Marahil ay maari ninyo akong tawaging “walang kwentang mag-aaral”. Samahigit
sampung taon kong pamamalagi sa loob ng paaralan mula kinderhanggang grade 10 ay wala akong kongkretong plano para sa akingkinabukasan. Wala akong ibang inisip kundi ang makalabas sa paaralan atpumapasok lamang dahil sa utos ng aking mga magulang. Dahil sa kagustuhanng aking mga magulang ay nagsikap pa rin ako upang mapahanga ko sila athindi dahil interesado ako. Hanggang sa natapos ko ang elementarya bilangbalediktoryan at nagkamit ng ‘With High Honors’ sa pagtatapos ng junior highschool. Subalit sa kabila ng lahat ng ito, wala akong malinaw na mapa na akingtatahakin sakali mang matapos ko ang kolehiyo.
Sa pagtungtong ko ng senior high school ay kinailangan kong pumili ngstrand kung
saan nakapaloob dito ang nais kong maging kurso sa kolehiyo nasiya namang magiging trabaho ko kapag nagtapos ako. Nais ko bang magingaccountant o nais kong maging inhinyero na siyang magtatayo sa matatayog nagusali? Sa pag-apak ko sa paaralan ng Our Lady of the Pillar College-Cauayan,isinampal sa akin kung paano ako naging pabaya sa pag-aaral. Mahigitapatnapung estudyante ang nagpatunay sa akin kung gaano kalabo ang akinghinaharap. Bukod sa katalinuhang taglay ng aking mga kamag-aral ay mashumanga ako sa kanila ng minsang tinanong kami kung bakit STEM ang amingnapiling strand. Kahangahanga ang kanilang naging sagot sapagkatnaramdaman kong pinag-isipan, pinag-aralang mabuti at pangarap nila itonoon pa man samantalang ako ay hindi man lang sigurado sa strand na akingnapili.
Dito ko napagtanto na hindi ko binigyang halaga ang papel ng edukasyonsa aking
buhay. Hindi ko naisip na edukasyon pala ang susi upang mabuksanko ang mundo na naghihintay sa akin sa kabilang ibayo. Ang nais ko lamang noon ay makawala sa paaralan at tamasahin ang buhay na mayroon akongayon. Ang buhay natin ay pabago-bago at hindi tayo makakasiguro na kunganong meron tayo ngayon ay siya ring mayroon tayo sa mga susunod pangaraw. Natutunan kong mahalin ang pag- aaral sa kabila ng mahihirap na gawain.Bukod sa ito ay iaalay ko sa aking mga magulang, habang ako’y tumatanda ay lumilinaw sa akin ang aking mga tungkulin. Naging malinaw sa akin ang mganakaatang na pananagutan sa sandaling makapagtapos ako kaya pinagbubutiko ang pag-aaral upang magkaroon ako ng magandang buhay. Mahirap kungtutuusin ang pag-aaral ngunit walang madali sa panahon ngayon kaya’t masgugustuhin kong sumuong sa hirap sa ngayon at akin namang tatamasahin angginhawa kapag nakapagtapos na ako. Nasubukan ko nang maglakbay nang walang mapa at para akong ikinulong sa isang malaking palaisipan at hindialam ang gagawin. Nahuli man ako ng plano, tatahakin kong muli angdestinasyon ng may determinasyon upang marating ko ang kabilang ibayo.
Isang Paglalakbay sa Breathtaking na Palawan
Sa sandaling ipinakita sa akin ang litrato ng malinaw na asul na tubig, puting buhangin, at pitong libong isla ng Palawan, alam kong hindi ko ito maaaring palampasin. Kaya't sumama ako sa isang paglalakbay patungong isa sa mga pinakamagandang destinasyon sa Pilipinas.
Ang aking unang hudyat ng pagdating sa Palawan ay ang mainit na simoy ng
hangin na bumungad sa aking mukha. Sa simula pa lamang, nadama ko na ang probinsya na ito ay may sariling panghihinayang. Ang lungsod ng Puerto Princesa ay naghatid sa akin sa mga kahanga-hangang undergound river. Sa loob ng kweba, nalibot ko ang isang malaking kuweba ng mga stalactites at stalagmites, at namangha ako sa likas na ganda ng kalikasan..
Naglakbay ako patungong El Nido, isang perlas na nakatago sa hilagang bahagi ng
Palawan. Sa bawat bote ng bangka na sumasalunga sa mga alon, ang mga pangunahing isla ng El Nido ay unti-unting nagpakita sa akin. Nakita ko ang mga limestone cliffs na tumataas sa kahanga-hangang paraan, parang mga haligi ng isang natatanging anyo ng likas na sining. Nagtampisaw ako sa tubig na malinaw at napakalamig, naglakbay sa ilalim ng tubig at naobserbahan ang napakayaman na buhay-ilang ng mga isda at korales.
Isang espesyal na paglalakbay ang aking pagpunta sa Coron, kung saan
nabubuhay ang mga pambihirang mga shipwreck. Sa ilalim ng dagat, nakasaksi ako ng kahalagahan ng mga napakadakilang anyo ng buhay sa ilalim ng tubig. Nakakita ako ng mga kagilagilalas na mga corals, malalaking mga turtle, at iba pang marino na nagpapamalas ng kanilang kagandahan at kahalagahan sa ekosistema.
Sa paglipas ng aking paglalakbay, napagtanto ko na ang Palawan ay isang tahanan
ng biyaya ng kalikasan. Ang malinis na hangin, malalim na asul na karagatan, at buhangin na tulad ng pulbos ay patunay ng kalikasan na hindi dapat abusuhin. Ang mga taga-Palawan ay mapagmahal at mapag-alaga sa kanilang kalikasan, at ito ang kanilang pamana sa susunod na salinlahi.
Paglalakbay sa Palawan ay hindi lamang isang paglibot sa magandang lugar, kundi
isang paglalakbay patungo sa ating responsibilidad na pangalagaan ang ating kalikasan. Paso De Blas National High School
#0027 Paso De Blas St., TLC. Paso De Blas; Valenzuela City
S.Y. 2019-2020
Ito ay larawan ng pangunahing sapa sa Lingunan, Valenzuela City
Ang mga pabrika sa Valenzuela City ay walang maayos na labasan ng kanilang
dumi kaya ito ay madalas pinapadaloy sa kalapit na sapa nito. Makikita sa larawan ang patay na kulay ng ilog, may daluyan pa ng maruming likido galing sa pabrika. Ang maruming sapa na iyan ang posibleng magiging dahilan ng mga pagkaubos ng mga yamang tubig sa lungsod ng Valenzuela na maaring makaapekto rin sa kabuhayan ng mamamayang Valenzuelano.