Isulat Ang Wasto Sa Sagutang Papel Kung Tama Ang Inilalahad at Hindi Wasto Kung Mali Ang Binanggit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 5

3rd SUMMATIVE TEST


2ND QUARTER

Pangalan: ______________________________ Baitang at Pangkat: ________________


Guro: __________________________________ Petsa: ______________________________

Isulat ang Wasto sa sagutang papel kung tama ang inilalahad at Hindi Wasto kung mali
ang binanggit.
_____________ 1. Naging mabait at makatao ang turing ng mga encomendero sa mga Pilipino.
_____________ 2. Ang tributo ay maaaring bayaran ng salapi, ginto,tela, manok, bulak, palay, at iba
pang produkto.
_____________ 3. Ang bandala ay sapilitang pagbili ng mga produkto.
_____________ 4. Pagbibinyag ang isang naging paraan upang tanggapin ang kristiyanismo ng mga
Pilipino.
_____________ 5. Isinagawa ang sapilitang paglilipat ng mga Pilipino mula sa malalayong pamayanan
upang pagsamasamahin sa pueblo.

Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa bawat bilang.


Obras Pias Monopolyo sa Tabako Boleta Bandala
Polo y Servicio Kalakalang Galyon Polista Pamahalaang Sentral

____________________________ 6. Itinatag ito ni Jose Basco Y Vargas noong Nobyembre 1, 1792.


____________________________ 7. Kilala rin sa tawag na Kalakalang Maynila-Acapulco
____________________________ 8. Tawag sa tiket para makakuha ng puwesto sa loob ng galyon para
sa kanilang mga kalakal.
____________________________ 9. Pagtatrabaho ng mga kalalakihang may edad na 16 hanggang 60 sa
loob ng 40 araw.
____________________________ 10. Tawag sa mga nagtatrabaho sa polo
____________________________ 11. Sapilitang pagbibili sa pamahalaan ng mga produkto pansakahan
____________________________ 12. Pondong kaloob ng mga mayayamang tao sa mga relihiyosong
orden.
____________________________ 13. Pamahalaang itinatag ng mga Espanyol.

Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
14. Ito ang tawag sa mayayamang katutubo na hindi na kailangang maglingkod sa
pamahalaan.
a. Polo y Servicio b. Principalia c. Polista d. Falla
15. Tawag sa kataas-taasang hukuman sa Pilipinas.
a. Ehekutibo b. Gobernador-Heneral c. Royal Audencia d. Hudisyal
16.Ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sentral at kinatawan ng hari ng Espanya.
a. Ehekutibo c. Royal Audencia
b. Gobernador-Heneral d. Hudisyal
17. Tawag sa lalawigan na pinamumunuan ng alcalde mayor.
a. Corregidor c. Alcaldia
b. Barangay d. Pamahalaang Lokal
18.Pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal.
a. Corregidor c. Alcaldia
b. Barangay d. Pamahalaang Lokal
19. Namumuno sa mga corregimiento.
a. Corregidor b. Barangay c. Alcaldia d. Pamahalaang Lokal
20.Tawag ng mga Espanyol sa bayan na binubuo ng malalaking populasyon na
makapangyarihan.
a. Ayuntamiento c. Ciudad
b. Pueblo d. Padron
KEY
1. HINDI WASTO
2. WASTO
3. WASTO
4. WASTO
5. WASTO
6. MONOPOLYO SA TABAKO
7. KALAKALANG GALYON
8. BOLETA
9. POLO Y SERVICIO
10. POLISTA
11. BANDALA
12. OBRAS PIAS
13. PAMAHALAANG SENTRAL
14. B
15. C
16. B
17. C
18. B
19. A
20. A

You might also like