Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Filipino sa

Piling Larang
(Akademik)
Inaasahang Kasanayan

Nabibigyang kahulugan ang


akademikong pagsulat
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga
katanungan. Isulat sa kwderno ang titik ng tamang
sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na makrong kasanayang


pangwika ang lumilinang na maisatitik ang nilalaman ng
isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao?

A. pakikinig C. pagsulat
B. pagbasa D. pagsasalita
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga
katanungan. Isulat sa kwderno ang titik ng tamang
sagot.

2. Alin naman sa mga sumusunod ang HINDI tumutugon sa


mga tinukoy na dahilan kung bakit nagsusulat ang tao?

A. libangan
B. pagtugon sa trabaho
C. pagsasatitik ng nararamdaman
D. pagtalima sa kagustuhan ng magulang
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga
katanungan. Isulat sa kwderno ang titik ng tamang
sagot.

3. Alin ang itinuturing na pinakamataas na antas ng


intelektuwal na pagsulat dahil lubos na pinatataas nito ang
kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan?

A. pananaliksik
B. teknikal na pagsulat
C. akademikong pagsulat
D. pamanahunang papel
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga
katanungan. Isulat sa kwderno ang titik ng tamang
sagot.

4. Sa anong uri ng pagsulat mabibilang ang lahat ng


pagsasanay na naranasan ng mga mag-aaral mula sa
elementarya, sekondarya, kolehiyo, at maging sa graduate
school?

A. pananaliksik
B. teknikal na pagsulat
C. pamanahunang papel
D. akademikong pagsulat
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga
katanungan. Isulat sa kwderno ang titik ng tamang
sagot.

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging bahagi ng


pagsasanay mo sa akademikong pagsulat?

A. pananaliksik
B. pamanahung papel
C. paggawa ng sanaysay
D. pagsulat ng gabay sa pagtuturo
Balik-Tanaw
Panuto: Magtala ng iba’t
ibang sulatin na iyong
naisagawa noong ikaw ay
nasa Junior High School
pa lamang. Maaaring
mula sa asignaturang
Filipino, Ingles o kaya
naman mula sa Agham o
iba pang asignatura.
01

Akademikong
Pagsulat
Bakit ka nagsusulat?
May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat.
Maaaring ito ay nagsisilbing libangan para sa iba, sa
mag-aaral namang tulad mo, kalimitang ang dahilan ng
pagsusulat ay matugunan ang pangangailangan sa pag-
aaral sa pagsasatitik ng inyong mga naiisip at
nararamdaman.
Para sa mga propesyonal naman tulad ng awtor,
peryodista, sekretarya, guro, at iba pa, nagsusulat sila
bilang pagtugon sa trabaho na kanilang ginagampanan
sa lipunan
Bakit ka nagsusulat?
Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan
ng mga mag-aaral mula sa elementarya, sekondarya,
kolehiyo, at maging sa graduate school ay maituturing na
bahagi ng akademikong pagsulat.
Kabilang dito ang paggawa ng sanaysay, pagsulat ng
mga artikulo, pagsulat ng posisyong papel, case studies,
pagsulat ng pamanahunang papel, tesis, at pananaliksik.
Ang akademikong pagsulat ay
uri ng pagsulat na higit na
mahalaga kaysa sa lahat ng uri
ng pagsulat. Ito ay itinuturing
na pinakamataas na antas ng
intelektuwal na pagsulat dahil
lubos na pinatataas nito ang
kaalaman ng mga mag-aaral sa
iba’t ibang larangan.

Mabilin (2012)
Gawain 1
• Makipag-usap sa isa mong kamag-aral.
Magpalitan ng inyong pagkaunawa hinggil sa
akademikong pagsulat.
• Batay sa inyong napag-usapan, bumuo ng sariling
pagpapakahulugan sa akademikong pagsulat.
Maaaring ito ay hugot-lines, islogan o ano pa
mang higit na lilinang sa inyong interes. Maaari
kayong gumuhit o magdikit sa inyong kwaderno ng
larawan ng anumang bagay na paborito ninyo
upang pagsulatan para maging malikhain ang
inyong gawain
“Ang akademikong pagsulat ang
itinuturing na pinakamataas na
antas ng intelektuwal na pagsulat.”

You might also like