Professional Documents
Culture Documents
AP9 April-15-19 1
AP9 April-15-19 1
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALAMINOS CITY
Alaminos City National High School
Poblacion, Alaminos City
ARALING PANLIPUNAN 9
IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikalimang Linggo
A. Panuto: Tukuyin kung anong batas tungkol sa lupa ang tinutukoy ng bawat bilang.
________________1. Binibigyang -proteksiyon nito ang mga magsasaka laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at
pandaraya ng mga may-ari ng lupa.
________________2. Ang batas na nagtatadhana ng pamamahagi ng mga lupaing pampubliko sa mga pamilya na
nagbubungkal ng lupa.
________________3. Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating
Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988.
________________4. Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation Administration
(NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng
nagbalik loob sa pamahalaan.
________________5. Ipinamamahagi ng batas na ito ang lahat ng lupang agrikultural anoman ang tanim nito sa mga walang
lupang magsasaka.
________________6. Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng
lupa ay ipinatalang lahat.
________________7. Kilala ito bilang Agricultural Land Reform Code na nagging simula ng isang malawakang reporma sa
lupa na nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963.
________________8. Ang kautusang nagpasailalim sa reporma sa lupa sa buong Pilipinas noong panahon ni dating
Pangulong Marcos
_______________9. Ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito.
_______________10. Ang batas na ito ang sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat
sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka
Panuto: Suriin ang mga sitwasyon/suliranin sa sektor ng agrikulturang nakalista sa unang hanay ng
talahanayan. Tukuyin kung anong batas, patakaran o programa ang ipinapatupad ng pamahalaan
upang ito ay masolusyunan, isulat ito sa ikalawang hanay. Sa ikatlong hanay ay isulat kung ang
mga ito ay epektibo ba o hindi at ibigay ang dahilan.
PAMPROSESONG TANONG
1.Epektibo ba ang mga patakarang ito batay sa naging sagot mo sa mga inaasahang magiging epekto nito? Bakit?
2. Paano magiging makabuluhan ang pagpapatupad ng mga patakarang nabanggit sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura at
bansa?
1. Kung ikaw ay isang magsasaka o mangingisda, anong suliranin ang dapat na bigyan ng pansin ng pamahalaan
upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura?
2. Kung ikaw ay kasapi ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga batas o programa sa sektor ng agrikultura, ano
ang gagawin mo para mapaunlad ito