Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the

Philippines
LUNA
COLLEGES
Tayug, Pangasinan

SPEC 117: Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (II)


Gawaing Pagganap Blg. 1 – Huling Termino
Panunuring Pampelikula

Gabay sa Panunuring Pampelikula

Ito ay pagsusuri at/o kritisismo ng isang pelikulang napanood o natanghal,


kung saan ay sinisipat ang bawat elemento ng dula, pagdidirehe, pagganap ng mga
tauhan, mga tagpo, at mensaheng kumintal sa isipan ng manonood. Dito ay
masasabi ang kalakasan at kamalian ng bawat punto, at mairerekomenda ang
nasabing dula o hindi. Nakapaloob din dito ang personal na reaksyon ng mga
manunuri at maaaring isama sa mga detalyeng magpapatibay sa naiwan sa iyong
reakyon.

Hakbang sa pagsulat ng Panunuring Pampelikula

1. Panoorin ang itinakdang pelikulang susuriin. Sundin ang pormat na ibinigay ng


guro
2. Ang pagsulat ay nahahati sa tatlong bahagi: ang Introduksyon, Pagtatalakay,
at Kongklusyon.

Introduksyon

Isulat ang maikling pagpapakilala sa pelikulang susuriin:

➢ Itakda ang pamagat ng pelikulang susuriin sa unang bahagi ng iyong pagsusuri.


➢ Magbigay ng maikling pagsusuri o impresyon ukol sa pelikulang susuriin
(Pangalan ng direktor, prodyuser, taon ng pagsasapubliko, mga aktor, dyanra, at
tema). Pumili ng mga pangunahing punto o tema na nais mong tukuyin.

Pagtatalakay

Simulang suriin at talakayin ang kabuoan ng dula:

1. Pagtukoy sa mga Tauhan: Ibanggit ang mga pangunahing tauhan sa dula


kasama ang kanilang mga pangalang aktor, karakter sa dula, at ang kanilang
ginampanang papel.
2. Paglalarawan ng Tagpuan: Isalaysay ang tagpuan kung saan nagaganap ang
kwento. Ano ang ambience o atmospera ng tagpuan? Ibigay ang mga
mahahalagang detalye ukol dito.
3. Direktor: Banggitin ang pangalan ng direktor, mga kasama niyang production
staff, at mga teknikal na aspeto ng dula tulad ng ilaw, tunog, at disenyo ng set.
4. Pag-uuri sa Dulang Susuriin: Iwasan ang maikli at sobrang teknikal na
deskripsyon. Sa halip, suriin ang mga elemento ng dula gaya ng tema, estilo
ng pagsasalaysay, at kung paano nailahad ang mga pangunahing ideya.
5. Pagpapakita ng Ebidensya: Ilahad ang mga konkretong halimbawa o eksena
mula sa pelikula upang suportahan ang mga pahayag mo sa pagsusuri. 6.
Pagsusuri ng mga Tema: Tukuyin at talakayin ang mga pangunahing tema o
mensahe ng pelikula. Ano ang nais iparating ng manunulat? Paano ito
naipahayag sa pamamagitan ng mga tauhan, tagpuan, at plot?
7. Pagbubuod: Ibigay ang importanteng kaganapan sa buong pelikula nang
komprehensibo ngunit detalyado. Gamitin ang wastong pagsulat ng banghay
(panimula, saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan, at wakas).
8. Reaksyon ng Manonood: Maaaring isama ang mga reaksyon ng manonood
kung may mga datos o feedback na mula sa mga nanood ng pelikula. Ito ay
maaaring magdagdag ng pananaw sa pagsusuri.

Kongklusyon

➢ Buod ng Pagsusuri: Ulitin ang mga pangunahing puntos ng iyong pagsusuri


nang maikli at malinaw.
➢ Pagwawakas: Magbigay ng sariling opinyon o konklusyon hinggil sa dula. Ano
ang iyong personal na reaksyon at pagsusuri? Positibo o negatibo? Bakit? ➢
Rekomendasyon: Kung ang pelikula ay karapat-dapat panoorin o hindi, ipahayag
ito at bigyan ng mga dahilan.
➢ Huling Puna: Maaring magbigay ka ng mga huling komento o insights na
nakuha mo matapos isagawa ang pagsusuri.

Pormat

(Sundin ang pormat na nasa susunod na pahina bilang pabalat ng panunuring


pangdulaan)

Paper size: A4
Font: Arial
Font Size: 12
Space: 1.5
Margin: Normal

Sundin ang
nakahandang
template ng
cover page:
Republic of the
Philippines
LUNA COLLEGES
Tayug, Pangasinan
Panunuring Pampelikula sa

Pelikulang: Heneral Luna

Juan A. Dela Cruz


BSED 3-3 Filipino

Ikalawang Semestre, 2024


Rubriks para sa Panunuring Pampelikula
Pamantayan sa Pagmamarka Puntos

Nilalaman: Ganap na naibigay ang mga datos na hinihingi sa 50


panunuri

Gramatika at Retorika: Nakasusulat nang wasto at maayos 40


na gramtika, at nakapipili akmang salita sa pagsulat ng
pang akademikong sulatin.

Panahon: Naipasa sa takdang oras 10

Kabuoang Puntos 100

Inihanda ni:
Philip Leonard B. Daruca
College Instructor

You might also like