Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Las Piñas

LESSON EXEMPLAR IN E.s.P./ EPP FOR GRADE 4


Paaralan: Talon Elementary School Baitang: Grade 4
Guro: Cherry Vanessa A. Adizas Markahan: 3rd
Petsa/Oras: Week 5 Category of Reader: Frustration

TARGET DATE COMPETENCIES MATERIALS PROCEDURES ASSESSMENT


March 1, 2024 E.s.P.: Mga larawan: A. Panimulang Gawain Sinong katangi-
Naipapakita ang https://encrypted- 1. Pagsasanay tanging Pilipino na
mga gawaing tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcS (Pagbabasa ng mga pangungusap ayon nagpamalas ng
axKLBT6UVKY_I_semKiO6NNwBMZWU-
nagpamalas sa 5CkGQ&usqp=CAU
sa napag-aralan sa nakaraang aralin). pagpapahalaga sa
kahalagahan ng - Ang pagbabayanihan ay isa sa mga kultura ang
kultura sa https://www.fil- natatanging kultura nng mga hinahangaan mo?
pamamagitan ng mis.org/images/news/Jose- Pilipino.
pagsulat ng iang Rizal120161230.jpg - Ito ay nagpapakita ng pagkakaisa ng Magsulat ng talata na
sanaysay ukol sa mga Pilipino. may 3-5 pangungusap
natatanging https://i.ytimg.com/vi/9vikAstbe8k/ - Kilala din ang pamilyang Pilipino sa na tumatalakay kung
Pilipino na maxresdefault.jpg pagkakabuklod-buklod. bakit siya ay
https://media.philstar.com/photos/2022
kanilang /09/05/lappilus_2022-09-05_21-50-
- Ang ating kultura ay pagkakakilanlan kahanga-hanga.
hinahangaan 14.jpg natting mga Pilipino.
- Ang mga Pilipino ay kilala din sa
E.P.P.: https://ph-static.z- pagtutulungan.
Naipapakita ang dn.net/files/de8/7cbe2eeb5cd128861efb
mabuting pag- 02804b6b4ae8.jpg 2. Balik- aral
https://larongkalyevideo.files.wordpress.
uugali bilang com/2019/03/patintero.jpg
Sa papaanong paraan mo
kasapi ng mag- mapahahalagahan ang ating kultura?
anak https://cdn.sanity.io/images/f3knbc2s/p
roduction/08253a025ac131d304f32ead2 B. Panlinang na Gawain
0e90560bee717d8-2500x1600.jpg 1. Paghahabi ng Layunin
(Kabutihang (Pagpapakita ng larawan ng
Loob) (EPP4HE- Tula: pamilyang Pilipino na nagpapakita ng
Od-5) https://steemit.com/filipino- mga kasaping masayang
poetry/@athenabree08/aking-ginawang-
tula-para-kay-jose-rizal-
nagtutulungan sa mga gawaing
philippines?fbclid=IwAR1P7J0RZRsqVxnq bahay.
CxrMGiiIqiO5mOlYuI7tpojzJxZLsEbICMusx
yAaQec

Itanong:
Ano ang inyong makikita sa
larawan?
Sinu-sino kaya ang mga nasa
larawan?
Ano ang ipinapakita ng bawat kasapi
ng mag-anak na ito?
Masasalamin ba sa kanila ang
mabuting pag-uugali bilang mga
kasapi ng mag-anak? Bakit?

2. Pag-uugnay ng mga Gawain sa


Bagong Aralin
Balikan at suriin natin ang larawan
ng mag-anak na Pilipino. Sila ba ay
nagpapakita ng likas na kultura ng
mga Pilipino?

(Pagbibigay ng karagdagang “input”


sa kultura ng pamilyang Pilipino).
3. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at
Paglalahad ng Bagong Kasanayan
(Pagbabasa ng isang maikling tula
tungkol kay Dr. Jose Rizal)

Kilala niyo ba ang natatnging Pilipino


na nasa larawang ito? Bakit kaya
siya nagging tanyag sa
pagpapalaganap o pagmamalaki ng
ating kultura? Basahin natin ang
tula tungkol sa kanya.

Si Dr. Jose Rizal


Siya ang Pambansang bayani natin

Na nagsabi na ating wika ay mahalin

S'ya ay ipinanganak sa Calamba Laguna

Nagtapos din s'ya ng kursong medisina

Jose Protacio Rizal ang kanyang pangalan

Kanyang mga naisulat ay ating pinag-aaralan

Nakilala ang kanyang mga likhang libro at


tula

Na naglalarawan sa panahon ng kastila.

S'ya ay naniniwala ang kabataan ay pag-asa


ng ating bayan

Binawian s'ya ng buhay sa Bagumbayan


Pambansang bayani natin na tinitingala

Isa sa mga dakila at nararapat na kinikilala.

4. Pagtalakay sa Bagong Konsepto


(Balikan ang mga detalye sa tulang
binasa.)

Itanong:
-Sino ang pambansang bayani na
tinutukoy sat ula?
- Saan siya ipinanganak?
-Anong kurso ang nabanggit sat ula
na kanyang natapos?
-Sa papaanong paraan nakatulong si
Dr. Jose Rizal naipaglaban ang
pagiging Pilipino sa mga dayuhang
mananakop?

-Naipalaganap at nnaipagmalaki kaya


niya ang ating kulturang
Pilipino?Bakit?

Nararapat bang tularan ang


kadakilaan at pagmamahal sa
sariling bayan ni Dr. Jose Rizal?

May mga hinahangaang tao pa ba


tayo sa paahon ngayon na
nagpapakita ng pagmamalaki bilang
Pilipino katulad nng mga nabanggit?
Sinu-sino sila?
-Katulad ng mga tanyag na Pilipino,
sa anong paraan mo kaya
maipakikita ang kahalagahan nng
ating sariling kultura?

5. Paglinang sa Kabihasan
Pagtapatin ang bawat larawan at ang
tamang salaysay na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa kulturang Pilipino
na naglalarawan dito.

Pagsasayaw ng mga
katutubong sayaw tulad
ng “Tinikling”

Pagkain ng mga kakanin

Paglalaro ng mga
larong lahi tulad ng
patintero

Pagmamano sa mga
matatanda

Pag-awit ng “Lupang
Hinirang” na may
damdamin
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Sa anong kaparaanan mo
maipakikita ang iyong pagpapahalaga
at pagmamalaki sa kulturang
Pilipino? Sino ang iyong
hinahangaang natatanging Pilipino
ang maaari mong gayahin upang
maipakita ito?

2. Paglalapat
Paano mo mapakikita na pinahahalagahan mo
ang ating kulturang Pilipino?
Alin-alin sa mga ito ang dapat mong gawin?
Isulat nag Opo o Hindi po sa patlang.

_____a. Hangg’t maari, magsusuot ako ng mga


damit na gawa sa Pilipinas.
_____b. Hindi ko aaminin na ako ay isanng
Pilipino kapag pumunta ako sa ibang bansa.
_____c. Tatawanan ko ang mga kasuotang
pantribu ng kapwa ko mga Pilipino.
_____d. Makikinig ako ng musikang Pilipino.
_____e. Ipagmamalaki ko ang ating mga
kababayang nagbigay karangalan sa ating
bansa.

3. Karagdagang Gawain
Pinahahalagahan mo ba ang ating kulturang
Pilipino? Ano anng gagawin mo sa mga
sumusunod na sitwasyon?

1. Dinalaw mo ang iyong lolo at lola sa


probinsya.
________________________
2. Bibili ka ng meryenda sa canteen.
________________________
3. Inatasan kayo na sumayaw sa
palatuntunan sa paaralan.
________________________

Inihanda ni:

CHERRY VANESSA A. ADIZAS


Teacher III
Talon Elementary School

Iniwasto ni:

ANA-CORITA E. FLORES
Master Teacher II

Binigyan-pansin:

AILEEN O. BALLARAN
Principal IV

Sinuri:

JOCELYN C. BALOME
PSDS- District 4

Pinagtibay:

FELICES P. TAGLE
EPS- EsP

You might also like