Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa mundong puno ng pangarap at mga ambisyon na maging isang tagapagtanggol ng bayan,

napunta ako sa landas na hindi ko inakala.

Ang aking puso ay puno ng pangarap na maging isang pulis. Subalit, inihagis sa akin ng tadahana
ang hamon ng kakulangan sa pera. Bata pa lang ako ito na ang matagal ko ng gusto. Naglalaro ako
noon ng tagu-taguan at baril-barilan kasama ng aking mga pinsan sa matataas natalahib ng aming
bakuranan.

Kulang man sa pera pangtustus, may nagbukas naman ng bagong pintuan, bagong pahina ng
kabanata ng aking buhay. Kinuha ko ang kursong edukasyon, hindi dahil gusto ko, kundi ito ang
tanging landas na abot-kaya para sa akin. Hindi lingid sa ating kalaaman na ito ang tunay na realidad
ng mundo. May mga bagay na kay hirap nating abutin ngunit may mga nakalaang plano na kaya
nating tahakin.

Sa bawat hakbang, natutunan kong mahalin ang landas na tinahak ko, isang paglalakbay na
nagbigay liwanag sa aking puso at isipan. Maaaring dito ko matuklasan ang mas malalim na
kahulugan at kahalagahan ng plano ng ating maykapal.

Ang pangarap kong maging isang pulis ay patuloy na namumukod sa mga kabataang nais kong
turuan at bigyang inspirasyon. Isang realisasyon na ngayon ko lang natutunan at minahal.

You might also like