3rd PT Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT - FILIPINO 3

Pangalan: _____________________________________ Petsa:_______________


Baitang 3

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa kuwentong binasa. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Ang Mga Halaman ni Sarah


Mahilig mag-alaga ng halaman si Sarah. Tuwing umaga, dinidilig niya ang mga halaman sa kanilang bakuran.
Alagang-alaga niya ang mga ito. Minsan, nawili siya sa paglalaro at nakalimutan niyang diligan ang kanyang mga
halaman . Nakita na lamang niya na tuyong-tuyo na ang mga bulaklak nito. Nalungkot si Sarah sa kanyang nakita.
Mula noon araw-araw na niyang dinidilig ang kanyang mga halaman.
____ 1. Ano ang kinahihiligan ni Sarah?
A. mag- alaga ng hayop
B. mag-alaga ng kapatid
C. mag-alaga ng halaman
____ 2. Bakit natuyo ang mga halaman ni Sarah?
A. nabilad sa araw
B. nakalimutang diligin
C. nasobrahan sa tubig
____ 3. Ano ang ginawa niya at nakalimutan niyang diligan ang kanyang mga halaman?
A. Nawili sa pagkain
B. Nawili sa paglalaro
C. Nawili sap ag-aaral
____ 4. Kung ikaw si Sarah araw-araw mo rin bang didiligan ang iyong mga halaman? Bakit?
A. Opo, para hindi mauhaw
B. Opo, para hindi magutom
C. Opo, para hindi malanta at matuyo
____ 5. Ano ang ginawa ni Sarah para hindi na muling matuyo ang mga halaman niya?
A. Dinidiligan niya ito araw-araw.
B. Dinidiligan niya ito kung kailan niya gusto.
C. Dinidiligan niya ito isang beses sa isang linggo.
Panuto: Bumuo ng tambalang salita. Isulat ang titik ng tamang sagot.

____6. Hating A. kahoy

_____7. Bunga B. tuko

_____8. Takdang C. gabi


_____9. Patay D. aralin

_____10. Kapit E. gutom

Panuto: Piliin ang mga salitang magkatugma, Isulat ang titik ng tamang sagot.

11..

12.

13.

14.
.

15.

Panuto: Basahin ang sumusunod na sanaysay at tukuyin ang paksa ng bawat isa. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa patlang

_____16.

_____17.
_____18.

_____19.

_____20.

Panuto:
Basahing
mabuti ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.
_____21. Kapag pinalitan ang huling tunog ng salitang sobre, ano ang bagong salitang
mabubuo?
A. sobra B. sobri C. subsub
_____22. Kapag pinalitan ang unang pantig ng salitang lukso, ano ang bagong salitang
mabubuo?
A. keso B. lako C. tukso
_____23. Anong pantig ang maaaring idagdag sa unahan ng salitang buklat upang makabuo ng
bagong salita?
A. mu B. nag C. sa

_____24. Kung ang salitang talo ay dadagdagan mo ng tunog o titik sa gitnang bahagi ng salita ,
anong bagong salita ang iyong mabubuo?
A. panalo B. salot C. tatlo
_____25. Ano-anong bagong salita ang mabubuo sa salitang banta kung ito ay dagdagan ng
tunog sa hulihan?
A. bantay at bantas
B. bantog at lusog
C. bintang at luting

Panuto: Basahin ang talata at piliin ang titik ng wastong hinuha sa bawat pangyayari.
_____26. Maagang naulila sa ina ang tatlong magkakapatid. Nasa Ikaanim na Baitang ang
panganay. Palaging malungkot ang kanilang itay. Madalas ay hatinggabi na siya kung
umuwi at lasing pa.
A. Natutuwa ang magkakapatid.
B. Nalulungkot ang magkakapatid.
C. Walang reaksyon ang magkakapatid.

_____27. Bagong lipat sina Mildred sa Maynila. Dala-dala nila ang kaunting perang naiipon.
Nagsimula sila sa pagtitinda ng pagkain sa harapan ng kanilang bahay. Dumarami
ang bumibili sa kanilang tinda araw-araw.
A. Hindi pinapansin ng mga tao ang kanilang paninda.
B. Nagugustuhan ng mga bumibili ang kanilang paninda.
C. Mga dating mamimili lamang ang pumapansin sa kanilang paninda

______28. Tuwing bisperas ng Pasko, palaging pinapatulog nang maaga ni Aling Mely at Mang
Jose ang mga bata. Bago magsipagtulog ay nagsasabit muna sila ng medyas para
sa pamasko ni Santa Claus. Hatinggabi na dumarating si Santa Claus. Ano kaya sa
palagay ninyo ang mangyayari sa kanilang mga medyas?
A. Tatangayin ng kanilang aso.
B. Malalaglag sa sahig ang mga medyas.
C. Lalagyan ng pamaskong handog ni Santa Claus.

_____29. Sa lahat ng mga mag-aaral sa Ikatlong Baitang, namumukod si Bernard dahil siya ay
matalino. Isa sa mga katangian niya ay ang pagiging mahilig mangarap. Dahil mahirap siya, pangarap niya
ang yumaman sa buhay. Madalas niyang sabihin, “Umulan sana ng pera”. Ilang sandali pa ay may narinig
siyang mabibigat na butil na lumagapak sa bubungan. Narinig niya sa mga kapitbahay na umuulan ng mga
salapi. Kumuha agad siya ng batya at palanggana para ipangsahod sa mga salapi. Nagutom siya sa kahahakot
ng pera ngunit wala siyang mabilhan ng pagkain dahil sarado lahat ng mga tindahan. Tinanong niya ang pulis
kung bakit walang nagtitinda. “May pera na kasi sila”, sagot ng pulis. Tinawag siya ng kanyang ina at
niyugyog. Sa palagay ninyo, ano kaya ang nangyari kay Bernard?
A. Natulog at nanaginip.
B. Naglaro buong araw sa paligid.
C. Nakipagkuwentuhan sa kanyang nanay.

_____30. Paano mo mapapatunayan na si Bernard ay mahilig mangarap?


A. Siya ay mabait.
B. Nangangarap siya na umulan ng pera.
C. Gumagawa siya ng paraan upang kumita ng pera.

Panuto: Tukuyin ang pandiwa sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____31. Naglaba sa batis ang magkaibigang Ana at Mabel kahapon.
A. naglaba B. batis C. kahapon
_____32. Lumalangoy ang magkapatid nang biglang lumakas ang alon sa dagat.
A. magkapatid B. lumalangoy C. alon
_____33. Nagwalis si nanay sa bakuran noong nakaraang araw.
A. nanay B. nagwalis C. araw
_____34. Naglaro ang mga bata sa parke.
A. Naglaro B. parke C. bata
_____35. Lumundag ang kuneho sa labas ng bakanteng lote.
A. kuneho B. Lumundag C. lote

Panuto: Tukuyin ang tamang pandiwa na bubuo sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

_____36. Ang Ate ay _______ ng ulam mamayang gabi.


A. nagluto B. magluluto C. nagluluto
_____37. ___________ si Nanay bukas ng umaga .
A. Mamalengke B. Namamalengke C. Namalengke
_____38. _________si Ben sa puno upang makuha ang hinog na bayabas kanina.
A. Lumulundag B. Lulundag C. Lumundag
_____39. Si Carlo ay ___________ samantalang si James ay naglalaro.
A. magwawalis B. nagwawalis C. nagwalis
_____40. ______________ng takdang aralin si James kahapon.
A. Magsasagot B. Nagsasagot C. Sumagot

You might also like