Filipino Ap Health Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

FILIPINO

AP
HEALTH
SCRIPT
AP | HEALTH | FILIPINO

CAST LIST
Puppet Show

MA’AM KATHY………………………………………Cecille Jubelle Dimson

NARRATOR…………………………………………Christine Beatrice Milar

GABBY………………………………………………Gheallian Denise Labrador

RYAN………………………………………………………………………Jaime Jr. Dulzura

JACKIE………………………………………………………………Juliet Ann Indiano

STEPHEN…………………………………………………Joseph Gabriel Sabaria


FADE IN:
1 EXT. SA HARAPAN NG ESKWELAHAN - UMAGA 1

NARRATOR
Mayoroong isang binatang nangangalang Ryan na lumipat ng
eskwelahan dahil sa mga diskriminasyon na kaniyang
nataatnggap mula sa kaniyang mga kaklase sa dati niyang
eskwelahan. Pagdating ni Ryan sa kaniyang bagong eskwela,
siya ay natulala sa labas at sinabing…

RYAN
(umaasa)
Sana magustuhan ako ng mga tao rito, sawang-sawa
na’kong ma-bully at makatanggap ng mga masasakit na
Salita. Hay.

CUT TO:
2 INT. ESKWELAHAN - SILID-ARALAN - UMAGA 2

SI RYAN ay umakyat at pumasok sa silid-aralan na maingay at


magulo na mga kaklase.

JACKIE
(masigla, patanong)
Uy! Narinig ko may bago raw tayong kaklase. Parang mabait
siya! Tara kaibiganin natin.

STEPHEN
(masungit, hindi natutuwa)
Anong mabait? Tinatago lang niya ang kaniyang
totoong ugali! Pustahan tayo.

GABBY
Ewan ko sa’yo! Eh, basta, alam naming mabait ‘tong
bagong dating.

NARRATOR
Lumapit si Jackie at Gabby kay Ryan habang papasok sa
pintuan.

JACKIE
(pabati, masaya)
Hi! Ikaw ba ‘yung bago rito?
GABBY
(mahinhin)
Gusto mo bang makipagkaibigan? Sigurado akong
wala ka pang kilala rito! (pabulong) Tsaka,
hindi lahat ng tao rito ay mababait.

RYAN
(natakot, nagiba ang tono)
Hala! Gano’n ba? Nako, salamat, hindi na’ko
mahihirapan makisalamuha sa iba!

PUMASOK SI MA’AM KATHY sa loob ng silid.

MA’AM KATHY
Magandang Umaga! Klase.

RYAN|GABBY|JACKIE|STEPHEN
(masigla, malakas)
Magandang Umaga po! Ma’am Kathy

MA’AM KATHY
Klase, mayroon akong ipapakilala sa inyo, ito’y
inyong bagong kaklase. Halika rito Ryan, sa harapan.

Pumunta si RYAN SA HARAPAN.

RYAN
Magandang Umaga sa inyong lahat! Ako nga pala si Ryan,
ako’y kinse pa lang at nagagalak akong makilala kayong
lahat!

BUMALIK SI RYAN sa kaniyang upuan, nagsasalita ang guro.

NARRATOR
Naging maayos naman ang mga naunang oras ni Ryan sa
kaniyang bagong eskwelahan, nagkaroon siya ng mga kaibigan,
at mukhang maayos naman ang pakikitungo nila sakaniya.
Kalaunan ay dumating na ang oras na sila’y kakain na.

VFX: RINGING BELL


Nagulat ang lahat at sila’y umalis sa silid.
CUT TO:
3 INT. ESKWELAHAN - CANTEEN - TANGHALI 3

Papunta sa mga lamesa at upuan ang mga tauhan, mayroong papunta


sa bilihan, sa hugasan.

RYAN
(nahihiya)
Gabby, Jackie, puwede ko ba kayong kasama
kumain ng hapunan, wala kasi akong kasama kumain eh.

GABBY
Oo naman, Ryan.

JACKIE
Sige, basta bigyan mo kami ng pagkain ah,
(patawa) Joke!

RYAN
Pahingi naman ng biscuit mo, Gabby.

GABBY
Oh sige, kunin mo na ‘tong Hansel ko.

JACKIE
Ugh, ano ba ‘yan… ang putla na ng labi ko, maglagay nga muna
ako ng lipstick.

RYAN
Uy! Ano ‘yan Jackie, pwede ko ba gamitin?

JACKIE
Puwedeng-puwede.

Habang kumakain ang tatlo, lumapit si Stephen sakanila.

STEPHEN
(malakas ang boses)
Hoy Ryan! Bakit ka gumagamit niyan? Pang babae
lang ‘yan!

STEPHEN
(patawa, malakas ang boses)
Tignan niyo si Ryan oh, gumagamit ng lipstick! Hahaha!
Habang nagsasalita ang mga tauhan biglang pumasok sa Canteen si
Ma’am Kathy

MA’AM KATHY
(patanong, pagalit)
Ano ‘tong naririnig ko? Stephen?

STEPHEN
(nagaalala)
Ha! Ay wala po ma’am, nakikipag kaibigan lang po ako
kay Ryan.

JACKIE
(pasagot na pagalit)
Oh talaga ba? Pinagtatawanan mo nga si Ryan kanina eh.

MA’AM KATHY
Ano? Stephen hindi maganda ‘yan. Malalagot ka sa’kin kung
uulitin mo ‘yan.

STEPHEN
(nagaalala)
Opo ma’am hehe.

Umalis si Ma’am Kathy at Stephen.

GABBY
Okay ka lang ba Ryan? Hayaan mo gano’n lang talaga ‘yon si
Stephen.

RYAN
Hindi, okay lang, sanay naman na ako.

JACKIE
Ewan ko talaga kung anong mayro’n kay Stephen. Tara,
akyat na tayo’t malapit na magsimula ang sunod nating klase.

Umalis ang tatlo sa canteen, at umakyat sa kanilang silid-aralan.

NARRATOR
Umakyat na sina Jackie, Ryan, at Gabby, pagdating nila
sa kanilang silid ay nadatnan nilang makalat, at may mga
nakasulat sa upuan ni Ryan.
CUT TO:
4 INT. ESKWELAHAN - SILID ARALAN- TANGHALI 4

RYAN
(pinaka malakas hangga’t maari, paiyak)
Hala! Mga gamit ko! Sinong gumawa nito!

STEPHEN
(mayabang, patawa, malakas ang boses)
Umuwi ka na! Hindi ka nababagay rito! Bading!

JACKIE
Stephen, ikaw ba ang gumawa nito?

STEPHEN
(mayabang)
May EBIDENSYA ba kayo na ako gumawa?

GABBY
(galit)
Stephen sumosobra ka na!

Umalis si Ryan sa silid at pumunta sa banyo.

INTERCUT BANYO
RYAN
(paiyak, nababasag ang boses)
Ano ba naman ‘to, pati ba naman dito, gano’n pa rin.
Akala ko may bago.

SILID ARALAN

STEPHEN
Iyakin naman pala ‘yun eh. Wala, mahina.

JACKIE
Wala naman ginawang masama sa’yo si Ryan, bakit ka
ganiyan Stephen?

STEPHEN
Ayoko sa kaniya, isa siyang bading. Hindi dapat gano’n
ang isang lalaki!

GABBY
Wala namang masama sa pagiging “bading” Stephen,
‘di mo pa nga kilala si Ryan eh, pero hinuhusgahan
mo na agad siya agad dahil siya’y naiiba.

STEPHEN
Anong walang masama sa pagiging bading? Kaya nga
sila tinatawag na bading, eh! Meaning… Mga salot sila
sa lipunan! Hindi ba sila naturuan ng mga magulang nila na
mali ‘yon? Sinasabi nga sa Bible ‘yun, eh! Anmg lalaki ay
para sa babae, at ang babae ay para sa lalaki lamang! Eh, si
Ryan? Kung makatingin nga sa’kin akala mo’y may tinatagong
lagkit! Nakakapangilabot!

GABBY
(pabulong)
Psst! Psst! Stephen!

STEPHEN
(galit)
Ano na naman? Huwag mo nga akong ma-”psst psst”
diyan! Tama lahat ng sinasabi ko. Kaya habang maaga pa,
layu-layuan mo na ‘yang si Ryan. Ewan ko ba kasi sa
eskwelahang ito at bakit pinapapasok pa ang mga ganiya—--

Pumasok si Ma’am Kathy

MA’AM KATHY
(pagalit)
Stephen?!

NARRATOR
Laking gulat na lamang ni Stephen nang nasa likuran na pala
niya ang kanilang guro na si Ma’am Kathy.

STEPHEN
(nagulat, nagaalala)
Ah. . . Eh. . . Ih. . . Hi Ma’am?

MA’AM KATHY
(pasigaw, galit)
Sa OPISINA ko! Ngayon din!

GABBY
‘Yan ayaw mo kasing MAKINIG! Deserve!

Papunta sa opisina ni Ma’am Kathy ang dalawa.


NARRATOR
Wala na lamang nagawa si Stephen at napakamot na
lamang sa ulo habang sumusuod sa kaniyang guro patungo sa
kaniyang opisina

CUT TO:
5 INT. ESKWELAHAN - OPISINA NI MA’AM KATHY - TANGHALI 5

VFX: MALAKAS NA PAGSARA NG PINTO

MA’AM KATHY
Stephen, makausap nga kita nang masinsinan. Hindi
ba’t nag-usap na tayo kanina? Alin sa mga sinabi ko
ang hindi malinaw?

STEPHEN
(natatakot)
Wala po, Ma’am.

MA’AM KATHY
(nagiba ang tono ng boses)
Stephen, narinig ko ang ginawa mo. At huwag ka nang
magtangkang tumanggi. May nakakita sa’yong kapwa-guro ko
noong recess time ninyo na ikinakalat mo ang mga gamit ni
Ryan. Tatanungin ko ulit sa iyo, bakit mo iyon ginawa?

STEPHEN
(pakumbinsi)
Eh, kasi po. . . Naiinis ho kasi ako sa presensiya niya,
Ma’am. Hindi siya nababagay rito/

MA’AM KATHY
Paano mo nasabi iyan? Sino ring nagasbi sa iyo na
ganoon si Ryan?

STEPHEN
Hindi kasi siya tunay na lalaki, Ma’am. Halata pa lang sa
mga galawan niya. At ang sabi ng tatay ko, ang tunay na
lalaki ay hindi naglalagay ng lipstick at hindi nakikipag-
kaibigan sa mga babae. Tsaka, sinabi naman po ‘yun sa Bible
‘di ba, Ma’am? Bawal po ‘yun!

MA’AM KATHY
(mahinhin na ang boses)
Stephen, naiintindihan ko kung saan ka nanggagaling. Pero,
Stephen, sana’y pakinggan mo ako nang bukas ang isipan at
puso, ha?

STEPHEN
(bumuntong-hininga)
Opo, Ma’am.

MA’AM KATHY
Sana’y maintindihan mo rin na hindi kailanman magiging tama
ang gumawa ng masama sa kahit sinong tao dahil lang sa
kanilang kasarian. Ang toto niyan, Stephen, ang tunay na
lalaki ang siyang kayang kumilala at tumanggap ng kahit
sino. Hindi mo rin ikkinabababa ang pagiging tao kung ika’y
parte ng komunidad ng LGBTQIA+, Stephen. Tao rin sila,
walang kinaibahan sa atin. Sadyang naging masama ang tingin
ng karamihan sa kanila dahil ‘yun sa naka-ugalian ng mga
tao. Nawa’y maunawaan mo nang lubusan iyon, Stephen.
Sapagkat, may pakiramdam din naman si Ryan. Nasasaktan siya.
Ikaw ba, Stephen, kung sa iyo ginawa iyon, sa tingin mo ba’y
magiging ayos lang sa’yo?

STEPHEN
(masigla na)
Hindi po, Ma’am! Pero lalaban po ako!

MA’AM KATHY
Isa pa iyan, Stephen. Iba-iba tayo ng paraan ng pagharap sa
mga problemang dumaraan sa atin. Kung kaya mong lumaban, may
iba na hindi at kikimkimin lamang ang hirap nila. Stephen,
panahon na para intindihin naman natin ang iba. Malinaw ba
iyon?

STEPHEN
Pero, Ma’am. . . Paano po ang tinuro ng aking mga magulang?

MA’AM KATHY
Ako na ang bahala sa kanil;a, Stephen. At huwag kang mag-
alala, ang tanging nais ko lamang mangyari ay mag-sorry ka
kay Ryan. Mag-sorry ka nang galing sa iyong puso, ha?
Sa ngayon, pauuwiin muna kita. Kung kaya ong ipaliwanag sa
mga magulang mo ang nangyari ngayon, mainam.

STEPHEN
Opo, Ma’am.
OVER BLACK

TITLE: KINABUKASAN

OVER TITLE, WE HEAR:

NARRATOR
Kinabukasan.

NARRATOR
Kinabukasan ay nahihiyang lumapit si Stephen sa nananahimik
na si Ryan sa gilid ng kanilang silid-aralan. Ayaw kasi
niyang palapitin sina Gabby at ackie sa takot na maabutan ni
Ryan at ma-bully na naman. Nagsimulang kabahan si Ryan nang
nakita niyang papalapit si Stephen sa kaniya.

Lumapit si Stephen kay Ryan

RYAN
B-Bakit, Stephen? Anong kailangan mo?

NARRATOR
Nagulat si Ryan nang nagsimulang humikbi si Stephen sa
kaniyang harapan at utal-utal na nagsalita.

STEPHEN
(pautal-utal)
R-Ryan. . . Pasensiya ka na. Hinding-hindi ko na uulitin ang
mga nagawa ko. (paiyak) Napagtanto ko na mali lahat ng iyon
at naisip ko ang nararamdaman mo. Alam kong naging masama
ang una mong impresyon sa akin. Hayaan mo akong makabawi
sa’yo.

RYAN
(natutuwa)
Ano ba iyan, Stephen! Huwag ka nang umiyak baka akala nila’y
binu-bully kiya! Ayos lang iyon. Ang mahalaga ay na-realize
mo na ang pagkakamali mo.

STEPHEN
(umiiyak, nababasag ang boses)
Sorry talaga, Ryan. . .

GABBY
Ayan, magkasundo na ang dalawa!
JACKIE
(natutuwa, masigla, malakas ang boses)
Hay! Buti na lang! Kaya ngayon, Stephen, sasama ka na sa
amin tuwing recess at lunch time! Iyan ang pangbawi mo kay
Ryan!

RYAN
(natatawa)
Huy, ano ba kayo. Huwag ninyo pilitin si Stephen na sumali
sa’tin.

STEPHEN
Hindi, Ryan… Ayos lang iyon. Gusto ko ring patunayan sa
lahat na walang masama sa pagsama sa inyo. Babawi talaga
ako.

NARRATOR
Napangiti na lamang silang lahat at simula noon ay naging
mabuting magkakaibigan na ang apat. Natuwa rin ang gurong si
Kathy sa pagkakita ng pagbabago sa pananaw ni Stephen sa mga
ganoong bagay.

You might also like