Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

POSISYONG

PAPEL
PILING LARANG
PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
Maisasagawa ang posisyong papel kung may
kakayahang mangatwiran sa desisyon o panig na
napili sa pamamagitan ng katibayan. Mahalagang
ang tanong nangangatwiran ay may sapat na
kaalaman tungkol sa paksang pinangangatwiran.
Kailangang mabatay ang katwiran sa katotohanan
upang ito ay mahikayat at ang mga kaisipan at
Kasanayang binigayan din sa kabuoan ng stalling
ito
POSISYONG PAPEL
Ayon kay Jocson et al. (2005), sa
kanilang aklat na Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik, ang
pangangatwiran ay tinatawag ding
pakikipagtalo o argumentasyon na
maaaring maiugnay sa sumusunod
na mga paliwanag:
01 Ito ay isang sining ng paglalahad ng
mga dahilan upang makabuo ng
isang patunay na tinatanggap ng
nakararami.
02 Ito ay isang uri ng paglalahad na
nagtatakwil sa kamalian upang
maipahayag ang katotohanan.
Ito ay isang paraang ginagamit
03 upang mabigyang-katarungan ang
mga opinyon at maipahayag ang
mga opinyong ito sa iba.
Narito ang mga dapat isaalang-alang para sa isang
mabisang pangangatwiran:

1. Alamin at unawain ang paksang


ipagmamatuwid.
2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang
pagmamatuwid.
3 .Sapat na katwiran at katibayang
makapagpapatunay
4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang
katibayan at katwiran upang
makapanghikayat.
5. Pairalin ang pagsasaalang-alang,
katarungan, at bukás na kaisipan sa
pagpapahayag ng kanilang ilalahad.
6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga
ilalahad na katwiran.
POSISYONG PAPEL
Ang posisyong papel, kagaya ng sang
debate, ay naglalayong maipakita
katotohanan at katibayan ng isang tiyak na
isyung kadalasan ay napapanahon at
nagdudulot ng magkaibang pananaw sa
marami depende sa persepsiyon ng mga ito:
Ang layunin ng posisyong papel ay
mahikayat ang madlang ang
pinaniniwalaan ay katanggap-tanggap at
may katotohanan.
GRACE FLEMING
Ang sumulat ng artikulong "How to
Write an Argumentative Essay" ang
posisyong papel ay ang pagsuporta
sa katotohanan ng isang
kontrobersyal na isyu sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang
usapin para sa iyong posisyon.
Kapag nailatag na ang kaso mahalagang
mapatunayang totoo at katanggap-tanggap ito
sa pamamagitan ng paggamit ng mga
ebedensiyang kinapapalooban ng mga
katotohanan, opinyon ng mga taong may
awtoridad hinggil sa paksa, karanasan at iba
.pang uri ng katibayang magpapatibay sa
posisyong pinanghahawakan
Ayon sa kanya, sa pagsulat ng posisyong
papel, mahalaga ang pagkakaroon ng isang
mahusay at magandang paksa ngunit higit na
mahalaga ng kalayaang makabuo ng isang
kaso o isyu. Maaaring ang paksa ay maging
simple o komplikado ngunit ang iyong
gagawing argumento o pahayag ng tesis ay
nasaang maging matibay, malinaw, at lohikal.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
POSISYONG PAPEL
Ang pagsulat ng posisyong papel ay hindi
lamang sining ng paglalahad ng mga
argumento at pangangatwiran kundi ito rin ay
isang agham na kinapapalooban ng mga
katibayang kinalap sa pamamagitan ng
pananaliksik. Narito ang mga hakbang na
maaaring sundin sa pagsulat ng posisyong
papel.
1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso.
Ang posisyong papel ay kadalasang
naglalaman ng mga paniniwala at
paninindigan ng may-akda.
2. Magsagawa ng panimulang pananalisik
hinggil sa napiling paksa.
Ang pagsasagawa ng panimulang
pananaliksik ay naglalayong malaman
kung may sapat na ebidensiyang
makakalap hinggil sa nasabing paksa.
3.Bumuo ng thesis statement o pahayag ng
tesis.
Ayon kina Pamela C. Constantino at Galileo S.
Zafra (1997) sa kanilang aklat na Kasanayan sa
Komunikasyon II, ang pahayag ng tesis ay
naglalahad ng pangunahin o sentrong ideya ng
posisyong papel na lyong gagawin.
Isa itong matibay na pahayag na naglalahad
ng pinapanigang posisyon o pananaw ng
mananaliksik tungkol sa paksa na handa niyang
patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng
mga datos o ebidensiya.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong
pahayag ng tesis o posisyon.
Ito ay napakahalagang bahagi sa pagsulat
ng posisyong papel. Kailangang mabatid ang
posibleng hamong maaaring harapin sa
gagawing pagdepensa sa yong napiling tesis o
posisyon hinggil sa isyu. Ilatag din ang mga
kahinaan ng pinasusubaliang posisyon sa
pamamagitan ng pag-isa-isa sa mga
argumentong maaaring iharap dito upang
mapagtibay ang kahinaan at kakulangan nito.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga
kakailanganing ebidensiya.
Kapag ganap nang napatunayan na ang
napiling posisyon ay may matibay at malakas
na laban sa pinasusubaliang posisyon ay
maaari nang magsagawa nang mas malalim
na pananaliksik. Maaaring isaalang-alang ang
sumusunod na mga sanggunian sa
pangangalap ng mga katibayan batay sa
kakailanganing impormasyon.
Uri ng sangguniang
Uring Impormasyon maaring gamitin
Panimulang impormasyon at
pangkalahatang kaalaman tungkol Talatinigan, ensayklopedya,
sa paksa at handbooks
Mga pag-aaral hinggil sa Aklat, ulat ng pamahalaan
paksa o isyu
Mapagkakatiwalaang Dyornal na pang-akademiko
artikulo
Napapanahong isyu Pahayagan, magasin

Estadistika Sangay ng pamahalaan at


mga organisasyon
2 URING EBIDENSYANG MAGAGAMIT SA
PANGANGATWIRAN AYON KAY
CONSTANTINO AT ZAFRA (1997)
A. Mga Katunayan (facts)
Ito ay tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na
totoo dahil ang mga katibayan nito ay nakabatay sa
nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama. Ang
kanyang mga pahayag ay magagamit bilang
testimonya o patotoo. Gayunman, tiyaking reliable
mapagkakatiwalaan ang testimonyang gagamitin sa
iyong posisyong papel.
Gayundin, dapat isaisip na hindi lahat
ng itinuturing na katotohanan ay
unibersal at panghabang panahon. Ito
ay maaaring mabago depende sa mga
bagong tuklas na datos o impormasyon
batay sa pag-aaral o pananaliksik
hinggil sa mga nabanggit na
katotohanan kaya maging handa rin sa
pagharap sa mga hamong ito.
B. Mga Opinyon
Ito naman ay tumutukoy sa pananaw ng
mga tao, mga ideyang nakasalig hindi sa
katunayan kundi sa pinapalagay lamang na
totoo. Hindi Ito katunayan kundi pagsusuri o
judgment ng katunayan. Kung gagamiting
ebidensiya ang opinyon sa lyong sulating
papel, kallangang manggaling ito sa taong
may awtoridad na magsalita hinggil sa
Isang isyu o paksa.
Gayunman, ang isang simpleng
mamamayan ay maaari ding masabing nasa
awtoridad na magbigay ng ideya kung ang
pinag-uusapang isyu ay may direkang
kinalaman sa kanyang buhay o
ginagalawang lipunan. Samakatuwid,
mahalagang gamitin ng mananaliksik ang
matalinong pagpapasiya upang makakuha
ng mga opinyong makapagpapatatag sa
kanyang posisyon.
6. Buoin ang balangkas ng
posisyong papel
Bago tuluyang isulat ang
kabuoang siping posisyong papel
ay gumawa muna ng balangkas
para dito. Narito ang pormat na
maaaring gamitin.
I. PANIMULA
a. Ilahad ang paksa.
b. Magbigay ng maikling
paunang paliwanag tungkol sa
paksa at kung bakit mahalaga
itong pag-usapan.
c. Ipakilala ang tesis ng
posisyong papel o ang iyong
stand o posisyon tungkol sa isyu.
PAGSULAT NG PANIMULA,
MAHALAGANG MAUNAWAAN
NA ITO AY MAY DALAWANG
LAYUNIN.
Upang ipakilala ang PAKSA
at ang TESIS nito.
Upang maantig ang interes
ng mga mambabasa nito.
HALIMBAWA
A. Isa sa napapanahong isyung pinag-uusapan
sa lipunan ngayon ay ang Enhanced Basic
Education Act of 2013 o Republic Act
No.10533.
B. Bawat pamilya at mag-aaral na Pilipino sa
kasalukuyan ay labis na naaapektuhan ng
programang ito. Puspusan ang isinasagawang
paghahanda at pagsasanay ng pamahalaan
upang maihanda ang mga paaralan at mga
guro sa maayos na pagpapatupad nito.
C. Mahalagang maihanda ang mga mag-
aaral sa totoong buhay lalo na sa
paglinang sa kanilang mga kasanayang
kakailanganin sa papasuking larangan o
trabaho kayâ mahalagang maipatupad
ang programang ito.
II. PAGLALAHAD NG COUNTERARGUMENT
O MGA ARGUMENTONG TUMUTUTOL O
KUMOKONTRA SA IYONG TESIS
Ilahad ang mga argumentong
tutol sa iyong tesis
Ilahad ang mga kinakailangang
impormasyon para mapasubalian
ang binanggit na
counterargument
II. PAGLALAHAD NG COUNTERARGUMENT
O MGA ARGUMENTONG TUMUTUTOL O
KUMOKONTRA SA IYONG TESIS
Patunayang mali o katotohanan
walang ang mga counterargument na
lyong inilahad
Magbigay ng mga patunay para
mapagtibay ang iyong ginawang
panunuligsa.
III. PAGLALAHAD NG IYONG
POSISYON O PANGANGATWIRAN
TUNGKOL SA ISYU
Ipahayag o ilahad ang unang punto
ng yong posisyon o paliwanag.
Ipahayag o ilahad ang ikalawang
punto ng iyong posisyon o paliwanag.
Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto
ng yong posisyon o paliwanag.
IV. KONGKLUSYON
Ilahad muli ang yong argumento o
tesis.
Magbigay ng mga plano ng gawain o
plan of action na makatutulong sa
pagpapabuting kaso o isyu
HALIMBAWA
MARAMINGSALAMAT!
MGA MIYEMBRO
Aron James N. Monge
Romel Adrian N. Doctor
Stephanie Louise B. Primo
Rex John R. Nening
12 - EINSTEIN

You might also like