Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALIN 1

I. Layunin:
A. Nauunawaan at natutukoy ang iba’t ibang uri ng huni o ingay na ginagawa ng hayop.
B. Nakababasa nang may wastong galaw/hagod na mata mula sa kaliwa, pakanan.
C. Naibibigay ang mga detalyeng sumasagot sa mga tanong.
D. Naisasadula ang mahahalagang pangyayari sa kuwento.

II. Paksang Aralin:

Pagtukoy sa Iba’t ibang Huni ng Hayop

Sanggunian: BEC Pakikinig p. 33, Landas sa Wika at Pagbasa p. 2-6, MG p. 4-7, B.A. 2-8

Kagamitan: Canva Presentation

Pinagsanib na Aralin: Filipino at EKAWP

Pagpapahalaga: Nasasabi ang Kahalagahan ng Alagang Hayop.

III. Pamamaraan:
a. Panimulang Gawain:
i. Balik-Aral:
ii. Pagganyak:
1. Sinu-sino sa inyo ang may alagang hayop? Anu-ano ang inyong alaga
sa bahay?
2. Ipakita ang larawan ng mga hayop sa paligid. Pag-usapan ang
ginagawa ng mga hayop sa tao.
b. Panlinang na Gawain:
1. Sanayin ang mga bata sa mga sumusunod na mga Gawain sa wastong
pagbasa nang malakas.
2. Ipabasa nang malakas ang kuwentong “Ang nawawalang si Kuting” sa
isang mag-aaral bilang huwaran.
3. Ipaulit sa mga bata ang magbahagi ng kuwento na nagsasaad sa
ginagawa ng bawat hayop.
4. Ipauulit sa kanila ang huni/tunog ng bawat hayop
IV. Pangwakas na Gawain:
A. Paglalapat:

Gayahin ang huni o ingay na ginagawa ng mga hayop batay sa nakalahad na mga.

Kalagayan.

1. Aso-nagagalit sa pagdating ng hindi niya kilalang tao


2. Tandang-nanggigising ng tao dahil umaga na, nais niyang ipaalam ito
3. Ibon Masaya, sasayaw-sayaw at kakanta-kanta habang nagpapalipat-lipat sa sanga ng
mga puno.
4. Palaka- Masaya sapagkat maghapon at magdamag na umuulan
V. Pagtataya:

Ipares ang mga huni ng Pangkat 1 sa pinagmulan ng mga ito sa pangkat. Isulat ang mga

Titik sa patlang.

I II

_____ 1. Unga! Unga! a. Baboy

_____ 2. Me-e-e-! Me-e-e-! b. Aso

_____ 3. E-e-e-k! E-e-e-k! c. Baka

_____ 4. Ngiyaw! Ngiyaw! d. Sisiw

_____ 5. Tsip! Tsip! e. Pusa

VI. Takdang Aralin:

Gumupit nang 3 larawan ng alagang hayop at idikit sa kwaderno. Isulat ang huni/ tunog na
tinutukoy nito.

You might also like