Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 35

3

Mathematics
Unang Markahan – Modyul 1:
Numbers and Number Sense
MATHEMATICS – Ikatlong Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 1: Numbers and Number Sense
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module

Writers: Julie S. Gonzales, Maria Bervin R. Abellar, Oscar S. Ursabia, Lymttee B.


Rosano,
Erlinda S. Estandarte, Gladys S. Gillera, Sonia M. Paglinawan, Ellen L.
Makinano,
and Marites N. Salazar.

Editors: Perla P. Nequinto, Yolenia S. Hare, Lerma S. Cabatac, Oscar S. Ursabia,


Lymttee B. Rosano, Marnelle M. Collado, and Genevie C. Areno

Reviewer: Alma G. Segura and Jay Sheen A. Molina


Illustrator and Layout Artist: Jerry G. Jayoma
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio - Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Jade T. Palomar - REPS, Math
Lalaine SJ. Manuntag - CID Chief
Nelida A. Castillo - Division EPS In Charge of LRMS
Marichu Jean R. Dela Cruz - Division ADM Coordinator
Roselyn G. Dardo - EPS, Math

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
3

Mathematics
Unang Markahan – Modyul 1:
Numbers and Number Sense

i
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MATHEMATICS 3 ng Self Learning


Module (SLM) o Modyul para sa araling Numbers and Number Sense!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa MATH 3 ng Self Learning Module (SLM) o Modyul ukol sa


Numbers and Number Sense!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat para sa kapakanan
ng mga mag-aaral. Ito ay ginawa upang kayo ay matulungan na
mabihasa sa Numbers and Number Sense. Ang saklaw ng modyul
na ito ay magagamit sa iba’t – ibang larangan ng pagkatuto. Ang
pananalita na ginamit ay kumikilala sa pagkakaiba ng antas ng
mga mag – aaral. Ang mga aralin ay inayos ayon sa pamantayan
ng mga pagkakasunud-sunod ng paksa. Subalit ang pagkakaayos
sa pagbasa nito ay maaring maiba ayon sa batayang aklat na
ginamit.

Bago sagutin ang iba’t – ibang mga gawain, kayo ay


pinaalalahanan na maghugas ng kamay, linisin ang ballpen,
calculators, lapis at iba pang kagamitan gamit ang alcohol.
Laging alalahanin na manatiling ligtas, gumamit ng face mask at
panatilihin ang social distancing.

Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na aralin, ito ay ang


sumusunod:
Aralin 1: Pagpapakita sa isip (Visualizing) ng Bilang Hanggang
10,000
Aralin 2: Place Value at Value ng digit sa mga Bilang Hanggang
10,000
Aralin 3: Pagbasa ng Bilang Hanggang 10,000
Aralin 4: Pagsulat ng Bilang Hanggang 10,000

Pagkatapos ng modyul na ito, kayo ay inaasahang:


1. Nakakapagpakita (Visualized) ng Bilang Hanggang 10,000
2. Nakakatukoy ng Place Value at Value ng digit ng bilang
Hanggang 10,000
3. Nakakabasa at nakakasulat ng bilang sa simbolo at salita
Hanggang 10,000

1
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
1. Ang Barangay Lapu ay nakatanggap ng 3 125 relief goods
mula sa local na pamahalaan ng Polomolok. Saan sa mga
sumusunod ang nagpapakita ng bilang ng ayudang natanggap?

a. c.

b. d.

2. Isulat ang tamang bilang na pinapakita sa larawan.

a. 3 413 b. 3 143 c. 4 313 d. 3 341

3. Sa bilang na 5 672, ang digit 5 ay may value na ________


a. 2 000 b. 5 000 c. 6 000 d. 7 000

4. Ang mga guro ay namahagi ng 4 520 na mga modyul sa mga


mag-aaral ng Polomolok Central Elementary School. Piliin ang
tamang pagkakasulat ng bilang na ito sa salita.
a. Apat na libo, limang daan at dalawa.
b. Apat na libo, limang daan dalawampu
c. Limang libo, apat na raan at dalawampu.
d. Limang libo, apat na raan at dalawa.

5. Alin ang tamang pagkakasulat sa simbolo sa bilang na walong


libo, siyam na raan at isa.
a. 8 019 b. 8 091 c. 8 109 d. 8 901

2
Aralin
Pagpapakita (Visualizing) ng Bilang
1 Hanggang 10,000

Mga Layunin:
1. Naipapakita ang bilang hanggang 10 000
2. Nakakaguhit ng number disc sa pagpapakita ng bilang
hanggang 10 000.
3. Naipapakita ang kalinisan sa paggawa.

Balikan

Alalahanin natin ang pagbilang ng mga numero hanggang sa


1 000.
Gamit ang mga libuhan (blocks), sandaanan (flats), sampuan
(longs), at isahan (squares) maaari nating mailarawan ang mga
bilang/numero.
1 square = 1 unit (one unit)
Ang isang square ay katumbas ng 1 (one square unit)
10 squares = 1 long = 1 ten
Ang sampung (10) squares ay katumbas ng 1 long
100 squares = 1 flat = 1 hundred
Ang sampung (10) longs ay katumbas ng 1 flat
1 000 squares = 1 block = 1 thousand
Ang sampung (10) flats ay katumbas ng 1 block

Kung titingnan ang pagsasalarawan sa itaas:


1. Ilang squares ang nasa 1 000? ___________
2. Ilang longs mayroon ang 1 000? _________
3. Ilang flats mayroon ang 1 000? _____

3
Halimbawa, kung meron kang:

2 hundreds 5 tens 7 ones

2 (sandaanan) flats 5 (sampuan) longs 7 (isahan) squares


Ito ay magiging 2 daan, 5 sampuan, 7 isahan o 257 kung isusulat ito
sa simbolo or numero.

Tuklasin
Basahin natin ang suliranin sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang
mga sumusunod na katanungan.

Si Roy ay isang dance instructor o tagapagturo ng sayaw.


Siya ay nag upload ng kanyang dance video sa YouTube.
Pagkaraan ng limang oras, ang kanyang video ay nakakuha
ng 9 988 views at 1 001 shares. Ang walong taong gulang
niyang anak na si Gabriel ay tuwang-tuwa ngunit gusto niyang
malaman kung gaano karami ang 1 001 at 9 988.

Paano ba natin maisalalarawan kay Gabriel ang mga numerong 1


001 at 9 988?
Upang maisalarawan ang numerong 1 001, maari nating gamitin
ang talahanayan o table sa ibaba.
THOUSANDS HUNDREDS TENS ONES
(Libuhan) (Sandaanan) (Sampuan) (Isahan)
(blocks) (flats) (longs) (squares)

1 0 0 1
1 0 0 1
Ang paglalarawan sa itaas ay nagpapakita ng ilang:
4
1 blocks, 0 flats, 0 longs, 1squares = 1 001 kung ito ay isulat sa
simbolo.

Suriin
Sa paglalarawan ng mga numero mula sa 1 001 hanggang 10 000,
ang mga blocks (libu-libo), mga flats (daan-daang), longs (sampu)
at mga squares (isahan) ay ginagamit.

Pag-aralan ang talahanayan o table sa ibaba.

THOUSANDS HUNDREDS TENS ONES


(Libuhan) (Daan-daan) (Sampu) (Isahan)
(blocks) (flats) (longs) (squares)

1 000 100 10 1

Tama! Ang 10 blocks ay katumbas ng 10 000.

Dahil ang numerong 10 000 ay napakalaki, bukod sa mga blocks,


flats, longs, at squares, maaari mo ring gamitin ang larawan ng
isang naka-bundle na straw o number disc na may nakasulat na 10
000.

5
Pagyamanin
Ngayon naman subukan nating sagutin ang mga sumusunod na
mga gawain.
A. Isulat ang tamang bilang sa puwang na tumutugma sa mga
larawan. Ang unang bilang ay may sagot bilang halimbawa.

2 468
________ 1.

_______ 2.

_______ 3.

_______ 4.

Gumamit ng mga bundled straws upang mailarawan


ang mga sumusunod na bilang. Ang unang bilang ay ginagawa
bilang halimbawa.

1.) 3 543

2.) 1 367

3.) 2 456

6
Isaisip
Paano maipapakita o mailalarawan ang mga bilang mula 1 001 to
10 000?

Para sagutin ang katanungang ito, subukan mong lagyan ng


tamang sagot ang mga patlang sa kahon.

Upang maisalarawan ang mga numero mula sa 1 001 hanggang


10 000, ang mga blocks (libu-libo), mga ___________ (daan-
daang), longs (sampu) at mga _______________ (isahan) ay
ginagamit.
Mainam ding gamitin ang naka-bundle na _______________ o
kaya ang number ____________ upang mailarawan ang
malalaking bilang.

Isagawa
Narito ang isa pang gawain na mag-uugnay ng yong natutunan
sa mga sitwasyon sa totoong buhay.Basahin ang suliranin at
pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat ang iyong sagot sa mga patlang.

Si Ricky na nagmamay-ari ng tindahan ay nagpunta sa isang


bangko upang palitan ang ilang mga perang papel sa mas
mababang halaga o denominasyon.
1. Gaano karaming 1 pisong barya ang makukuha niya sa ₱100?
__________________________________________________________.
2. Gaano karaming 10 pisong barya ang makukuha niya sa ₱500?
__________________________________________________________.
3. Ilang ₱20 ang makukuha niya sa ₱ 800? _____________________
4. Ilang ₱50 bills ang makukuha niya sa ₱ 2 500? ________________
5. Ilang ₱100 bills ang makukuha niya para sa ₱ 5 000? _______.

7
Karagdagang Gawain

 Gumamit ng mga number disc


 upang mailarawan ang mga sumusunod na bilang.

1 245

Mahusay! Ngayon ay handa ka na para sa susunod na aralin.

8
Aralin PAGTUKOY SA PLACE VALUE AT

2
VALUE NG DIGIT SA MGA BILANG
HANGGANG 10,000

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang place value at value ng digit sa mga bilang
hanggang 10 000.
2. Naisusulat ang place value at value ng digit sa mga bilang
hanggang 10 000.
3. Naipapakita ang kahandaan sa oras ng kalamidad.

Balikan
Sagutin ang mga tanong gamit ang number disc sa ibaba.

__________________1. Ilang thousands meron?


___________________2. Ilang hundreds? Tens? Ones?
___________________3. Anong numero ang mabubuo dito?

9
Tuklasin

Ang aralin na ito ay nakapokus sa kaugnayan ng place value at


value ng digit sa numero. Basahin ang sitwasyon sa ibaba at
sagutan ang mga tanong.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay may panukalang iba’t-


ibang modality ng pagkatuto ngayong School Year 2020 – 2021
sa dahil pandemic na sanhi ng COVID 19 virus. Isa na rito ang
on-line. Kaya si Gng. Gillera ay bumili ng Android cell phone na
nakakahalagang Php 9,540 para sa kanyang anak bilang
handa sa darating na pasukan na on line class.

Mga Tanong:
1. Anong kagawaran ang may panukala ng iba’t ibang
modality o pamamaraan ng pagkatuto?
_______________________________________________________
2. Sino ang bumili ng android cell
phone?_______________________________________________
3. Bakit kailangang niyang paghandaan ang darating na
pasukan ng kanyang anak na on line
class?________________________________________________
4. Gaano kahalaga ang on line class pag-aaral ng kanyang
anak?________________________________________________
5. Magkano ang android cell phone? _____________________

Ilang digits meron sa 9,540? Ano ang place value ng 9, 5, 4, 0?


Pag-aralan natin ang value ng bawat digit sa pamamagitan ng
expanded form.
10
Halimbawa : 9 000 + 500 + 40 + 0 = 9 540
Sa bilang 9 540, ang digit 9 ay nasa thousands place; ang
value ay 9 000. Ang digit 5 ay nasa hundreds place at ang value
ay 500. Ang digit 4 ay nasa tens place; ang value ay 40. Samantala,
ang digit 0 ay nasa ones place at ang value ay 0.

*Ano ang place value chart? Paano ito nakatutulong sa atin?


Ang Place Value Chart ay isang tsart na kung saan ang mga
digit ay nakagrupo sa tatlo sa mga malalaking bilang. Ito ay
makatutulong sa paghanap at paghambing ng place value ng
mga digit sa mga bilang hanggang milyon at higit pa. Bawat
bilang ay may halaga sa place value chart.

Pag-aralan natin ang place value chart at isulat ang inyong sagot.
Ten Thousands Thousands Hundreds Tens Ones SAGOT
4 2 3 6 5
7 8 1 0 2
Paano natin malalaman ang value ng digit sa isang numero?
(Ang value ng digit sa isang numero ay malalaman natin sa
pamagitan ng pag multiply ng digit sa kanyang place value).
Kapag napag-isa natin ang lahat ng values na 9 000 + 500 + 40 + 0
ay magreresulta ito sa 9 540.

Digit Place Value Value


0 x 1 = 0
4 x 10 = 40
5 x 100 = 400
9 x 1 000 = 9 000

11
Pagyamanin
A. Pag-aralan ang conversion sa ibaba at sagutan ang
sumusunod na mga tanong. Ang unang bilang ay may sagot na
para sa iyo.

Base sa place value chart sa bandang kanan,


bawat hakbang pakaliwa ang value ng digit ay Th H T O
lumalaki ng sampung beses. 3
3 0
Halimbawa:
3 0 0
3 tens = 3 ones x 10= 30 ones
3 0 0 0
3 hundreds = 3 tens x 10 = 30 tens o 300 ones
3 thousands = 3 hundreds x 10 =30 hundreds o 300
tens
o 3 000 ones
1) 7 thousands = 70 __hundreds 5) 50 hundreds = ______
thousands
2) 5 hundreds = ______ ones
3) 60 ones = ______ tens
4) 30 tens = ______ hundreds
B. Gamit ang clues sa ibaba, hanapin ang tamang sagot sa puzzle.

* Ako ay higit sa 30 hundreds


* Mas kaunti ako sa 7 000 ones.
* Ang tens digit ko ay mas higit kaysa sa aking ones.
* Ako ay multiple ng 5.
* Anong bilang ako?

12
C. Alamin ang value ng bawat pangkat ng base of ten blocks at
isulat ang nabuong bilang.

1.

2.

3.

4.

Punan ng tamang salita o mga salita ang patlang para maging


wasto ang pangungusap .

Sa pagbigay ng place value at value ng digit sa numero


hanggang 10,000:
Alamin ang _______________________ ng isang ang digit kung saan
napabilang ang ones, tens, hundreds, at thousands.
Ang value ng numero ay malalaman sa pamamagitan ng
________________ the digit sa kanyang place value.
Ang place value ng digit ay palagi itong ay mas higit ng sampung
beses kaysa kanyang sa place value ng digit sa bandang
___________.

13
Isagawa
A. Basahin at sagutan ang mga sumusunod:
1. Isulat ang digit na nasa ones place:

2. Isulat ang digit na nasa tens place:

3. Isulat ang digit na nasa thousands place:

4. Sagutin ang bugtong sa ibaba at piliin ang sa sagot na nasa


kanan.

* Ako ay 4-digit na numero. *


* Ang thousands digit ko ay mas higit kaysa 6.
* Ang hundreds digit ko naman ay isang odd.
* At ang tens digit ko ay mas kaunti kaysa 6.
* Anong numero ako?_________

A. Kumpletuhin ang bawat number sentence sa ibaba.


1. 9 362 = ____________ + 300 + 60 + 2
2. 7 709 = 7 000 + 700 + _______ + 9
3. 5 952 = 5 000 + ________ + 50 + 2
B. Kumpletuhin ang bawat number sentence sa ibaba.
4. 9 765 = 9 thousands + 3 hundreds + 6 _________ + 5 ones
5. 8 312 = 8 ___________ + 3 hundreds + 1 tens + 2 ones

Karagdagang Gawain
Kumpletuhin ang bawat number sentence sa ibaba.
9 765 = 9 thousands + 3 hundreds + 6 _________ + 5 ones

14
Aralin
PAGBASA NG BILANG HANGGANG
3 10,000

Mga Layunin:
1. Nakakabasa ng bilang hanggang 10 000.
2. Nababasa ng maayos ang mga bilang hanggang 10 000.
3. Naipapamalas ang kahalagahan sa pagtulong sa kapwa.

Balikan

Alamin natin kung bihasa ka na sa pagtukoy ng mga bilang na mas


mababa sa 1 000. Sa ilalim ay mga number cards, basahin ang
mga ito at iugnay sa tamang number words sa bawat aytem.

518 725 963 240 353 337

1. pitong daan dalawampu’t lima 4. tatlong daan limampu’t tatlo


(seven hundred twenty-five) (three hundred fifty-three)

32. Dalawang daan apatnapu.


(two hundred forty)
3
5. siyam na daan animnapu’t tatlo
(nine hundred sixty-three)

3. limang daan at walo


(five hundred eighteen)
3 6. tatlong daan tatlumpu’t pito

3
(three hundred thirty-seven)

3 Tuklasin
3
Ang aralin na ito ay nakatuon sa pagbabasa ng bilang hanggang
sampung libo (10 000). Pag-aralan at basahing mabuti ang sitwasyon
sa ibaba.
15
Ang Barangay Magsaysay sa lungsod ng Polomolok ay
nagtala ng 4,526 na pamilya na makatanggap ng relief goods
mula noong magkaroon ng community lockdown. Maraming
volunteers ang dumating para kusang magbalot at mamahagi ng
relief goods sa bawat pamilya ng barangay.

Sagutin ang mga tanong sa bawat bilang:


1. Ano ang ipinamimigay sa Barangay Magsaysay? ____________
2. Ilang pamilya ang nakatanggap ng relief goods? ___________
3. Sino ang nagbalot at namahagi ng relief goods?___________
4. Gusto mo rin bang tumulong? Bakit?______________________
5. Sa ano pang paraan mo pa maipapakita pagtulong?_______
6. Paano babasahin ang naitalang bilang ng relief goods? _____

Suriin

Tingnan ang place value chart.


Thousands Units
Hundreds Tens Ones Hundreds Tens Ones
4 5 2 6

Sa bilang na 4 526, ang digit 4 ay nasa thousands period


habang ang digits 5, 2, 6 ay nasa units period. Ngayon babasahin
natin ang bilang na apat na libo limang daan dalawampu’t anim
(four thousand, five hundred twenty-six).

16
Tandaan:
1. Sa pagbasa ng mga numero hanggang 10 000, kailangan
nating ihiwalay ang digits sa bawat periods.
2. Ang bilang ay nabuo sa pamamagitan ng mga digits sa
isang period na sabay binabasa, kasama ang pangalan ng
period.

Simula sa kanan, ihiwalay ang unit period mula sa thousands


period sa pamamagitan ng espasyo o pagsulat ng kuwit
pagkatapos ng tatlong places.

Pagyamanin

Subukan ang mapaghamong gawain para sa malalim na pag –


unawa ukol sa pagbasa ng bilang hanggang 10 000.
“Organize Me”
Basahin ang mga bilang sa ibaba at ilagay ang mga ito sa loob
ng kahon na katumbas ng number words sa kanan.

1 700 3 675 3 765 2 534 9 961 7 001

Dalawang libo, labing daan tatlumpu’t-apat.


1.

Isang libo, pitong daan.


2.
Taltong libo, anim na daan pitumpu’t lima.
3.
Siyam na libo, siyam na daang animnapu’t isa
4.
Pitong libo, isa
5.

17
Isaisip
Narito ang isa pang gawain upang masukat kung gaano
kalalim ang iyong nalalaman tungkol sa modyul na ito.
Sa PAGBABASA NG BILANG hanggang 100 000, basahin ang
bawat grupo ng digits mula sa _________ papuntang ____________,
pagkatapos sabihin ang ngalan ng period maliban sa
_____________period.

Isagawa
Narito na naman ang isa pang gawain upang magamit ang iyong mga
nalalaman ukol sa pagbabasa ng bilang ukol sa real –life na
sitwasyon..

A. Basahin at sagutin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat


ang bilang na may salungguhit sa patlang.
1. Ang Pilipinas ay mayroong 9 684 kumpirmadong kaso sa Covid-
19 na iniulat ng Department of Health (DOH) noong ika – 5 ng
Mayo, 2020. ___________________________________
2. Ang kabuuang bilang ng mga pasyente na nakaligtas sa
kamatayan sa sakit na Covid-19 ay umabot sa kabuuang bilang
na 1 408. _________________________________________
3. Noong Lunes, ika-18 ng Mayo, 2020 ang bilang ng mga nakaligtas
na pasyente ay umabot humigit kumulang
2 729 ayon sa DOH. ______________________________________
B. Basahin ang mga salita sa ibaba na nakita mo at hanapin ang
numero na nasa number board. Ang mga numero ay bilugan
pababa, across, pahilis o pabalik. 9 0 1 7
4. Isang libo, limang daan animnapu’t-apat 4 6 1 5
5. Siyam na libo, anim na daan apatnapu’t-dalawa 8 3 2 2

18
Aralin
PAGSULAT NG BILANG HANGGANG
4 10,000

Mga Layunin:
1. Nakakasulat ng bilang hanggang 10 000.
2. Nasusulat ng maayos ang mga bilang hanggang 10 000.
3. Naipapamalas ang kahalagahan sa pagtulong sa kapwa.

Balikan
Tingnan natin kung naunawaan nang lubos ang naunang aralin.
Sa ibaba mayroong mga numero sa kard, isulat isa-isa ang bilang
sa kahon na katumbas na numero sa salita sa bawat aytem.

51 42 35 96 33 24
8 5 3 3 7 0
Apat na raan Tatlong daan limampu’t-
1. dalawampu’t-lima 3. tatlo

Siyam na raan animnapu’t-


Dalawang daan apatnapu
2. 4. tatlo

Tuklasin
Ang aralin na ito ay nakatuon sa pagsulat ng bilang hanggang
10,000. Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sagutan ang mga tanong.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay may panukalang iba’t-


ibang modality ng pagkatuto ngayong School Year 2020 – 2021
dahil sa pandemic na sanhi ng COVID 19. Kung kaya, nagtipon
tipon ang may 3 403 guro sa buong rehiyon dose upang
gumawa ng modyul at video na gagamitin ng mga mag - aaral.
19
Mga Tanong:
1. Anong kagawaran ang may panukalang iba’t ibang modality o
pamamaraan ng pagkatuto?___________
2. Sinu-sino ang nagtipon tipon upang gumawa ng modyul at
video?_________________________________________________
3. Bakit kailangang paghandaan ng mga guro ang SY 2020-
2021?__________________________________________________
4. Anong rehiyon ang naghanda sa darating na panuruang 2020-
2021?______________________________________________
5. Ilang guro sa rehiyon dose ang gumawa ng modyul at video? _

Suriin

Pag-usapan natin!
Mayroong 3,403 na mga guro sa rehiyon dose ang gumawa ng
modyul at video para sa darating na pasukan.
Paano natin isusulat ito sa number words?
Thousands Units
Hundreds Tens Ones Hundreds Tens Ones
3 4 0 3
Pag-aralan ang place value chart.
Sa bilang na 3 403, ang digit 3 ay nasa thousands period habang
ang digits 4, 0, 3 ay nasa units period. Ngayon isusulat natin ang bilang
sa number words na tatlong libo apat na daan at tatlo (three thousand,
four hundred three).
Tandaan:
1. Sa pagsulat ng mga numero hanggang 10 000, kailangan nating
ihiwalay ang digits sa bawat periods.
2. Ang bilang ay nabuo sa pamamagitan ng mga digits sa isang
period na sabay sinusulat o binabasa, kasama ang pangalan ng
period.
Simula sa kanan, ihiwalay ang unit period mula sa thousands period sa
pamamagitan ng espasyo o pagsulat ng kuwit pagkatapos ng tatlong
places.

20
Pagyamanin
Subukan ang mapaghamong aktibidades para sa malalim
na pag-unawa tungkol sa pagsulat ng mga numero hanggang 10,000.
Panuto: Isulat ang number words sa bawat bilang na nakasulat sa kahon.

1. 1 700 _________________________________________________
2. 3 675 _________________________________________________

3. 7 001 _________________________________________________

4. 3 765 _________________________________________________

5. 2 534 _________________________________________________

Isaisip
Isulat ang nawawalang salita o mga salita sa bawat patlang
upang mabuo ang isinasaad sa talata.
Sa PAGSULAT NG NUMBER WORDS mula sa simbolo hanggang
100,000, isulat ang number words sa bawat grupo ng digits mula sa
_________ papuntang ____________, pagkatapos isulat ang ngalan
ng period maliban sa _____________period.
Sa PAGSULAT NG NUMERO (simbolo) hanggang 100,000, ihiwalay
ang ______ period mula sa thousands period sa pamamagitan ng
paglalagay ng ________________ o ____________________
pagkatapos ng tatlong places.

21
Isagawa
“ Supply Me” Isulat ang nawawalang numero.
2 401 2 402 2 404 2 406
2 409 2 410

Karagdagang Gawain
Isulat sa gitna ang mga nawawalang numero at isulat ang
number words sa ilalim nito. 6 462, ________, 6 464, _______

22
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik
ng tamang sagot.

1. Pag-aralan ang mga number disc.


Ano ang katumbas na bilang nito?
a. 2 354 b. 2 534 c. 3 254 d. 3 354
2. Alin sa mga pagpipilian ang tamang pagkakasulat sa salita na
katumbas na bilang ng nasa larawan?
a. 2 32 b. 2 222 c. 3 322 d. 3 222
3. Ano ang place value ng digit na may salungguhit sa bilang na
6 752? a. ones b. tens c. hundreds d. thousands
4. Paano isulat ang anim na libo, limang daan tatlumpu’t walo?
a. 6 538 b. 6 583 c. 6 835 d. 6 853
5. Paano basahin ang 4 600?
a. Apat na libo, anim na raan. c. Apat na libo, anim na raan at lima.
b. Apat libo, anim na raan. d. Apat na libo, anim na raan limampu
Binabati kita! Ngayon ay handa ka na upang sagutan ang susunod na
modyul

23
24
SUBUKIN
1. d 2. a 3. b 4. b 5. d
Aralin 1 Aralin 2 Aralin 3
Aralin 4
Balikan Balikan Balikan Balikan
1. 4 1. 725 1. 425
4. 353
2. 3, 5, 7 2. 240 2. 240
5. 963
3. 4 357 3. 518 3. 518
6. 337
For table: 4. 353
1. 42 365 5. 963
2. 78 102 6. 337
3. 6 573
4. 14 810
5. 53 142
Tuklasin Tuklasin Tuklasin Tuklasin
1. Kagawaran ng 1. relief goods
1.Kagawaran
Edukasyon 2. 4 526 ng
Edukasyon
2. Gng. Gillera 3. mga 2. guro
3. Mas madaling volunteers 3.
kailangan
maka access sa 4. oo, (lahat ng
paghandaan ng
online class sagot mga guro
ang
4. para mapatuloy ay tama) SY2020-
2021
ang kanyang pag- 5. pagbibigay ng upang
mas
aaral sa kabila ng relief goods madaling
COVID-19 6. apat na libo,
maunawaan ng
pandemic limang daan, mga bata
ang mga
5. Php 9,540 dalawamput- aralin
kahit sila ay
anim nasa
bahay nag-
aaral.
4.
Rehiyon XII
5. 3 403
Pagyamanin Pagyamanin Pagyamanin
Pagyamanin
A.2). 4 138 3. 5 000 4. 3 374 A. 1. 70 1. 2 534 1. Isang
libo, pitong
2. 500 2. 1 700 daan
3. 6 3. 3 675 2.
Tatlong libo, anim
4. 3 4. 9 961 na raan,
pitongput-
5. 5 5. 7 001 lima
B. 1. 5 290 3.
Pitong libo, isa
C. 4.
Tatlong libo,
1.) 1000+10+5=115 pitong
daan,
2.) 900+60+6 = 966
animnaput-lima
3.) 200+80+9 = 289 5.
Dalawang libo,
4.) 300+40+8=348 limang
daan,

tatlumput-apat
Sanggunian

a. Aklat
Chingcuangco, Ofelia G., et.al, 2014. Mathematic 3 Kagamitan
ng Mag-aaral Tagalog. 1st ed. Pasig City: REX Book Store, Inc.

Yun, X., 2019. New S Primary Mathematics 3. 1 st ed. Pasig City: Rex
Bookstore Philippines.

Chingcuangco, Ofelia G., et.al, (2015). Mathematic 3 Teacher’s


Guide. 1st ed. Pasig City: Rex Bookstore, Inc.

b. Web Links

Saddleback.Edu. 2020
https://www.saddleback.edu/faculty/perez/algebra2go/alliedhe
alth/digitspv001.pd

25
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag
ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang
anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like