Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Sadyang napakaraming mga tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.

Ang bawat karakter sa


kwento ay may mga sinisimbulo sa lipunang ginagalawan ng ating pambansang bayani. Alamin kung sinu-sino
ang mga tauhan sa kwento at kung anu-anong mga papel ang kanilang ginampanan.

Crisostomo Ibarra
Si Ibarra ay isa sa mga pangunahing tauhan sa nobela. Siya ang nag-iisang anak at tagapag-mana ni Don Rafael
Ibarra. Dahil siya ay nagmula sa mayamang pamilya, nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-aral sa
Europa. Matapos ang kanyang pamamalagi sa Europa, siya ay nagpasyang umuwi.

Matagal na niyang pangarap na makapag-patayo ng isang iskwelahan upang mapaunlad ang kinabukasan ng
mga bata sa kanilang bayan.

Siya ay itinuring na eskumulgado matapos niyang tangkain na saksakin ang Pransiskanong prayle na si Padre
Damaso. Bagamat siya ay pinalusot sa unang pagkakataong, nadawit siya sa isang pag-aalsa kaya tuluyan
siyang tinugis ng mga kinauukulan.

Maria Clara
Si Maria Clara ay ang pinakamamahal na babae ni Ibarra. Siya ay itinuturing na pinakaganda sa buong bayan.
Kilala rin ang dalaga sa kanyang angking kayumian. Sa mga unang kabanata, ipinakita na si Maria Clara ay ang
nag-iisang anak ni Kapitan Tiago at Donya Pia Alba. Ngunit nang naglaon, ibinunyag niya kay Ibarra na siya ay
anak ni Padre Damaso.
Elias
Si Elias ang magsasakang nagpakita kay Ibarra ng tunay na sitwasyon sa kanilang bayan. Bagamat siya ay
kabilang sa angkan na kaaway ng mga Ibarra, isinakripisyo niya ang kanyang buhay para mailigtas si
Crisostomo nang sinubukan nilang tumakas papalabas sa lawa ng Bay. Nang siya ay nakarating sa kagubatan ng
mga Ibarra at nag-aagaw buhay, sinabi niyang hindi man lang niya.

Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago ay isang kilalang Pilipinong elitista. Dahil sa kanyang mataas na
posisyon sa lipunan, malapit siya sa mga Pransiskanong prayle na sina Padre Salvi at Padre Damaso.

Wala siyang ibang gusto para sa kanyang nag-iisang anak na si Maria Clara kundi makapag-asawa ng mayaman
at maimpluwensyang binata. Kaya ganun na lamang niya kabilis talikuran ang napagkasunduang pagpapakasal
ni Maria Clara kay Ibarra matapos itong itiwalag ng simbahan.

Padre Salvi
Si Padre Salvi ay isa mga Pransiskanong prayle na namumuno sa San Diego. Siya ay kilala bilang isang
mapaglinlang na pari na ginagamit ang kanyang posisyon sa lipunan upang mapalakas ang kanyang
impluwensya sa buong bayan. Mayroon siyang lihim na pagtingin kay Maria Clara kaya gumawa siya ng paraan
upang masira ang reputasyon ni Ibarra. Si Padre Salvi ang nag-organisa ng rebelyon laban sa mga Gwardya
Sibil at pinaniwala ang mga kinauukulan na si Ibarra ang nasa likod nito.

Padre Damaso
Kilala si Padre Damaso na isang arroganteng at malupit pari na hindi marunong magsalita ng Filipino kahit pa
matagal na siyang naninirahan at nakikinig sa mga kumpisal ng mga taga San Diego.

Tuwing may kumakalaban sa kanya, ginagamit niya ang kanyang mataas na posisyon sa simbahan upang
magpataw ng parusa gaya na lamang ng ekskomunikayon. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara matapos maki-
apid sa kanya si Donya Pia Alba. Nakalaban siya ng ama ni Ibarra na si Don Rafael. Dahil dito ay nakulong si
Don Rafael at namatay habang nasa kulungan. Siya ang naging mortal na kalaban ni Ibarra sa buong nobela.

Pilosopong Tasyo
Si Tandang Tasyo o Don Anastasio ay isa sa mga karakter na kumakampi kay Ibarra. Kilala siya sa kanyang
kakaibang pananaw sa mundo. Siya ang sumisimbolo sa mga taong walang pakialam sa iniisip ng iba. Sa
kasamaang palad, dahil mas gusto niyang mapag-isa, namatay siyang walang kasama.

Crispin
Si Crispin ay anak ni Sisa na isang sakristan sa simbahan ng San Diego. Kasama ang kanyang kuya na si
Basilio, nagtratrabaho siya upang makapagbigay ng pera sa kanilang ina na si Sisa. Sa kasamaang palad,
napagbintangan siyang nagnakaw ng pera sa simbahan kaya napilitan siyang magtrabaho upang mabayadan ang
kanyang utang.

Isang gabi, plinano nilang magkapatid na bumisita sa kanilang ina, ngunit pinigilan sila ng punong maestro ng
mga sakristan. Nang sinagot ni Crispin ang punong maestro, pinalo siya ng paulit-ulit. Wala ng nakakita pa sa
binata matapos ang naturang pagmamaltrato sa kanya ng simbahan.

Basilio
Siya ang nakakatandang kapatid ni Crispin. Tulad ng kanyang kapatid, nagsasanay rin siya upang maging
sakristan. Sinubukan niyang hanapin ang kanyang kapatid matapos itong kaladkarin ng punong maestro ng mga
sakristan.

Sa kasawiang palad, hindi na niya nahanap ito. Tumakas na lang siya at nagtungo sa tahanan ng kanyang ina.
Nagpaalam siya na magtratrabaho na lamang kay Crisostomo Ibarra.
Don Tiburcio
Si Doctor Tiburcio de Espadaña ay isang Espanyol na nang-gagamot ng mga tao kahit hindi naman isang tunay
na doctor. Bagamat walang sapat na kaalaman sa medisina, sinisingil niya ang kanyang mga pasyenteng ng
napakataas na bayad. Akala ng maraming tao na tunay siyang doctor dahil sa kanyang mataas na singil.

Sa kalaunan, nalaman ng mga tao na isa siyang pekeng doktor, kaya napilitan siyang humanap ng ibang
pangkabuhayan.

Donya Victorina
Si Donya Victorina ay isang pilipinong babae na nakapangasawa ng isang Espanyol na nag-ngangalang Don
Tiburcio.

Walang ibang bagay na pinapahalagahan si Donya Victorina kundi ang pag-ingatan ang kanyang imahe bilang
isang elitista. Siya ang nagsuhestiyon na ipakasal si Maria Clara sa kanyang pamangking si Linares.

Tinyente Guevarra
Siya ay isang nakakatandang Gwardya Sibil na lubos na rumerespeto sa pamilya ng mga Ibarra. Ibinunyag niya
kay Crisostomo kung paano nakulong ang kanyang ama na si Don Rafael dahil siya ay nabansagang erehe at
pilibustero.

Idinetalye niya kung paano ipinahukay ang mga labi ni Don Rafael at pinalipat sa libingan ng mga Instik ng
kalaban nitong si Padre Damaso.
Linares
Ipinagkasundo siyang ipakasal kay Maria Clara matapos itakwil ng simbahan si Ibarra. Si Linares ay pamangkin
ni Don Tiburcio. Siya ay nagtapos ng abogasya sa Espanya at itinuturing na pinakamatalino sa angkan ng mga
de Espadaña.

Pumayag si Padre Damaso na makasal si Linares sa kanyang anak na si Maria Clara upang hindi makatuluyan
ng dalaga ang kalaban niyang si Crisostomo Ibarra.

GAWAIN:
Panuto: Sumulat ng isang makahulugan at masining na iskrip ng monologo tungkol sa isang piling
tauhan sa Noli Me Tangere. Isaalang-alang ang mga sumusunod na gabay sa paglikha ng monologo.
1. Pag-aralan ang katauhan ng tauhang napili
2. Itala ang inaasahang damdamin na hinihingi ng karakter
3. Isulat ng payak at maayos ang iskrip na gagamitin sa monologo

You might also like