NKS Solar One - Bagwis - Marie Lorineth Ramos - SAES

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

NKS Solar One Inc.

Nagbigay ng Biyaya sa mga Batang SAES


Nagbigay ng biyayang bags at school supplies ang mga kawani ng NKS Solar One
Inc. sa limampung (50) mag-aaral ng San Antonio Elementary School noong ika-15 ng
Nnobyember, 2023.
Isa sa mga napiling bigyan ng bags at school supplies ng NKS Solar One Inc. ang
mga mag-aaral ng San Antonio Elementary School sa Distrito ng Kalayaan sa
pangunguna ni Barangay Kagawad Mark Reynald M. Asedillo sa tulong ni Barangay
Kapitan Normita R. Asedillo. Mga mag-aaral ng una at ikalawang baitang ang
nakatanggap ng nasabing biyaya kung saan mababakas sa mukha ng bawat mag-aaral
ang tuwa at saya sa kanilang mga natanggap. Lubos naman ang pasasalamat ng
punungguro ng SAES na si Gng. Narbeth S. Laganas at Adopt-A-School Coordinator na
si Gng. Ronette A. Altar dahil nabigyan ng tulong ang mga batang lubos
nangangailangan nito.
Ayon nga kay Kagawad Mark Reynald M. Asedillo ng Barangay San Antonio sa
kung ano ang nag udyok sa kanya upang maisipan ang ganitong proyekto “ Una talaga
ay ang mga estudyanteng makikita mo na kulang ang kagamitan sa paaralan, ikalawa ay
ang ating pagpapahalaga sa edukasyon bilang isang kayamanan ng bawat Filipino na
hindi kayang tumbasan ng kahit anong halaga. Kaya naman isinusulong ko at ng buong
Sangguniang Barangay ang pamamahagi ng bag at school supplies kung saan ang mga
bagong sumisibol na kabataan na pag-asa ng ating bayan ang makikinabang. Kaya,
salamat sa ating sponsor NKS One Solar Inc. na mabigyan ang mga batang ito ng school
supplies na sobrang makakatulong sa kanila.”
Tama nga na bigyang-pansin ang edukasyon ng ating mga kabataan upang lubos
nilang mapaghandaan ang kinabukasan na may baong pangarap at pag-asa.

(Nasa larawan: Kagawad Mark Reynal M. Asedillo, Bgry Kapitan Normita R.


Asedillo, SAES Principal Narbeth S. Laganas, mga kawani ng NKS Solar One Inc. at mga
Mag-aaral ng SAES)
Marie Lorineth S. Ramos
T1- SAES

You might also like