1: Sino yun?
Tauhan 2: Siya ang tinatawag na “Buena Tinta”. Isa siyang aktibo sa pamahalaan.
Ngunit kamakailan lang, kailangan niyang mag tungo sa Espanya upang mag
pagamot sa kanyang atay, ngunit dahil sa hindi siya napapansin doon gaya ng
atensyon na meron siya dito sa ating bansa, ay mas pinili niyang umuwi na
lamang…
(Papasok si Don Custodio)
Don Custodio: Mga Indio nga naman… tsk tsk! Wala nang ginawang maayos at
kahanga-hanga! Walang mga indio na dapat ipagmalaki dahil pag ganon masasawi
lamang sila!
(Habang nakayuko ang dalawang tauhan)
Tauhan 1: Ipagpaumanhi niyo po ang aming pag uusap.
Tauhan 2: Patawarin…
Don Custodio: Maari na kayo’ng umalis, Layas!
(Mabilis na umalis ang dalawang tauhan)
Don Custodio: Wag na natin pagdamitin ang mga bilanggo at sa halip ay
magbahag na lang sila para makatipid!
Guwardya: Tama nga ho, maganda at sumasang-ayon ako sa inyong panukala.
Don Custodio: Maaari mo na akong iwan magisa. Maraming Salamat.
(Lumabas ang guwardiya sibil sa kanyang opisina at agad siyang nag-isip ng
gagawin)
Don Custodio: *voice over* Ano ba yan… ano na ang gagawin ko? Paubos na ang
aking oras sa pagpapasya… kailangan ko na itong mapagdisiyunan.
Narrator: Labinlimang araw na nagkulong upang magsulat at hanapin ang mga
kasagutan sa kanyang mga tanong.
Habang siya’y paikot-ikot sa kanyang silid, natanaw niya ang isang estante na
mayroong pulang libro na may nakasulat na “Mga Balak” at agad niya itong
tinignan.
(Tinignan ang mga pahina)

22 | E L F I L
I
El filibusterismo

Don Custodio: Ah! Narito lamang pala ang mga kasagutan sa aking mga
pagpapasya. Napakagaling ko talaga! Natagpuan ko narin ang kalutasan… *may
kukuhanin sa pulang libro*at… *pipirmhan* tapos na ang aking panukala!
Narrator: At noong araw ding iyon, napagpasyahan ang kinabukasan ng
Akademiya ng Wikang Español.
*sara ng kurtina*

Kabanata 21: Mga Ayos-Maynila


SETTING: Tanghalan
*bukas ng kurtina*
Makikita ang maraming tao na nagsisiksikan
Narrator: Mag aalas-otso na ng gabi ay wala nang mabiling tiket sa teatro. Halos
hindi magkamayaw ang mga taong gustong pumasok sa loob upang masaksihan
ang mga mag tatanghal sa loob. Ngunit sa gitna ng kaguluhan ay may isang tila
hindi interesado sa palabas, ito ay si Camaronccocido.
Camaronccocido: Kayraming tao! Tila ba’y at hindi iniisip ang kanilang
ginagawa.
(Biglang darating si Tiyo Kiko)
Tiyo Kiko: Kaibigan! Tignan mo ito… binayaran ako ng mga Pranses sa
pagkakabit ko ng mga paskil!
Camaronccocido: Tss. Mas epektibo ang pastoral kaysa sa mga paskil. Kaya
maraming manonood ay dahil sa sinabi ng mga prayle na huwag.
Tiyo Kiko: Sa tingin mo, dahil sa pagtuligsa ni Padre Salvi ay maaari akong
mawalan ng trabaho?
Camaronccocido: Maaari Kiko.
Tiyo Kiko: Sana pala’y nag-prayle na lang ako. Sige, mauuna na ako Cocido.
Aalis si Tiyo Kiko. Magmamasid-masid sa paligid si Cocido
Narrator: Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camaronccocido na
mga taong tila hindi sanay mag amerikana at wari’y umiiwas mapuna. Napansin
niya rin ang isang hukbo na may bilang apat hanggang lima na kinakausap ang
kagawad ng hukbo at kinilala niya na ito ay si Simoun.
(Palihim na nagmamatiyag kay Simoun si Camaronccocido)
Makikita na nakapalibot kay Simoun sa dilim ang mga militar
Simoun: ...ang hudyat ay isang putok, huwag kayong mabahala. Ang heneral ang
may utos nyan ngunit huwag ninyong masasabi kanino man. Kapag sinunod niyo
ang aking utos, itataas ang inyong mga rango.
Tauhan 1: Opo!

23 | E L F I
L I
El filibusterismo

Habang patuloy na naglilibot si Camaronccocido, darating sina Donya Victorina


kasama sina Paulita Gomez at Juanito Pelaez. Darating din kasama sina
Macaraig, Pecson, Sandoval at Isagani.

Kabanata 22: Ang Palabas


INSERT KABANATA 22 SOUND EFFECTS…
Sumunod na eksena sa kabanata 21…
Magsasaya ang lahat ng estudyante dahil masaya si Pepay at ipinagpapalagay
nilang nagtagumpay sila maliban kay Isagani. Noon, makikita ang binata na
naninibugho dahil sa selos dahil magkatabi si Paulita Gomez, si Juanito Pelaez
Bumukas na ang tabing at nagpalakpakan na ang lahat. Lumabas ang mga babae
sa harap na nakasuot ng magagarang damit, bakya at mga kolorete sa mukha
(Pumalakpak ang isang lalaki at nagsipalakpakan ang lahat)
(Nanonood si Sandoval at Pecson ngunit si Isagani ay nilayo ang tingin. Habang
napansin naman ni Tadeo si Padre Irene)
Tadeo: Si padre Irene yon a!
Sandoval: Oo, marahil ay nakausap na siya ni Makaraig ngayon tungkol sa ating
panukala.
Tadeo: Sana nga, mukhang magtatagumpay naman tayo! Hindi ba?
Masayang sasang-ayon si Sandoval at Pecson at mag “a-apir” sila, ngunit
mapapansin ni Tadeo na tila ba malungkot at walang kibo si Isagani. Kasabay
nito ay makikitang inaaliw ni Pecson si Don Custodio sa pamamagitan ng
pagkukuwento.
Tadeo: Isagani, ano’t napakalungkot mo riyan?
Isagani: W-wala. *nakatingin pa din kay Paulita at Juanito*
Sa kabilang panig ng tanghalan…
Juanito: Hindi ko na kailangan tumingin sa malayo. Eh mas may higit na maganda
pa sa kanila na mas malapit sa akin *Nakatitig kay Paulita.*
Paulita: *tinakpan ang mukha ng pamaypay at napatangin kay Isagani na babad
sa panunuod sa teatro.*
Balik sa kumpulan ng mga estudyante…
Darating si Makaraig na malungkot, nakangiti ng mapait…
Sandoval: Anong sabi ni Padre Irene? *hindi mapapansin ang kalungkutan ni
Makaraig* *malawak na nakangiti*
Mapapatingin si Isagani sa kanila, ngunit tahimik pa din.
Makaraig: Sinabihan ako na magsaya tayo at pinuri ang ating pagiging
makabayan. *malungkot pa din*

24 | E L F I L
I
El filibusterismo

Tadeo: *magbubunyi* Bueno! Anong ikinalulungkot mo ngayon!?


Makaraig: Kinuha nila ang ating responsibilidad. Ibinagay sa mga Dominicano
ang pamamahala sa akademiya upang huwag daw pumalpak.
Sandoval: Que?!
Pecson: Ano?!
Tadeo: Aba’y walanghiya!
Makaraig: at ang lalong mainam, tinuruan tayo ni Padre Irene na ipagdiwang ito
sa pamamagitan ng isang salo-salo!
Tadeo: Oo, isang piging tulad ng mga para sa bilanggo!
*mapait na magtatawanan ang mga estudyante ngunit makikita ang labis na
pagkalungkot at pagkadismaya sa kanilang mga mukha habang naglalakad
palabas ng tanghalan*
Narrator: Sinang-ayunan ng mga estudyante ang mungkahing ito sapagkat
naniniwala silang lubos na nakakainsulto ang gagawin nila. Lingid sa kaalaman
nila, ang kanilang gagawin ang lubos na magpapahamak sa kanila at makakasira ng
mas marami pang pangarap.
*sara ng kurtina*

Kabanata 23 – Isang Bangkay


SETTING: Ospital; PROPS: Kama, mga libro, lamesa at upuan
INSERT KABANATA 23 SOUND EFFECT (cut on death bell)
*maririnig ang tunog ng kampana *
Makikita si Kapitan Tiyago na nakahiga sa isang kamang pang-maysakit na tila
bang nagluluksa kahit natutulog. Si Basilio naman ay nasa isang lamesa at
napapalibutan ng mga libro habang nag-aaral.
Darating si Simoun.
Simoun: Kumusta ang ating maysakit? *tingin sa mga librong nasa sahig*
Basilio: Kalat na ang lason sa kanyang katawan Ginoo. Maaaring bukas ay…
mamamatay na sya.
Mapapailing si Simoun
Simoun: Katulad ng Pilipinas!
Basilio: May mga gabing akala nya’y sya ay bulag ngunit nang dinalhan ko naman
sya ng ilawan ay sinabihan nya akong tagapagligtas at napagkamalang si Padre
Irene.
Simoun: Walang pinagkaiba sa pamahalaan! Makinig ka Basilio, sa loob ng isang
oras, magsisimula ang himagsikan; puro dugo at patayan lang ang makikita. Lahat
nang hindi makisama ay ituturing na kaaway. Nagpunta ako rito upang iligtas ka

25 | E L F I L
I
El filibusterismo

dahil sa nakaraang nag-uugnay sa atin; upang handugan ka ng kamatayan o


kinabukasan.
Basilio: kamatayan o kinabukasan?
Simoun: Sa panig ng bayan o sa maniniil? Pinaikot ko ang pamahalan sa ilalim ng
kapangyarihan ng salapi na siya ring naging bitag sa kanilang pagkagahaman. At
ngayon, sila’y nahulog na at sisiguraduhin kong hindi na makakabangon muli.
Kung kaya’t mamili ka.
Hindi makapaniwala si Basilio sa kanyang narinig at mahinang tumugon
Basilio: At… ano ang gagawin ko?
Simoun: Pamunuan mo ang isang pulutong, gibain ang pintuan ng Sta. Clara, at
iligtas ang syang dahilan ng aking buhay.
Basilio: Maria Clara!
Simoun: *malungkot* Oo, ang aking Maria Clara. Himagsikan ang syang
naghiwalay sa amin, kung kaya’t himagsikan din ang magtatagpo sa amin
Basilio: Ngunit… kayo’y huli na! Huling huli na.
Kumunot ang noo ni Simoun
Basilio: Namatay na si Maria Clara kaninang mag-iikaanim ng hapon lamang.
Ngayon ay maaaring…
Napatayo si Simoun, namumutla, nanginginig at nanlilisik ang mga mata na
susugurin at kukuwelyuhan ang binata.
Simoun: Kasinungalingan! Buhay – buhay si Maria Clara! Dapat mabuhay si
Maria Clara! Hindi siya maaaring mamatay! Ililigtas ko sya ngayong gabi!
Basilio: Nagkaroon sya ng karamdaman. Kaninang hapon tinugtog ang kanyang
agunyas.
Mapapabulalas si Simoun na parang kinakapusan ng hininga at nanlalaki ang
mga mata at mabibitawan si Basilio
Simoun: Ah! Patay na nang hindi nya man lang nalamang buhay ako. Patay,
patay! Namatay nang nagdurusa…
Kakawala ang isang sigaw na tila sasabog ang kanyang dibdib, sigaw na
kakilakilabot. Aalis si Simoun sa tanghalan at makakarinig si Basilio nang timping
sigaw na wari’y hudyat ng pagsapit ng kamatayan.
Narrator: At noong gabing iyon, hindi na nakapagpatuloy sa pag-aaral ang binata.
Naalala niya ang kapalaran ng magkasintahan. Si Ibarra: bata, mayaman, edukado,
malaya, at hari ng kanyang sariling kapalaran; at si Maria Clara, siya na kasing
ganda ng panaginip, puno ng pag-asa at kamusmusan, siya na nakatadhana sa
masayang buhay at respeto ng mundo. Ngayon, ang tadhanang ito ay isa na lamang
ilusyon; Ngayon sila’y itinakwil ng mundo sa hagupit ng luha at dugo; si Maria
Clara nama’y namatay sa madilim na misteryo ng kumbento, sa paghahanap ng
kapayapaan ay nakahanap lamang ng pasakit at pagpapahirap. Sa kumbento, kung

26 | E L F I
L I
El filibusterismo

saan pumasok siyang walang bahid ng karungisan, ngayo’y namatay na tila ba


lagas na bulaklak.
Kabanata 24 : Mga Pangarap
SETTING: Tila isang parke
*bukas ng kurtina*
Narrator: Kinabukasan, napamasyal si Isagani sa Paseo de Maria Cristina para sa
pagkikita nila ni Paulita. Natityak niya na ang pag-uusapan nila ay ang nangyari sa
dulaan. Ang limutin ang pag-ibig sa ngalan ng karangalan upang tumupad sa
tungkulin ay naging dahilan upang pagharian ng lungkot si Isagani.
Isagani: *bubuntong hininga* Ipinapangako kong maghihiganti ako sa Pelaez na
iyon. Humanda sya.
Narinig ng binata ang isang ingay papalapit sa kanya. Isang kilalang karwahe,
nakasakay si Paulita, ang kaibigan ni Paulita at Dona Victorina.
INSERT KABANATA 24 SOUND EFFECT (carriage)
*pasok sa tanghalan sila Paulita at Doña Victorina
Ngingitian ni Paulita si Isagani. Mapapangiti rin si Isagani at tila ba napawi ang
mga hinanakit
Dona Victorina: Oh Isagani, may balita ka na ba kay Tiburcio? *mataray*
Isagani: Wala pong nakapagbabalita
Dona Victorina: Pakisabi mo sa kanya, saan man siya naroroon, buhay o patay
ay ibig kong malaman sapagkat kailangan pang maghintay ng sampung taon bago
makapag-asawang muli ang isang babae
Isagani: *Nagtatakang napatingin sa kausap* * Pabulong* Di yata’t may balak
pang mag-asawang muli si Dona Victorina? At sino man kaya ang sawimpalad?
Dona Victorina: Anong masasabi mo kay Juanito Palaez?
Isagani: *Bigla napatawa sa loob- loob ang binata ngunit pinigilan ito agad*
*sasaya* Ah! Si Juanito Palaez ang isang mabuting ginoo, Doña.
Babaling ang atensyon ni Isagani kay Paulita na noo’y nakatitig lamang sa kanya.
Isagani: Paulita?
Paulita: Labis pa din ako nababagabag sa paraan ng iyong pagtingin sa mga
babaeng Pranses. Halos hindi mo maialis ang iyong mga mata sa kanila!
Isagani: Ano? Hindi ha, ikaw nga ang may ibang kasama sa pagtatanghal noong
gabing iyon.
Paulita: *magtatakip ng pamaypay* P-paumanhin. Ginawa ko lamang iyon para
kay Tiya Victorina.
Matatawa sila parehas
Narrator: Masayang nag-uusap ang dalawa hanggang sa mauwi sa bayan ang
usapin
27 | E L F I
L I
El filibusterismo

Isagani: Noong ako’y napatigil sa kabundukan, naranasan ko ang kalayaan nang


walang nananakop. Isang lugar ng kaluwalhatian at kaginhawahan.
Paulita: Nararapat na yata akong magselos.
Isagani: Pinakamamahal ko ito higit pa sa kahit saan, hanggang sa nakilala kita.
Saka ko Nakita ang iyong mga mata sa lalim ng karagatan at sa liwanag ng tala.
Huwag kang mag-alala, hindi magtatagal madadala rin kita doon, kapag ang buong
bansa ay nalalatagan na ng daang bakal.
Paulita: Pangarap, pangarap. Sabi ni Tia Torina ay magiging busabos daw ang
bayang ito.
Isagani: Iya’y kahangalan. Oo, marami kaming kalaban, ngunit kung lahat tayo’y
magkakaisa sa layuning mapayapa, siguradong magtatagumpay tayo.
Paulita: At kung wala kayong mapala?
Isagani: Papangarapin ko na lamang ang isa mo pang titig at mamamatay ng taas
noo, sapagkat nawala ako sa pagtatanggol ng aking bayan.
Mas lalong mababagabag si Paulita at kakakitaan na tila ba’y nagdadalawang
isip.
Doña Victorina: Umuwi na tayo Iha, baka ka sipunin!
Hahawakan ni Isagani ang kamay ni Paulita, ngingitian at titignan sa mata.
Pagkatapos ay iahahatid na palapit kay Doña Victorina.
*sarado ng kurtina*

Kabanata 25: Mga Tawanan at Iyakan.


SETTING: Karinderya;
Narrator: Mula gabing iyon, sa Pacinteria Macanista de Buen Gusto ng Bulwagan
ay reserbado ng Labing- apat na estudyanteng Bantog sa kapuluan mula sa mga
Indio hanggang sa Espanol na taga- Espana.
Naiiba ang ayos ng kainan. Nagdagdagan ng mga ilaw at ipinadikit sa dingding
kasama ng mga tanawin at nakakimonong tsino ang ganitong mga salita.
Paskil : LUWALHATI KAY DON CUSTODIO DAHIL SA KANYANG
KATUSUHAN AT PANSIT SA LUPA PARA SA MGA BINATANG MAY
MABUTING KALOOBAN
Narrator: Bagama’t nagtatawanan at nagbibiruan sila, bakas ang pilit na
kasiyahan sanhi ng pagbigo sa kapasyahan ni Don Custodio.
Makikita ang apat na mesang bilog na inayos pakwadro, ang mga upuan ay bilog
din. Bawat mesa’y may nakahandang apat na tsasang tsa na may takip na pawing
potselanang pula. Sa haarapan ng bawat upuan ay may isang boto ata dalawang
kopang nangingitab
Si Sandoval na sadyang mausisa ay patingin-tingin, lahat ay sinisipat, tinikman
ang mga kakanin.

28 | E L F I
L I
El filibusterismo

*Nagtawanan ang mga Estudyante. Ang mga Pagkaing inihanda ay iniugnay sa


mga taong kasangkot sa Akademya ng Wikang Espana*
Makaraig: Para kay Don Custodio sa kanyang panukalang sopas!
*tawa*
Pecson: Pansit guisado para sa gulo at sama sa bayan ng Pilipinas!
*tawa*
Isagani: Igalang ninyo ang mga musmos at mga nasawi. Kay Quiroga na
lamang!
Estudyante: Huwag! Sa Eminencia Negra! *tawa*
Narrator: Habang nagkakatuwaan, isa sa mga estudyante ang tumayo upang
sunduin ng tsino na magdadala sana ang ulam. Pagpunta niya sa balkong
nakaharap sa ilog ay bumalik ito agad at humuhudyat nang palihim.
INSERT KABANATA 25 SOUNd EFFECTS
Estudyante: Minamanmanan Tayo! Nakita ko ang paborito ni Padre Sibyla.
Isagani: * Napatayo* Totoo?
Estudyante: Huwag mo nang sundan dahil nang makita ako ay agad na umalis!
Narrator: Mula sa Bintana ay nakita nilang lumalabas sa pinto ng pansiterya ang
isang binatang lilinga-linga at sumakay sa karwahe ni Simoun kasama ang isang
lalaking hindi rin kilala.
*sarado ng kurtina*
Kabanata 26 : Ang mga Paskil.
*bukas ng kurtina*
Narrator: Mula umaga , Gumising ng maaga si Basilio upang magtungo sa
ospital. Dadalawin niya ang maga pasyente. Dahil sa ilalim ng iniisip, hindi
napansin ng binata ang mga estudyanteng maagang umuuwi sapagkay sarado ang
mga paaralan.
Mga estudyante: *ang pabulong na usapan at ang lihim na hudyatan ng iba*
Estudyante: May alam ka ba tungkol sa nasabing paghihimagsik?
Basilio: Ah! ang paghihimagsik? *Nanginginig ang boses at nagkunwaring
walang alam*
Estudyante : Oo! Natuklasan at tila marami ang nasasangkot
Basilio Marami ang nasasangkot? Sino-sino?
Estudyante: Mga estudyante
Lumayo na si Basilio sa pangkat ng mga nagtatanong upang makaiwas.
Makakasalubong niya ang kayang propesor.
Propesor: Basilio, nandito ka pala. Ah tanong ko lang, Nasa piging ka ba kagabi?

29 | E L F I L
I
El filibusterismo

Basilio: Hindi po propesor.


Propesor: Mabuti nga ang hindi ninyo pagpunta roon. Ngunit hindi ba kayo kasali
sa Kapisanan ng mga estudyante?
Basilio: Nagbibigay lamang ako ng hulog
Propesor: Kung gayon, umuwi na kayo ngayon din at punitin ang lahat ng papel
na maaring magsubo sa inyo sa panganib.
Basilio: May Kinalaman ho ba dito ang mang-aalahas o ang mga tulisan?
Propesor: pawang mga estudyante ang sangkot iho.
Basilio: * Nakahinga siya nang maluwag sapagkat si simoun lamang ang
makagpapahamak sa kanya*
Basilio: Ano ngayon ang nangyari?
Propesor: Saan?
Basilio: Sa unibersidad, ang hinala ay gawa ng samahan ng mga estudyante
Narrator: Nakita nilang parating ang propesor sa Patologia na tiktik ng mga
prayle.
Propesor: *Binago ang tono ng kanyang Boses at pagkatapos kindatan ang
binata* Alam kong si Kapitan Tiyago ay mamamatay na. Dinalaw na siya ng mga
uwak at kuwago.
Narrator: Nalaman ni Basilio na ang mga Paskil ay may kinalaman sa mga bala,
mga pagputol ng leeg, paglusob, at iba pang katapangan. Naalala niyang sinabi ni
Simoun kaya’t nagdadalawang-nisip siya kung may kinalaman ang mag-aalahas sa
mga pangyayari.
Narrator: Nagpunta si Basilio sa unibersidad. Napansin niya ang mga guwardiya
sibil na nagtataboy sa mga estudyanteng lumalabas sa unibersidad.
Tadeo: Sino ang nagsulat ng gayon sa paskil?
Isagani: Hayaan nating sila ang tumuklas! Kung nasaan ang panganib ay doon
tayo sapagkat naroon ang karangalan.
Narrator: Hindi sumang-ayon si Basilio kay Isagani kaya umalis siya upang
pumunta sa bahay ni Makaraig.

Hindi pinansin ni Basilio ang mga senyas ng mga kapitbahay ng kaibigan.


Sinalubong siya ng dalawang bantay. Nagulat si Basilio subalit hindi na
makaiwas.
Basilio: Naparito ako upang makipag-usap kay Makaraig, ang aking Kaibigan
Ilang Sandali lamang at Lumabas si Makaraig kausap ang kabo ng alguacil.
Nagtaka si Makaraig kay Basilio.
Makaraig: Marangal na Kaibigan, Sa panahon ng kaayusan ay umiiwas kayo….

30 | E L F I L
I
El filibusterismo

Tinanong ng Kabo ang pangalan ni Basilio saka tumingin sa talaan, naroon ang
pangalan niya kaya dinakip din siya.
Basilio: Bakit pati ba ako?
Makaraig: Huwag kang matakot, Kaibigan. Kaisa mo ako, At sa araw ng
pagtatapos ay iimbitahan natin ang mga ginoong ito*sabay turo sa mga dumakip
sa kanila.
*sara ng kurtina*
Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino
*pumasok si Isagani sa silid ni Padre Fernandez. Si Padre Fernandez ay
malungkot, nakakunot ang noo, at malalim ang iniisip. Tumayo siya nang nakita si
Isagani. Kinamayan ito at binati. Ipininid ang pinto at naglakad.
Nanatiling nakatayo si Isagani*
Padre Fernandez: Ginoong Isagani, narinig kong kasama kayo sa piging kagabi.
Huwag niyong ipagkaila
Isagani: Hindi po ako magkakaila
Padre Fernandez: Mabuti. Natutuwa sana ako na nakatagpo ako ng katulad mo,
ngunit bakit nililibak mo kami kapag nakatalikod?
Isagani: Ito po ay dahil kapag kami’y nagsalita ay paparatangan kaming
pilibustero. Paano kami magsasalita?
Padre Fernandez: *bubuntong-hininga* Ano ang gusto sa amin ng mga
estudyanteng Pilipino na gawin namin?
*Nagulat si Isagani at sumagot nang mabilisan*
Isagani: Tuparin ninyo ang inyong tungkuling magpalaganap ng kaalaman upang
mahalin ang bayan.
Padre Fernandez: Bakit? Hindi ba namin yun ginagawa?
Isagani: Ngunit bakit hinahadlangan ang pagtuturo! Itinuturo na lamang ang lipas
na karunungan.
Padre Fernandez: Napakabigat na paratang iyan. Lahat ng kamalian ay ipinapataw
ninyo sa mga prayle, ginagawa lamang namin ito dahil pag hindi kami sumunod ay
dalawa lang ang mangyayari, papalayasin ninyo kami o paaalisin kami ng
pamahalaan.
Isagani: Kung gayo’y nasa pamahalaan ang ikasasama?
Padre Fernandez: Nasa kapisanan. Ngunit nalalayo tayo sa usapan. Ano ang
gusto ninyo sa mga prayle?
Isagani: Huwag humadlang sa aming pag-aaral bagus ay tumulong.
Padre Florentino: Iyan ay isang pagpapatiwakal. Walang pumipilit sa inyo mag-
aral…Malawak ang lupain!
Isagani: Ibig po ba ninyo na sa inyo lang ang karunungan at sa amin ang
paggawa?

31 | E L F I
L I
El filibusterismo

Padre Florentino: Hindi gayon, kapag ipinakita ng mag-aaral ang nais sa


pagkatuto, tiyak na magbabago ang guro. G. Isagani, asahan mong sisikapin kong
makarating sa kanila ang nais ninyo.
Isagani: Salamat po Padre. Adios.
Lalabas si Isagani at makakasalubong ang isang estudyante
Pecson: Oh saan ka pupunta?
Isagani: Titignan ko ang mga paskil at makikisama ako sa iba.
Patakbong lalayo si Pecson kay Isagani
Padre Fernandez: Kaawa-awang binata, kinaiinggitan ko ang mga Jesuitang
humubog sa iyo.
*sara ng kurtina*

Kabanata 28: Mga Katatakutan

SETTING: Sa Kalye
Narrator: Ang hula ni Ben Zayb ay nagkatotoo dahil sa mga paskil. Inilahad niya
sa pahayagang El Grito ang kasamaang idudulot ng pag-aaral sa mga kabataan.
Ang pagtamo ng karunungan ay hindi umano makakabuti sa mga binata. Natakot
ang lahat at makikita ito sa matumal na negosyo ni Quiroga.
*bukas ng kurtina*
Quiroga: *kinakabahan at namomoroblema* *naglalakad papunta sa bahay ni
Simoun* Tao po?! Ginoong Simoun??
Utusan: Sino po sila?
Quiroga: Narito ako upang isangguni ang mga ipinatago sa akin ni G. Simoun.
Utusan: Ayaw po makipagkita ng Señor ngayon, pinapasabi nya po na bayan
muna ang mga iyon. *aalis*
Aalis na si Quiroga at mamomroblemang muli
*sarado ng kurtina*
Narrator: Kasabay ng mga ito, lalong lumala ang sakit ni Kapitan Tiyago nang
malamang nahuli si Basilio at nakakulong.
*bukas ng kurtina*
Padre Irene: Mabuti na lang talaga at dumating ako, kung hindi ay malamang,
marami na ang napatay. Kasama na si Basilio.
Kapitan Tiyago: *maghihingalo* maghahabol ng hininga manginginig* kakapit
sa braso ni Padre Irene. *magtatangkang bumangon ngunit hindi kaya* Ah…
*babagsak sa unan* *nakadilat* *mamamatay*
*sara ng kurtina*

32 | E L F I L
I
El filibusterismo

Kabanata 29: Kamatayan ni Kapitan Tiyago


SETTING: Bahay ni Kapitan Tiyago
*bukas ng kurtina*
Prayle: Ipinapaalala ko sa’yo Padre Irene, hindi nakapangumpisal si Kapitan
Tiyago bago siyamamatay.

Padre Irene: Ang ganitong paghihigpit ay para lang sa mga walang ibabayad.
Malaki ang tulong sa atin ni Kapitan Tiyago.
Narrator: Hinirang ng namatay si Padre Irene bilang albacea o tagagpagpatupad
ng mga huling habilin. Nag-iwan ito ng malaking halaga para sa iba’t-ibang sector
ng simbahan. Kinabukasan, nagtipon-tipon ang mga kaibigan at kakilala ng
namatay.
Kapitan Basilio: Maaari akong magbigay ng luma at tagpi-tagping damit, ililigtas
sya nito sa impyerno
Utusan: Huwag, damit-prak na lamang, ibebenta ko na lamang ito sa kanya ng
tatlumpu’t dalawang piso.
Padre Irene: Hindi, lumang damit na lamang ng namatay ang isusuot. Hindi
tumitingin ang diyos sa kasuotan ng humaharap sa kanya.
Narrator: Napakaringal ng ginawang seremonya sapagkat lahat ng parangal ay
iniukol sa namatay. Ang dating katunggali ni Kapitan Tiyago na si Doña Patrocino
ay labis na nainggit at ninais na ring mamatay kinabukasan.
*sara ng kurtina*

Kabanata 30: Si Huli


*bukas ng kurtina*
Makikita ang isang kumpulan ng kababaihan na nag-uusap…
Narrator: Nabalitaan sa San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at paghuli
kay Basilio ngunit higit na ipinagdamdam ang huling pangyayari.
Hermana Bali: Huli! Huli! Nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Basilio?!
Huli: Po? Bakit, anong nangyari?
Hermana Bali:Napasama siya sa mga dinakip na estudyante at ngayo’y sya na
lamang ang natitira sa bilangguan. Ito ay marahil sa pagtulong niya sa inyong mag-
ama.
Matitigilan si Huli at kakabahan
Huli: A-ano? Nagbibiro ka lamang po hindi ba?
Hindi kikibo si Hermana Bali; Manghihina at halos mawalan ng malay si Huli
ngunit agad naman siyang naalalayan ng Hermana.
Huli: Kinakailangan ko siyang mailigtas…
*voice over* Padre Camorra: Ibigin mo lang ako, makakalaya si Tales!
33 | E L F I
L I
El filibusterismo

Huli: Hindi, hindi ko kakayanin, maging si Basilio ay tutuligsain ako!


Hermana Bali: Oh siya, maaiwan muna kita rito at magpasya. Ngunit para sa
akin, pinakamainam na solusyon si Padre Camorra. Paborito ka nun, siguradong
matutulungan ka niya. *aalis*
Labis na mababagabag si Huli. Susubukan na lamang niyang matulog…
*voice over* Basilio: Huli… huli tulungan mo ko. Ikaw na lang ang
makakapagligtas sa akin, HULIIIIIIII
Mapapabalikwas si Huli sa kanyang pagtulog
Huli: AHHH! Ano na ang gagawin ko? *maiiyak*
*voice over* Padre Camorra: Ibigin mo lang ako, makakalaya siya…
Matutuliro si Huli, tatakpan ang tainga at susubukang matulog muli.
*sarado ng kurtina*
Narrator: Noong gabing iyon, hindi nakatulog si Huli dahil sa pagbalot ng
bangngot sa kanyang bawat pagpikit. Kinabukasan, isinuot ni Huli ang
pinakamaganda niyang damit at hindi maglalaon, gagawa ng isang desisyon na
lubos niyang pagsisisihan.
*bukas ng kurtina*
Magkikitang kinakabahang naglalakad si Huli at kakausapin si Hermana Bali
Huli: *mauutal* Hermana, nakapagpasya na po ako. Tatanggapin ko na po ang
inaalok na tulong ni… Padre Camorra.
Hermana Bali: Mabuti kung gayon. Sa wakas ay nakapagpasya ka na rin ng
matiwasay. Halika, siguradong iniintay ka na ng prayle!
Halos hilahin ni Hermana Bali si Huli sa pagmamadali. Habang papalapit na sila
sa kumbento ay napatigil ang dalaga.
Huli: Hindi ko kaya ito. Uuwi na lang po ako.
Hermana Bali: Huwag ka nang mangamba, gawin mo ito para sa iyong
kasintahan. Manalig ka na lamang sa aklat ng mga prayle.
Maglalakad na sila papasok ng kumbento ngunit urong sulong parin ang dalaga
ngunit patulo pa din syang pipitin ni Hermana Bali. Nang di maglaon, ay
mapipikon na ito sa kanya,
Hermana Bali: Siya, umuwi na tayo kung ayaw mo! Hayaan mo na lamang na
patayin si Basilio! Kapag namatay na siya ay saka ka na lamang magsisi.
Padre Camorra: Huli? *iaabot ang kamay*
Pikit matang lalapit si Huli kay Camorra.
Padre Camorra: Sa wakas… *tatawa ng nakapangingilabot* lalapit kay Huli
*sarado ng kurtina*
Tila maghahabulan

34 | E L F
I L I
El filibusterismo

Huli: Ah, wag po. Maawa kayo sa akin….


Padre Camorra: Pagbigyan mo na ako huli…
Padre Camorra: Huli? Nasaan ka?? *paloko*. Huli ka!!
Huli: AHHHH!! Bitiwan mo po ako *tatakbo muli*
Padre Camorra: Wag! HULIIIIIIII!
Maririnig ang lagpak ng isang katawan sa lupa
Hermana Bali: HULI! Anong ginawa mo??!!!!

Kabanata 31 – Mataas na Kawani


Narrator: Pagkatapos ng nasabing trahedya sa kumbento, bali-balita sa bayan ang
pagpapalipat kay Padre Camorra sa ibang lugar na labis na pinanghinayangan ni
Ben Zayb. Nakalaya na ang lahat ng mga mag-aaral na nadakip maliban kay
Basilio dahil nahulihan sya ng mga ipinagbabawal na libro. Namagitan ang Mataas
na Kawani sa paghahangad na matulungan ang binata.
*bukas ng kurtina*
Mataas na Kawani: Mawalang-galang na po, Ginoong Heneral. Ang binatang
iyan ay estudyante ng medisina at nalalapit nang magtapos.
Kapitan Heneral: Siya nga? Kung gayo’y mas mabuting manatili sya sa
kulungan. Nang sa gayon ay may mag-alaga sa mga pilibusterong gaya nya
*tatawa ng pakutya*
Mataas na Kawani: Ngunit, wala syang kinalaman sa lahat.
Kapitan Heneral: Ganyan talaga, kailangang may magsakripisyo para sa
ikabubuti ng nakararami.
Mataas na Kawani: Ngunit paano po ang bayan?
Kapitan Heneral: Hindi siya ang naghalal sa akin kung di ang España.
Mataas na Kawani: Gayon nga po, ngunit kailangang alagaan din natin ito upang
hindi mapintasan ang inang España.
Kapitan Heneral: Na siya ngang ginagawa ko hindi ba? Hindi ko na kasalanang
hindi ninyo ito maunawaan. Hindi ko kayo pinipilit na makihati sa aking
pananagutan.
Mataas na Kawani: Hindi nga po. Iba ang pagkakakilala ko sa aking
pananagutan. Ako man ay Espanol din, ngunit nauna rito ang aking pagkatao at
karangalan. Pinangakuan natin ang Pilipinas ng buhay na matuwid ngunit
kabaliktaran ang ating inihahatid. May karapatan din sila Ginoo! Mas pipiliin ko
pang kampihan ang mga Pilipinong sinisiil, dahil mas nasa ko pa na mamatay
kaysa magtagumpay na mayroong hangaring ikagagaling lamang ng isang bansa,
kahit pa ito ay ang Espanya.
Hindi papansinin ng Kapitan Heneral ang mga katagang binitiwan ng Kawani at
sa halip ay mahinang magtatanong…

35 | E L F I
L I
El filibusterismo

Kapitan Heneral: Alam po ba ninyo kung kailan aalis ang koreo?


Yuyuko ang kawani at tahimik na lalabas ng Palasyo.
Narrator: Tahimik na lumabas ng palasyo ang Mataas na kawani at naghintay ng
kanyang sasakyan sa labas ng palasyo.
*sara ng kurtina* *bukas ng kurtina*
Sinong: Halina po Ginoo, nariyan na po ang karwahe.
Mataas na Kawani: Kung dumating ang araw ng inyong paglaya, alalahanin
ninyong may isang Español na kaisa ninyo at ipinagtanggol ang inyong karapatan.
Sinong: Paumanhin ginoo, hindi ko po kayo naintindihan. Saan po kayo paroroon
upang makapasimula na tayo ng paglalakbay.
Mataas na Kawani: Sa daungan
Maglalakad na sila
Narrator: Pagkalipas ng dalawang oras ay nagbitiw sa katungkulan ang Mataas na
Kawani at umalis tungong Espanya.
*sara ng kurtina

Kabanata 32: Ibinunga ng mga Paskil


Narrator: Matapos ang mga pangyayaring naganap, pinauwi na ng ilang mga
magulang ang kanilang anak. Nang magdaan naman ang mga pagsusulit,
karamihan ay bumagsak kagaya nila Pecson, Tadeo, at Juanito Pelaez samantalang
sina Isagani at Sandoval lamang ang nakapasa. Habang nananatiling nakakulong,
nalaman na din ni Basilio na namatay si Huli at nawawala si Tandang Selo
*bukas ng kurtina*
Makikita si Basilio sa isang sulok ng kulungan labis labis ang lungkot na may
kasamang galit at pagluluksa.
Sinong: …pagkatapos po ay natagpuan ang inyong kasintahang bumagsak galing
sa itaas.
Hindi kikibo si Basilio ngunit makikita ang labis niyang galit
Sinong: Napabalita rin po na magbibigay ng napakalaking piging ang Eminencia
Negra para sa kanilang pag-alis ng Kapitan Heneral. Marahil ay isasabay po sa
nalalapit na kasal ni Ginoong Juanito at Binibini Paulita
Sa kabila ng mga dinaramdam, mapapatingin si Basilio kay Sinong
Basilio: Ano? Si Juanito? Paano –?
Sinong: Napawi ang pag-ibig ng binibini kay Isagani matapos isuong ng binata
ang sarili sa kapahamakan..
Narrator: Huling lingo ng Abril, nalimutan na ang takot sa Maynila at walang
pinagkakaabalahan kundi ang nalalapit na kasal ni Juanito Pelaez at Paulita
Gomez. Kung saan, ninong ang Kapitan Heneral at si Simoun ang umayos ng

36 | E L F I
L I
El filibusterismo

lahat. Gayun din naman, sasamantalahin ng mag-aalahas ang piging upang


magpaalam sa bayang Pilipinas – isang pagpapaalam na hindi malilimutan
Kabanata 33: Ang Huling Matuwid
Makikita si Simoun na nag-aayos ng kanyang mga alahas at iba pang gamit bilang
paghahanda sa kanyang pag-alis.
Narrator: Dumating na ang itinakdang araw.
Papasok sa tanghalan si Basilio
Basilio: Ang aking pong kalayaan ay utang ko sa inyo Ginoo. Wala nang natitira
sa akin kundi gantihan ng sama ang sama at pagpatay ng pagpatay; alang-alang sa
aking ina’t kapatid.
Simoun: Maraming Salamat Binata. Ngayon ay pareho na tayo. Halos huli ka na
nang imulat mo ang iyong mga mata. Tayo sanang dalawa’y nakagawa ng mga
mahimalang panukala.
*magsasara ang kurtina*
Narrator: Isinama ni Simoun si Basilio sa kanyang laboratoryo at ipinakita ang
kanyang mga kemikal.
*bubukas ang kurtina*
Ipapakita ni Simoun ang kanyang lampara na may kakaibang hugis
Maingat na kinuha ng mag-aalahas ang bahaging may mitsa at ang tinggalan
upang ipakita kay Basilio.
Basilio: Nitro-glicerina! Dinamita!
Simoun: Ito ay higit pa sa nitro-glicerina. Ito ay mga luhang tinipon, pagtitimpi
sa
kawalang katarungan at pang-aapi. Lakas laban sa lakas, dahas laban sa dahas!
Maingat na ilalapag ni Simoun ang bomba sa ilawan.
Napatulala na lamang si Basilio
Simoun: Mamayang gabi magbibigay liwanag ito ngunit makaraan ang
dalawampung minuto at manlalabo ang ilaw. Kapag itinaas ang mitsa, sasabog ito
at walang makakaligtas sino man.
Basilio: Kung gayon ay hindi na po ninyo ako kailangan.
Simoun: Aba, hindi. Ikaw ang mamumuno sa taumbayan na nais lumaban. Dalhin
mo sila kay Quiroga, naroon ang mga baril. Patayin lahat ng kalaban at ang mga
lalaking tumangging sumama.
Basilio: Lahat?!!
Simoun: Lahat ng mga duwag! Kailangang baguhin ang lahi. Nang sa gayon ay
magkaroon tayo ng lipunang malusog at hindi papaapi. Ito ay ang pagsilang ng
bagong buhay.
Basilio: Sumang-ayon man o hindi ang daigdig ditto ay wala na akong pakialam.
Bakit ko lilingapin ang lipunang wala namang pakialam sa akin?

37 | E L F
I L I
El filibusterismo

Simoun: Iyan ang ibig kong marinig! *ibibigay ang rebolber kay Basilio*. Sa
ikasampu ng gabi, hintayin mo ako sa tapat ng simbahan ng San Sebastian.
Hanggang mamaya.
Basilio: Hanggang mamaya po.
*magsasara ang kurtina*
Kabanata 34: Kasalang Pelaez at Gomez
*bukas ng kurtina*
Narrator: Ika-pito pa lamang ng gabi. Dalawang oras pa bago sumapit ang kakila-
kilabot na sandali.
*makikita si Basilio na naglalakad at tila ba nag-iisip*
Basilio: Saan kaya maaaring magsimula ang kaguluhan? Teka… pista? Ang kasal
ni Juanito at Paulita! Sa bahay ni Kapitan Tiyago!
*darating ang sasakyan ng bagong kasal*
Basilio: Kaawa-awang Isagani, ngunit alam ko ng hindi siya makikiisa sa ganitong
paghihimagsik. Hindi naranasan ni Isagani ang mga kaapihang pinagdusahan ko.
*makikita si Simoun na dala na ang lampara at pumasok sa bahay*
*sara ng kurtina*
Kabanata 35: Ang Pista
*bukas ng kurtina*
Narrator: Ikapito ng gabi nang sunod-sunod na magsidatingan ang mga panauhin.
Si Don Timoteo ay hindi mapahinga sa pagbati sa mga bisita.
*darating na ang bagong kasal, kasama si Dona Victorina at ang mga abay*
*tutunog ang Marcha Real*
*darating ang Kapitan Heneral*
Narrator: Noon lamang kinakitaan ng kalungkutan ang Kapitan Heneral buhat
nang dumating sa Pilipinas. Ito ay sa dahilang dalawang araw na lamang at
lilisanin na niya ang lugar na pinagharian niya ng tatlong taon.
Padre Irene: Papalubog na ang araw niya
Narrator: Sa labas naman ng bahay ay pinanonood ni Basilio ang mga
kaganapan…
Basilio: Ano ba sa akin? Bahalang magbayad ang mga mabubuting kasama ng
mga masasama. Hindi ko dapat sirain ang tiwala ni Ginoong Simoun.
*darating na si Simoun dala ang lampara*
Narrator: Nanumbalik ang kagandang loob ni Basilio. Nilimot ang ina, si Huli, at
ang mga kasawian.

38 | E L F I L
I
El filibusterismo

*mabilis na tatakbo at magtatangkang pumasok si Basilio sa bahay ni Kapitan


Tiyago*
*haharangin ng mg guwardiya sibil*
GS: Teka, paumanhin ginoo, subalit hindi kayo maaring pumasok sa piging sa
ganyang kaanyuan.
Basilio: Ngu-ngunit..!
GS: Huwag ka nang magpumilit, kung ayaw mong tawagin ko pa ang iba kong
kasamahan.
*aalis na si Basilio at makakabunggo si Isagani*
Basilio: Halika, umalis na tayo rito
Isagani: Hindi. Dito lamang ako, gusto ko siyang Makita sa kahuli-hulihang
sandali, bukas iba na siya.
Basilio: Ibig mo bang mamatay?! Puno ng pulbura ang bahay na iyan. At
makalipas ang dalawampung minuto mula ngayon ay – kita mo yon - *ituturo ang
lampara* sasabog ang laman nong nitro-glicerina.
*natulala lang si Isagani sa sinabi ng kaibigan at tila ba nawala sa sarili*
Narrator: Sa kakainan ng mga taong may mataas na katungkulan, isang papel ang
pinagpapasa-pasahan na may nakasulat na… “Mane, Thecel, Phares” – Juan
Crisostomo Ibarra. Na nangangahulugang, bilang na ang oras mo, tinimbang ka
ngunit kulang. Ang iyong pinagha-harian ay magkakawatak-watak
Don Custodio: Lagda ito ng pilibusterong mahigit sampung taon nang patay. Ito
ay masamang biro.
*nandidilat si Padre Salvi na tila hindi makapaniwala*
Padre Salvi: I-iyan! Iyan ang sulat ni… I-ibarra!
Narrator: Tatayo sana ang Heneral ngunit nangambang isipin ng iba na siya’y
naduduwag. Hindi na lingid sa lahat ang panginginig ng Kapitan Heneral na lalong
nagpakaba sa lahat.
Kapitan Heneral: Huwag na natin pansinin ang masamang biro. Halina,
ipagpatuloy natin ang pagkain.
Don Custodio: Ipinagpapalagay kong hindi naman ibig sabihin ng Mane, Thecel,
Phares na papatayin tayong lahat ngayong gabi
*mapapatigil ang lahat sa pagkain*
*unti-unting namamatay ang mitsa*
Kapitan Heneral: Padre Irene, pakitaas mo nga ang mitsa, namamatay na ang
lampara.
*mabilis na tatakbo si Isagani at ihahagis ang lampara. Kasabay nito ay mabilis
din siyang maglalaho*
*sara ng kurtina*

39 | E L F
I L I
El filibusterismo

Kabanata 36: Mga Kagipitan ni Ben Zayb


Narrator: Umuwi kaagad si Ben Zayv upang isulat ang balitang naganap sa
dinaluhang piging.
*bukas ng kurtina*
*makikita si Ben Zayb na umuulit nang umuulit sa pagsusulat*
Narrator: Nilalaman ng balita ang papuri’t kabayanihan ng Kapitan Heneral.
Kasama na ang pagsuot sa ilalim ng mesa ni Padre Irene upang habulin ang
magnanakaw na bunsod daw ng katapangan. Pagkaraa’y inilarawan ang
kabaliktaran ng magnanakaw: mabalasik, gulilat, takot at kabaliwan.
*maglalakad si Ben Zayb at iaabot ang natapos ng balita upang maipasadyaryo*
Patnugot: Pasensya na Ben Zayb, hindi natin pwede itong iimprenta. Mahigpit na
ipinagbabawal ng Kapitan Heneral ang pagbanggit ng ano man ukol sa nangyari sa
pista.
Narrator: Ilang araw matapos ang pista ay nagkaroon ng panloloob sa kumbento
na siyang ikinatuwa ni Ben Zayb
Ben Zayb: *habang nagsusulat* sampung libo ang nanakaw… may daang reboler
at itak… apat napu hanggang limampung tulisan…malubahang nasugatan si Padre
Camorra
Lalapit si Camorra
Padre Camorra: Tonto! Anong kasinungalingan ang ipinaglalagay mo rito?
Limampung piso lamang ang nanakaw at tatlo lamang ang tulisan. At ako’y eto,
kayang kaya ka pang sipain.
Ben Zayb: Ipagpaumanhin mo Padre Camorra, wala lamang ako sa aking sarili –
Utusan: Mga Ginoo, mga ginoo!
Ben Zayb: Oh, ano’t humahangos ka?
Utusan: Si Tales po, ibinunyag na si Simoun ang may pakana at namumuno sa
himagsikan!
Padre Camorra: ANO?!
*maglalakad si Ben Zayb palapit kay Don Custodio na nagsusulat sa lamesa*
*sara ng kurtina*

40 | E L F I L
I
El filibusterismo

Kabanata 37: Ang Hiwaga


Makikita ang kumpulan ng tao
Narrator: Iba-iba ang sapantaha ng mga tao kung sino ang may kagagawan ng
mga nangyari sa kasal. May nagsasabing si Quiroga, si Makaraig, ang mga prayle.
Si Kapitan Toringgoy ay umubo lamang at tumingin kay Isagani.
Umiling si Pecson at sinabing si Simoun. Nagulat ang mga nakikinig.
Pecson: Si Simoun! Kaya siguro amoy asupera ang bahay nito.
Utusan: Saan nila hahanapin ang demonyo?
Lumapit si Momoy kay Isagani at sinabing:
Momoy: Masama talagang kumuha ng pagaari ng iba.
Isagani: Kung nalaman ng magnanakaw ang dahilan, nagdalawang-isip muna
siguro siya bago siya gumawa ng gayong hakbang! Hindi ako lulugar sa kalagayn
niya, pantayan man ng kahit gaano.
Narrator: Nag-uusap ang lahat. Pagkaraan ng isang oras ay umalis na si Isagani
upang tunguhin ang amain at doon manirahan.
Isagani: Paalam na at ako’y pupunta sa aking paparoonan
Mga kamag-anak: Paalam Isagani at magingat ka!
Kabanata 38: Ang Kasawian
(Habang naglalakad ang mga bilanggo)
Guwardiya Sibil: Kilos mga alipin! Walang titigil sa inyong paglalakad! Isa man
ang huminto sa inyong paglalakad ay paparusahan ang lahat! *Sabay hagupit ng
latigo
(Bumagsak ang isang bilanggo sabay hagupit ni Mautang)
Bilanggo: Tama na… hindi ko na ho kaya. *umiiyak
Tano/Carolino: Pabayaan mo siya! Hindi na tama ang iyong ginagawa.
Mautang: Baguhan ka ano? Anong karapatan mo para pagsabihan mo ko niyan?!
Tano/Carolino: Sa akin ay wala, pero hindi mga kaaway ang mga iyan. Sila’y
kalahi natin!
(Nilapitan si Carolino at pagkuway binulungan)
Guwardiya Sibil: Wag kang hangal… kunwari lamang iyon upang kung lumaban
at magtangakang tumakas ay… pung! *Sabay halakhak ng malakas
Habang sa patuloy na paglalakad ang mga bilanggo at mga guardia sibil ay
nakarinig sila ng putok sa hindi kalayuan.

(Tumindi ang putukan)

41 | E L F I
L I
El filibusterismo

Guwardya sibil: Mga tulisan! Paputukuan niyo sila! Iilan lang yan at kayang kaya
niyong tugisin yan!
(Si Carolino ay natulala at hindi malaman ang gagawin)
Guwardya sibil: Ano, Carolino, asan ang husay mo sa barilan?!
Narrator: Napatay ni Carolino ang tulisan ngunit nabigla siya at hindi mawaglit sa
isipan ang lalaking nasa batuhan. Inutusan siyang lapitan ang binaril ngunit
babagal-bagal siya at tila wala sa sarili.
Guwardiya Sibil: Sige, lapitan mo.
Lalapit siya sa nabaril at mapapaluhod
Carolino: Ingkong! Patawarin niyo ako.
(Naghihingalo si tandang Selo)
Guwardiya Sibil: Ano! Matagal pa bayan?! Bumalik ka na dito.
Carolino: Patawaring niyo ko ingkong *bulong sa kanyang ingkong*. Nariyan na!
Sinugurado ko lamang na patay na ito.
Malalagutan ng hininga si Tandang Selo

Kabanata 39: Ang Katapusan

Padre Florentino: Alam niyo ba ang sinasabi ng telegrama? Kayo ay hinahanap


nila, buhay man o hindi.
Simoun:*mahinang ngingiti*
Padre Florentino: Nahihilo po ba kayo?
Simoun: Medyo, ngunit mawawala din ito.*iinumin ang laman ng bote*
Padre Florentino: Diyos ko ano ito?! Ano ang iniinom niyo?*kukunin ang bote
kay Simoun*
Simoun: Huminahon kayo Padre. Hindi ako magpapahuli ng buhay. Malapit na
akong mamatay. Sabihin niyo sa akin Padre, may Diyos nga ba?
Padre Florentino: Aba'y oo naman...*naghahalungkat ng lunas*
Simoun: Huwag na kayong mag aksaya ng panahon! Mamamatay din ako!
Padre Florentino:*magdadasal*
Simoun: Tatlongpung taon ng nakalipas ng ako ay nagbalik galing Europa, puno
ng pag-asa at pangarap. Ang nais ko lang ay ikasal sa aking minamahal at mabuhay
ng payapa. Ngunit lahat ito ay nawala! Puro pasakit na lang ang natira. Pinangako
ko na ako'y maghihiganti... Nakilala ko ang Kapitan Heneral na noo'y komandante
lamang. Kami ay nagkaibigan dahil sa pangangailangan ng isa't isa.

42 | E L F I
L I
El filibusterismo

Padre Florentino:*tatayo* Patawarin ka ng Diyos Ginoong Simoun. Lahat ng ito


ay Kanyang pagsusubok at baka plano sa inyo. Sundin na lang natin ang kanyang
plano at magpasalamat.
Simoun: Kalooban Niya ito? Lahat ng ito?
Padre Florentino: Hindi ko alam Ginoo... Walang makakaalam ng kanyang plano.
Ang nalalaman ko lang ay tayong Kanyang tinutulungan pag kailangan natin Siya
at hindi Niya tayo pababayaan.
Simoun: Kung gayon ay bakit ipinagkait niya ang tulong sa akin?
Padre Florentino: Dahil hindi siya sang-ayon sa iyong pamamaraan! Isang
pagkakamali ang gumawa ng masama sa pagliligtas sa kasamaan!
Simoun: Ako ay nagkamali ngunit bakit pinagkait ng Diyos ang kalayaan ng aking
bayan? Bakit hindi nalang ako ang parusahan at palayain ang aking bayan?
Padre Florentino: Kailangang ito pa ay magningas ginoo.
Simoun: Kaya nga inuudyakan ko ang mga kalupitan....
Padre Florentino: Kaya lumaganap ang kasamaan. Pinaigting ninyo ang
kasamaan ng walang adhikaing ibinibigay
Simoun: Kung ganon, ano ang po ang dapat kong gawin?
Padre Florentino: Magtiis at maggawa.
Simoun: Magtiis at maggawa! Kung nakita nyo lamang ang mga nakita ko! Mga
napatay para sa kasalanan ng iba… magtiis at gumawa. Anong klaseng diyos
iyan?!
Padre Florentino: Diyos na nagpaparusa sa mga kulang sa panalangin. Kung ang
Pilipino ay handang ipaglaban ang kalayaan at hindi yumuyuko sa mga Espanol,
tiyak ay mabibigyan tayo ng kalayaan.
*tahimik*
Padre Florentino: Nasan na ang mga kabataang maglalaan ng mga pangarap at
kasiglahan sa ikabubuti ng bayan? Halikayo’y iniintay namin kayo.
*uubuhin si Simoun at mawawalan ng buhay*
*titignan si Simoun at pulso. Magdadasal*
Padre Florentino: Kaawaan nawa ng Diyos ang naligaw sa Kanyang landas.
*lalabas at itatapon ang kayamanan ni Simoun*
Padre Florentino: Itago sana kayo ng walang hanggang lalim ng karagatan. Kung
sa isang marangal na layon ay kinakailangan ka ay sana kunin ka ng Diyos at
ipakita sa tao. Samantala, diyan ay hindi ka magliliko ng katwiran at hindi mag-
uudyok ng kasakiman
*sara ng kurtina*

- WAKAS -

43 | E L F I L
I
El filibusterismo

Epilogue
INSERT EPILOGUE SOUND EFFECTS
Makikita si Simoun na tila ba naliligaw. Maaliwalas ang mukha. Wala na ang
bahid ng lungkot at galit pati na ang salaaming nagtatakip sa kanyang mga mata.
Siya’y nagbabalik… si Juan Crisostomo Ibarra. May makikita siyang hugis ng
babae sa kabilang dako ng tanghalan?
Ibarra: Ma- Maria Clara?
Maria Clara: Crisostomo *ngingiti*
Lalapit si Ibarra
Ibarra: Sa wakas ay nagkatagpo muli tayo…
*sarado ng kurtina*
*bukas ng kurtina*
Isasarado ni Rizal ang libro ng El Filibusterismo
Papasok ang dalawang guwardiya sibil.
GS1: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ikaw ay aming inaaresto
dahil sa pagiging erehe at pilibustero.
Tahimik na sasama si Rizal, yakap yakap ang kanyang libro
Maglalakad sila habang maririnig ang mga boses
Voice over: Hayst. Filipino na naman next subject!
Voice over: Ano ba yan? Ba’t pa kasi pinag-aaralan yang Noli at Fili na yan eh!
Voice over: Nice! Wala nang Panitikang Filipino sa college!
Voice over: Uyy, magtuturo daw ng Hangul sa Highschool?! So exciteddd.
Voice over: Yuckkk, Filipiñana para sa prom? Ang baduy ha.

Tutungo si Rizal. Kukuhanin ng guwardiya sibil ang El Fili at pupunitin,


Ipupwesto siya ng mga guwardiya sibil para barilin.
Rizal: *titingin ng matagal sa manonood* Walang napalaya…
*sara ng kurtina*
GS: FUEGO!
INSERT EPILOGUE SOUND EFFECT

44 | E L F I
L I
El filibusterismo

45 | E L F I L I

You might also like