PAL Presentation - TEORYANG PAMPANITIKAN

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ROLES

📌 Scriptwriters
1. Emcee: Joyce and Dorothy
- Magsusulat ng sarili niyang script para sa I, II, III, VII, VIII

Deadline: 5:30 PM, Monday

Other scriptwriters
- Pili kayo ng 2 tamang theories and 1 imposter na theory. Mag-base nalang kayo sa mga
nakalagay dito sa docs. Kayo rin ang gagawa ng script ng convincing explanation nung 3
members na napili. Make sure din na yung mapipiling theory na impostor ay mali or hindi talaga
applicable dun sa paragraphs. Yet, make sure na convincing yung explanation na gagawin nila.
2. Round 1: Dorothy
3. Round 2: Brendon
4. Round 3: Lady

Deadline: 7:30 PM today (Sunday)

📌 PPT makers
- Make sure na ang gagawin na ppt ay mukhang pang game show and make sure lakihan font
size and readable dapat yung fonts.
1.
2.
Deadline of final PPT: 7 PM, Monday

- Hanap ppt design and pa-check sa akin


Deadline of ppt design: 5 PM today (Sunday)

📌 Props
- Gawa lang kayo sash or malaking name tag (kahit out of cartolina or colored paper) na may
nakasulat na ‘Teoryang..’ depende sa kung anong mga theories na ilalagay ng mga
scriptwriters.
1. Aki
2. Inso
3. Eli
4. Shannen

Deadline: 10 AM, Tuesday

FLOW OF THE PRESENTATION/GAME

I. EMCEE INTRO
II. Explanation of the Mechanics
III. Short intro of the story
IV. Start of Round 1 (yung mga paragraphs with yellow highlight yung i-aanalyze)
a. Summarize konti the first three paragraphs kung ano meron sa story
b. Entrance ng members
c. Explanation of selected members (include yung sentences kung saan nag-aapply yung
theories)
d. Guessing of audience kung sino ang impostor theory
e. Reveal kung sino ang imposter

V. Start of Round 2 (yung mga paragraphs with green highlight yung i-aanalyze)
a. Summarization of paragraphs
b. Entrance ng members
c. Explanation of selected members (include yung sentences kung saan nag-aapply yung
theories)
d. Guessing of audience kung sino ang impostor theory
e. Reveal kung sino ang imposter
VI. Start of Round 3 (yung mga paragraphs with blue highlight yung i-aanalyze)
a. Summarization of paragraphs
b. Entrance ng members
c. Explanation of selected members (include yung sentences kung saan nag-aapply yung
theories)
d. Guessing of audience kung sino ang impostor theory
e. Reveal kung sino ang imposter

VII. Announcement of the winnner


VIII. EMCEE OUTRO and Moral Lesson

SCRIPT

I. EMCEE INTRO

All: Magandang hapon, at paggalang sa gawain ngayon


Joyce: Ngayo'y inyong matutunghayan, aming hinandang pagtatangghal bilang tributo sa isang
kwentong bayan.
Dorothy: Pagong at Kuneho sa teoryang pampanitikan, isisiwalat sa isang laro.
Joyce: Kaya hinihingi namin ang inyong kooperasyon, at huwag na nating sayangin pa ang oras
sa mahabang diskusyon.
All: Sinetch ang Impostor! Sino ang totoo, sino ang impostor!
Joyce: Madali lang naman ang ating laro sa hapong ito.
Dorothy: (explains the mechanics)

II. Explanation of the Mechanics

DORO: Sa kada tatlong talata ng kwento, may mga teoryang pampanitikan na nakapaloob
doon. May papasok na mga miyembro na nagpapakita ng mga theories na yun at i-eexplain nila
kung bakit sila naaayon sa mga talatang binigay. Pero ang twist, dalawang teorya lang talaga
ang applicable sa mga talata, at isa duon ay mali. So dapat pakinggan niyo yung mga
explanation ng kada theory at analyze niyo kung alin dun ang mali. So guess the impostor.

Then, ang klase ay mahahati sa tatlong grupo. Bibigyan ang bawat grupo ng mga letra upang
pagpilian. Mayroong lamang kayo na 10 segundo upang mag desisyon. Pagkatapos, ay itataas
nila ang letrang napili. Itong game na ‘to ay may 3 rounds so ang grupo na may mataas na
puntos ang panalo.

III. Short introduction of the story na i-aanalyze

DORO: Pero bago ang lahat, bibigyan ko muna kauo ng kaunting ideya tungkol sa kwento na
susuriin natin ngayon.

Ang kwento ng "Si Kuneho at Si Pagong" ay isang halimbawa ng pabula. Ang pabula ay isang
uri ng panitikan na kadalasang may mga hayop bilang mga tauhan na nagpapakita ng mga
katangian at aral ng mga tao. Ang kwento ay tungkol sa isang Kuneho at isang Pagong na
nagkaroon ng paligsahan sa pagtakbo.

Ating mas alamin at himayin ang kwento sa mga sumusunod.

IV. Start of Round 1

JOYCE: Handa na ba kayo? Simulan na natin ang Round 1!

Sa unang tatlong talata ng kwento, pinakilala ang mga pangunahing tauhan na sina Kuneho at
Pagong. Ipinaliwanag na si Kuneho ay mayabang at mapanlait, samantalang si Pagong naman
ay matiyaga at matibay. Sa kanilang unang pagtatagpo, ipinamalas ni Kuneho ang kanyang
kayabangan sa pamamagitan ng pagtawanan at pambabara kay Pagong dahil sa kabagalang
ito. Gayunpaman, hindi nagpatalo si Pagong at hinamon si Kuneho sa isang karerang patungo
sa ituktok ng bundok, na nagpapakita ng kanyang determinasyon na patunayan ang sarili at
palakasin ang kanyang pagkatao.

Ngayon, ito ang tatlong mga teorya na magsisilbing pagpipilian niyo para sa round na ito. Mga
teorya, pasok! Ang unang teorya ay ang Naturalismo, pangalawa ay Biyograpikal, at ang
pangatlo ay ang Marxismo.

Sino ang totoo, at sino ang impostor? Ating pakinggan ang mga paliwanag ng mga teoryang
ito. Unahin muna natin ang Naturalismo.

NATURALISMO (INSO): Hello! Ako ang Teoryang Naturalismo. Pinapangunahan ko na kayo,


lahat ng lalabas sa bibig ko ngayon ay pawang katotohanan lamang. So, maaalala sa
discussion natin last time na ginagamit ako upang mapakita ang epekto ng kapangitan ng
kalagayan at nakapokus ako sa pagpapakita ng magkabaligtad na kahulugan. Ang linyang
"Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako
matatalo" ni Pagong ay nagpapakita ng elementong naturalismo dahil ito ay nagpapakita ng
magkabaligtad na kahulugan, kung saan ang kahinaan ay nagiging batayan ng kalakasan at
determinasyon. Ito rin ay nagpapakita ng epekto ng kalagayan sa karakter, kung saan sa kabila
ng kanyang likas na kahinaan, ang Pagong ay nagpapakita ng katatagan at tapang na hindi mo
aasahan mula sa kanya.

JOYCE: Ang susunod naman ay ang Biyograpikal.

BIYOGRAPIKAL (IMPOSTOR) (ELI): Ako ang Teoryang Biyograpikal. Panigurado ako na sa


unang basa niyo palang sa kuwento, agad na makikita niyo ako sa karakter ni Pagong. Ang
mga linyahan at pagsagot ni Pagong kay Kuneho ay nagbibigay ng lantad at malinaw na
detalye at impormasyon tungkol sa may-akda. Ang halimbawa nito ay ang sinabi niyang
"Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako
matatalo." Malinaw na ito ay karanasan at pananaw ng may-akda at naging batayan at
inspirasyon niya ang pang-insulto ni Kuneho sa kanyang pagsulat. Kaya naman masisigurado
ko sainyo, nagsasabi ako ng totoo at hindi ako ang impostor.

JOYCE: Pakinggan naman natin ngayon si Marksismo.

MARXISMO (SHANNEN): Naku, baka nagsisinungaling lang ang isa sainyo Naturalismo at
Biyograpkial ha. Ako ang Teoryang Marxismo, basta ako, hindi talaga ako impostor dahil kitang
kita “Palibhasa makupad maglakad ang Pagong kaya pinagtawanan ito ng Kuneho at
nilibak. "Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala
kang mararating niyan." Ang pangungutya ng kuneho sa pagong, lumalabas ang
pagtutunggalian ng uri sa lipunan. Ang kuneho, bilang isang mas mabilis na hayop, ay
nagmamalaki at nagpapakita ng kanyang sosyal na superioridad laban sa pagong. Ngunit
makikita rin ang pag-ahon ni Pagong mula sa kalugmukan dulot ng insulto sakanya ni Kuneho,
sa sagot niya "Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko,
hindi mo ako matatalo." Dito, ipinapahayag ni Pagong ang kanyang pagtutol sa paghuhusga
ng Kuneho sa kanya. Hinahanap niya ang pagbabago sa lipunan kung saan hindi batayan ang
bilis ng kilos sa pagiging karapat-dapat.

JOYCE: Nagyon na napakinggan na natin ang tatlong teorya, bibigyan ko kayo ng 10 seconds
para hulaan kung sino ang impostor. Sino ang totoo, at sino ang impostor? Timer starts now.

(after 10 secs)

JOYCE: Ang sagot niyo ay (sagot ng audience). Black board, please reveal!

(after ma-reveal)

JOYCE: Ang impostor ay…ang Teoryang Biyograpikal!

Sa nakasaad na kuwento, hindi makikita ang teoryang biograpikal dahil hindi nagbibigay ng
impormasyon o detalye tungkol sa may-akda ng kuwento. Hindi natin alam ang personal na
buhay o karanasan ng may-akda na maaaring magbigay-linaw o konteksto sa kanyang
pagsusulat. Ang kuwento ay nag-focus lamang sa mga karakter at pangyayari, na wala namang
kaugnayan sa may-akda mismo.

V. Start of Round 2

DORO: Ngayon na nag-uumpisa na ang mainit na labanan sa bawat teorya, ihanda na Ang
inyong sarili at atin nang umpisahan ang Round 2!

Sa bahaging ito ng kwento, ipinapakita at isinasalaysay kung paano nag-umpisa ang karera.
Nag-umpisa ang dalawang kalahok na sina Pagong at Kuneho sa starting line at binilangan sila
ng tatlo bilang hudyat na nag-umpisa na ang karera. Sa pag-usad ng dalawang kalahok,
mapapansin na si Kuneho ay malayo na ang narating samantalang si Pagong ay sinusubukan
pa rin na makahabol at lumaban kahit na siya ay pinagtatawanan ng iba pang mga hayop.
Ngayon, muli na nating tawagin ang tatlong teorya na ang dalawa ay magbibigay sa inyo ng
tamang kasagutan at ang isa ay magpapalito sa inyong isipan.Narito sina Teoryang Feminismo,
Teoryang Marxismo at Teoryang Eksistensyalismo.

Sino ang totoo, at sino ang Impostor? Ibanat mo na yan, Teoryang Feminismo!

FEMINISMO (IMPOSTOR) (LADY): Mabuti naman at ako ang nauna ngayon, madalas kasi ay
puro kalalakihan ang nabibigyan ng maayos na atensyon. Ako nga pala si Teoryang
Feminismo, ang magbibigay sa inyo ng karapatan at nag-aangat sa kalakasan ng mga
kababaihan. Sa huling linya na "Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya
sa paglakad, walang lingun-lingon" ako ay inyong mamamasdan. Ang mga kababaihan ay
nirerepresenta ni Pagong, siya ay mabagal at pinagtatawanan ngunit nagawa pa rin niya na
manguna at manalo sa laban. Ang Teoryang Feminismo ang ipinaglalaban ng bahaging ito at
naka focus lamang sa mga kababaihan sapagkat mababa man ang tingin ng ibang tao sa amin
ay kaya pa rin naming mapunta sa tuktok at makipagsabayan.

DORO: Malalim ang ipinaglalaban ng una nating teorya, dumako naman tayo sa pangalawang
teorya na si Marxismo.

MARXISMO (BRENDON):: Ako nga pala si Teoryang Marxismo, ang magbibigay sa inyo ng
pag-asa. Ang pag-asa na magdadala sa inyo sa tamang kasagutan at hindi sa tamang hinala
lamang. Sa unang linya pa lamang na "Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho.
"Handa na kami!" ay makikita niyo na ako'y tinataglay na ng bahaging ito. Makikita natin na ang
dalawang kalahok ay handang handa at tinatanggap ang hamon ng karera sa kabila ng
pagkakaiba ng kakayahan nilang dalawa. At isipin niyo rin kung nasa kalagayan kayo ni Pagong
habang kayo ay nasa karera, alam niyo ang kakayahan at kahinaan niyo. Ngunit sa akda, si
Pagong ay patuloy na naglalakad kahit na siya ay pinagtatawanan dahil mayroong siyang pag-
asa na nagtutulak sa kaniya na lumaban.

DORO: Tunay nga namang may pag-asa sa Teoryang Marxismo, ngayon naman ating
pakinggan si Teoryang Eksistensyalismo.

EKSISTENSYALISMO (INSO):: Teka, teka. Huwag ninyo akong kalimutan. Ako ay nage-exist
din dito sa tanghalan. Ako ay si Teoryang Eksistensyalismo. Kung ang dalawang nauna ay
nagbibigay ng pag-asa at kalakasan, ako naman ang magbibigay sa inyo ng kalayaan. Ako ay
tinataglay ni Pagong at ni Kuneho dahil pareho silang may sariling kakayahan upang mag
desisyon. Kung ako ay inyong hindi pipiliin ay parang sinasabi niyo na rin na sila ay pinipilit lang
ng kung ano mang bagay sa paligid. Sila ay may kakayahan na mag desisyon, halimbawa na
lamang sa linya na "Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang
pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop." pinapakita ang pagpapatuloy ni Pagong
kahit na malayo na si Kuneho kahit maaari naman siyang tumigil at tanggapin ang kaniyang
pagkatalo.

DORO: Narinig na natin ang opinyon ng tatlong teorya, Bibigyan ko kayo muli ng 10 seconds
upang mag-isip at mahulaan kung sino ang totoo at sino ang Impostor sa tatlo. Timer starts
now.

(After 10 seconds)

DORO: Ang sagot ay (audience)! Black board, please reveal (Reveal), Ang sagot ay…
Teoryang Feminismo!
Kung titignang mabuti, ang Teoryang Feminismo ay hindi tinataglay ng nabanggit na bahagi ng
kwento. Sina Pagong at Kuneho ay sumisimbolo at nagrerepresenta sa lahat ng tao at
anumang uri ng kasarian ang mayroon sila at hindi ito naka-focus lamang sa mga kababaihan
dahil hindi rin naman nabanggit ang kasarian ng mga tauhan. Nirerepresenta nila ang katangian
ng mga tao gaya ng paglaban sa kabila ng mga hamon at problema, pagkakaroon ng mataas
na kumpyansa sa sarili at pagtingin sa sarili na mas mataas kaysa sa kapwa.

VI. Start of Round 3

JOYCE: Ngayon at nasiyahan na kayo sa naunang dalawang round, ngayon at simulan na natin
ang panghuling round!

Sa parteng na ito ay habang naghihintay si Kuneho sa pagong, nainip ito at nagpasyang umidlip
sa kalagitnaan ng karera dahil tiwala siya sa kanyang kakayahang manalo. Ang pagong ay
patuloy na dahan-dahang sumulong, dinaanan ang natutulog na kuneho at sa huli ay nanalo sa
karera. Nagulat si Kuneho nang makitang nakarating na ang pagong sa finish line bago siya.

At alam namin na sadyang na nasisiyahan na ang bawat isa sainyo kaya naman hindi na
magpapahuli aming ipakilala ang tatlong pagpipilian na sina TEORYANG ROMANTISISMO,
TEORYANG IMAHISMO at si TEORYANG MORALISMO

Sino ang totoo, at sino ang Impostor? Kaya simulan na natin Kay Teoryang Imahismo

IMAHISMO (IMPOSTOR) (BRENDON):: Mabuhay! Ako'y nasainyong harapan Teoryang


Imahismo ang ngalan.Nagtataglay ng kakaibang katangian dahil sa paggamit sa atin na
Teoryang Imahismo na mapapadali ang pagunawa kaysa gumamit sa mga pangkaranawang
salita. Ako'y panigan niyo at wag piliin bilang impostor. Tulad sa nasabing akda “Humanda na
siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya nang
matanaw si Pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok. Naunahan na pala siya” Dahil ang
kuwentong ito ang sadyang kailangan ay isang tulad ko, tulad nalang sa mga salita na ginamit
sa kuwentong, Si Kuneho at pagong. Kaya naman ako'y inyong panigan.

ROMANTISISMO (SHANNEN):: Ako'y nagagalak na makilala kayo, ako nga pala si Teoryang
Romantisismo na nagsasabi ng totoo at walang halong biro. Ako'y hindi impostor dahil purong
emosyon lang ang aking pinapakita. Tulad nga sa sinabing sa parte na “Humanda na siyang
maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya nang matanaw si
Pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok. Naunahan na pala siya” na ito ang sobrang
emosyon na ipinakita ni Kuneho, kaya naman kung sadyang nakikinig kayo malalaman niyo
kaagad na ako'y hindi impostor.

JOYCE: Palakpakan naman natin si Teoryang Romantisismo, at ang Hindi mag papahuli si
Teoryang Moralismo!

MORALISMO (ELI):: Ako ang panghuling ngunit hindi magpapahuli, Moralismo na nagbibigay
aral, ako nga pala si Teoryang Moralismo na nasainyong harapan at lumalaban sa tanghalan na
ito. Ako'y hindi mali tulad ng mga maling tao. Ako'y wag niyo iboto bilang impostor dahil alam
niyo at alam ko na ang bawat mga akda ay may binibigay na mga aral. Tulad nalang sa
nasabing parte na “Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si
pagong sa kanyang
likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki
ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip
muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo”
ito na nagbibigay sa atin ng aral na wag maliitin ang sa tingin natin ay mahina. And I thank you!

JOYCE:Nagyon na napakinggan na natin ang tatlong teorya, bibigyan ko kayo ng 10 seconds


para hulaan kung sino ang impostor. Sino ang totoo, at sino ang impostor? Timer starts now.

(after 10 secs)

JOYCE: Ang sagot niyo ay (sagot ng audience). Black board, please reveal!

(after ma-reveal)

JOYCE: Ang impostor ay…ang Teoryang Imahismo!

Sa nasabing akda, ang Teoryang Imahismo ay hindi bilang dahil ang Teoryang ito ay
nagbibigay lamang ng mga imahe,ang halimbawa nito ay ang “ ang iyong mga mata ay pawang
mga kumikislap na parang mga bituin” ginamitan ito ng ibang salita o hindi pangkaraniwang
mga salita upang maipahayag ang mga saloobin, damdamin at maging ang itsura ang isang
tao.

VII. Announcement of Winner

VIII. Moral Lesson of the Story & OUTRO

Joyce: Sa aming pagtatapos, nais naming pasalamatan kayo sa inyong pakikinig at ipinakitang
kooperasyon.

Dorothy: Umaasa kami na nabigyan ng linaw sa inyo ang kwento ng "Si Pagong at si Kuneho",
at teoryang pampanitikan na kaakibat nito

Elizabeth: Sa aming binahaging partikular na kwentong bayan, isang kalinangan na aral ay


kapupulutan

Aki: Kaya nais naming iwan kayo ng isang aral na hango sa kwento ni Pagong at ni Kuneho.

Ladyhan: Pagiging kampante ay iwasan, maging determinado sa bawat pagkakataon.

Lyra: Sa ating karera, pagpapahalaga sa iyong sarili ang siyang mahalaga.

Vanessa: Di na mahalaga kung gaano kabilis o kabagal ang paglakad mo, progreso ang
marapat na tingnan mo.
Brendon: Di rin importante kung ano ang kaya ng iba, tayo’y binuo na may kanya-kanyang
lakas, kanya-kanyang kahinaan.

Shannen: At nasa sa iyo ang panalo, kung paano ka magpapakatotoo.

Joyce: Muli kami ang ikatlong grupo, na nagbahagi ng kwentong bayan na pinamagatang

All: “Si Pagong at Si Kuneho”

Ang Kuneho at ang Pagong

Del Rosario / Elamparo

Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa


makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak. "Napakaiksi ng
mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At
sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng
Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho.

"Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako
matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan. "Nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka
lamang," wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng
bulubunduking iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok.

Mga Teorya:
1. Teoryang Realismo -“Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal
maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na
nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala
ay hinamon nya ang Kuneho.”
- Sa parte na ‘to makikita natin na si pagong ay naaapi dahil mabagal syang maglakad. Alam
naman natin na sa teoryang realismo ipinaglalaban dito ang katotohanan. Karaniwang
nakapokus ito sa paksang sosyo-politikal, kalayaan at katarungan sa mga naaapi.

2. Teoryang Marksismo - "Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang
katawan ko, hindi mo ako matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan. "Nabibigla ka yata
Pagong, baka mapahiya ka lamang
- Nais ipahayag ng mensahe nito ang pagkasalungat na pagiging mabagal na kaniyang
paglakad ngunit matibay na kaniyang pangangatawan

Erroba / Evangelista

Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong.


Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang
lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito.
Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-
uumpisa ng paligsahan.

"Handa na ba kayo?” Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!".


"Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni Matsing.

Mga Teorya:
1. Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni
Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera.
Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na
matalo niya ito.
- Teoryang Romantisismo
Ang naging emosyon ng mayabang na Kuneho ay labis kaya ito ay maituturing na
teoryang romantisismo.
- Teoryang Naturalismo
Naipakita rito ang kawalan ng katarungan at pangingibabaw ng kayabanagan ni
Kuneho dahil nagpatawag pa talaga siya ng kaibigan para manood sa gagawin nilang
karera.

2. "Handa na ba kayo?” Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na


kami!". "Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni Matsing.
- Teoryang Marxismo
“Handa na kami!” hudyat na tinanggap ni Pagong ang hamon, ito ay sumasagisag sa
kakayahan niyang umangat kahit na alam niyang mabagal ang kaniyang pag-usad.
3. Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni
Pagong
- Teoryang eksistensyalismo
Kakayahan ni kuneho na pumayag sa kagustuhan ni pagong sa paligsahan at nag
tawag pa ito ng mga kaibigan para manood.

Faustino / Francisco

Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-umpisahan. Mabilis na


nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa
paanan ng bundok. Nang lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya
kay pagong.

Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga


nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa
paglakad, walang lingun-lingon.

Mga Teorya:
1.Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na
siya sa paanan ng bundok. Nang lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang
agwat niya kay pagong.
- Teoryang Realismo
● Realismo o katotohanan ito dahil sadyang mabilis kumilos ang mga kuneho
kaysa sa mga pagong.
2. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga
nakapaligid na hayop.
- Teoryang Romantisismo
● labis na pagpapahiya at pangma-maliit ng mga nakapaligid na hayop sa
kakayahan ni Pagong.
3. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang
lingun-lingon.
- Teoryang Eksistensyalismo at Markismo
● sariling desisyon ni Pagong na lumaban at ipagpatuloy ang paglakad sa kabila
ng kaniyang kakayahan na makahabol at ang panunuya ng mga hayop na
nakapaligid sa kaniya. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili at pag-asa na
magpatuloy.

Gallego / Gaspar

Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang


likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa
malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya
niyang maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak
naman siya ng panalo.

Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating


niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at
malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa
marating niya ang hangganan ng kanilang karera.

Mga Teorya:

1. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis,
ipinasya niyang maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal
nakatitiyak naman siya ng panalo.
-Romantisismo
-Sa eksena, maaaring makita ang aspeto ng indibidwalismo sa karakter ni Kuneho na may
malakas na tiwala sa sarili at determinasyon na makamit ang kanyang layunin.

-Arkitaypal Theory
-Sa eksena, maaaring tingnan ang pagkakahawig ng karakter ni Kuneho sa isang
pangunahing arketype tulad ng "Hero" o "Trickster." Siya ay may matibay na tiwala sa sarili at
may tiyak na layunin na gusto niyang makamit.

2.Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa


marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na
natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad
hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera.
-Estrukturalismo
Ang paglakad ni Pagong paakyat sa bundok at ang pagtawid niya sa hangganan ng kanilang
karera ay maaaring magsilbing mga simbolo ng paglalakbay at pagsubok, na maaaring
bigyang-kahulugan sa pamamagitan ng estrukturalistang pagsusuri.

Inso / Legaspi

Nang magising naman si Kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa
din makita si Pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon
na lamang ang gulat niya nang matanaw si Pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok.

Naunahan na pala siya.

Mga Teorya:

1. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang
gulat niya nang matanaw si Pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok.
- Teoryang Romantisismo
- ang pagkagulat ni Kuneho ay nagpapakita ng labis na emosyon

-Teoryang Moralismo-
-nag iiwan ng aral na huwag mang maliit ng kapwa

-Teoryang Eksistensiyalismo
-sapagkat pinili parin mag patuloy ni pagong kahit mabagal ang pag usad nya at pili ni kunrho
na umidlip dahil sa mayroon syang kumyansa sa sarili

Teoryang Marxismo
-nag papakita ng pag bangon at hindi kawalan ng tiwala o hindi mag patuloy dahil sa pinag
patuloy ni pagong ang karera kahit na sa una ay napag iiwanan na sya, makikita rin ang
kalakasan at kahinaan sa mag kabilang panig si kuneho na may kakahayahang makarating
sa ibang lugar ng mabilisan at si pagong na mabagal

Teoryang Sikolohikal
-ang pag iisip ni kuneho ng pagiging panatag, mataas na kompyansa sa sariili, pag iisip ng
mas nakatataas sya kay pagong, at ang pag iisip naman ni pagong na kaya niyang makipag
sabayan at hindi paghinto sa karera.

You might also like