Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Bihis Leon

ni Bb. Larah D. Liwanag

Sa mga kagalang-galang kong tagapakinig at ilang taong naririto, isang magandang araw
po sa inyong lahat.
Tunay ngang isang karangalan sa akin ang mapaunlakan ninyo bilang tagapagsalita na
magbabahagi ng aking karanasan. Ang karanasan na habambuhay kong dadalhin hanggang sa
aking huling hininga. Ako si Florante, ang hinirang na hari ng Albanya. Ako ay narito, bilang isang
anak, isangtagapagtanggol ng bayan at isang taong nagmamahal. Totoong hindi biro ang aking
naranasan nang ako ay namulat nang mag- isa at nakagapos na sa puno ng higera. Naniniwala ako
na katapusan ko na noong mga oras na iyon. Naalala ko pa, ako’y nagsaysay ng hinanakit sa Diyos
sa pag-aakalang ako ay Kaniyanang pinabayaan. Sa gitna ng madilim at mapanglaw na gubat,
damang- damako, na ako ay wala nang pag-asa, ang lahat ng aking naranasang pagdurusasakamay
ng kababayan subalit kaaway pala ang turing sa akin. Tandang-tandako iyon.
Naging mabuti ang aking ama sa lahat ng tao sa Albanya, bilang kanang kamay ng hari,
kabutihan lamang ang nais niya para sa lahat. Isang mapagmahal, mabuti, at mabait na ama at duke
kung aking ilalarawan, wala siyang ibang katulad. Sa gawa ng lilong kababayan, datapwat naging
mabutingtao, napaniwala ni Konde Adolfo ang lahatmaging ang itinuring na kaibigan ni Ama.
Katawan niya'y 'di man lang nakatikim ng maayos na libing.
Sa mga oras ding iyon, aking naalala ang kasintahang naiwan sa Albanya, ang aking Laura.
Sa labis na sakit at kabiguang nadarama, nasabi ko pa noon na kahit ako ay kaniyang pagtaksilan
ay siya pa rin ang mahal hanggang sa ako’y malibing. Sapagkatinakalang si Laura ay masaya na
sa piling ni Konde Adolfo, sumuko na lamang ako.
Hindi pa natatapos aking pananaghoy, dalawang leong mabangis ang akmang sisila sa akin.
Kung susuriin ang kalagayan ko, alam kong oras ko na. Nagpaalam sa bayang Albanya, nagpaalam
sa sintang si Laura. Wala na akong maalala nang mga panahong iyon, siguro’y nawalan na ng
malay.
Namulat na lamang nang isang gererong moro ang siyang umaalalay. Wika niya, narinig
niya ang aking pananaghoy. Ama raw niya’y kabaliktaran ng aking ama. Hindi tulad sa aking ama,
pawang kalungkutan at pagdurusa lamang daw ang kaniyang sinapit dito. Maging ang kaniyang
minamahal na si Flerida, ama ang mismong umagaw.Pinili na lamang daw niyang magpagala-gala
sa gubat at dito nga niya ako narinig. Si Aladin, sigurado akong siya ang mortal na kaaway ko
noon, ngunit ng mga sadaling iyon, siya ang aking naging tagapagligtas.
Maraming salamat sa inyong pakikinig. Maging mabuting tao sa lahat ng pagkakataon.
Diyos ang magsusukli sa lahat ng ating kabutihang nagawa.
Mula rito, totoo nga na may pag-asa pa. Kaaway man ang bihis, tila tupa namanghindi
nakatiis.

You might also like