Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

03 March 2023

Week 3- Friday
Two-Sincerity

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2
11:45-12:15
I.Layunin:
Content Standard: Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng kamalayan sa karapatang pantao ng
bata, pagkamasunurin tungo sa kaayusan at kapayapaan ng kapaligiran at ng bansang kinabibilangan.
Performance Standard: Naisasagawa nang buong pagmamalaki ang pagiging mulat sa karapatan na
maaaring tamasahin.
Learning Competency/Objectives: . Nakapagpapakita ng paraan ng pagpapasalamat sa anumang
karapatang tinatamasa

EsP2PPP- IIIa-b–
II. Paksang-Aralin:
A. Paksa: Pagpapasalamat sa Mga Karapatang Tinatamasa
B. Sanggunian: PIVOT 4A Module-p.14-18
PIVOT BOW-pah.196
Edukasyon sa Pagpapakatao 2-p.175-180
C. Mga Kagamitan: Powerpoint/ larawan,tv
D. Subject Integration: Araling Panlipunan
E.Value:Pagkamasunurin

III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pang-araw araw na gawain
Panalangin
Pagsusuri ng pagdalo
Kamustahan

2.Balik-Aral
Punqn ng mga pamamaran na gusto mong gawin upang magpasalamat sa iyong pamilya para sa
karapatang iyong tinatamasa. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

3. Pagganyak
Pagmasdan ang mga larawan at sabihin kung alin sa mga nakalarawan ang iyong tinatamasang
karapatan.
B.Panlinang na Gawain
1.Paglalahad (I do)
Pangkatin sa apat ang klase at gumawa ng isang kuwentong larawan na nagpapahayag ng
pagpapasalamat sa mga karapatang iyong nararanasan. Dugtungan ang unang larawan sa kahon.

2.Ginabayang Pagsasanay(We Do)


Pumili ng isang karapatang nararanasan mo ngayon na gustong-gusto mong ipagpasalamat.
Kumuha ka ng iyong kapartner at ikuwento mo ito.

3.Malayang Pagsasanay(You Do)


Matapos mong ikuwento, gumawa ng isang kard na nagpapahayag ng iyong pasasalamat sa
kanya.
Ano ang iyong naramdaman matapos mong makagawa ng kard?
Dapat bang maging masaya ka sa iyong mga karapatan?
Bakit?

Paglalahat
TANDAAN:
Dapat magpasalamat ka sa iyong mga magulang,
mga kapatid at lahat ng kasapi ng pamilya, at iyong
mga kaibigan. Higit sa lahat, ikaw ay magpasalamat
sa Poong Maykapal na maygawa ng lahat.

IV. Pagtataya

Isulat ang Tama kung ang gawaing isinasaaad sa pangungusap ay nagpapahayag ng pasasalamat at Mali
kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
__________1. Nagpapasalamat kay tatay sa ibinigay na baon.
__________2. Naglaan ng oras para sa pagdarasal sa Diyos bago matulog.
__________3. Pagdabog dahil hindi nabili ang gustong manika.
__________4. Sinimangutan si ate dahil hindi ibinigay o sinunod ang kaniyang gusto.
__________5. Niyakap si nanay dahil nilutuan ka ng paborito mong ulam.

REPLEKSYON:

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
_________

You might also like